NATAPOS na ang aming lunch na tungkol sa business na bake shop at pagpupuri nila sa binake ko. Maging ang mga pinsan nina Jaxon and Jessi ay gustong-gusto ang mga iyon, maging ang mga asawa nila. “Basta, ate Xanthi, kami ang unang makakaalam kung ipu-push mo ang bake shop, ha? Mag-i-invest din kami!” sabi ni Nene sa akin. “Me too! Me too, ate Xanthi! Para umiikot ang perang mayroʼn ako!” nakangiting sabi ni Jasmine. Tinignan ko silang dalawa. Nandito pala kami nakatambay sa living room nila, habang ang parents namin ay nag-uusap, hindi ko nga napansin kung saan sila pumunta. Hindi ko rin makita ang Triplets na Lazaro, maging ang mga asawa nina Nene and Jasmine. Ang mga bata naman ay kasama namin naglalaro sila ngayon ng 'Snake & Ladder'. “Hinahanap mo sila kuya, ate Xanthi? Kasama at k