NAGULAT ako nang lumitaw ang name ni Achilles sa phone ko. Nataranta ako kaya hindi ko nasagot ang tawag niya. Achilles: Xaaaaaanthi! Sagutin mo video call ko! Nagkasalubong ang aking kilay at napangiwi sa kanya. “Wow! Demanding, ha?” ani ko habang nakatingin sa chat niya at nag-appear na naman ang name niya. Sinagot ko na iyon at baka kung ano na naman ang I-chat niya sa akin. “Finally, na-contact na rin kita, Xanthi! Ilang araw kang hindi ma-contact at hindi sumasahot sa mga chat ko! Ano bang nangyari sa iyo, ha?” malakas niyang sabi nang sagutin ko ang tawag niya. Ang OA ni Achilles, two days lang naman kaming hindi nag-usap. Two days din kasing naka-off ang phone ko. “Huwag ka ngang sumigaw, Achilles. Relax ka lang, okay?” sabi ko sa kanya at pinaharap ang phone sa akin, naka-vid