“Namiss ko kayo mga alaga kong manok!” malakas na sabi ko habang pinapanood silang pagkainin ni Gio. “Sanchi, gumaganda ang pagkakaputi ng balahibo niyo, ha? Tama lang iyan, ha? Magpakabusog kayo.” Kinuha ko ang isang manok ko, lahat sila ay pangalan ay Sanchi, hindi ko naman kasi kaya silang bigyan ng name lalo naʼt pare-parehas silang puti ang kulay. “Miss Xanthi...” Napataas ang tingin ko nang marinig ko ang boses ni Gio. “Ano po kasi... Nagulat ako na may lalaking manok na napasama rito, mukhang hindi niyo napansin kaya iyong ibang manok niyong babae buntis po... Magkakaroon ng itlog pagkatapos ng ilang buwan po,” mahinang sabi ni Gio sa akin. Nagulat ako sa sinabi niya. “Lalaking manok? May napahalo?” gulat kong tanong sa kanya. “Yes po, Miss Xanthi. Napansin ko lang po two days ag