JIN POV “Hey, Jix, anong sinabi? Pinapapunta tayo nila mom sa kanila? For what?” Tinitignan ko lamang ang dalawang kapatid kong nag-uusap ngayon, nandito kami sa company na pinasa na nina dad and daddy sa amin, ang Lazaro Technology Corporation. Kami na ang nag-aasikaso ng mga ito maging ang Lazaro University. “I donʼt know, Jim. Basta sinabi lang ni mom sa call niya ay need nating pumunta sa kanila. Sina Jaxon and Jessie ay nandoon na rin, kinuha nila sa bahay nila Jasmine,” sagot ng bugnutin naming kapatid na si Jix. Hindi ko rin siya masisisi sa aming tatlo, siya itong naka-focus sa company na binigay sa amin. Alam naman namin ni Jim na ginagawa niyang lunurin ang sarili niya sa trabaho para hindi maalala si Miya. Fuck, itʼs been six years nang mawala siya sa amin. Until now hindi