NAKATULALA ako pa rin ako pero nakaalis na ako sa meeting na iyon. May celebration this Saturday sa bahay nila tita Jewel. “Argh! Bakit kailangan kong pumunta? Hindi pa naman kami family?” malakas na sabi ko at napahawak ako sa aking buhok. Napatayo ako at lumakad-lakad sa paligid ng office room ko. Alam na kaya ni mom ang tungkol dito? Kung alam na niya, bakit hindi naman niya sasabihin sa akin? Knowing mommy ay gusto niyang fresh kaming haharap sa iba. Napahinto na ako sa paglalakad, nakakahilo rin pala kapag paulit-ulit ang lakad mo. Tumingin ako sa pinto ng office room ko at nagpasya akong lumabas, pupuntahan ko si mommy para itanong ang tungkol dito. Baka pina-prank ako ng Triplets na iyon. “Miss Xanthi!” Nakita ko ang pagtayo ni Jevie nang makita ako. Sinenyasan ko siyang umupo