Re: Subject: Urgent (Mass Project Proposal)
Body of Message:
Ms. Autumn Leaf Larqueza,
This is Architect Reai Narrine Alonzo of Alonzo ArchiTech.
I have received the project proposal for redesigning as represented through the attached files and I'm honored to inform you that Alonzo ArchiTech (a subsidiary of Alonzo Group of Companies) has agreed to fulfill the terms and conditions for a special project.
Should there be any questions, feel free to query through this email address or call 02-998-0123 ext. 01.
We're looking forward to doing business with you.
Sincerely,
Reai Narrine Alonzo
Alonzo ArchiTech, CEO
------
Isang malakas na kabog sa dibdib ang naramdaman ko after I click on the mouse.
Sent.
Bukas siguro or next week, makaka-receive na ako ng response mula sa secretary nila. Hindi ko tuloy alam kung kaba ba 'to o excitement or natatae ako na ewan. Nanginginig kasi ang mga kamay ko at—
"ArchiTech," my short greeting.
Naputol bigla ang mga iniisip ko nang biglang mag-ring 'yong phone. Sa sobrang taranta ko, nakalimutan ko nang pindutin 'yong record button kahit protocol na sa company 'yon para mabalikan namin ang kahit anong conversation, should we feel the need to do it.
"I'm looking for Reai Narrine Alonzo," wika ng babaeng nasa kabilang linya.
I frown, staring at the small digital screen on my hardphone. Special Number? I lean forward on my seat and say, "Speaking. Who is this, please?"
Nakarinig ako ng ingay pero mahina lang 'yon. Parang pinasa no'ng caller ang receiver sa isa pang tao na naroon rin. Bigla akong nakaramdam na naman ng kaba.
'Relax, hindi ka mamu-murder sa phone,' sarkastikong paalala ni Aego.
"Hello?" sabi ko pa.
Biglang naputol ang tawag at kunot-noo kong binaba 'yung phone matapos marinig ang busy line. Who the hell still pranks a call these days?
Sumandal ulit ako sa upuan ko at pumikit. Bigla kong narinig ang familiar 'ping' sa laptop ko, an indication that I've just received a new email.
------
Subject: Name
Body of Message:
Ms. Reai Narrine Alonzo,
Pleasure to meet you, Architect Reai Narrine Alonzo.
Yours,
Atty. Summer Sun Dominique Larqueza,
Dominique-Larqueza LLC, Owner
PS: Nice name.
------
OH MY GOLLYWOW.
Parang tangang inulit-ulit ko pa ang pagbabasa ng message na 'to at wala sa sariling napangiti ako. Siyete, si Sunny ba talaga 'to? No wonder, napaka-seryosong tao niya. She's a lawyer, for heaven's sake. Even in this short message, you'll notice how formal, reserved, and constraint of a person she is. Pero teka lang...
May nabasa akong kalokohan.
Sa bandang dulo.
"Nice name?" hindi makapaniwalang pagbabasa ko.
Unti-unti ay naramdaman kong kusang kumorte ng isang ngiti ang mga labi ko. Pinipigilan ko pa nga kaya malamang ay nagmumukha na akong ewan ngayon. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Ano ba 'tong pesteng nararamdaman kong 'to?
------
Re: Subject: Name
Body of Message:
Ms. Summer Sun Larqueza,
Pleasure's mine, Attorney.
Yours, too,
Reai Narrine Alonzo
Alonzo ArchiTech, CEO
PS: I love your name, too.
------
Sent.
Halong kaba na naman at kung anu-anong pakiramdam ang nararamdaman ko. 'Yung parang natatae na ewan. Nanlalamig na sumandal ako sa upuan ko at naghintay ng reply. Ewan ko kung bakit nakangisi ako pero malakas ang kutob ko na dahil 'to sa exchange of emails namin ni Sunny.
Napatigil lang ako nang bigla na namang mag-ring ang hardphone. Hindi naman ako namimigay ng extension number ko kaya sobrang bihira ang may tumawag sa 'kin dahil gusto ko, filtered lahat ng calls kay Jen.
"ArchiTech," I answer.
"Hi, Miss Alonzo."
OH MY GOSH.
AS IN, OH MY GOSH.
"H-hi. Who's this?"
Kahit alam ko naman na kung sino siya, hindi ko maintindihan kung bakit gusto ko pang marinig 'yon sa kaniya. At ang mas hindi ko maintindihan dito ay kung paanong nakabisado ko na agad ang hilatya ng boses niya sa kakarampot na salitang binanggit niya mula kanina.
"It's me. Sunny," seryosong sagot niya.
Lumakas pa lalo ang kabog sa dibdib ko. Napahawak ako sa bibig ko kasi para akong mapapasigaw na ewan. Pagkatapos kumalma nang bahagya, nagsalita rin ako sa wakas ng... "Oh, hi, Sunny. What can I do for you?"
"I seem to recall a friend of mine saying that I need to go through a certain process to get scheduled. It's such an honor to get directly to you, Miss Alonzo. Where shall I start?"
In this conversation, ang sarap din na pakinggan lang siyang magsalita in her natural American accent. Hindi na ako magtataka kung malaman ko isang araw na may lahing banyaga talaga si Sunny. What I'm not sure of is, if she's part Aussie and part American kasi saan naman niya nahugot ang Filipino descent kung parehas foreigners ang mga magulang niya?
"Being a friend of someone close to my heart, I think it's no longer necessary to get you through that process. And besides, we're already talking. So, how can I help, Sunny?"
'Bilib na 'ko sa 'yo kapag hindi ka pa rin nabulol sa sunod mong sagot,' panunuya ni Aego.
Napakagat ako sa labi ko habang naghihintay. Ang tahimik kasi sa kabilang linya, ewan ko kung nasaan ba siya.
"Can we settle an appointment, then?" sa wakas ay tanong niya.
Napatayo ako dahil do'n. Nanginginig na kinuha ko ang office tablet sa drawer at sinigurong clear window ako, para mai-schedule ko ang appointment na 'to. Nang makitang nabura na lahat ni Jen, napangisi ako sa sarili ko. "Alright. When will you be available?"
'Wow. Kapag sa next answer mo, sounding composed ka pa rin, mag-celebrate tayo mamaya,' panunuya pa ni Aego.
"Today."
What the... AS IN?!
"Or tomorrow, whenever's convenient for you, Miss Alonzo," nonchalant na sagot lang niya na parang akala mo, her answers don't make my heart flutter in a millisecond.
Dug.dug.dug.dug.
Nasapo ko ang dibdib ko. Oh my goodness, bakit ang lakas? Bakit ang lakas-lakas ng t***k? I try to even my breathing but it's impossible. I sit back on my swivel chair, hold my breath, and answer... "Now would be okay, I guess. Where shall I meet you?"
Hindi siya sumagot agad. May narinig akong nagsalita sa background pero hindi ko naintindihan. Parang may inutos si Sunny sa kung sino tapos hindi na nakasagot 'yon.
"I'm still here in Edsa Shangri-La, Manila. Do you want me to meet you halfway? Or I can just simply get to your office, perhaps?"
Ano kaya ang ginagawa niya sa Shang?
'Ano naman ang paki mo?' pambabara ni Aego.
Leche. Ano nga naman ang paki ko? Syempre wala akong paki kahit nasa talahiban pa siya ngayon, 'no. "What are you still doing in Shang?"
OH MY GOSH. JESUS. OMG.
I DID NOT... I DID NOT JUST...
"Business," tipid na sagot niya.
Shemay. Bakit ako nagtanong ng gano'n? Siyete, nakakahiya! Isipin pa niya epal ako sa buhay niya.
"Oh, I see. Let me just get to you instead," sagot ko na lang para kalimutan ang kahihiyang ginawa ko at hindi ko ide-deny na pakiramdam ko, there's a subliminal definition to what I just said. Parang may iba pang ibig sabihin 'yung get to you na sinabi ko. Ano na naman bang kalokohan ang naiisip ko?
Thirty minutes, nagawa kong makarating sa Shang. Sa lobby area ako hihintayin ni Sunny at bago ako bumaba para i-abot sa valet parking attendant ang susi ko, tiningnan ko pa ang sarili ko sa salamin at nag-retouch nang konti.
'Yuck, nagpapaganda,' Aego spits at me.
Hindi naman ako nagpapaganda. Gusto ko lang magmukhang presentable sa kaniya, masama ba?
'Ganoon na rin 'yon. Pa-bebe ka masyado,' sagot naman niya.
I roll my eyes and step out of the car. As I stand inside the lobby, I quickly scan the crowd, feeling every beat of my heart pounding heavier in each breath. Bumalik lang ako sa ulirat when a lady in white uniform approaches me.
"Miss Alonzo?"
Maang na napatingin ako sa kaniya. "Yes," maikling sagot ko.
She smiles. "My name is Sei. Ms. Larqueza is expecting you," sabi nito at iginiya ang kamay niya sa daan papasok.
Here it goes again, my weird habit I recently discovered about myself. She's wearing a white button down dress with a black scarf, hair tied into a neat bun, and killer high heels. The way she talks, and mainly because of her features, too, I can tell na hindi siya Pinay. Probably French or Spanish, I can't tell, but she's damn gorgeous.
'Go ahead and just check girls out, Alonzo,' hirit ni Aego na hindi ko na lang pinansin.
This is not the first time na nakapasok ako sa Shang. Actually, dito nag-celebrate ng anniversary si Dad and my stepmother. Pero ito ang unang beses na nakakaramdam ako ng kakaibang kaba.
We pass through a hallway and a series of designer mirrors. I quickly glance at my reflection. Mabuti na lang, I'm wearing a business suit today because I was expecting a board meeting this morning that I actually ditched just for this ambush appointment. I'm wearing a white long sleeves button-down neatly tucked into a black pencil-cut skirt with a black jacket to top the outfit. Naisip ko rin na ilugay kanina ang wavy brown hair ko, tapos 'yung striking red lipstick na siguradong pagnanasaan ni Sunny.
WHAT THE HELL?!
Kinilabutan ako agad sa naisip ko. Jeez, Rain, what is happening to you?! Tama si Aego, talagang sinadya kong magpaganda.
'At magpa-tangkad,' pag-singit ni Aego na akala ko'y natutulog lang kanina.
Tumingin ako sa black stilettos ko habang naglalakad, nasa three inches or taller 'to. Siguro naman aabot na ako sa height niya kahit papaano.
"This way, please," magiliw na sabi ni Sei.
Nabasa ko ang nakalagay sa taas nito na 'The Heat'. Habang naglalakad ay iginala ko ang paningin ko sa kabuuan ng dining area. There are square, steel tables with variety of cuisine specialties in each set. May colorful lights din sa ilalim nito that are mostly in different shades of purple. Maraming chefs in uniform at bawat staff na dadaan ay hindi ka titingnan sa mukha, palagi silang nakayuko.
I look around and examine the area. It's cozy and classy, just by staring at it reminds me too much of the same ambiance I want to feel everytime I'd visit Devin's coffee shop. Kaya nga more on silver, blue, and black ang theme ng coffee shop ni Devin.
Passing through the sets of tables, sa kabilang dulo, may iilang VIP rooms. Each one is separated with neatly designed hays, mostly in different shades of orange. Sa VIP room na nasa pinaka-dulo kami tumuloy ni Sei.
It's actually a habitual act for me to study my surrounding, lalo na sa ganitong lugar. Inside the VIP room, there are cream comfy couches surrounding a white marble table na adjustable ang height. The orange lantern light just hanging above the table is giving the well-ventilated room a more comfortable ambiance. I'm not a fan of orange, I'm not gonna lie about that. But I think orange is one of the classiest colors sa interior designing.
"Where is she?" tanong ko kay Sei.
Pinaupo niya ako sa isang couch and as if on cue, may humawi ng peach beaded curtain at pumasok ang taong dapat kong kakitain... pero hindi siya nag-iisa.
"I'll let you know if I need anything," sabi ni Sunny.
And it's happening again. 'Yung mabagal na pag-ikot ng mundo, 'yung mabibilis na t***k ng puso ko. She changed her clothes to business attire. She's wearing a black suit, white shirt tucked in her black fitted slacks, with a matching pair of black leather shoes. Naka-pony pa rin ang buhok niya but it's neat. Mas nakaka-intimidate siya ngayon dahil ganito ang itsura niya.
"This is Rain, she's my bestfriend's girlfriend," pakilala ni Sunny. "Rain, this is Kaizer. My friend."
Tumayo ako para makipag-kamay kay Kaizer. Hindi nakaligtas sa mapanuring mga mata ko ang mapanuring mga mata rin niya na tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Naka-fitted dress siya na black, sleeveless, at halos 'di rin umabot kay Sunny 'yung height niya despite the high heels. Naka-clip ang itim na buhok niya sa isang side and she's wearing a sexy shade of violet lipstick.
"Pleasure," tipid na pagbati niya.
"Pleasure's mine," sagot ko naman nang nakangiti.
'Lulutang ka sa baha. Napaka-plastic mo,' panunuya ni Aego.
Sabay-sabay kaming umupo at nag-umpisa na ang awkward atmosphere para sa 'kin. Nag-serve na rin ang waiters ng pagkain at ilang saglit pa ay nagsalita rin sa wakas si Sunny.
"Thank you for making time, Rain," formal na sabi niya.
"No big deal. For a change, I'll personally take care of the project proposal you sent," formal na sabi ko rin.
"That being said, the main offices here in the Philippines are located in different parts of the Metro. I wonder if we can make the project global, too. My co-owners are suggesting that we get a universal design for the rest of our offices and they're stoked to learn that we have the famous in all of Asia to achieve that," paliwanag niya.
Gusto kong mairita na ewan sa pagiging sobrang formal niya. Pero nauunahan pa rin ako ng pagiging intimidating niya bago ako makapag-reklamo. Purely business talk ang nangyari sa 'min habang kumakain at tahimik lang kaming pinagmamasdan ng babaeng nasa tabi niya. Actually naiirita rin ako sa kaniya dahil parang siya 'yung dahilan kung bakit ganito ang takbo ng usapan namin.
Kahit papaano naman ay may nabuo kaming maayos na usapan ni Sunny. Nakakamangha and at the same time nakakaasar 'yung formality niya. She's very composed, alright. You can easily feel that intimidating aura that I've been saying over and over dahil ako mismo, parang OA sa pagka-conscious sa bawat galaw ko habang kaharap siya na ultimo pagsubo ng kutsara, iniisip ko kung masyado bang malaki ang buka ng bunganga ko o tama lang. Pati posture ko sinigurado kong ayos.
Pagkatapos ng halos isa't kalahating oras ng business talk, and I say business talk dahil kulang na lang ay tawagin ko siya sa title niya at tawagin niya ako sa label ko instead of our nicknames sa pagiging formal ng usapan, iniwan namin saglit si Miss Observant Kaizer sa may lobby at hinatid ako ni Sunny sa labas.
"I'm sorry for that," apologetic na sabi niya.
"For what?" pagtataka ko kunwari kahit ang totoo, I already have an idea.
"Kaizer's sudden appearance. You know, I actually cleared my schedule for today because we agreed to an appointment. Unfortunately, she showed up out of nowhere without being invited."
Napalunok ako sa sinabi niya. So it was her who actually made time for me. Sa bagay, I did the same for her. What's the big deal?
'It's Sunny, that's what,' sagot ng epal na si Aego.
"Can you do me a favor?" pag-iiba ko.
Napatingin siya sa 'kin at gamuntik na naman akong mawala sa focus. "If I can, sure," seryosong sagot niya.
"Pwede bang... Pwede bang maging casual naman tayo kapag tayo na lang? I mean, like friends. Masyado kang business-oriented, e. Can you chill?"
Tinitigan muna niya ako bago may sumilay na isang nakakalokong ngiti sa mga labi niya. And I swear, naramdaman kong tumigil ang puso ko. Kung madalas itong kumabog nang malakas sa tuwing malapit siya, ngayon naman ay halos tumigil ito sa isang iglap.
"Alright, Rain. I'll take it easy on you," nakangiting sagot niya.
Napalunok ako habang nakatitig sa kaniya. Shemay, triple pa 'yung ganda niya kapag nakangiti siya nang ganito. Hindi ko tuloy maintindihan ang sarili ko.
"Kailan ka available ulit?" tanong niya.
At leche lang dahil kahit nagta-Tagalog na, ang sarap pa ring pakinggan ng boses niya. "H-ha?"
Kumunot ang noo niya pero biglang nawala 'yon. Na para bang isang malaking kasalanan para sa kaniya ang magpakita ng emosyon sa iba. "Rain, are you okay?"
Tumango naman ako. "Nagulat lang ako. Ako pa 'yung tinatanong mo sa availability ko samantalang obviously, mas busy ka sa 'kin."
"I can make time for my friends. If I have to cancel something for a whole month para sa isang kaibigan, I'd do it," she casually says at walang bahid ng kasinungalingan 'yon sa tono ng pananalita niya.
"O-okay. So... See you tomorrow, then?"
Para siyang nagulat sa sinabi ko. But like I said, isang malaking kasalanan para kay Sunny ang magkaroon ng facial expression kaya bigla na namang bumalik sa pagiging stoic ang mukha niya. "Are you sure it's okay with you?"
I nod. "Anong oras ang convenient sa 'yo?"
"Okay. I set the time and you set the place to be fair. How's that?"
Napa-tango na lang ulit ako. "My apartment," biglang sabi ko nang hindi man lang nag-iisip.
And again, napigilan na naman niya ang kung anong expression na ipapakita sana niya pero napansin ko pa rin 'yon. "Alright. Send me your address and let's rendezvous by lunch."
Dumating na ang valet at kay Sunny niya inabot ang susi. Nanginginig ang kamay na kinuha ko ito sa kaniya nang hindi pinapahalata ang epekto niya.
"Be careful when driving. See you tomorrow," paalam niya sa 'kin pagkatapos niya ako hintaying makasakay.
Pagkadating sa stoplight, binaba ko ulit ang sun visor ng sasakyan at tumingin sa salamin sa loob nito. Slowly, I take in Aego's solemn lecture on me...
'What are you doing? You have to get your head straight. You're investing time on someone else and you're not far from becoming a cheater.'