Hawak-hawak ko ang dibdib ko nang pumasok sa kwarto ni Devin. Ang paalam ko sa kanila, magbibihis lang ako saglit ng pambahay para masabayan sila sa breakfast.
TAKTE, ANG LAKAS NG t***k.
Pagkasara ko ng pinto ay napasandal ako agad sa likod nito. I let out the air I've been holding for too long in a harsh sigh. "What the hell is wrong with you," closed eyes na sermon ko sa sarili ko.
Hindi ko alam kung ano ang nangyari. I was actually expecting myself to feel insecure once I see her dahil ayon sa tsismis ay mala-diyosa sa ganda ang Sunshine ni Devin. I'm surprised to feel something... different.
Nangingig pa ang mga tuhod ko nang maglakad sa closet ni Devin para kumuha ng damit. Habang nagbibihis, tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin at napansing...
NAMUMULA ANG MUKHA KO!
WHAT THE ACTUAL FVCK?!
"Babe, tapos ka na?"
Halos mapatalon ako niyan sa pagkabigla! Takte. "H-ha? S-sandali. Malapit na," sagot ko kay Devin na kumakatok na sa pinto.
"Babe, bilisan mo. Parating na rin si kuya, para makasabay sa 'tin before he sleeps. Alright?"
"Okay," sagot ko at nagmadali nang kumilos.
Paglabas ko sa kwarto, bumaba ako sa living room only to see Sunny sitting in one of the oversized couches. Napa-preno ako sa paglalakad at binalak kong umatras kasi parang kinakabahan akong makasama siya sa iisang room na kami lang.
'At bakit naman?' tila nang-iinsultong panunumbat pa ng imaginary alter-ego ko na si Aego.
It's too late before I realize na napansin na niya pala ako. Those gray eyes bore into my very soul, at tila anumang oras ay handa itong magbagsak ng matinding bagyo. 'Yong kulay ng mga mata niya, parang 'yong kulay ng mga ulap kapag uulan na.
'AND IT'S IRONIC HOW A PAIR OF 'RAIN' CLOUDS CAN BE SO DAMN HOT...' dagdag pa ni Aego na may panunuya.
Siyete, nahihibang na ata ako. Binigyan niya ako ng tipid na ngiti, 'yung isang sulok lang ng labi halos ang umangat, at ako naman, parang nakaramdam ng isang buong zoo sa loob ng sikmura ko.
TAKTE, NATATAE SIGURO TALAGA AKO, 'NO?
"Babe, tapos ka na pala."
Laking pasasalamat kong dumating si Devin para iligtas ako sa kung ano mang disgrasya na nararamdaman ko. Humarap ako sa kaniya at alanganing ngumiti.
Siguro, nagulat din si Devin na okay na 'yong mood ko. Napangiti rin siya. Actually ewan ko rin kung anong nangyari. Napansin ko na lang na naglalakad na si Devin palapit sa 'kin pagkalapag niya ng plates sa table. Yumakap siya. And for the first time in my life...
Nakaramdam ako ng matinding ilang nang halikan niya ako sa harap ng ibang tao.
'ANONG NANGYARI SA SINASABI MONG FRENCH KISS!?' ayan na naman si Aego na nanunumbat.
I've known Devin for too long to say na lagi niyang ginagawa 'yong ganito. I mean, kapag alam niyang nagseselos ako sa ibang babae, hinahalikan niya ako sa harap ng babaeng 'yon to let me and that girl know that he's all mine. Pero parang tangang iniwas ko 'yung mukha ko agad. Instead of a passionate kiss, he ends up giving me just a chaste kiss at sa gilid pa ng labi ko nag-landing ang nguso niya.
"Babe?" pagtataka niya.
"Babe, ano ka ba? Nakakahiya sa bestfriend mo kung maglalandian pa tayo sa harap niya," mahina ngunit mariin na sermon ko sa kaniya nang hindi man lang lumilingon sa direksyon ni Sunny.
Nagtatakang tinititigan ako ni Devin. "Is something wrong?"
Napairap ako at bahagyang lumayo. "'Yang mukha mo lang ang mali. Kumain na nga tayo. Nakakahiya sa bisita. Anong klase kang host?" Lakas loob kong tiningnan si Sunny na poker-faced lang habang nakatingin sa 'kin.
Wait. Bakit siya nakatingin sa 'kin?
"Tara na, miss. Breakfast tayo," nakangiting pag-aya ko.
Takte, bakit ba parang may nagbi-beatbox sa dibdib ko?
Sumulyap din siya saglit kay Devin na parang nagtatanong pero wala man lang expression 'yung mukha. Nagkakaintindihan kaya sila? Parehas silang ganiyan ni Devin, e.
"Uhm... Actually, I have an appointment by 10am. I just... dropped by para ibalik 'yung car ni Dev," paliwanag naman niya habang tumatayo.
Gosh, konti na lang ang difference ng height nila ni Devin. Hindi kaya may built-in wedge 'yang sapatos niya?
Siyete, 'yong boses niya na 'yon. I have a bad feeling that I'll dream about it tonight.
If the circumstances have been different, baka nag-hurnamentado na ako pagkarinig na nasa kaniya pala 'yung sasakyan ni Devin. Pero mas nanaig sa 'kin 'yung disappointment na parang ayaw man lang niya akong makausap.
"I insist," sabi ko kahit nakakahiya mang aminin na parang umiiwas din siya sa gulo. Sigurado naman kasi akong may idea siya sa hatred ko sa kaniya dahil malamang, kinukwento ako sa kaniya ni Devin. Kaya nagtataka siguro silang pareho na iba ang inaakto ko. Actually, ako rin kanina pa naguguluhan.
"Really?" hindi makapaniwalang tanong niya.
Parang ewan na ngumisi at tumangu-tango ako sa kaniya. "Sobrang importante ba niyang lakad mo? Gusto mo, idaan kita sa pupuntahan mo mamaya bago ako pumasok?"
"Babe..."
Napalingon ako kay Devin. Takte, nandito ka nga pala. "Hmm?"
Nakita kong nag-aalangan din si Devin sa offer kong ihatid si Sunny. Tapos naalala kong inis na inis nga pala ako kay Sunny lagi kapag napapag-usapan namin siya kaya siguro iniisip niya na baka awayin ko si Sunny kapag kaming dalawa na lang.
"Gusto mong sumama?" wala sa sariling tanong ko kay Devin.
Literal na napanganga si Devin sa tinanong ko sa kaniya. Kahit ako, hindi ko maintindihan kung bakit parang bulang nawala 'yung inis ko kay Sunny. There's definitely something in her that changed my mind.
Tahimik kaming kumain sa mesa, kasabay na si kuya Darius. Sa Alpha Seat nakaupo si kuya Darius at sa kaliwa niya si Sunny, sa kanan si Devin, at sa kanan ni Devin ay ako. Dahil mahaba ang mesa nila Devin, ang laking space din ang nag-papaalala na minsan may malalaking bagay na napakaliit ng laman.
'What the hell are you saying?' poker-faced na tanong ni Aego.
Ewan ko ba, kung anu-ano na ang naiisip ko. Nate-tense kasi ako at ganito ako kapag kinakabahan o nae-excite. Siguro excited na akong tumae dahil kanina pa ako may kakaibang nararamdaman sa sikmura ko. At parang tangang natawa naman ako sa naisip kong 'to kaya napatingin silang tatlo sa 'kin.
"Babe?" pagtataka ni Devin.
Nawala agad ang ngiti ko nang mapansing tumigil pala sila sa pagkain habang nakatingin sa 'kin. Sumulyap ako sa kanila isa-isa at nang magtama ang mga paningin namin ni Sunny...
Sa isang iglap ay tumigil ang pag-ikot ng mundo.
Dahil nasa kaniya ang buong atensyon ko, napansin ko ang paghigpit ng hawak niya sa steak knife. Kasabay no'n ay may sumungaw na pagkalito sa mga mata niya bago siya mag-iwas ng tingin. Ngayon, kunot-noo siyang nakatitig sa pinggan at hindi ko maiwasang mamangha sa panibagong mukha niya na nasilayan ko.
OH EM GEE.
THIS IS SO NOT GOOD.
'Look away, honey bunch,' may-halong pagbabantang bulong ni Aego.
Pero tila na-hipnotismo na naman na ayokong alisin ang tingin ko sa kaniya. I swallow hard, why do I feel like staring into her eyes is like seeing myself through the windows of her soul? Again, I'm confused.
'Reai Narrine Pascual Alonzo, look away!' puno ng kabang sigaw ni Aego.
I'M TRYING.
"Sir Silver, may tawag po sa inyo."
Kung hindi pa dahil sa maka-mundong boses na 'yon ng kasambahay nila Devin na nagbalik sa 'kin sa reality, baka hindi ko na talaga nagawang umiwas ng tingin. Mabuti na lang din at naagaw ni Charity ang atensyon nilang tatlo dahil sa pagpasok niya.
"Sino daw?" tanong ni kuya Darius.
"Australian relatives, sir. Tinatawagan po kayo kagabi kaso lang nasa trabaho na po kayo," paliwanag ni Charity, ang kasambahay.
"I'll take that call. Thanks, Cha," nakangiting sagot ni kuya Darius at bumaling sa 'min, "Excuse me, guys. I need to take this call."
Namumulang ngumiti na lang si Charity nang tapikin siya ni kuya Darius sa balikat. Sabay na silang naglakad palabas ng dining room.
"Baka parents mo?" tanong ni Devin kay Sunny.
"Alam nilang dito ako unang pupunta, e," sagot naman ni Sunny na may kibit-balikat pa.
"Pero bakit si kuya ang hinanap at hindi ikaw?" tanong ulit ni Devin.
"You know mum. She likes your bro for Lei," naka-ngising sagot ni Sunny.
Siyete, 'yung puso ko.
OMG.
I CAN'T...
OH MY GOD.
'Yung accent niya, sobrang Aussie!
And that smile... That oh-so-fvcking sexy smile...
Gosh, parang babaeng version ni Devin magsalita si Sunny dahil sa accent na 'yan. Ganiyan na ganiyan ang accent ni Devin kapag kausap ang parents niya sa phone.
"Oh, crikey, your mum should think about that. That man is absolutely boring," tumatawang sagot naman ni Devin.
Ayan na. Nag-umpisa na ring gumana ang Aussie tongue ni Devin.
"You're mad as a meat-axe, I'll tell Silver," tumatawa pa ring sagot ni Sunny.
Hindi ko man maintindihan ang iba sa mga sinasabi nila, napapangiti pa rin ako habang kumakain. Namangha ako sa seamless rapport nila ni Devin. Hindi kagaya ng lagi kong ine-expect before I met Sunny, hindi ako nakaramdam ng selos. Actually, nakaramdam ako ng inggit. Inggit kay Devin. It just shows how much of a friend he is na kahit 'yung tahimik na tipo ni Sunny ay napapatawa niya. I realize, wala akong totoong kaibigan. Wala akong kagaya ng kaibigan ni Devin na ganito ka-close, like, pagtutuonan ko ng atensyon lagi or bubuhusan ko ng matinding effort because we're bestfriends. I don't have a bestfriend.
Pagkatapos kumain, tinulungan nilang dalawa si Charity na magligpit at ako naman, dumiretso na sa taas para mag-ready. Napansin ko sa sarili ko na tahimik na ako mula kanina pa at nawala na 'yung mga nasa expectations kong gagawin ko once na makita ko si Sunny.
"9am pa lang naman. Ayos lang ba kung dadaan muna ako sa bahay?" tanong ko kay Sunny through the rear.
Ngumiti siya.
Isang magandang ngiti.
Like, what the hell?
MAY NGITI KAYA SIYANG HINDI MAGANDA?
"Sure, Rain," magiliw na sabi niya.
'Alonzo, 'yung mukha mo. Pakitakpan. Masyado kang nangangamatis sa pula,' iritadong sabi ni Aego kaya napatingin ako sa salamin inside my car's sun visor. Wala sa sariling napabulong ako ng 'Ssshhit' habang minamasdan ang namumula kong mukha.
"Is everything alright, babe?"
Ngiting-ngiti akong lumingon kay Devin na nasa front passenger seat at saka pinaandar ang sasakyan. Get your head straight, Rain!
Hinayaan ko lang na mag-usap 'yung dalawa at ramdam kong sobrang careful ni Devin sa mga sinasagot niya. By 9:50, naihatid na namin si Sunny sa dapat niyang puntahan. Phew!
"Babe, nai-kwento ko nga pala kay Sunny na ikaw ang architect at designer sa latest branch ng DMCoffee Club. And she's impressed, you know. Sabi nga niya, sana daw, gano'n din kagaling ang maging designer ng bahay niya."
Ang lakas talagang mang-uto ni Devin. At tila birds of the same feather flock together ang peg nila ni Sunny sa pang-uuto. This piques my interest. "Talaga? What did you say?"
"I said you're busy," nonchalant na sagot niya.
"What?! Ano ka ba naman, babe? Baka isipin niyang kaibigan mo, nag-iinarte ako," reklamo ko agad. Takte, kailan pa natuto ang lecheng 'to na pangunahan ako?!
Nagtatakang nakatingin sa 'kin si Devin habang nakatigil kami sa stop light. "Babe, ano bang nangyayari sa 'yo? E, coffee nga lang, ayaw mong sumama sa 'min. Ngayon, parang nagagalit ka pa na tinanggihan ko 'yung special request ni best."
Tumahimik na lang ako.
"Ang daya mo, babe. Ako nga pahirapan pa na nagpumilit sa 'yong gawin 'yung sa coffee shop. Tapos kay best ang dali lang," tila nagtatampong pahayag naman ni Devin at imbes na mairita ay natawa pa ako sa itsura niya.
"Siraulo," pabulong na sabi ko habang pinaaandar nang muli ang sasakyan.
"Sabi ko sa kaniya, if she really insists, she has to go through the process. And I gave her the hotline for Alonzo ArchiTech," dagdag pa ni Devin.
I smile to myself after hearing that.
"Jen, can I see a list of the rainchecked proposals for me?"
"S-sure, ma'am," nagmamadaling tugon ni Jen at iniabot na sa 'kin ang mocha frappe na lagi kong hinahanap.
'Boss Alonzo, tinatamad ka na namang maghanap sa software mo,' umiiling na pangungonsensiya ni Aego.
Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad papasok sa opisina ko.
"Ms. Alonzo, ito na po 'yung kopya," pagkalipas ng limang minuto ay pumasok si Jen upang sabihin ito. Dala niya ang office tablet at pinakita sa 'kin ang mga proposals na nakalagay.
"What took you so long?" walang-lingon at walang ganang tanong ko habang binabasa ang mga subject lines. I have my legs crossed and the tablet in one hand while scanning it using the other.
"M-ma'am?"
"I said, what took you so long to get this," I repeat, still with a calm voice.
"N-nahirapan lang akong i-compile lahat, ma'am. Ang dami po kasing pumasok na bagong proposal ngayong umaga."
Napataas ang isang kilay ko. Marami naman talagang pumapasok na proposals sa Alonzo ArchiTech pero usually ay tanghali hanggang gabi ang dating ng mga 'to kasi secretaries na lang din nila ang gumagawa.
"Puro subsidiaries nga po ng Dominique-Larqueza LLC ang dumating sa magkakasunod na oras, as in two hours straight po, at puro major pa, ma'am. Kaya lang full sched po kayo this week at next week naman po ay may business trip kayo sa Singapore," mahabang paliwanag ni Jen.
Na-intriga ako bigla. Binuksan ko ang mga naka-pending na proposals mula sa Dominique-Larqueza LLC. Lahat ay naka-handa nang i-reject kasi marami na ring naunang proposals. First come first served ang prinsipyo ng Projects Department kaya hindi nakakapagtakang mai-cancel ang mga request na 'to dahil 'urgent' ang nasa subject line ng proposal at malamang sa malamang ay hindi namin masusunod ang requested schedule na 'yon.
•Dominique Apparel (The Clothing Line)
•The Oz Boutique (Bespoken Suits, Dresses, Ties, and Scarfs)
•Larqueza Resort (Hotel Reservations and Resort)
•Plaza Dominique (Real Estate and Housing)
•ALL Cars-Aussie Automobile (Luxury Automakers and Autoshop)
•Casino Larqueza (Hotel, Resort and Casino)
•Season Sisters HQ (Organization)
Nakalinya sa malalaking companies at group of companies ang mga special proposals na 'to. Kaya pagkatapos kong palabasin muna si Jen, mabilis akong nag-imbestiga at halos mailuwa ng eye sockets ko ang mga mata ko nang malaman kung sino ang owners ng LLC na 'to...
Autumn Leaf Dominique Larqueza , Owner
Summer Sun Dominique Larqueza , Owner
Winter Snow Dominique Larqueza , Owner
At katabi ng mga pangalan ay photographs ng tatlong nag-gagandahang magkakapatid na descendants ng isang sikat na Aussie automaker at entrepreneur na si Simone Beckham Rineheart. At ang nasa center do'n sa tatlo, kung hindi ko pa tinitigan nang mabuti, ay hindi ko pa makikilala ang sinasabi nilang si Summer Sun Dominique Larqueza...
Which is none other than Sunny herself.
Nagmadali akong pindutin ang '0' sa number pad ng hardphone ko sa desk at agad namang sumagot si Jen.
"Ma'am?"
"I want you to cancel all my pending proposals and scheduled projects this month," walang paliguy-ligoy na sabi ko.
"MA'AM?!"
"And approve all requests from Dominique-Larqueza LLC."