Pero matigas ang ulo na hindi ko pinakinggan si Aego. Last night, I sent Sunny my apartment address and informed Jen of my absence in the office today. Hindi pa kami nag-uusap ni Ren and I'm sure he would not appreciate this news.
Pagkatapos maghanda ng pagkain, I quickly take a shower and lightly powder my face.
'Dapat plates, compass, rulers, t-square, at trace papers ang hinahanda mo. O kaya 'yung mga project presentation. Hindi puro pagpapaganda at pagluluto. Duh, this should be a business-related meeting, not a date,' sermon na naman ni Aego.
Umiling na lang ako. Gusto ko lang namang maging mabait na host sa aking bisita.
'Duh. Pwede naman kasing sa office na lang, inimbitahan pa sa apartment niya,' talagang 'di papatalong sagot ni Aego.
Masyadong mahadera 'tong alter-ego ko. Kung 'di rin naman dahil sa 'kin, wala siya.
'Narinig ko 'yon, gaga. Pinagsasabihan lang kita,' pagdadahilan niya.
Paglabas ko sa kwarto saktong naka-receive na ako ng another formal message from Sunny through text. Buti na lang at naalala kong iwan sa kaniya 'yung calling card ko kahapon bago kami lumabas sa Shang, para makita naman ng kasama niyang tila pinaghihinalaan kami sa kung ano, na business lang ang mayroon kami ni Sunny in common.
I'm at your gate. -SS
Kinabahan ako agad na parang na-excite. Ito na naman ang imaginary tae ko na wala naman kapag nagpupunta ako sa banyo. Ewan ko, hindi naman ako ganito no'n kay Devin kapag alam kong dadating siya. I'm always at my simplest pero ngayon, todo tingin pa ako sa body mirror ng living room to see if I look okay or my wet hair doesn't look too messy.
"Hi," pagbati ko sa kaniya when I open the door.
She's wearing a navyblue poloshirt with a small logo of Sebago on the right chest, white lines around the arms and collar hems. Black jeans na sa tingin ko ay Levi's na naman. And another black suede DC Shoes. Hindi ko alam kung bakit lagi akong nasu-sorpresa sa choice of clothes niya. Ang astig kasi niyang tingnan but a little feminine in a way. Black din ang relo niyang may nakaukit na MK in bronze font. And her long, dark ash blonde, wavy hair is tied in a messy pony.
'You just checked her out again,' says Aego.
I know and I'm not denying it anymore. Mamatay na sinungaling.
"Kumain ka na?" tanong ko habang pinapapasok siya.
Nauna akong maglakad para madala siya hanggang sa dining table. Baka kasi tumanggi siya kapag hindi ko siya dineretso dito. When she doesn't answer, I stop to look back at her. Nahuli kong tinitingnan niya rin ang suot ko and she quickly glances away.
AHA! I KNEW IT.
SHE'S CHECKING ME OUT, TOO...
Ewan ko kung bakit napangisi ako sa thought na 'yon. I'm wearing white short shorts and black sando. Hindi naman masyadong revealing, ayoko ring isipin niyang gusto kong manyakin niya ako kahit babae naman kaming pareho. Gusto ko lang talagang iparating sa kaniya na ayokong maging sobrang pormal siya sa 'kin because I can be a friend. I want to be a friend. Her friend.
"I hope you're hungry," pang-aasar ko pa habang hinahatak ang isang upuan para paupuin siya.
"You cooked all this?" pagtataka niya.
I smile at her. "Yes."
"You cooked a lot. I don't eat too much, Rain."
Obviously, may iniingatan nga namang figure si Sunny. Unang tingin pa lang naman halata nang health conscious ang isang 'to sa payat niyang 'yan. But I don't care. "Consider this a cheat day," nakangiti pa ring sabi ko.
And alas, she eats. Habang nagku-kwentuhan ng kung anu-ano tungkol sa friendship nila ni Devin, hindi ko namamalayan na marami na rin kaming nakain. Napansin niya rin sigurong nakangisi akong pinagmamasdan siya hanggang maubos niya 'yung nilagay ko sa plato niya.
After chugging in a mouthfull of orange juice, huminga siya nang malalim at narinig ko pa siyang nag-burp! Nagtawanan kaming dalawa dahil do'n.
"Oh my gosh, I can't believe you made me eat all that," hindi makapaniwalang sabi niya.
At hindi rin ako makapaniwalang tumatawa siyang ako lang ang kasama niya. Parang marahan na niya akong pinapayagan na makita ang iba pang sides ng personality niya na tinatago niya sa mundo. Hindi ko tuloy napansin na sobra na ang pagkakatitig ko sa kaniya tapos nakangisi pa ako na parang wala sa sarili.
"Why are you staring at me like that?" nakangisi ring tanong niya.
Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa 'king maglakas loob na mas lumapit pa. I lean forward and stare at her. "Because you're such a beautiful view to stare at," walang alinlangan na sagot ko.
"I get that a lot," pilyang sabi niya na may kasama pang kindat!
Na-frustrate ako na ewan sa ginawa niya. Tumayo at lumapit ako lalo hanggang sa halos isang dangkal na lang ang distansiya ng mga mukha namin. Napaatras siya nang konti kaso hindi pa rin nawawala ang pagiging composed, as usual. Pero nang 'di sinasadyang mapakawalan ko ang mainit na hiningang kanina ko pa pala pinipigil, nawala ang ngiti niya. Hindi naalis ang titigan namin at tila nahi-hipnotismo na namang naakit ako sa kagandahan niya.
Napalunok ako when her gaze shifts from staring into my eyes, to my nose, and finally down my lips. Unconsciously, I wet my lips kasi pakiramdam ko, nanunuyo. I immediately notice her discomfort but she doesn't look away. Instead, she closes the distance in between us and our lips almost touch.
ALMOST.
Dahil kung hindi sa malakas na ring ng phone ko, gamuntik nang maglapat ang aming mga labi!
And instead of feeling disgusted about myself for almost kissing this girl who's been the reason of my constant jealousy throughout the years, I feel disappointed na naudlot 'yon. Takte talagang hindi ko na maintindihan ang pakiramdam ko.
Napapikit ako nang mariin and curse inwardly with frustration. She's already looking away, at nakita ko ang pagkalito sa mga mata niya.
"I have to take this call," sabi ko.
Tumayo ako at kinuha ang phone ko sa table. Lumayo lang ako nang konti sa dining table, hindi para itago ang conversation ko with the caller, more like para makaiwas ng tingin kay Sunny because it's such a struggle to look away when she's just in front of me.
"Babe," I greet after picking up.
Minasahe ko ang batok ko habang nakapikit. Hindi ko maintindihan kung anong klaseng kalokohan ang tumatakbo sa isip ko at muntik na rin akong madala.
"Babe, where are you? Ren called me. Hindi ka raw pumasok?"
Siyete. Ito pang isang problema ko, si Devin. Ano na lang ang sasabihin ni Devin kapag nalaman niya 'yung ALMOST na 'yon? Syempre hindi niya naman malalaman kung wala akong sasabihin pero paano kung ang bestfriend niya mismo ang magsabi?
"Nakalimutan kong sabihin sa 'yo, babe..." Sasabihin ko ba na kaya ako hindi pumasok ay para sa special appointment namin ng bestfriend niya? I'm sure he'll come up with even more questions if I say that. "M-medyo masama kasi pakiramdam ko."
'Baka i-burol ka na mamaya niyan, honey bunch. You just cursed, right? Matapos mong sabihin na mamatay na ang sinungaling, ngayon...' mahabang sermon ni madam Aego.
"O, bakit hindi mo sinabi? Gusto mo ba puntahan kita? Uminom ka na ba ng gamot?" pag-aalala ni Devin.
"No, it's okay, babe. Simpleng sakit ng ulo lang siguro 'to," palusot ko. Just let it go, Devin.
"Alright, if you say so. Magpagaling ka, okay? Dahan-dahan lang kasi sa trabaho. Ayokong magkasakit ka."
Natahimik ako. Takte, bakit ba ako nakukonsensiya na ewan? Wala pa nga akong ginagawang kalokohan, shemay.
'Wala pa,' pag-uulit ni Aego sa sinabi ko na tila ine-emphasize pa 'yung salitang 'pa' na parang anytime soon ay may balak din talaga akong gawin 'yon.
"Babe?"
Biglang balik ako sa real world. "Yes, babe. Magpapagaling ako," sabi ko.
"Good girl. Oo nga pala, where were you yesterday? Sabi ng secretary mo, you went out. Saan ka galing?"
Kilala ko 'to si Devin. Malamang sa malamang ay nakabuo na ng hypothesis at conclusion 'to sa isip niya bago pa siya magtanong. "Meeting lang with a new client."
'Liar,' bulong ni Aego.
Technically, Sunny is one of our clients now. Duh.
"Ganoon ba? Sige. Nasaan ka ba? May kasama ka ba diyan?"
Nag-isip ako ulit. If I tell him I'm here, baka bigla siyang dumating. Better safe than sorry, babe. "Sa bahay lang ni Dad. Wala akong kasama."
'WEB OF LIES!' pasigaw na asik ni Aego.
I'm trying my best to shut her down in my head but it's too difficult. My alter-ego is unfortunately always against me.
"Okay. I'll go. Take care, babe. I love you."
Lumingon ako sa likod at nakitang nakaupo pa rin si Sunny habang nagkakalikot sa phone niya. I look away again and whisper, "I love you, too."
Awkward man ang atmosphere nang matapos ang pag-uusap namin ni Devin sa phone, bumalik pa rin ako sa table at nagsimulang iligpit ang mga pinagkainan namin. Tumayo naman si Sunny at tinulungan akong magligpit. Akala niya siguro, hindi ko napapansin 'yung pagiging stiff niya sa tuwing nagdidikit ang mga braso namin.
'So feel na feel mo naman na may epekto ka rin sa kaniya,' giit ni Aego.
Palihim akong sumulyap sa mukha ni Sunny. Dedma lang siya, parang lagi naman. Pagkalagay ko sa sink ng mga pinag-kainan, nagsimula na agad akong mag-hugas ng pinggan at mula sa ilang hakbang na layo ko sa dining room, narinig kong may kausap si Sunny.
"Hey," sabi niya.
Curious as ever, tumigil ako sa ginagawa ko at bumalik sa dining room. Nakatayo si Sunny at nakasandal ang likod sa wall malapit sa water dispenser, one hand in her jeans' pocket and the other holding the phone. Tila nahalata naman niya na nage-eaves drop ako kaya nang-aasar na nilagay niya pa sa speaker mode ang phone niya.
"...and she said she's sick. Nandoon lang naman daw siya sa bahay ng Dad niya. Do you think I should worry?"
OMG SI DEVIN!
Ako ba ang pinag-uusapan nila? Pero teka, bakit naman siya kumukunsulta kay Sunny ng tungkol sa 'kin?! Ang gagong 'yon, pinaghihinalaan ako!
'He has reasons to doubt, actually,' mapanuyang bulong ni Aego.
"I don't think I have enough evidence to say you should worry. But talk to her, best. And whatever she says, it's easier to just trust her unless you have reasons not to," mahinahong sagot naman ni Sunny.
WHAT THE HELL. NGAYON, DALAWA NA KAMING NAGSISINUNGALING KAY DEVIN.
'Mamatay na sinungaling,' pag-uulit ni Aego sa kaninang linya ko.
"You always say that, best. Anyway, I think you're right. Actually, I'm planning to surprise her now. Since may sakit si Rain, let's give her a visit. Samahan mo 'ko para makapag-bonding naman kayo. Busy ka ba?"
Biglang tumingin sa 'kin si Sunny at ako naman, parang tangang naka-tulaley lang sa kaniya. Hindi ko rin kasi alam ang sasabihin ko. At isa pa, kinakabahan ako sa mga pwede niyang masabi.
"Oh, actually, you caught me at a disadvantage, best. I have another meeting in three minutes."
Grabe. Parang hindi mo mahahalata kay Sunny na magkaharap lang kami ngayon at isang malaking kasinungalingan ang pinagsasabi niya. Ganito kaya siya sa iba? Kung sa bagay, abogado siya. Madali sa kaniyang pagtakpan ang isang kasinungalingan.
"Oh, snap. Some other time, perhaps. Audit nga din pala ngayon sa Shaw, I have to be there. Take care, best!" paalam ni Devin.
"You, too. See you around," paalam din ni Sunny habang hindi inaalis ang tingin sa 'kin.
Pagkalagay ng phone sa likod na bulsa ng jeans niya, nakipagtitigan siya sa 'kin na parang hinihingian ako ng paliwanag. But because I'm too stupefied to say anything, binasag na niya ang katahimikan.
"That's the first and last time I'll lie to my bestfriend," tila may halong pagbabanta na pahayag niya.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng dining room. Sumilip pa nga ako at nakita kong umupo siya sa sofa, akala ko kasi aalis na siya bigla dahil do'n. Minadali ko na ang paghuhugas ng pinggan at mabilis kong kinuha ang mga gamit ko sa kwarto para naman may gawin talaga kaming related sa business. Ayoko kasi ng ganitong pakiramdam na parang I'm guilty of something.
Pagdating ko sa living room, nakapikit siya at nakasandal sa backrest ng sofa. Nakaawang din nang konti ang bibig niya. Manipis ang mga labi niya kaya mukha tuloy 'tong maputla unless tititigan mong mabuti. Kakatitig ko, hindi ko napansing ang lapit na ng mukha ko sa kaniya.
Habang nakangisi, nakaisip ako ng kapilyahan at inamoy ang hininga niya.
OH MY GOSH AMOY MARSHMALLOW.
Parang gusto ko tuloy tikman kung lasang marshmallow din.
'What the hell, Alonzo? Are you out of your poop-fed mind?' tarantang pag-pigil ni Aego sa naiisip kong kalokohan.
Tinitigan ko ang mukha niya. May iilang freckles na naka-saboy sa nose bridge niya at kung anong nipis ng labi niya ay ganoon din ang proportional sa nipis ng ilong niyang napaka-tangos. May nunal siya sa leeg. Ang hahaba at ang kakapal din ng mga pilik-mata niya. Naisip ko lang, paanong hindi man lang naging sila ni Devin? E, kung tutuusin, diyosa na nga 'tong pinagpalit niya sa engkantada lang. Kung ako siguro si Devin tapos ganito kaganda ang bestfriend ko, baka hindi na ako tumingin sa ibang babae. Hay naku, nasaan na ba 'yung selos na nararamdaman ko sa 'yo dati, Summer Sun? Ba't biglang nawala? Ba't hindi ko na makapa?
Habang mahimbing pa rin ang pagkakatulog niya, naisipan kong gumawa na naman ng isa pang kalokohan. Kinuha ko 'yung phone ko at nagpunta sa camera application.
Pagkatapos ng maraming facial expressions na ginawa ko sa maraming shots, naisipan kong mag-duck face malapit sa pisngi niya. Kumbaga parang naka-kiss ako kay Sleeping Beauty habang mahimbing ang tulog niya. I close my eyes and after tapping the screen to capture...
Tsup!
Napadilat ako bigla and when I look at her, her eyes are still closed. Sinara ko agad 'yung app at nagpunta sa gallery. Last picture taken, parang sinadyang kuhanan ang isang kissing scene. Napahawak ako sa batok ko kasi parang uminit ako bigla. Siguradong ang pula ko na ngayon.
"Done taking pictures?"
Nanlaki ang mga mata ko't napalingon sa nagsalitang si Sunny. Nakapikit pa rin siya pero biglang ngumisi nang nakakaloko.
OH MY GOSH.
GISING NA KAYA SIYA KANINA PA?
OH MY GOSH WE KISSED!
PERO CHASTE LANG, 'DI BA?!
"I hate being taken a stolen shot. So I figured, maybe there's nothing wrong with posing for the camera," cool na cool lang na pagkakasabi niya.
Nag-unat pa siya ng katawan at aksidenteng nasilip ko pa 'yung toned and sexy stomach niya nang bahagyang umangat ang damit niya. At saka siya dumilat para titigan ako habang nakangisi pa rin at sinalubong ng tila mga ulap na magbabasagsak ng bagyong mga mata niya ang dilat na dilat kong mga mata sa pagkabigla.
"Cat got your tongue, Rainbow?"