O N E

2414 Words
"Babe, matanda na 'yan. Kailangan mo pang sunduin? Wala bang mga magulang 'yan? Wala ba siyang sariling mga paa?" "Babe naman. Napag-usapan na natin 'to, e." Mga five years mahigit na rin. Actually in a month's time, to be exact, six years na kami ni Devin. At sa loob ng six years na 'yon, madalas naming pagtalunan ang best friend niyang si Sunny. Magkabilang-mundo ang peg ng mag-best friend na 'to. Six years ago, bago pa kami magkakilala ni Devin, umalis na si Sunny papunta sa Australia at kahit hindi ko gusto, parang isang requirement ang intindihin kong mabuti ang closeness nila. Almost three hours of his day, dedicated lang dapat kay Sunny. Sa walang sawang video chat nila sa Skype. Dinadahilan pa ni Devin na kesyo nasa trabaho rin lang ako't wala siyang kausap sa pag-gising niya, itinutuon na lang daw niya ang first three hours sa best friend niyang 'Sunshine' of his life. Sun-fvcking-shine. Gusto kong masuka everytime na naririnig ko ang kakornihan na 'yan sa kaniya. And to make things worse, nagkataong Reai Narinne Alonzo ang pangalan ko at nakakatawang 'Rain' naman ang nickname ko. So I'm like, 'sige, siya na maaraw'. Kwento ni Devin, childhood best friends na talaga sila ni Sunny. They even had an agreement na if they reached twenty-five tapos wala pa silang relasyon sa iba, sila na lang ang magpapakasal. Well, sorry na lang because six years ago, I came into the picture. At ngayon, twenty-six na si Devin and their promise was null and void. Pero ayon sa mga barkada ni Devin, ibang klase daw talaga ang closeness ng dalawa. Minsan nga ay nadadatnan pang natutulog ang dalawa sa iisang kama at walang tshirt na suot ang babae but they would always say na walang malisya. Like hell, sino bang tangang maniniwala na walang nangyayari, 'di ba? And that even explains why Devin never had a girlfriend before or why we never had s*x. What if biktima ako ng dalawang taong nahulog sa isa't-isa pero pinaglayo ng pagkakataon? 'Yung mga cliche heroines na ginagawang rebound ng mga hero na hindi pa pala nakaka-move on? Mga taong pinagtagpo at pinaglayo ng tadhana? See? Even in stories, I get paranoid and I have every fvckin' reason to be paranoid. Imagine how life would be kung nandito na ang malanding 'yon all the while. "Baka magbago pa ang isip mo. Ano, ayaw mo ba talagang sumama?" pangungulit pa ni Devin. I roll my eyes at him and scoff. "Bahala ka sa buhay mo." Ba't pa kasi uuwi 'yan?! Leche. "Babe, I can't just abandon my best friend. She never left me when I—" "Oo na, Devin. Enough of this she's-always-there-when-I-need-someone card because it's actually exhausting. Have a safe trip, pakisabi sa best friend mo." Mag-crash landing sana ang sinasakyan niyang eroplano. "Babe naman." Tinalikuran ko na siya at dinampot ang bag ko. Male-late pa ako sa trabaho para lang makipagtalo sa kaniya tungkol sa bagay na 'yan. Kung tutuusin, dapat nga, makaramdam na lang si Sunny na may girlfriend na si Devin at dapat na siyang lumayo. Oo na, ako na nag-iinarte. Pero may dahilan naman, 'di ba? Leche lang. 'Good job, Alonzo,' pangungunsinti ng alter-ego ko na may bahid ng sarcasm. Napaismid na lang ako dahil dito. "Ms. Alonzo, nasa conference room na po si Engr. Alonzo. Kayo na lang ang—" "Alam ko, Jen. Thanks. Just get me a coffee," I command. You see, isang malaking insulto sa 'kin na sinusunod ako ng mga tao rito in a snap tapos sarili kong partner in life, ayaw man lang akong pakinggan sa mga sinasabi ko tungkol sa best friend niya. 'Best friend? Tss! Best friend my foot! Babae niya kamo,' panggagatong pa ng alter-ego ko na mas kinainis ko lang. Minsan nang sinabi sa 'kin ng isang kaibigan ni Devin—na itatago ko na lang sa pangalang 'Grand-fvcking-ma'—na wala akong karapatang pag-layuin ang dalawa, emotionally. Dahil bago pa raw ako dumating sa buhay ni Devin ay si Sunny na ang itinuturing niyang Prinsesa, lalo't lumaki silang madikit sa mga magulang ng isa't-isa. Kaya nga hindi ko napigilan ang mga salita ko. Sabi ko, 'So ano ako? Evil step-monster sa mala-Cinderella na fairytale nila? Pwede ba? Ikaw nga mukhang paa na naipit lang sa imaginary glassed-shoes ni Cinderella.' "Good morning, Ms. Alonzo," bati ng isang empleyado na tinanguan ko lang. "Hey, sis," mapang-asar na pagbati sa 'kin ni Ren nang pumasok ako sa conference. "Sinimulan ko na, ha? Napag-usapan naman na natin 'to kagabi, right?" Sumalampak ako sa swivel chair na katabi lang ng kay Ren. Pang-ilang beses ko na bang narinig 'yang 'napag-usapan na natin' kahit wala naman akong matandaan na napag-usapan? "Obviously, Ren. Go on," walang ganang sabi ko. "As I was saying, Alonzo Group of Companies will be open for Engineering interns next month. My sister already approved of this, too, so 'yung project proposals na lang ang hihintayin..." Blah blah blah. "Kaninong idea ang mas maganda? Ferrer's, or Tan's?" tanong ni Ren nang maiwan kaming dalawa sa room pagkatapos ng conference. "Ren, I'm an Architect and an Interior Designer. If you need help with this decision-making, try to ask the others in your Engineering Department. After all, approval lang naman ang kailangan natin lagi sa isa't-isa, 'di ba?" Sumandal si Ren patalikod sa swivel chair niya. "Rain naman, syempre, iba pa rin ang kumukunsulta sa tunay na matalino. You're a big part of the board. Bakit nga ba bad mood ka na naman? It's the best friend, isn't it?" Pinaalala pa talaga ng inutil na 'to 'yung tungkol do'n. "Don't even start, Ren." "Rain, nasa trabaho tayo. Keep your focus on our business naman. Masyado kang nagpapaapekto diyan, e," panenermon niya. "You wouldn't want me to remind you of Catherine, would you?" With that, he shuts up. At hindi lang 'yan. Sa inis niya ay binagsak niya ang folders ng proposals sa table at lumabas ng conference. Okay, that's a low blow. 'Way to ruin someone else's day, Alonzo,' panenermon ni alter-ego. Or should I call her Aego, for short. Actually, mali nga ang ginawa ko. Pero gustuhin ko mang suyuin ang kakambal kong lalaki na nagtatampo na naman, wala rin ako sa mood para magbait-baitan. Today is the first of the last days of my happy life, thanks sa pesteng Sunny na 'yan. "Babe, nandito lang kami sa coffee shop. She's really eager to meet you. Makakadaan ka ba?" Hapon na nang tumawag si Devin. At talagang ganito pa ang bungad niyang balita. As if namang gusto kong makilala ang babaeng baka sabunutan ko lang rin once na makita ko 'yung closeness nilang sinasabi ng iba. "Actually wala akong oras para sa mga hitad na kagaya niya. Kaya kung tungkol rin lang sa best friend mo ang itatawag mo sa 'kin, 'wag ka nang mag-abala. Ni hindi mo man lang naalalang tanungin kung kumain na ba ako o ano." "Babe naman—" "Best, naalala mo ba 'to? Damn, I was so fvcking ugly!" May narinig akong malamig na boses sa background. Well, obviously, si Sunny na nga 'yon at mukhang nage-enjoy naman sila kahit wala ako. So ano pang gagawin ko do'n? Manunuod ng nakakadiring kalandian nila? Actually, ngayon ko lang narinig ang boses niya. Medyo natigilan nga ako kasi ang lalim, ang layo do'n sa imagination kong boses niya na malandi or whatnot. But the hell I care. Siya pa rin ang hitad na si Sunny. Ang bastos naman niya para kausapin si Devin, e, kita naman niyang may kausap 'yung tao sa phone. "Pakisabi sa best friend mo, hindi ako interesado. I have more important things to do in my life than just bum around." Pagkababa ko ng phone, hindi naman ako mapakali. Parang ayokong isipin kung ano ang mga pwede nilang gawin habang wala ako. Mababaliw lang ako kakabuo ng konsepto ng paghihinala samantalang sila, malayang nagtatawanan sa kung saan mang lupalop sila naroon. 'Selos ka lang,' pang-aasar ni Aego. Oh, jeez, just shut the fvck up. Dumating ako sa bahay nila Devin at nadatnan si kuya Darius na paalis pa lang. Ibig sabihin, wala pa 'yung isa. "O, 'di ka sumama?" Umupo lang ako at iniunat ang mga binti ko. "Wala akong oras sa mga kalandian ni Devin, kuya." Tumawa naman si kuya Darius. Sa totoo lang, maraming nai-in love sa personality ni kuya Darius. Mabait kasi at magalang. Tapos magaling pang makisama sa iba at sobrang mapag-bigay. Magkaibang-magkaiba sila ng personalidad ng kapatid niyang wala pa rin hanggang ngayon. Kinabukasan, nagising na lang ako sa kwarto ni Devin na WALA PA RIN ANG WALANG-HIYA. Kulang na lang ay umusok ang ilong ko sa sobrang asar. Pagtingin ko sa phone ko, wala man lang text o kahit ano ang gago. Don't tell me magkasama silang natulog ng hitad na 'yon? Makita ko lang talaga 'yang babaeng 'yan, I swear ipapakita ko sa kaniya 'yong sweetness namin ni Devin! She'll regret ever seeing me. Kahit 'di nila sabihin, obviously, may gusto ang lecheng 'yan kay Devin at lahat ng ginagawa niya ay puro pagpapapansin lang. Makikipag-French kiss talaga ako kay Devin sa harapan niya to deliver my 'back off, btch' message. 'Don't worry, honey bunch, nag-jack-en-poy lang ang mga 'yon,' tumatawang pang-aasar pa ni Aego. Kaasar ka, Devin! Dapat DEVIL ang pangalan mong demonyo ka! "Babe, good morning!" Nabigla naman ako nang salubungin niya ako pagkalabas ko sa kwarto. Nandito naman pala siya pero iniwan ako sa kama. "Anong oras ka umuwi?" "Madaling araw na. Nahirapan kaming maghanap ni best ng taxi, e. Hindi na kita ginising kasi alam kong maaga ka pang papasok," paliwanag niya. Nagpunas siya ng kamay sa likod niya. Mukhang bagong hugas siya ng kamay. Oh, the irony. Marumi ba ang kamay mo? Lumapit siya at akmang hahalikan ako pero umiwas ako agad. "Saan naman kayo nanggaling? Kung seven pa lang, naisipan niyo nang umuwi, hindi kayo mahihirapang sumakay. At nasaan naman ang kotse mo?" Napa-buntong hininga na lang siya kasi alam niyang away na naman 'to. "Best—I mean, babe, ilang taon rin kaming hindi nagkita ni Sunny. At saka nasa coffee shop lang naman kami." Aba't magkakamali pa ang tarantado sa itatawag niya sa 'kin! "Ayan ang mahirap sa 'yo, Devin Mason," pasigaw na sabi ko. "Alam mong bar sa gabi 'yang coffee shop mo at do'n pa kayo tumambay. Malamang gagabihin kayo! Bakit hindi na lang kayo nagpunta rito?" "Kasi I had a bad feeling na ayaw mo siyang makita, babe." "So you ditched me and spent the whole day with her?" hindi makapaniwalang konklusyon ko. "Babe! Ano ba? Mag-best friend kami ni Sunny and it has been like this even before we met. Kaya please lang, 'wag mo 'kong ilayo sa kaniya because she's sure as hell not asking me to leave you. In fact, gustung-gusto ka nga niya para sa 'kin." Gusto? Pfft! 'Gusto' my arse. 'Wag niyo akong tangahin... OMG. Bakit ako nasasaktan? Ano nga ulit 'yung sinabi niya? Nanahimik lang ako dahil wala naman akong magagawa kaya nagsalita siya ulit na tila ba binabantaan pa ako, "Rain, ayokong mamili sa inyong dalawa. Baka magbago ako kapag may isa sa inyong nawala sa 'kin. You know damn well what I mean. You are both irreplaceable." Huminga siya nang malalim. "'Wag mo 'kong pilitin na pumili, please," pag-uulit niya. "Then don't," kalmadong sabi ko. I give him a resigned smile. "Let me choose for you instead." Hindi ko alam kung bakit may isinasakit pa 'yung pakiramdam ko. Akala ko sagad na sagad na 'yung sakit no'ng sinabi niyang 'wag ko silang paglayuin. Tapos ngayon... "Babe," biglang pang-aamo niya. Umiwas ako at pinahid ang mga luha sa mukha ko gamit ang kwelyo nitong polo na suot ko. Imagine? Nakatulog na lang akong nakasuot pa rin ng pang-trabaho. Hindi man lang niya ako binihisan o ano. "May pasok pa ako. Good morning din, Devin," malamig na sabi ko at naglakad  na para tumungo sa pinto. Talagang binigyang-diin ko 'yang lecheng pangalan niya to demonstrate my fury. "Babe..." Hindi ko siya pinapansin. Naabutan naman niya ang kamay ko at pilit na pinahaharap. Pumapalag pa nga ako, e. Ngunit natigilan ako nang tumunog ang doorbell. "Stay here," mariin na utos ni Devin. Ano ako, aso? Pero sinunod ko rin naman siya. Wala naman akong magagawa, si Devin 'yan, e. Kailan ko ba natiis 'yang hayop na 'yan? Na-stiff ako sa gitna ng living room at hinintay siyang buksan ang gate. Ilang minuto akong naghintay roon at hindi inaalis ang paningin sa pinto. Hindi ko alam kung bakit kinabahan rin ako nang makarinig ng mga yabag papalapit sa bahay. Nang magbukas ang pinto... Pumasok na ata ang sinasabi kong ni minsan ay hindi ko gugustuhing makita buong buhay ko. "This is my girlfriend—Rain," alanganing pagpapakilala ni Devin sa 'kin do'n sa kasama niya. "Babe, this is my best friend—Sunny." OH, s**t. OH, MY GOD. IS THIS A SICK JOKE OR SOMETHING? WHY DOES SHE HAVE TO BE SO DAMN PRETTY? Nawalan ako ng hininga nang mga oras na 'yon. Napatitig ako sa mga mata niyang tila may mapupungay na talukap at mala-cumulunimbus clouds na mga bilog sa gitna. Gray eyes. Sexy fvcking gray eyes. May lahi ba 'to? Mula sa mga mata ay hinagod ko ang kabuuan niya. Strong facial features, tipong unang tingin pa lang, you'd immediately know she's not one to mess with despite the look of innocence on her face. Magandang korte ng kilay na napaka-natural lang, manipis na ilong at labi tapos 'yung nagpa-ganda lalo sa hugis ng mukha niya—cleft chin. Signature gray eyes and sexy cleft chin, for heaven's sake. Ash blonde ang sobra sa ganda at habang buhok niya na naka-pony lang, medyo messy pa nga. Tapos namumula 'yung balat niya siguro dahil sa init ng araw sa labas, ang puti pa naman niya. Naka-simpleng itim na polo shirt lang siya pero may maliit na logo ng La Coste sa right part ng dibdib, dark blue jeans na slim straight cut at itataya ko ang buhay kong Levi's 'yon sa itsura pa lang. Ang ganda ng fitting nito sa kaniya, siguro kasi dahil ang ganda rin ng korte ng katawan niya. No, actually, payat lang siya na OA sa tangkad pero may binabagayan kasi 'yung ganoong katawan and I swear to the seven seas, despite being thin, she's reigning with overwhelming s*x appeal. BAGAY NA BAGAY SA KANIYANG MAGING PAYAT. Tapos black DC Shoes na kamukha ng mga nasa koleksyon ni Devin. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang silver na relo niya na may naka-ukit sa metal brace na MK. Pagkatapos ay tiningnan ko ulit ang mga mata niya. Bakit ganoon? Ibang-iba siya sa imagination ko. And... OH, MY FVCKING DEMIGOD. DID I JUST CHECK HER OUT? DID I REALLY, REALLY JUST CHECK HER OUT?! Inilahad niya ang kaniyang kamay para sa 'kin at napatingin ako rito. She has a pale white hand and long, slim fingers. At tila isang biktima ng budul-budol gang na utu-uto kong tinanggap 'yon habang naginginig ang kamay. Kinakabahan ako at ewan ko rin kung bakit. Ngunit nawala ang kabang 'yon nang maramdaman ko ang mainit na palad niya at napalitan ng ibang pakiramdam. Takte, natatae ba ako? Hinihika? Pakiramdam ko, na-hypnotize niya ako. Lalo na nang mawalan ako ng sasabihin pagkatapos niyang magsalita sa malamig na tinig... "Hi, Rain. Pleased to meet you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD