"Shortcut 'to. Malayo masyado kapag sa main road ang dinaanan natin, e."
I don't mind being lost in this place, if ever. Kung hindi ko nga lang naiisip na mag-aalala sila Devin, e, magpapalipas talaga ako ng mahabang oras dito. Dito kami ni Ice dumaan malapit sa tabi ng lake kung saan naghiwalay na ang kaninang parallel lang sa kalsada at sa part na 'to, may ducks and pigeons nang naghahati sa pagre-relax, both on land and water. "Wait," sabi ko.
Napatigil din sa paglalakad si Ice habang kinukuhanan ko ng picture 'yung magandang paraiso. Nakakamangha lang na may ganitong lugar pala sa totoong buhay. There are green vines hanging loosely from tall trees at saktong-sakto 'yung sinag ng morning light. Mostly green na dito. All shades of green, to be exact. Wala na 'yung mga orange and auburn trees but the same relaxing feeling is here.
"Nandito sila kapag umaga. After lunch, crocs are here and they will have these little birdlings for lunch."
Halos lumuluwa na ang mga mata ko nang mapatingin ako kay Ice. "Seryoso ka ba?"
Bigla naman siyang tumawa nang malakas. Napaka-perky niya talaga, para siyang si Daddy. "You should have seen your face, luv. No, there are no crocs here." Tumatawa pa rin siya at nag-uumpisa na kaming maglakad ulit. Hindi na ako masyadong intimidated sa kaniya which is a good thing. Ang gaan niyang kasama, walang awkward silence. "Our youngest sister is an expert to this field. Zoology and Veterinary, I mean. And Botany, too. She makes it sure that only friendly animals are invited."
Tiningnan ko ulit ang lugar, last look bago kami pumasok sa bagong series ng mga matataas na puno. Nawawala na rin 'yung lake sa paningin ko but these trees and the cool breeze keep the surrounding a real-life paradise. May huni din ng mga ibon, parang akala mo out in the wild ka talaga. Kung gaano kalaki ang lugar na 'to, I don't know. And it's amazing how they are beautifully arranged in a forest.
"Yellow?"
Napalingon ako kay Ice na nagsalita. May hawak pala siyang phone, nandoon kasi sa side na hindi ko nakikita.
"We're going to my place," sabi niya. Bigla niyang nilayo ang phone sa tenga niya na parang sumisigaw 'yung kausap niya. "We're in the middle of the forest."
She places the call on speaker phone with a playful grin. "...you know how you can't even remember your own way to Bree's. Get your @sses back in here!"
My heart almost stops by the sound of Sunny's voice. Ngayon ko lang siya narinig na nagsisigaw, as in parang galit na galit na siya.
"Don't worry, I was just trying to get away from the whole family that time so I pretended I lost my way to my sister's quarter," pabulong na paliwanag ni Ice sa 'kin. Siguro napansin niyang medyo nabahala ako. "We'll be quick, Summer. Stop interrupting, alright? I don't want to lose our way," pananakot pa niya kay Sunny habang tahimik na nagpipigil ng tawa.
"You idiot! Where exactly are you? I'm going to get you, you piece of sh!t."
Lalong lumakas ang tawa ni Ice nang ibaba ni Sunny 'yung phone. Parang sinasadya niya talagang galitin 'yung isa. Gusto ko nga rin makitawa pero naisip kong baka pag-awayan nila 'to. At isa pa, 'yung mga tipo ni Sunny na tatahi-tahimik lang ang matindi magalit. Kinakabahan tuloy ako na ewan.
"Don't be scared. It's funny when she shows that side of her to the world."
Ngumiti na lang ako kay Ice kasi nabasa niya 'yung nasa isip ko. Lately, nagiging easy to read na 'ko dahil nakakakilala ako ng mga taong mas mahirap pang basahin kesa sa 'kin.
"Summer's the most secretive among the four of us. Of all the quarters and houses here, the only doors that are locked are her quarter's and our parents'."
Four? So they have another sister? Or brother?
They call it quarters but I call it house. Sa laki ng bahay ni Sunny, maiisip ko bang quarters lang 'yon? "Why?" I ask.
"I don't know. She has the least things inside but keeps her little things so guarded. May pagka-territorial and selfish kasi 'yang si utol. What's hers is hers alone. Minsan nga kahit 'di kaniya, pinagdadamot niya." Bahagyang napayuko si Ice habang sinasabi 'to pero may pilyang ngiti sa mga labi niya. "Parang 'yung isang nandoon ngayon sa quarters niya."
Kahit pabulong lang ang pagkakasabi niya, nakarating pa rin sa pandinig ko kaya nag-usisa ako. "Sino?"
Maang na napatingin siya sa 'kin na parang akala mo, walang kakaiba sa huling sinabi niya. "Ha?"
Hindi ko napigilan ang pag-ikot ng mga mata ko. "Sino 'yung sabi mo na hindi kay Sunny pero pinagdadamot niya?"
Tumawa na naman siya. "Sinabi ko bang tao? Malay mo, gamit pala tinutukoy ko."
I narrow my eyes at her. "I'm not stupid. Alam kong tao 'yon. So sino?"
Sa pagkabigla ko, kinurot niya ako sa pisngi at halos mapapikit ako sa pino no'n. "Ang cute mo mag-galit-galitan. Para kang 'yung kakilala ko."
Tumawa na naman siya nang malakas habang hinihimas ko 'yung nasaktan kong pisngi. "Ang sakit no'n!" reklamo ko.
"Masyado kang nago-overthink. 'Yung helper niyang si Kathy ang tinutukoy ko. Narinig mo kanina, ayaw niyang mautusan ng iba 'yung helper niya?" tumatawa pa rin na turan niya.
"Whatever," tumatawa na rin na sabi ko na lang. Hinayaan ko nang lumipas ang usapan na 'yon kasi alam ko namang hindi niya rin sasabihin. Sigurado naman akong hindi 'yung helper ang tinutukoy niya at dalawang tao lang naman ang nandoon.
'Alangan namang si Lola. Syempre si Devin 'yon. Sabi ko na nga ba, everything that Sunny makes you feel is all distraction!' sermon ni Aego.
But I doubt it. I have an ugly feeling that Lola is a possible answer, too. I would rather na tama ka, Aego.
"Hindi ba nananakit ang mga paa mo diyan?" puna ni Ice sa suot kong wedges, distracting my ugly thoughts.
"Hindi naman. Kapag nag-flats ako baka mag-mukha na akong hobbit sa mga height niyo," sagot ko naman.
"Nasa gubat pa naman tayo. Mamaya madapa ka sa isang sangang nakausli diyan tapos ganiyan ang suot mo. Lalo kang hindi tatangkad niyan."
And just as she says this, I trip on my foot. May isang buhay na bato akong natapakan and I'm out of balance in a split second. Napapikit ako kasi naramdaman ko agad 'yung kirot sa may bandang ankle ko.
"See?" tumatawang sabi ni Ice at sa pagkamangha ko, magkalapit na ang mga mukha namin. At saka ko napansing nasalo niya pala ako bago pa ako mahulog. Nakayakap siya sa katawan ko, parang akala mo kasasayaw lang namin ng tango. My back is just about an arm away from the ground but she has her arms around to catch me and keep us for a short while to that awkward position.
Naramdaman ko agad ang pamumula ng mukha ko. "Sorry," lang ang nasabi ko at hinintay siyang itayo ako.
Pero hindi niya agad ginawa. Instead, she smiles salaciously and pulls me closer. "Anytime you fall," makahulugang bulong niya. Her breath smells of fresh mint and it's all over my face that I can almost taste it.
Nang hindi ako makapagsalita, itinayo na niya ako pero nandoon pa rin ang nakakalokong ngiti niya. Na-stiff ako sa ginawa niya. Sa sobrang lapit niya sa 'kin, naaamoy ko na tuloy siya and she smells like honey. Hindi ko alam kung kinikilig ako o kinakabahan because she's weird. Ang mas weird pa, nagtanggal siya ng flipflops niya.
"Take those off. Wear these instead," she says.
Literal na napanganga ako. "And how about you?"
She shrugs. "I'm used to this," sabi niya naman, pertaining to her bare feet.
Wala rin naman akong magagawa dahil tinatapik-tapik pa niya 'yung mga paa ko habang pinipilit akong tanggalin 'yong wedges ko. She holds my hand para alalayan ako habang tinatanggal 'to, giving me a victorious smile nang isuot ko 'yung tsinelas niyang malaki sa 'kin.
Bitbit niya 'yung wedges ko by their heel straps hooked onto her index and middle fingers, tapos nakasukbit sa likod, bandang balikat niya. She starts walking all cool and comfortable na parang wala lang sa kaniya 'yung lupa dito na nilalakaran niya habang naka-paa. Napailing ako habang nakangiti. Kung hindi siya babae iisipin kong type niya ako. Masyado siyang gentle.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makakita ulit kami ng lake na may maliit na foot bridge patawid sa...
"Oh my gosh!" hindi ko napigilang sabihin sa pagkamangha.
Sa kabila ng lake, may mga matataas na puno with colorful strips sa mismong branches at body nito. Nakahanay nang maganda 'yung mga puno by row. Magkakasama sa iisang row 'yung mga puno na may strip patches that are mostly red, mostly blue, mostly green, and all sorts of colors. Bawat puno, halu-halo ang kulay pero may distinction ang bawat isa. Kumbaga sa isang row, nangingibabaw ang red tapos sa isa naman, nangingibabaw 'yung blue. Manghang-mangha na napalingon ako kay Ice na parang sa 'kin naman namamangha habang nakangiti at nakatitig sa 'kin. Lalo siyang tumangkad sa paningin ko, dahil siguro lalo akong lumiit.
"If not for Devin, I swear I would have kissed you by now."
Saglit akong na-shock sa sinabi niya. I know I should feel disgusted. Or offended, even. Bukod sa parehas kaming babae, parang pinarating niyang kapag hinalikan niya ako, it's her kiss and I will not have an objection, whatsoever. Pero pakiramdam ko, na-flatter pa ako sa sinabi niya. Like the thought of me, attracting a girl is a sexy daydreaming. Something is definitely wrong with me.
"Kapag nakita mo na sa gitna ng green forest na 'to 'yung part na makulay, it means you're almost close to my quarter," she says, staring ahead. "This is my Rainbow Paradise."
Hindi ako pumalag nang hawakan niya ako sa kamay at hinatak na para dumaan sa foot bridge. Habang papalapit kami, nakaramdam ako ng malamig na simoy ng hangin sa mukha ko. Napasinghap ako, ang bango na lalo sa part na 'to ng rainforest nila. Pagkababa namin mula sa bridge, tumigil kami sandali at lalong lumamig ang hangin. Napapikit ako nang bahagya at dinama 'yon. Amoy mint na may honey, it's an addictive combination. It feels like the place represents Ice herself. Lalo na nang makarating kami sa gitna ng mga makukulay na puno at tumambad sa 'min ang isang two-storey house na kasing kulay ng mga punong 'to but most part of it blue.
"That's my quarter. Medyo camouflage," apologetic na sabi niya. Napahawak pa siya sa batok niya na parang akala mo naman hindi maganda 'yung bahay niya.
"It looks... playful," nasabi ko bigla.
"Well, it's just like me, then."
Pagpasok sa bahay niya, natanaw ko 'yung kabilang part kasi open na 'to with just the glassed walls to separate her house from the outside of the forest. Sinama niya ako sa taas para makita ko raw 'yung view. Napagtanto ko na likod pala ang pinto na pinanggalingan namin and her house is facing away from the bridge, parang sa bahay ni Sunny kung saan dumaan kami ni Devin mula sa likod na pinto. Sa bandang gilid, may isang itim na FWD at isang blue naman na kotse. At mukhang mamahalin din 'yung kotse niyang 'yon. Nakita kong may nilagay na siyang mga gamit sa FWD niya sabay thumbs up pa sa 'kin.
"Ready na. Tara," nakangising sabi niya nang lumabas ako para puntahan siya. Natanggal na 'yung mga lupang kumapit sa paa niya kanina, nakasuot na siya ng white flipflops.
"Holy fvck! Is this Bentley?" puna ko nang malapitan ko nang makita ang kotse niya. Sh!t, is this even allowed in the Philippines?!
"Ah, oo," nonchalant na sagot niya. "Mas astig pa rin 'yung Lamborg ni Summer, ano ka ba? Kung hindi lang orange 'yon baka pinagpalit ko na 'tong si Ben Affleck ko, e."
Her car has a name. Oh my gosh. Wait... "May Lamborghini si Sunny? As in the actual Lamborghini?!"
"Uhm... Yes?" alanganing sagot niya. Siguro nagtataka siyang hindi ko alam ang tungkol do'n samantalang best friend 'yon ng boyfriend ko.
Binuksan niya ang driver's seat ng FWD at nilagay ang phone malapit sa braker handle. "Hindi ko pa nakikita, e," pagdadahilan ko.
"Here are your things, my lady."
Napalingon ako bigla sa babaeng nagsalita. Finally, someone just as short of a height as I am, but still with those foreign skin and hair color. She's wearing a uniform that matches the one Kathy has, except that this one's blue. "Good. You're coming with us," sabi naman ni Ice, smiling at her. Nakakatuwa nga kasi pinag-buksan niya ako ng pinto sa FWD niya tapos pinag-buksan din niya 'yung helper niya. 'Di gaya ng ibang mayayamang kilala ko na kulang na lang pati paghinga nila, i-utos sa maids.
'Look who's talking,' Aego scoffs.
Ako naman kasi, medyo lumaki akong matapobre dahil na rin sa Mommy kong napaka-arte. Mabuti na lang din at naghiwalay sila ni Dad tapos 'tong Daddy ko nakapag-asawa ng mabait at medyo naihabol pa ang pagtuturo sa 'min ng magandang asal. Ren was just as bossy as I was, sa totoo lang. But now, hindi na kami ganoon kalala kaya nakikita ko na ang diperensya ng kabaitan nila Sunny at Ice do'n sa ibang mayayaman pagdating sa maids.
Habang paalis pa lang kami, nag-ring 'yung phone ko at nakitang naka-register ang pangalan ni Sunny sa screen.
"Hello?" alanganing sagot ko.
"Hi, Rain. Where are you?"
Pakiramdam ko, lumamig ang buong katawan ko. Laging ganito ang epekto ng boses ni Sunny sa 'kin sa tuwing naririnig ko siya sa phone o sa personal. Pero syempre, hindi naman ako magpapahalata na may ganitong epekto siya sa 'kin. "Paalis na kami. Galing kami sa bahay ni Winter Snow."
Saglit siyang nanahimik sa kabilang linya. "Can you ask her which way you're gonna take? I'll meet you halfway."
"Which way are we taking?" I ask Ice, covering the mouthpiece.
"Tell her we're taking the Green Road."
"We're taking the Green Road," sabi ko naman kay Sunny.
"Okay. Keep track of your way. And, oh, can you turn on your GPS?"
"Why would you track me?" pagtataka ko naman.
"Because that idiot is surely not going to take the Green Road, and there are like five other ways to get back here."
I steal a glimpse at Ice who's suppressing her grin. Mukhang alam na niya ang sinasabi ni Sunny. I shake my head, smiling. "Okay, I will."
"This is so exciting," banat naman ni Ice while starting the engine.
I unlock my phone to turn the GPS on.
"Is that your only phone?" Ice asks.
I nod at her, confused. "Ito lang ang dala ko."
She gives me another playful smirk tapos may pinindot siya sa ibabaw ng rearview mirror niya. "Good luck, my dear sister," narinig kong bulong ni Ice.
"Ugh! Snaps. Bakit biglang nawalan ng signal?"
Lumingon ako kay Ice at nakitang nakangisi pa rin siya. "I just turned on the anti-tracking protection of my FWD, luv. I'm sorry to say that she can't track you anymore until you get out of this car."
Napanganga ako. Like seriously, is that even a legal technology?
"This FWD is designed by our eldest sister; Autumn Leaf. I have a feeling you'll meet her later on."
Ayan. Na-pressure na naman ako. Sinong diyosa na naman ang makikilala ko? Talagang Season Sisters sila kung tawagin, dahil siguro sa mga pangalan nila.
So, I've met Summer, Winter, and soon to meet Autumn. Who's the other one?