"You've been gone for an hour and a half, Ice. What the hell?"
Nanahimik lang ako habang nanunuod sa dalawang magkapatid. Ang isa, ang lakas mang-asar tapos 'yung isa naman, napakadaling maasar.
"I'm sorry, mate. Just chill. See?" Nilapit pa 'ko ni Ice sa kaniya nang bahagya. "She's still in one piece."
"You know that her boyfriend is waiting back here. Where the hell have you been?"
Naibaba na ni Ice at ng helper niya lahat ng nilagay niya kanina sa 4WD dito sa lawn ni Sunny. Grabe, nakakatakot pala 'yung aura niya kapag galit. Halos kararating lang namin, inaway na agad niya 'yung sister niya just for taking me away.
"Rain, I told you to turn your GPS on."
Pati ako ata, madadamay rin. Napatingin tuloy ako kay Ice.
"Ugh! You blocked her from the satellite, didn't you?" tanong niya kay Ice.
"Correction, I protected her." Tumigil si Ice sa ginagawa niya. "Why are you overreacting, anyway? It's not like I'd harass her or something. She isn't even your girlfriend to start with. Nasaan na ba si Devin?"
'She isn't even your girlfriend'? Teka...
Oo nga naman. Nakarating na kami't lahat, hindi ko man lang naisip na hanapin 'yung boyfriend ko.
"Mason is at Dad's, he'll be back in ten. And you," sabay baling niya sa 'kin, "...you're coming with me."
I just follow her steps around the two-storey quarters hanggang makarating kami sa car garage, sa gilid. Naka-casual pants na si Sunny ngayon at fitted na shirt, ang komportable niyang tingnan. Nang tumigil kami sa paglalakad, I see another 4WD, identical to Ice's, na naka-park and...
"HOLY MACKEREL! IS THAT A LAMBORG?!" I squeal out of surprise as I stare at an orange Lamborghini, next to the black 4WD.
'Kasya na sa bunganga mo. Mahiya ka kahit konti,' paalala ni Aego.
Ngayon ko lang naalala 'yung sinabi ni Ice kanina. May orange Lamborg daw si Sunny and this is exactly what I'm seeing right now. A sexy, orange Lamborg.
"You like orange so much, don't you?"
"Get in," seryosong sabi lang niya matapos buksan ang passenger door ng 4WD. Hindi man lang pinansin ang sinabi ko.
Napairap ako pero sinunod ko pa rin ang sinabi niya. Pag-upo ko, halos mag-dent 'yung pinto ng sasakyan sa lakas ng pagkakabagsak niya ng sara. I gape, following her movements with my eyes as she walks around to get into the driver's seat.
"Do you mind explaining?" hindi ko na rin napigilang sabihin. Medyo tumaas na rin ang boses ko ng ilang octaves.
Nanatili siyang focused sa pagmamaneho niya. Palabas kami sa forest. Main road na ata 'to kasi mas malawak 'yung daan. "I don't owe you anything," malamig na sabi niya. But then again, kailan ba nagkaroon ng emosyon ang mga salita niya? Lagi naman siyang ganiyan. Sa ikli ng panahon na nagkakasama kami, ganiyan na siya.
Napaikot ulit ang mga mata ko. "Bakit ka ba ganiyan?"
"Seatbelt."
"You're unbelievable." I fasten my seatbelt and face her back. "What is wrong with you?"
"Nothing."
"Nothing? Hindi mo 'ko tine-text kagabi. Hindi ka nagparamdam buong umaga, gising ka naman pala. Tapos iniiwasan mo pa ako kanina. Akala mo ba hindi ko nahalata? I know there's something wrong."
"You don't know. You assume."
"Hindi ako naga-assume, Summer Sun. One minute, iniiwasan mo 'ko. No'ng ako 'yung umiwas sa 'yo, bigla kang nagka-ganiyan. Ano bang problema mo?"
Huminga siya nang malalim. "I can't believe my best friend has been enduring this for six years."
"Excuse me?"
"What exactly do you want to hear from me, Rain?"
"I wanna know what's going on!"
Marahas niyang itinigil ang sasakyan sa isang gilid at halos masubsob ang mukha ko sa dashboard. Bago pa ako makapagsalita, naunahan na niya ako.
"I can't talk while driving. Now, what do you want to talk about?"
Sa sobrang inis ko, tinanggal ko 'yung seatbelt ko at akmang bababa. "Open the damned door, please."
"And where do you think you're going?"
"Kahit saan basta malayo sa 'yo," walang lingon na sabi ko.
"Sigurado ka?"
"YES, I AM SURE!"
Tinanggal naman niya 'yung safety auto lock ng sasakyan niya kaya bumaba na ako. Jesus. What am I gonna do now? I'm literally in the middle of nowhere. Saan ba ako pupunta? Babalik? Move forward? Grrr!
'Spell S-H-U-N-G-A,' tumatawa-tawa pang sabi ni Aego.
Too late. I can't back down on my words now so I walk forward. Bahala na. Buti na lang at suot ko 'yong flip flops ni Ice, it's a bit easier to walk.
Mga five minutes na. Naglalakad pa rin ako. Hindi man lang ba ako hinahanap ni Devin? Nasaan ba kasi siya? What the hell? Bakit ba ako nandito? Nakakaasar!
About ten minutes. Tumigil ako sandali. Alam ko naman sa sarili kong pagod pa ako sa nilakad namin ni Ice kanina kaya medyo nananakit na paa ko ngayon.
"Pagod ka na?"
Napalingon ako sa likuran ko para lang umirap.
"You can keep on rolling your eyes at me but that doesn't change the fact that you made a stupid decision by getting off of that car."
"Whatever." Naglakad na ulit ako para lang makaiwas sa kaniya.
Pero dahil conscious na ako sa presence niya, naramdaman kong sumunod siya. "Stop being so stubborn. Mapapagod lang tayong pareho," she says.
"Right. Like I asked you to follow."
"Just because you didn't ask me to follow doesn't mean you wouldn't need for me to."
Hindi ako nagsalita. Paninindigan ko 'yung galit ko. I'm hungry and tired and a little sleepy. It doesn't help that I'm still walking right at this very moment in an unfamiliar place.
"Fine. Let me know if you ever change your mind. I'm going back," narinig kong sabi ni Sunny sa likuran ko.
Fvck it. I'm screwed. Sa oras na pabayaan niya ako rito I would need to walk my way out of this place na sa natatanaw ko ay malayo pa ang dulo. Bahala na talaga.
Sa inis ko, lumihis ako. Sa mga puno sa bandang gilid ako nagpunta. Pinasok ko 'yung forest. Bahala silang maghanap sa 'kin, ililigaw ko na lang ang sarili ko. Another five minutes ang lumipas at nagtagumpay akong iligaw ang sarili ko sa gubat ng mga Larqueza.
'Great. Something you're finally good at,' panunuya ni Aego.
Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad. The trees are in all shades of green kaya parang hindi na rin ako masyadong natatakot kasi ang ganda naman ng kapaligiran ko. Sa bandang dulo nito, nakita kong parang may malawak na lawn na naman pero may mataas na fence. Habang papalapit, na-realize kong Tennis grounds pala ang tinitingnan ko. Sa kanila pa rin kaya 'to? I mean, I know I'm angry and all, pero wala sa plano ko ang mag-trespass sa property ng iba.
Lalapit na sana ako kasi may nakita akong dalawang babae na magkausap pero biglang may nagtakip ng bunganga ko.
"You wouldn't want my sisters to meet you the wrong way."
Hindi dahil sa nakatakip ang bunganga ko kaya ako nanahimik. Pinagsamang lamig ng boses niya, bango ng presensiya niya, at lambot ng kamay niya ang nagpatahimik sa 'kin. Napapikit ako bigla. Kahit hindi ko tingnan, alam ko namang si Sunny 'to.
"Slowly. Let's get back. I'm taking my hand off. Okay?" mahina lang ang boses niya. Pero sa kabila ng malamig na kapaligiran, ramdam na ramdam ko naman 'yung init ng hininga niya malapit sa tenga ko kung saan siya bumubulong. Napalunok ako bigla. Nang tumango ako, marahan niyang tinanggal ang kamay niya.
"I understand how you hold on to your ego so much. For chrissakes, I've heard a lot about you everytime I talk to Devin on Skype," halos pabulong pa rin na sabi niya. Nakatalikod pa rin ako. "I don't want you to feel bad about your decision of walking away kaya ipagpalagay na lang natin na pinipilit kita ngayon na bumalik na. Is that fair enough, Reai Narrine?"
Tumango ako. Kasi sa totoo lang, hindi ko na rin naman alam ang gagawin ko.
Tahimik kami habang nasa sasakyan. Lumabas kami sa lugar na 'yon hanggang makarating sa gasoline station. Hindi na niya ako pinababa dahil may kailangan lang daw siyang bilhin sa convenience store.
Pagbalik namin ni Sunny sa quarters niya, may mga nakahandang pagkain. Puro ihaw-ihaw. Halos malaglag naman ang mga mata ko nang makitang nakasuot na lang ng white bikini top 'tong si Ice habang nakaupo sa blue colored satin sheet na nakalatag sa bermuda grass.
"Beers, mate!" sigaw niya sa kapatid niya sabay angat ng isang kamay niyang may hawak na beer-in-can. Beer? In the morning?
"Stay here," sabi ni Sunny sa 'kin.
Umupo ako sa tabi ni Ice at inabutan niya ako ng malamig na beer mula sa cooler box. Ewan ko kung pwede na bang uminom nito kahit wala pang laman ang tiyan ko.
"Kumain ka muna kung gusto mo," sabi ni Ice sabay abot sa 'kin ng sandwich. Seriously? Sandwiches and beers?
"Uhm... Sino mas matanda sa inyo ni Sunny?" naisipan kong itanong habang kumakain.
Naubos na ata niya 'yung hawak niyang beer. Nilapag niya ito katabi ng... OMG, nakakawalong cans na siya, saglit lang kaming nawala?! "You guess," sabi niya.
"I really don't know. I mean, parehas kasi kayong baby face so I couldn't tell."
Napangisi naman siya. "She's a year older. From Lei, which is by the way our eldest, puro isang taon lang or greater ang age gaps namin. Lei is twenty-six, Summer is twenty-five, I'm twenty-four, and Bree is twenty-three. We were all born in the seasons we're named after."
Wow. As in wow. Ang galing namang humulma ng mga magulang nila at sakto sa timing 'yung mga birth dates?!
"How about you? How young are you?"
Napangisi rin ako. Lokong 'to. "Twenty-four."
"Oh, cool. We're of the same age. Though I'd be turning twenty-five this year. Naghahabulan kasi 'yung age gap namin ni Summer, plus the fact that I was a month underdue. Ayon."
"Hey," pagbati ni Sunny sabay upo sa tabi ko. Naka-bikini top na naman siya na black tapos 'yung micro mini shorts niya. Ba't ba kailangan nilang mag-expose ng katawan ngayon? Ang lamig naman dito pero umiinit tuloy dahil sa itsura nila.
Inabutun ni Ice si Sunny ng beer. Makalipas ang ilang minuto, dumating na sa wakas si Devin habang nagpaparamihan ata ng iniinom na beer 'tong dalawang kasama ko.
"Hey," bati ko sa kaniya.
Medyo pilit ang ngiti ni Devin at nilingon lang siya saglit ni Sunny. He kisses my cheek. "Alis na tayo?"
Hindi pa ako nakakasagot, naunahan na ako ni Ice magsalita. "What's the rush?"
Ano kayang nangyayari dito kay Devin? Ba't biglang hindi siya mapakali? Sigurado namang hindi 'to dahil sa mga suot no'ng dalawa. "May problema ba?" hindi ko napigilang tanungin.
"May laro kasi silang magkakapatid ngayon so I figured it might get you bored. I know you're not into sports."
Napataas ang kilay ko pero hindi ako nakasagot. Buti, nagsalita ulit si Ice. "What? Tennis is not just sports, mate. It's one helluvan entertainment. I'm sure Rain's gonna be interested. Won't you?" baling niya sa 'kin.
Ngumiti ako kay Ice. Halatang ayaw niya akong paalisin. "I would love to watch."
"Oh, goodness," narinig kong sabi ni Sunny. Akala ko, reaksyon niya 'yon sa sagot ko. Napalingon ako sa direksyon na tinitingnan niya at nakita ang tatlong matatangkad na babae palapit sa pwesto namin. "Who invited her?" poker-faced na tanong niya kay Ice.
Nakatingin din si Ice sa kanila. "Holy fvck. I did not. Go ask Lola," wala sa sariling sagot ni Ice habang nakatingin pa rin do'n sa mga babae.
Tinitigan kong mabuti 'yung tatlong babae. One of them is Lola. The other one is unfamiliar, pero siguradong isa siya sa nakita ko sa Tennis grounds kanina. Sa kanila siguro talaga 'yon at malamang do'n nanggaling ang mga 'to kasi nakasuot sila ng panlaro at may bitbit na mga case ng raketa. The unfamilar girl na nasa gitna is the tallest among them with the same ash blonde hair that looks exactly like Sunny's. Mas mahaba nga lang ang buhok ni Sunny sa kaniya.
The other girl has black hair and seems oddly familiar kaya medyo naningkit ang mga mata ko. She's short of height, too, kung itatabi sa dalawa. When she takes off her glasses, that's when I finally realize who she is.
Kaizer. What the hell is she doing here?
"What's up, mate?" bati ni Ice do'n sa nasa gitnang babae.
May quick handshake sila, first kay Ice then Sunny, tapos inabutan siya ni Ice ng beer na ininom naman niya agad. Hindi ko tuloy napigilang hangaan ang katawan niya habang nakatayo siya sa harapan ko. I mean, come on. Mas matangkad pa siya kay Lola. Tapos super balingkinitan. Nakikini-kinita ko nang kapatid nila Sunny 'to sa itsura pa lang. Kasing tangkad ata niya si Sunny. Maybe even taller.
'Stop staring,' sermon ni Aego.
Pero hindi ko mapigilan. Sh!t.
"Oh, by the way, Rain, this is Lei. Our sister. Lei, this is Devin's girlfriend," pakilala ni Ice.
Binaba niya ang can na hawak niya at nagtanggal ng salamin. Napalunok ako bigla.
Oh. My. Gosh. May blue eyes din siya. No, not just blue. Her eyes are bursting with gray, blue, and green. Lamang 'yung blue, and they're almost glowing from my point of view.
Para siyang pinaghalong beauty ni Sunny at Ice pero more sophisticated version. Ang nakakaasar lang, tiningnan niya lang ako mula ulo hanggang paa sabay deadma. Uminom ulit siya.
"What time do you plan to start?"
Sabi na. Pati boses at accent, Larqueza na Larqueza. Siya pala si Lei. Or mas kilala ng media bilang si Autumn Leaf Larqueza. At mukhang masungit ang isang 'to.
"Er, by arvo?" si Ice.
Takte talaga 'yung mga accent nila. Kasing gaganda nila. Arvo, I think, means afternoon. Madalas ko kasing marinig kay Devin.
"You look familiar," sabi bigla ni Kaizer habang nakatingin sa 'kin.
Napalingon ako agad kay Sunny.
PATAY AKO NITO.
Nakilala nga pala namin ang isa't-isa through Sunny and that appointment was never known to Devin's knowledge.
Sh!t. Rain, say something!
'Mahuli sana ni Devin ang mga kasinungalingan mo,' pang-aasar pa ni Aego.
"Hey. Come here. I need to show you something," biglang sabi ni Sunny habang tumatayo at hinawakan si Kaizer sa kamay.
Kahit natutuwa akong bigla niyang iniwas si Kaizer sa pagtatanong, I still don't understand why that simple hand holding sent a small squeeze in my chest.
'Kilabutan ka, Alonzo,' panunuya ni Aego.
"See you later then, mate," paalam na ni Lei pagkalapag ng can sa tabi ni Ice.
Umupo si Lola sa tabi ni Ice at kumapit sa braso niya. Ba't ganoon? Wala 'yung kagaya no'ng asar na naramdaman ko kanina habang magka-holding hands si Sunny at Kaizer.
"Nagkabalikan na ba sila?"
Marahas akong napalingon kay Devin na naghihintay sa sagot ni Ice.
Nagkabalikan?
"You mean Kaizer and Sunny?" natawa bigla si Ice. "You tell me. Kayo laging magkausap, e."
WHAT?! EX NI SUNNY SI KAIZER?!
"Nah. She's probably just playing around with Kaizer. Sometimes she does that to her exes," si Devin.
Natanga ako bigla. Ano 'yon? Of them is a lesbian?!
"Exactly," sabi ni Ice sabay abot ng beer kay Devin. Nag-cheers pa sila.
"Kaizer and Lei are close friends. Or at least the closest to Lei next to Silver. Sunny just compromised the rules of sisterhood when she became in a relationship with her," sabi bigla ni Lola.
"Perhaps this time they're just making it casual," sabi naman ni Ice sabay tingin kay Lola. "Like what you had with my sister, right?"
Oh, my gosh. What is going on? If I'm getting it right; and Kaizer is really Sunny's ex; and Ice is talking about making it casual like the way I'm thinking; then it's possible that right now, as they get into Sunny's house, they are doing that thing. The same thing that Lola did with one of Ice's sisters. Si Sunny din ba ang tinutukoy niya? If it is, then what am I supposed to do with that information?
What. The. Hell.