"Summer, do you have an appointment again today, mate? We've not had our—Hey..."
Naputol ang tension sa pagitan namin ng mahaderang si grand-fvcking-ma nang may dumating pang isa. Napatigil siya sa sinasabi niya nang mapansin kami. Napatingin ito sa 'kin, as in mula ulo hanggang paa, at walang halong kaartehan sa tingin na 'yon unlike sa paraan ng tingin ni Kaizer sa 'kin some time ago. Ibang tingin 'to. Tumatangu-tango pa siya habang minamasdan ako, naka-smirk at nakataas ang isang kilay.
Hindi ko napigilang pagmasdan din siya. Lately talaga nagiging habit ko na 'yung parang tangang hinahagod ng tingin ang kabuuan ng kahit sino. Lalo't 'yung mga ganitong ang chickas tingnan. Naka-white maong shorts siya tapos blue checkered button down na nakatali 'yung hems sa may itaas ng belly button. May piercing siya do'n and it's effin' hot despite her cool aura. Magkasing-tangkad sila halos ni Lola or mas matangkad siya, and I'm definitely certain na nasa five foot eight silang pareho or taller. Her coffee blonde hair is tied into a sexy messy bun, and she's wearing a pair of blue flipflops.
"Hey, Queen Elsa. How's it going?" Devin interrupts.
Tinanggal niya ang sunglasses niya to glare at him and—Oh my!
She has an icy pair of blue eyes!
"Fvck you, Mason," tumatawang sagot niya kay Devin at muling tumingin sa 'kin. "You have a name, sugar?"
Napalingon ako saglit kay Devin. "I missed you, too," sagot niya pa na hindi man lang pinansin ang pagtatanong sa 'kin no'ng tinatawag niyang Queen Elsa. Takteng 'yan, wala bang pure Pinoy dito maliban sa 'kin?
"Don't worry, I don't bite, sugar. Unless you ask," dagdag pa niya in that sexy Aussie accent.
Malulunod ako sa ganda ng mga slang nito. At ang nakakaasar pa, pakiramdam ko, pulang-pula ako sa sinabi niya.
"This is my girlfriend, you flirt," tumatawa ding sabi ni Devin. "Babe, meet Winter Snow, the Queen of Arandelle. Elsa, this is my girlfriend—Rain."
Winter Snow? As in the 'Winter Snow' na kapatid ni 'Summer Sun'? My ghaad! Lahi ng mga diyosa!
"Jesus, Mason. It's too much for my fancy name," naiiling na sagot sa kaniya ni Winter Snow habang naglalakad palapit sa 'min. "Hello, Rain," bati niya sabay abot ng kamay sa 'kin. "Call me anything but the full name," tumatawang sabi niya habang papunta na sa isa pang couch. What a strangely beautiful name. "So, how long have you, two, been together?"
"We've bee—"
"Why would I bother getting here late at night when I have to go immediately by morning? Ice, why are you even asking if I have an... appoint... ment..."
THERE SHE GOES AGAIN.
MAKING MY HEART SKIP A BEAT LIKE SHE OWNS IT.
MAKING MY BREATH HITCH AS IF SHE'S THE AIR I BREATHE.
AND MAKING MY WORLD STOP LIKE SHE HAS THE RIGHT TO.
Napatigil si Devin sa pakikipag-usap kay Winter Snow kasabay ng mahigpit kong paghawak sa kamay niya nang biglang naglakad 'tong nagsasalitang si Sunny pababa sa glassed staircase niya. Gulat na gulat siyang makita kami rito, alam ko 'yan, pero kagaya nga ng sabi ko, being expressive is a crime for Sunny kaya na-suppress niya agad 'yung look of surprise. Though bumagal ang lakad niya, mabilis naman niyang binalot ang sarili niya gamit ang—OH MY GOD.
GOOD HEAVENS.
She's wearing black maong shorts, as in super ikli. What's more surprising? Naka-lugay ang buhok niya with messy but sexy strips of braids. What's even more surprising? She's wearing a black bikini top.
A bikini top.
Oh my gosh, my virgin eyes.
Hindi ito ang unang beses kong makakita niyan. But the fact that I'm seeing Sunny exposed, parang... parang...
I can't believe I'm saying this pero parang na-turn on ako.
And at the same freaking time, gusto ko siyang takpan kasi may lalaki dito! Buti na lang at naisip niyang ibalot sa sarili niya 'yung hawak niyang maong na oversized jacket, though hindi niya pa rin sinara sa harap at inside out pa ata ang pagkakasuot niya.
"What are you doing here?" tanong niya na SA 'KIN nakatingin.
Hello? Si Devin po ang nagdala sa 'kin dito. "Visiting you," nakangiting sagot ko na dedma lang kunwari pero sa totoo lang, nabo-bother ako. Nakakaasar lang dahil hindi ko naman maalis ang tingin ko sa kaniya.
Ang haba at ang kinis ng mga legs niya, para siyang mag-rarampa sa catwalk. Nakakagigil, nakaka-frustrate. Minsan naiisip ko, sinasadya ni Sunny na i-frustrate ako by being enigmatic but now, seeing yet another side, alam kong matinding confusion na 'to.
First time kong makita na nakalugay ang buhok niya. To be honest, nagmukha siyang modelo lalo sa paningin ko. Everything is just as perfect, mula sa mga matang tila magbabagsak ng bagyo hanggang sa maninipis na mga labi na siguradong may tinatago na namang marshmallow factory sa loob. Her face is framed with shiny and loose flocks of ash blonde strips. Pakiramdam ko nga, nagpapa-cute siya sa 'kin but that's simply how her normal impassive face looks like. Kahit sa imagination ko, para pa rin siyang nasa isang sexy photo shoot.
"Too bad I need to leave in five minutes," biglang sabi niya na pumutol sa daydreaming ko.
"What? No, don't leave," pagmamaktol naman ni Winter Snow habang nginunguso si Lola na busy sa pagkalikot ng phone. Wait. What the hell is going on here?
"Best naman, ngayon ka lang umuwi, aalis agad?"
Umiling si Sunny. "It's important," iwas-tinging dahilan niya.
"Galit ka ba?" Tumayo na si Devin at lumapit sa kaniya. Niyakap niya si Sunny and I don't understand why I have to look away. "Sorry na kung tungkol pa rin 'to sa pag-iwan ko sa inyo kagabi. Sabi ko naman sa 'yo, pupunta kami ni Rain ngayon to make it up to you. Bakit hindi ka pa nag-cancel ng appointment?"
Nang tumingin ako muli sa kanila, nakayakap pa rin si Devin sa kaniya pero...
Pero nakatingin sa 'kin si Sunny.
Hindi ko mabasa ang iniisip niya, kagaya ng madalas. Kung ano man ang dahilan para magalit siya kay Devin, bakit pati ako hindi niya man lang naalalang i-text kanina pag-gising niya?
'Wow, feeling special ka, Alonzo,' Aego snaps sarcastically at me.
"I have to prepare now, best. It's an important appointment," pagpapaalam niya habang tinatapik si Devin para bumitaw na.
"On a Saturday? Suck up, mate. You're not going anywhere," pinal na sabi naman ni Winter Snow.
Teka, anong nangyari? Umiiwas ba siya kay Devin? O sa 'kin? Pero bakit naman?
"Maybe it's too important that she really needs to go, babe," sabi ko kay Devin at napatingin naman silang lahat sa 'kin.
"Right. At least someone understands," sabi ni Sunny habang naglalakad na para umakyat ulit sa taas.
"That's why we'll give her a ride to her destination," nakangising dagdag ko habang tumatayo na rin.
Napatigil si Sunny sa paglalakad. Napakunot naman ang noo ni Devin at tiningnan ako. Nginitian ko lang siya.
"No need. I have my own car," nakatalikod na sabi ni Sunny.
Napa-scoff ako at naglakad hanggang sa paanan ng hagdanan. "Come on. As a courtesy to your best friend who woke me up all too early just to see you."
"On the second thought, I think I'll just stay here," biglang sabi ni Sunny sabay muling lumingon para pilit na ngumiti sa 'min.
"Yay! Thanks, best," tuwang-tuwa na sabi naman ni Devin na humabol pa sa steps ni Sunny at niyakap muli ang best friend niya.
Ngingiti-ngiti lang ako dito pero sa loob-loob ko, nagtataka na 'ko kung bakit ang weird niya. And I just confirmed it's about me. Bakit niya ba ako iniiwasan?
"Si Rain lang naman pala ang makagkapag-pa-stay sa 'yo, e."
Nanlalaki ang mga matang napasulyap ako kay Winter Snow. My gosh, parang musika sa tenga ang mga boses nila. Marunong pala siyang mag-Tagalog? Parehas sila ni Sunny na hindi ko inaakalang marunong niyan.
"Kathy, can you prep the grill so we can have a barbie?" biglang sabi ni Winter Snow. Siguro 'yung maid 'yon kasi do'n siya nakatingin sa direksyon ni maiden in orange.
"As you wi—"
"No, Kathy," pag-putol naman ni Sunny sa sasabihin ni Kathy. "Ice, quit ordering around in my quarter. She's exhausted. Prep the barbie yourself or call your helper," sabi naman niya kay Winter Snow. Jesus, that accent.
Ice? Hmm.
"Nah, my quarter is like an island away from here. I'll do it myself," nakangiti pa ring sagot ni Winter Snow.
"Can I help?" I volunteer.
'Well that's better than killing yourself in this palpable tension,' Aego murmurs.
Ngiting-ngiti naman si Winter Snow na lumapit pa para hatakin ako sa kamay. "I so love this day," narinig kong sabi niya habang naglalakad kami palabas do'n sa pinto na pinanggalingan nila ni Lola.
First time ata na may humawak na babae sa kamay ko and it feels heart-fluttering. Hindi ko maipaliwanag. It's as if the same tension I'd feel if a man holds my hand is the same tension I feel right now. Medyo naging mas conscious din ako. Iniisip ko kung magaspang ba kamay ko, pasmado, or what. Pero kay Winter Snow, para bang normal lang na gawin ang ganito. Ang confident niya sa mga kilos niya at ang daling mabasa no'n, kahit sa pagsasalita niya, obvious na napaka-laid back niyang tao. Malayung-malayo sa kapatid niyang si Summer Sun. Si Summer Sun na sobrang transparent na nga pero wala ka pa ring makikita. Tipong what you see is what you get na kung ano lang ang ibigay niyang detalye tungkol sa sarili niya, that's all there is to it.
'Pwede bang tigilan mo ang kakaisip sa kaniya?' panunuya ni Aego.
Ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa present. Nakakahiya naman sa magandang binibini na kasama ko kung wala sa kaniya ang focus ko.
There's a large lawn with bermuda grass na hindi mo aakalaing tutubo rin pala sa ganitong lugar. And I'm finally seeing a lone, cemented road, like a walkway towards somewhere at sinubukan kong tanawin ang dulo but it's too far, papasok pa sa isa pang magandang forest. The pathway is towards our west. Sa dulo ng bermuda grass, on our northway, may lake pa rin na sa tingin ko ay katuloy no'ng do'n sa pinanggalingan namin ni Devin kanina. Ibig sabihin, nakapaikot 'yung lake dito sa kinatatayuan ng bahay ni Sunny and it's parallel to the road.
"Shiznick," pabulong na sabi ni Winter Snow habang tumitingin sa paligid. "I don't know where her things are. Okay lang ba kung pupunta tayo sa place ko?"
Naalala ko 'yung sinabi niya kaninang her quarter is like an island away from here kaya napaisip ako.
"Don't worry, we'll drive on our way back," pangungumbinsi niya pa.
There's something in this girl. The way she holds my stare is different from the way that Devin does it. Hindi ko maintindihan kung bakit naikumpara ko 'yon. Sincere din naman si Devin when it comes to eye contact pero the three of them—Winter Snow, Devin Mason, and Summer Sun—do it differently in the strangest ways. Something must be wrong with me.
"I get that a lot," nakangising pagpuputol niya sa iniisip ko tapos dinampian ng daliri niya, very light lang, 'yung pisngi ko. Hindi ko maintindihan kung ba't bigla akong kinabahan sa ginawa niyang 'yon. No, hindi kinabahan. More like... nakiliti? Parang ganoon.
"Alam kong masarap akong tingnan," confident na sabi pa niya habang nakangisi pa rin nang nakakaloko. "But I need your answer now so we can start with our task."
"Devin will be looking for me," simpleng sagot ko at hindi nagpahalatang medyo nai-intimidate din ako sa confidence niya.
"He knows you're with me."
"He didn't know we'd be leaving."
"What could go wrong in a forest?"
"I don't know."
Natawa siya sa sagot ko. Actually nakakatawa naman talaga dahil para akong tanga. And I'm well aware na magkahawak-kamay pa rin kami lalo na nang humigpit ang hawak niya.
"What could go wrong?" pag-uulit niya. "Just trust me. I won't let the world harm you."
At habang nakatingin ako sa malalamig na kulay ng mga mata niya, hindi ko alam kung bakit nawalan na rin ako ng dahilan para tumanggi pa. "Okay... Ice."