F I V E

1868 Words
Rainbow?! Rainbow! She fvcking called me a 'Rainbow'. Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa niya. Pagkatapos ng nakakahiyang insidenteng 'yon, inayos ko na lang ang mga trace papers ko sa table para i-distract ang sarili ko. Hindi ko magantihan 'yung mga sulyap niya kasi nahihiya ako na ewan. Kasalukuyan kong nilalatag 'yung mga design ideas ko para ipakita sa kaniya. "How about this? What do you think?" seryosong tanong ko. "That's okay," narinig kong sabi niya at nang magtangka akong tumingin sa kaniya ay nakita ko naman agad na titig na titig siya sa mukha ko, instead of looking at the papers. "Wala sa mukha ko 'yung design," masungit na sabi ko habang nakatingin sa mga papel. Siyete naman 'tong traydor kong mukha, namumula na naman ata! "Akala ko ba ayaw mong sobrang seryoso ako? Now I'm being casual," pagdadahilan pa niya. Napaikot ang mga eyeballs ko bigla. "Miss Alonzo, are you rolling your eyes at me?" Lakas loob ko siyang binigyan ng death glare. "YES," mariin na sagot ko. "Why so serious, mate?" she asks with a playful smirk, in that oh-so-sexy Aussie accent. Bumaba siya sa kinauupuan niyang sofa at lumuhod sa tapat ng table. Since sa carpet lang ako naka-upo, naging mas malapit tuloy kami sa isa't isa ngayon. "Tell me, why did you kiss me?" tila nang-aasar na tanong pa niya. Ako pa ba?! Umiwas ako ng tingin. "Kiss? You call that a kiss?" Nag-umpisa akong gumuhit sa trace paper sa ibabaw. Ayoko siyang tingnan. Ayokong salubungin ang ulap ng ulan sa mga mata niya dahil lalo akong mamumula. "Dumikit lang kiss, agad? Parang 'yung mag-bestfriend lang na lalaki't babae, mag-jowa agad? Judgmental 'to," halos pabulong na lang na pagkakasabi ko. "I can hear you, Rainbow." Ayan na naman 'yan. Nasaan na ba si Aego para tulungan akong makaisip ng snappy answers?! "By the way, delete the pictures," biglang seryoso na sabi niya. Nag-angat akong muli ng tingin sa kaniya. "Bakit naman?" Tinitigan na naman niya ako. "If he sees them, he'd know you're lying." Oo nga, 'no? Ako lang ata ang kriminal na talagang gumawa pa ng sariling ebidensya para patunayang sinungaling ako. "Hindi naman niya tinitingnan ang phone ko. At hindi rin niya alam ang password." "That's what you know." Kinabahan ako bigla. Takte, may tinatago ba ako kay Devin para kabahan? Actually, ngayon nga lang ako nagsinungaling kay Devin. 'At kakuntsaba pa ang bestfriend niya,' singit naman ng biglang sulpot na si Aego. "Pati mga usapan niyo ni Joney, he knows. The way you talk about me, the way you ask about me, he told me everything." With that, I instantly feel like being cheated on. Napaiwas ako ng tingin. He tells her everything and doesn't let me know. Nasaan ang loyalty, Devin? 'Now you know how it feels,' nang-iinsultong dagdag pa ni Aego. Oo nga naman. Ako nga kung anu-ano ang sinabi tungkol kay Sunny kahit hindi ko naman siya kilala. Tapos bandang huli nasa ganitong sitwasyon pa ako. "To be fair to you, I had to say that. But to be fair to him, I only ask of you to never tell Devin that you know about him sneaking through your things. Just let him do what he does to keep you. He's only worried that you'd change your mind about him." "Hindi ka man lang ba na-in love kay Devin kahit minsan?" parang tangang tanong ko pa... kahit nasagot naman na nila Joney 'to. "Gee, you are one hell of a random lady," naiiling na sabi niya habang sumasandal palikod at nagko-cross arms. "There was one time when I thought I was in love with him..." Ito na. Nag-uumpisa na siyang mag-kwento. "But then I realized I was just fed up with the idea of losing my bestfriend once he finds his true love. Parang ayoko lang na mawala si Devin. It was not actually considered 'in love' but it was love, nevertheless. I was honestly surprised when I felt happy about the news of him being in a relationship for the first time." Parang pakiramdam ko, napahiya ako sa isang bagay na hindi ko malaman nang sabihin niya 'to. Kung iisipin, ako rin naman ang natatakot sa sarili kong multo kasi palagi kong kinukumpara ang sarili ko sa mga kwento nila tungkol kay Sunny. The ever popular Sunny na na-absorb ng utak ko. At ibang-iba siya sa nabuo kong persona sa isip ko mula sa mga kwento nila. Ibang-iba 'tong kaharap ko. "Totoo bang nahuli raw kayong natutulog sa iisang kama? Tapos topless ka?" Siniguro kong casual lang ang dating ng tanong kong 'yon but honestly, halos lumindol ang buong katawan ko sa kaba. Parang tanga naman kasi 'yung tanong ko. Kaso andiyan na 'yan, e. I just hope na sagutin niya nang totoo. I promise myself to never get mad. "Alam mo, masyadong malisyosa ang nag-kwento niyan sa 'yo. I can still remember that night on Arlou and Jureena's anniversary. We were sleeping in one bed and they woke up to that image dahil lahat sila, sa sahig nakatulog. I was not wearing my shirt dahil nasukahan ako ni Devin. Jeez, please, pagdudahan na lang akong manhid 'wag lang akong pagdudahang tanga na makikipag-ano with someone I don't even find attractive to the very least. No offense meant. And that only happened once, sinapak ko pa siya dahil do'n." At nararamdaman ko rin na nagsasabi siya ng totoo. Wait... so all this time, parang sinisiraan lang nila Joney sa 'kin si Sunny at ang friendship niya kay Devin? Bakit naman? "And also, Devin has been... sworn to chastity when he was eight. He's not gonna have s*x until he's married," casual lang na sabi niya. Namula na naman ako bigla. Dahil sa sinabi ni Sunny, pakiramdam ko, alam na alam niya pati s****l disposition ko. "He made you take the oath, too, didn't he?" seryosong tanong niya. Napalunok muna ako bago sumagot... "O-oo pero hindi ko ginawa. Alam ko naman sa sarili kong as long as committed ako sa kaniya, I will never do such a thing with others." "Is Devin your first boyfriend?" Tumango ako. "So I'm assuming you're a virgin?" Hindi ko alam kung may ipupula pa ang mukha ko o kung may iiinit pa ang mga pisngi ko. Paano ba kami nakarating sa usapan tungkol sa virginity ko? Jusko naman. Parang wala lang kasi sa kaniya 'yung usapan na 'to samantalang ako... Well, kung anu-anong images na ang nakikita ko sa isip ko. 'Mahalay ka lang,' bulong ni Aego. Tss. Mahalay nga ba ako? Ni minsan nga, hindi ko pinag-tangkaang halayin si Devin. Hanggang kiss lang kami. 'Mabait kasi si Devin and he respects you. Look at yourself, ang bait-bait ng boyfriend mo sabay may hinahalay kang ibang tao sa isip mo.' Lalo akong na-guilty sa sinabi ni Aego. Kung tutuusin, tama siya. Maliban do'n sa part na hinahalay ko raw si Sunny sa isip ko dahil hindi naman totoo 'yon. 'Teka, wala akong sinabing si Sunny 'yon. Defensive 'to,' nang-aasar na pambabara pa ni Aego. "Rainbow?" "Ugh," iritadong napaungol ako sa tawag niya sa 'kin. Napairap na naman ako. "Pwede ba, Sunshine? Tigilan mo kakatawag sa 'kin ng 'Rainbow' or else..." Tumaas ang isang kilay niya at may isang nakakalokong ngiti sa mga labi niya. "Or else?" ang kaniyang mapang-hamon na tanong. Lumapit ako sa kaniya pero hindi man lang napaatras ang gaga. Napasubo tuloy ako sa lapit ng mga mukha namin. "You'll never see another Rainbow in your life again." "So I guess that makes you even more valuable." Maang na napatitig ako sa kaniya. Hindi rin kasi ako makakibo sa lapit ng mukha niya. "Because you might be the last Rainbow I'll ever see." Hindi ako nakapagsalita. Seryoso ang mukha niya at tila may iba pang ibig sabihin ang binitawan niyang linya. "So ano na 'yung idea mo sa lobby nito?" pag-iiba niya nang mapansin niyang hindi na ako makakibo. Nakatingin na siya nang seryoso sa trace paper na nasa harap namin. To distract myself, pinakita ko na lang sa kaniya 'yung mga plano kong gawin. Napagkasunduan naming tingnan ang venue bukas para malaman kung tutugma ba ang design na nasa isip ko. I'm trying my best to keep a distance from her skin as much as possible. Hindi naman ako tanga para hindi maintindihan na it's s****l attraction that I feel when we're skin to skin, kahit pa kamay o braso lang. We end the day na may sapilitang productivity dahil walang-wala ako sa concentration. But this night is different from the previous nights. I see Devin smiling salaciously at me. We kiss, we touch, and for the first time, umabot kami sa first base. Hindi ako nagsasalita no'n but I can feel the pleasure drowning me. We finally take off all our clothes. It's not the first time we've seen each other naked but it is, however, the first time we're this close. Our kisses are sensitively passionate, 'yung tipo ng halik na alam kong hindi si Devin ang magi-initiate. And it's happening, I feel a sharp yet sensual thrust in between my thighs for the first time. I cry out gibberish words both in pain and in pleasure. Masakit sa una pero habang tumatagal, sumasarap siya at sinasabayan ko na ang bawat pag-galaw niya. Kung paanong umabot kami sa ganito, it's vague and unclear. Ang alam ko lang, hindi ako nagsisisi. When I'm close to my release, I pull him closer to my chest and I moan a different name... A different name that I can't understand. I look back down at him and my brows furrow to see that ash blonde hair. The person looks up at me with a wide grin. "Hey, Rainbow," says the familiar husky voice in between moans of pleasure. Alam kong dapat akong mabigla. Pero hindi ko naintindihan kung bakit mas bumilis pa ang bawat pag-galaw ko dahil sa excitement. Nag-halikan kami and I feel myself becoming addicted to the faint taste of the sweet marshmallow on those lips. I close my eyes in a tight shut as I feel myself a thrust away from c****x. And as begin to feel it, I reach my first ever o****m screaming her name... "Sunny." OH MY GOSH. WHAT THE HELL WAS THAT DREAM ABOUT?! Napasapo ako sa dibdib kong halos madurog na sa lakas ng kabog. Bago ko pa maramdamang sumakit ang ulo ko sa biglang pagbangon, napasandal na ako sa headboard ng kama ko. Grabe, totoong totoo. Ito ang unang panaginip ko na nagising talaga ako sa sobrang wild. Tipong hanggang pag-gising, bitbit ko 'yung pakiramdam. Kaba... Takot... Excitement... At higit sa lahat... Pleasure. Yes, I feel pleased. Ito ang unang beses na nagkaroon ako ng s****l fantasies dahil buong relasyon namin ni Devin, he's making sure that I'm being steered away from temptation. Ganiyan kalakas ang paninindigan ni Devin sa oath niya. Our relationship is never about lust, it's pure love. Nanginginig ako, mabilis ang paghinga. Hinihingal pa rin ako. As I feel myself shivering even more, I unconsciously put my hand in between my thighs and I close my eyes when I realize one thing... I just had my first o****m and it's because of that damned s*x dream.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD