S I X (1/2)

2306 Words
Mabilis na lumipas ang dalawang araw. 'Kasing bilis ng naging hobby mong magsinungaling sa loyal na boyfriend mo,' singit ni Aego. Ang totoo, I don't understand why I have to keep my special appointments with Sunny a secret. And why does it even have to be special? As in natuto akong magsinungaling kay Devin para lang hindi siya magtanong nang marami. Ayoko kasi sa lahat 'yung ipapamukha sa 'kin na mali ako sa isang bagay. And since they think I've developed so much hatred towards Sunny over the years, ayokong ipakita kay Devin that I'm backing down with my word. I'm still making him think that I hate Sunny despite my actions towards her the day we first met. Sinabi ko na lang kay Devin na I'm just trying my best to not look like a jealous monkey. Hindi naman na kami nagkita-kita nang magkakasabay after that unforgettable Tuesday morning. "May lakad ka ba bukas, babe?" tanong ni Devin as he drives his car para ihatid ako sa opisina. Maaga kasi siyang pupunta sa coffee shop to announce the opening of his new branch in Makati. Actually, may usapan kami ni Sunny na magkikita bukas to finalize the first plan para sa bagong design ng Dominique-Larqueza LLC. Over those two days na nagkasama kami ni Sunny, may mga nakikita na akong side niya na bihira niyang ipakita sa iba. But it feels like it's not enough. Parang ang dami ko pang gustong alamin but you can never get enough of Sunny. That's just how she is. Very composed, darkly mysterious, and at the same time, acts like an open book when the only pages you can see would be the index and the glossary. "Mahirap bang sagutin 'yung tanong ko, babe? O mahirap pag-isipan kung magsasabi ka ng totoo?" Nanlaki ang mga mata ko at napasulyap sa pang-aakusa ni Devin. "Excuse me?!" Bigla siyang tumawa. "Joke lang naman, babe. Ikaw kasi, masyado kang seryoso diyan." "Puwes, 'wag mo 'kong bibiruin ng ganoon dahil hindi nakakatuwa." 'O dahil kinabahan ka kasi totoo.' "Shut up," bulong ko sa sarili ko na para lang sana kay Aego. Kaso hindi sinasadyang napalakas kaya narinig ni Devin. "Babe, bakit ka ba nagkaka-ganiyan? Lately, you've been very aloof. Is this still about Sunny?" 'Yan. 'Yan ang mas nakaka-guilty. He thinks he's doing something wrong when in fact, ako nga 'tong may mga ginagawang hindi ko ipinagpapaalam sa kaniya. "No. Just... Change of hormones, I guess," palusot ko na lang habang nakatingin sa kaniya. Tumigil na ang sasakyan sa tapat ng building namin. Humarap ako kay Devin to kiss his cheek but he stops me. "Babe, 'wag ka nang magalit kay Sunny. I swear, we're just bestfriends. Alam mo naman na ikaw lang ang babe ko, 'di ba?" Kahit 'di sinasadya ni Devin na magpa-cute, gumaan agad ang mood ko habang minamasdan siya. Ano man ang ginawa kong maganda sa past life para magkaroon ng kagaya ni Devin sa buhay ko ngayon ay hindi ko nalalaman. Ang sa 'kin lang, nasa 'kin na nga 'yung kagaya niya, bakit ba hindi na lang ako maging faithful at loyal sa kaniya? Well, not that Sunny and I have been doing things that cross the borders of me, being faithful and loyal, but the fact that I have to lie just to see her is almost as close as it gets to cheating. Basta umabot ka na sa point na ginagawa mo lahat para lang hindi malaman ng partner mo dahil feeling mo pag-aawayan niyo at hindi ka makapag-desisyon nang tama, then you're already on the way to doing worse things. "Oo na, babe," nakangiting sabi ko para tigilan na rin niya ang kakaisip ng kung anu-ano. "Come here," sabi naman niya habang nakangiti sabay yakap sa 'kin. Habang nasa elevator, hindi naiwasan ng isip kong maglakbay sa gabing nag-umpisa ang s****l frustrations ko. I've been dreaming about Sunny and Devin, sa panaginip ko, nagme-merge silang dalawa and they become one person in bed. And everytime I wake up, I'm wet. Which means I've been orgasmic in my dreams for two nights straight now, simula no'ng Wednesday night sa apartment ko and all the naps I would have in between. At sa tuwing nakikita ko si Devin or si Sunny, hindi ako nakakaramdam ng guilt dahil sa mga panaginip ko. More like, tinatandaan ko pa ang bawat part ng mukha nila dahil gusto kong malaman kung sino nga ba talaga ang nagdadala sa 'kin sa peak of s****l excitement ko. Bumungad sa 'kin si Ren nang magbukas ang elevator. Ang lalim ng mga mata niya, he seems a little disoriented. Halos isang linggo na kaming hindi nagpapansinan and it's still about the 'Catherine' incident. Ewan ko ba kung bakit napakataas ng pride ko pagdating sa ganito. I'm never expected to be the one to say sorry first. Kasalanan ko o hindi, pinaninindigan ko ang galit ko lagi. And it's clear na kahit gaano pa ka-sour ng subject when it comes to Sunny and Devin na ginamit ni Ren against me during that day, masyado pa ring offensive 'yung blow na binalik ko kay Ren dahil alam kong it involves his unstable psychological state whenever I attack him with anything to do with Catherine. Kaya nga hindi ko magawang ipakita kay Devin na nagiging soft na ako kay Sunny. It's a step over my ego na parang kinain ko na rin ang mga salita ko tungkol sa kaniya. Mabuti na nga lang at hindi nagagalit sa 'kin si Sunny kapag may nalalaman siya sa iba na sinasabi ko tungkol sa kaniya noon bago ko pa siya makilala. "Good morning, Engineer. Good morning, Ms. Alonzo," bati ng isang empleyado na kasunod lang halos ni Ren na pumasok sa elevator. Walang umimik sa 'ming dalawa. By the time we reach our floor, it's as if we don't even know each other that we head straight to our respective offices. Sadly, parehas kami ni Ren pagdating sa issue ng pride. We have the tallest towers with elevators that don't go all the way to the top floors when it comes to being siblings and all. Mag-aaway ng isang buwan, magkakaayos ng tatlong araw, sabay away ulit. Life is easier that way so we let it be. "Rain." Natigilan ako sa boses na 'yon. "Dad? Nakauwi ka na pala?" Yumakap siya sa 'kin and I hug him back. "Aalis din ako ulit. I just checked to see if the company's doing okay. So far, so good. Manang-mana talaga kayo sa 'kin ng kapatid mo." I smile at his words. Magaling talagang mang-uto si Daddy. "You're a cup short of a coffee, Dad," tumatawang sabi ko habang nakahawak sa kamay niya. I usher him into my office. "So what's this news about Ren na nagwala raw sa bahay?" Napatigil ako sa paglalakad patungo sa upuan ko behind the desk at lumingon kay Dad na nakaupo naman sa harap ng desk ko. I've never been in his mansion for quite some time now dahil nga iniiwasan ko ring magsalubong ang landas namin ni Ren. "Saan mo naman narinig 'yang balitang 'yan?" He shrugs. "Maids?" Umikot bigla ang eyeballs ko. "Dad, alam mo namang mapag-gawa ng kwento ang mga chimay mo sa bahay. Kaya ayoko ng may kasamang iba, e. Anong klaseng pagwawala naman daw ang ginawa ni Ren, aber?" "He was drunk, screaming Catherine's name while crying." Parang nag-snap out of reality ako nang marinig 'yon. Posible kasi na kasalanan ko kung bakit nagkaganoon si Ren. I've been reminded by the doctors that words like Catherine Jermaine Santiago or anything that rhymes are taboo for his healing heart. Hindi ko naisip agad 'yan during that time na nagtatalo kami because I was so pissed off. And besides, it's been more than three years. "Are you sure, Dad? Matagal nang naka-move on si Ren. He even had girlfriends lately and he seemed okay." Tumayo si Dad from his seat. The ever-quirky, ever-funny aura of him diminishes simply because of Ren's condition. "Looks can be painfully deceiving, Reai Narrine." Tulala lang ako hanggang makalabas si Dad. Narinig kong parang sinabi niya na pupuntahan niya si Ren but he's already out of the door before I can say something to defend my belief. Tahimik akong naupo sa swivel chair ko. Lumipas ang buong araw ko na halos 'di man lang naging productive. Lutang na lutang ako and I hate it when I feel useless. Saktong pagsakay ko sa elevator pababa, nakasabay ko na naman si Ren. Nag-umpisa na naman ang battle of the awkward silence. Through our reflection on the elevator doors, nakikita kong tulala lang siyang nakatuon ang paningin sa baba. In his hand, the one that is farther from me, he's holding that familiar pink handkerchief. Naawa ako bigla sa kaniya. "Ren," hindi ko napigilang magsalita. Hindi ko alam kung hindi niya talaga ako napapansin o sinasadya niya 'yon. But I call him once more, facing directly at him. "Ren," I say, louder this time. At parang natauhan namang kumurap-kurap pa siya bago lumingon sa 'kin. Bigla siyang napasimangot when he realizes it's me at nag-iwas agad ng tingin. "Ren, I know we're not in good terms. But can you please tell me what's going on?" "What's going on," pag-uulit niya. Akala ko nga tinatarantado niya ako by literally saying that. But he continues... "You know exactly what's going on, Rain. Stop asking me your stupid questions." "I'm worried, Ren. Everyone else is. What the hell is wrong with you? You're like a fvcking parachute short of a ripcord." And then he suddenly bursts all the madness out. Naitulak niya ako sa wall ng elevator and he grips my neck all too tight. "Don't you dare remind me how an idiot I can be when it comes to my relationship with you, Rain. 'Wag mo 'kong piliting kalimutan na kapatid kita. I swear to God, Rain, mapapatay talaga kita here and now if it's not for blood," nanggigigil na sabi niya. "R-Ren..." hindi makahingang pakiusap ko. Pilit kong tinatanggal ang kamay niya but it's hopeless. Para sa isang taong tila hindi kumain ng isang linggo, masyado siyang malakas. Oh my gosh, I can't... I can't... "Rain!" My eyes are closed nang makarinig ng ingay. Nag-bukas ang elevator. May pumasok, alam ko, at nilayo nito sa 'kin si Ren, thank goodness. "Rain, are you okay? Babe, can you hear me?" Habol-hinga at habang nakapikit pa, tumango ako kay Devin and I can feel his hands all over me, as if trying to make sure na wala akong pinsala. "W-where's Ren?" mas kalmadong tanong ko. Walang kahirap-hirap na binuhat ako ni Devin palabas ng elevator. Nagmulat ako ng mga mata at bumungad sa 'kin ang nag-aalalang mukha niya. "Your murderer of a brother is with your Dad. Kung hindi kami dumating malamang ay napatay ka na niya ngayon," puno ng galit na asik ni Devin. Tahimik lang ako habang kinakabitan niya ako ng seatbelt. I can totally understand Ren's fury. Siguro, ako na ang dapat na maunang magpakumbaba. But that's what I was trying to do, right? 'Pinaalala mo lang ulit kasi, honey bunch. Ang pagpapakumbaba, hindi mag-uumpisa sa sermon,' mahinahong pag-alo sa 'kin ni Aego na sa wakas ay nagbalik na rin. "Babe, what happened back there? I know your brother. Hindi siya gagawa ng isang bagay na walang dahilan." I glare at him in disbelief. "Are you telling me na pagkatapos ng nakita niyo, ako pa 'yung may ginawang mali?" "Babe, you know that's not what I mean. Kaya nga ako nagtatanong, e. Bakit ganoon na lang ang galit ni Ren?" Inirapan ko lang siya at binaling ko ang paningin ko sa kabilang direksyon. "Babe..." "If you're not gonna start driving now, I'll take a cab," may kasamang pagbabanta na sabi ko nang hindi lumilingon. "Babe, mahirap bang sabihin? Ayaw kitang i-judge o si Ren kaya ako nagtatanong. But can you please help me understand what's going on?" Napa-buntong hininga ako. "We had a fight." Hinawakan niya ang mga kamay ko. Nakatayo lang siya sa gilid ko, sa labas ng kotse niya, habang hinihintay akong magsalita. "I'm listening." "He insulted me. He reminded me about my undying issue regarding you and your best friend." Napahinga rin nang malalim si Devin dahil mukhang alam na niya kung saan patungo ang usapan. "And you reminded him of Catherine because of that." It's a statement, not a question. Hindi ako nakasagot. Pabagsak na sinara ni Devin ang kotse at saka naglakad papunta sa driver's seat. Ang bilis ng beats ng heart ko sa sobrang gulat. Malamang, galit na rin siya sa 'kin ngayon. I'm sure iniisip na niyang umiiral na naman ang pagiging maldita ko. Imbes na ihatid sa apartment ko, sinama ako ni Devin sa bahay nila. Nagmamadali akong umakyat sa kwarto niya at ibinagsak din ang pinto to demonstrate my feelings. Pagkayakap na pagkayakap ko sa unan ni Devin ay bumagsak agad ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Several minutes passed and he's already on the door, knocking. Nahimasmasan na rin ako pero masama pa rin ang loob ko. For some reasons, at the back of my head, alam kong ako 'yung mali, or at least ako 'yung may pinaka-malaking nagawang mali. But then again, pride. Just because I know I'm wrong doesn't mean I'll just say sorry. May kasalanan din sila sa 'kin and I was cornered by my emotions. No one should blame me for that. "Babe, can you open the door?" Hindi ako sumagot. "Nandito si Sunny, babe. Kinukumusta ka niya. Ayaw mo man lang ba siyang makita?" Pakiramdam ko ay may nagliwanag bigla sa madilim kong mundo. Nakalimutan kong mag-text sa kaniya kanina. Pagkatingin ko sa phone ko, may missed calls siya sa 'kin at seven unread messages na nagtatanong kung nasaan ako at anong ginagawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD