After lunch sa bahay ni Sunny, niyaya kami ni Ice na pumunta sa bahay niya. Since may sasakyan na, it's easier. Naisip ko rin na sumama na lang since hindi na lumabas ulit si Sunny na nasa kwarto niya kasama si Kaizer doing God-knows-what. Nakakaasar, sa totoo lang. Whether she's using Kaizer to avoid us or she's just doing dirty things with that lady, I don't care. Nakakaasar pa rin.
Naiwan ang sasakyan ni Devin sa Parkway. Nasa backseat kaming dalawa ng 4WD ni Ice, sa shotgun seat si Lola, at naiwan naman 'yung helper ni Ice para tulungan daw si Kathy na mag-ayos sa mga naiwan namin do'n.
"Nag-text si Sunny. Sunod na lang daw siya," basag ni Lola sa katahimikan.
"Dapat lang. It wouldn't be fun kung hindi kami makukumpleto," sabi naman ni Ice.
Pagdating namin, nabanggit ni Devin na Rainbow Eucalyptus daw ang tawag sa mga punong nakapaligid sa bahay ni Ice. Kaya pala parang minty 'yung paligid. Tapos may maintenance daw ng Honey Spray para hindi nakakahilo 'yung amoy. Which is by the way, working so well on me. Ang bango kasi.
Pagkatapos maligo, lumabas si Ice sa kwarto niya na nakalugay ang buhok at nakasuot na ng sports outfit niya. Ang cute ni Ice, ang sarap i-bulsa tapos iuuwi ko na sa bahay namin. Naka-white sleeveless sportswear dress, exposed na exposed pa rin 'yung legs, with a pair of white running shoes and white wristband. All Nike.
"Ako naman," sabi ni Lola sabay tayo, bitbit ang isang body bag, para magbihis siguro.
Thirty minutes after, sumakay na ulit kami sa 4WD ni Ice at dumiretso na sa Tennis grounds daw nila. Hindi nga ako nagkamali, ito nga 'yong nakita ko kanina. Sa malayo pa lang, tanaw na namin si Lei na nakapagpalit na rin ng damit at nagsi-stretching.
"Si Bree?" bungad ni Ice sa kaniya.
"Susunod raw."
Oh, wow. Ang ganda ng Tagalog niya.
Nakakamangha 'yung sophisticated beauty ni Lei. Ang kaso lang, kung ano naman ang ikinabait sa 'kin ni Ice, 'yon naman ang ikinasuplada niya. Lahat ng sulyap niya sa 'kin parang may halong disgust na ewan kahit isa rin siyang impassive tingnan. Madalas kong makita 'yung mga simpleng irap niya sa 'kin. That, or naka-default na talaga sa mukha niya 'yung parang ayaw ngumiti.
"Kami muna ni Lonelyn," sabi ni Lei matapos ang ginagawa niya.
Nagpunta kami nila Ice sa gilid, bandang dulo ng net, at nanuod kay Lola at Lei na maglaro. Nasa likod namin ni Ice si Devin, habang nakaupo sa bleachers. Grabe, ang lawak ata ng sakop ng lupain nila.
"Varsity ng La Salle 'yan si Lola. Si Lei naman, St. Dominique."
Napalingon ako kay Ice na prenteng nakaupo at naka-crossed legs pa. "Naaalala ko nga. Nabanggit ni Arlou sa 'kin dati na varsity raw si Lola."
"Wait. Kilala mo sila Arlou?" Lumingon si Ice kay Devin saglit, as if asking, tapos biglang tumangu-tango. "Never mind. Ayaw mong i-try?" nakangising tanong niya sa 'kin.
Umiling-iling ako. "Saan 'yung St. Dominique?"
"Hmm. Meron sa Australia. Sa Barcelona. Sa Canada. Dito. Lei plays for the Philippine team. Ang tanda ko, dalawa silang agawan ni Gomez no'n sa title pero nagwagi pa rin ang pasaway na Larqueza na 'yan."
"Ibig sabihin, International pala ang St. Dominique?"
Napa-shrug si Ice. "You can say that."
"They own the St. Dominique International University, babe."
Napa-maang ako sa sinabi ni Devin. Ganoon pala talaga kalakas ang impluwensya nila. They own an International University. International.
"You're late," sigaw bigla ni Ice.
Napatingin kami ni Devin sa entrance no'ng Tennis grounds at mabilis na nagtagpo ang mga paningin namin ni Sunny.
Suddenly, everything moves in its slowest motion.
Napalunok ako. Ang sexy rin niya sa sportswear niya. Pansin ko, pare-parehas silang magkakapatid na puro Nike ang gamit na sportswear.
'O, talaga? 'Yan lang napansin mo?' si Aego.
Ang tinutukoy ni Aego ay 'yung hawak-kamay na naman ni Sunny at Kaizer. Biglang uminit na naman ulo ko. Mukhang bagong ligo pa silang pareho!
Sa inis ko, nag-iwas ako ng tingin at hindi siya pinansin kahit nang makalapit na sila. Nakakaasar! Nanadya pa talaga ang walang-hiya at tumabi sa 'kin. Tapos hindi man lang sila maghiwalay ng kamay no'ng lecheng Kaizer na 'yon. 'Tong malanding ex naman ni Sunny, feel na feel!
'Ano bang paki mo?' sermon pa ni Aego.
Ano nga naman kasi ang paki ko?! Nakakairita lang kasi. Ex na nga tapos may pa-ganiyan ganiyan pa. At ang weird lang. Babae silang parehas, jusko.
'Mas mahaba pa nguso mo sa lupain nila Sunny,' si Aego.
Huminga ako nang malalim. Dapat hindi ako nagpapaapekto sa mga bwisit na 'to. Ayan. Ganiyan nga, Rain. Easy-han mo lang.
Wala akong maintindihan sa nangyayari, sa totoo lang. Pero sa nakikita ko, parehas active ang mga galaw ni Lola at Lei.
PERO MAS ACTIVE ANG KALANDIAN NITO NI KAIZER.
Nakakairita na talaga! Bakit ba siya humahalinghing nang humahalinghing, e, nakaupo lang naman kami?!
"Boring naman. Ang tagal magpuntos nitong dalawa. Puro rally," sabi ni Ice habang nag-uunat ng katawan. "Doubles na!"
Tumayo si Sunny kaya by instinct, napalingon ako. Nahuli ko pa 'yung gesture ni Kaizer na ayaw bumitaw sa kamay niya, nakakabadtrip. Napairap tuloy ako.
Naramdaman kong tumabi si Devin sa 'kin dahil nga nakatayo na si Ice. "Okay ka lang, babe?"
Kahit badtrip, ngumiti pa rin ako. "Nag-e-enjoy ako. Promise."
'Nage-enjoy kang i-murder si Kaizer sa isip mo, kamo,' pagtatama ni Aego.
Ngumiti lang din si Devin. Hinapit niya ako bigla palapit sa kaniya. "I love you." Pagkasabi nito, hinalikan niya ako sa pisngi.
At dahil naramdaman kong pinapakiramdaman din kami ni Sunny sa gilid ko, sumagot din ako, "I love you, too, babe." Tapos humalik ako sa labi ni Devin.
"Don't get me wrong, but I still love being single," sabi naman ni Ice habang tumatawa.
Natawa rin kaming pareho ni Devin. Pa-simple akong sumulyap kay Sunny at saktong sumulyap din siya sa 'kin. Inirapan ko siya agad bago niya pa ako maunahan. Bwiset siya!
"Hey, guys!"
Napalingon kaming sabay-sabay sa bagong dating na babae. Naka-sportswear din na medyo conservative ang datingan at may bitbit na raketa. Balingkinitan ang katawan niya, parehas sila ng kulay ng buhok ni Ice at...
Teka, anong problema nito ni Devin at biglang dumistansya sa 'kin?!
"Devin," bati no'ng babae sa kaniya na parang nabigla pa. "You're here."
"Bree," bati rin ni Devin sa kaniya.
Nagtatanong ang mga matang tumingin 'yung babae kay Ice habang naglalakad ito palapit. And oh, damn...
Parehas silang gray eyes ni Sunny.
"We meet again," sabi no'ng Bree kay Devin when they're just about two feet apart.
Bree? Hmm. Siya kaya 'yung isa pa nilang kapatid? Obviously, kahawig niya 'yung tatlo. Pero ba't ganoon? Ba't feminine na feminine siya masyado? Ba't parang sobrang babae niyang kumilos, magsalita, maglakad, at 'yung posture?
AT BAKIT NAGTITITIGAN LANG SILA NI DEVIN?!
Tumikhim ako. Baka kasi nakalimutan lang ni Devin na nandito ako.
"Uh... T-this is Spring Breeze. The youngest of the season sisters. Bree, this is Rain," pakilala ni Devin.
Actually, hinintay kong sabihin niyang GIRLFRIEND niya ako, pero hindi nangyari 'yon. Kaya, "Devin's girlfriend," ako na ang nagsabi pagkaabot niya sa kamay ko.
"Oh," 'yon lang ang nasabi niya at sabay kaming napalingon kay Devin na biglang nag-iwas ng tingin. Wow. Anong nangyayari?
"How's it going, mate?" si Ice tapos 'yung short handshake na ginawa nila ni Lei kanina ay ginawa rin nila ngayon.
"Good. Thanks," pormal na sagot naman ni Bree sabay tumingin sa direksyon ni Sunny tapos sila naman ang nag-handshake.
"What is she doing here?" tanong ni Bree sa kaniya afterwards.
Akala ko, ako tinutukoy niya. Ready na sana akong umalma. Buti, nagsalita si Lei na kakalapit lang... "Kaizer is just here to play with us, sister." Tapos nag-handshake din sila. Seriously? Ano ba 'to, Sorority?
"Siguraduhin niyo lang. I'd hate to be antagonistic towards your life for the nth time but just in case you're thinking about it, I'm not in favor of your s****l preferences and you better keep your nasty plans outside this territory," seryosong sabi ni Bree kay Sunny.
Kinuha ni Sunny 'yung raketa niya mula sa case at tumingin nang diretso kay Bree. "Don't worry," nakangising sabi niya. "In case I'd have any plans of doing those sexy things you're thinking, I won't let you know." At saka siya naglakad papunta sa kabilang court habang sinasadyang banggain ang braso ni Bree.
Napansin ko lang, American English ang accent ni Bree. She's way too prim and proper from her sisters at siya rin ang pinakamaliit, though mas matangkad pa rin siya sa 'kin at kay Kaizer.
"What's wrong with you, mate?" dismissive na tanong ni Ice tapos naglakad na papunta sa same court kung nasaan si Sunny.
Naupo naman si Lola sa tabi ni Kaizer at uminom ng tubig.
"Pagsabihan mo 'yang si Summer," Bree says to Lei. "Hindi ko ito-tolerate 'yung bisexuality niya or whatever you call that. Tingnan mo si Ice. Konting-konti na lang, mahahawa na sa ka-tomboyan niya."
"I don't care. You guys can marry the trees and the woods but I still wouldn't give a damn," sabi naman ni Lei sabay inom din ng tubig.
One last look kay Kaizer at naglakad na si Bree at Lei papunta sa court, opposite Sunny and Ice.
"That b!tch is getting on my nerves," narinig kong sabi ni Kaizer.
Napangisi ako sa sarili ko. Ayaw sa kaniya ni Bree. Buti nga sa kaniya.
"Chill. She's still Sunny's sister," sabi naman ni Lola.
''Wag kang matuwa, Alonzo. Tandaan mong halos ipagkanulo ka ng boyfriend mo kanina sa harap ng isang magandang babae!' paalala pa ni Aego.
Binalik ko 'yung tingin ko kay Devin. Poker-faced na siya. Mamaya, pag-uusapan namin 'to.
Kahit hindi ko naiintindihan 'tong Tennis, kita ko pa rin kung gaano sila kagaling sa pagsalo ng bola gamit ang raketa. Andiyan 'yung sumusubsob na, go pa rin. Tapos parang may kahalong tension 'yung laro dahil parang gigil na gigil 'yung bawat palo ni Sunny at Bree. Si Ice naman pangiti-ngiti pa.
Minutes after, bumalik sila sa bleachers at nagsi-inom ng tubig. Si Sunny at Ice, nagsuot ng mga sunvisors kasi halos tumutok na 'yung afternoon light sa kanila.
"Mag-umpire ka nga, Lonelyn. Ang hahaba ng mga rally, nawawala ako sa points," sabi ni Lei pagkatapos uminom ng tubig.
"Ang tagal nga ng tie-breaker niyo," si Lola.
"Ang diin kasi ng palo nitong dalawa. Akala mo, nagsi-singles, e," tukoy ni Ice kay Bree at Sunny.
Lumapit bigla si Ice sa tabi ko, sa pagitan namin ni Devin. Napilitan lalo si Devin na lumayo pa nang konti. Ako naman, ngumiti lang kay Ice. Tapos bigla niya akong inakbayan.
"Anong amoy ko?" tanong niya.
Nilapit ko 'yung mukha ko banda sa leeg niya. Sa totoo lang, kahit 'di ko gawin 'yon, amoy ko pa rin naman siya. "You smell like honey with a hint of mint," sabi ko.
Natawa siya bigla. "Are you kidding me? Pinagpapawisan na nga ako."
Inalis niya 'yung braso niya sa balikat ko sabay inom ng tubig. Tinanggal niya saglit 'yung sunvisor niya at nagtali ng buhok. Bago siya tuluyang makalakad papunta sa courtside nila ni Sunny, may binulong si Sunny sa kaniya. Kung ano man 'yung binulong ni Sunny, 'yon ang nagtulak para biglang tumingin si Ice pabalik sa 'kin. I raise an eyebrow. Ba't biglang sumimangot si Ice sa kaniya?
Tapos lumapit si Sunny kay Bree at Lei. "Singles," simpleng sabi niya. Umupo naman muna 'yung dalawa. Pumuwesto si Sunny sa opposite court at siya ang nag-serve ng bola.
"Ang diin ng palo ni Sunny. May problema ba 'yan?" narinig kong sabi ni Lola habang binubuksan 'yung pangalawang lalagyan ng bola.
Ilang minuto na mula mag-umpisa ang laban nila. Pero parang nakakasakal 'yung tensyon.
"Kulang na lang umapoy 'yung backhand, e," comment naman ni Lei habang prenteng nanunuod.
Tumingin ako kay Ice, seryoso 'yung mukha niya. 'Di gaya kanina na parang ngingiti-ngiti pa siya. Ngayon, parang mararamdaman mo na hindi lang basta Tennis ang nilalaro nila. They are betting on something. Mas agresibo din 'yung mga hampas nila sa bola.
"Tie-breaker!" sigaw ni Lola.
"Service ni Sunny. 'Wag kayong magalit sa bola," sabi naman ni Lei.
Pumorma na si Sunny. Diagonal ang pwesto nila ni Ice. Pagpalo niya ng bola at tumama ito sa loob ng courtside ni Ice, mabilis namang nasalo ni Ice 'to. Balikan lang 'yung bola. Parang walang gustong magpatalo. Ano ba 'to, pinusta na nila 'yung mga kotse nila?!
Sa last na palo ni Sunny ng bola, tinitigan lang ni Ice 'yon na pumasok sa side niya pero nakangisi na siya.
"Okay! Ice wins," sabi ni Lola habang tumatayo.
What?! Teka, paanong...
"The ball landed outside the line. That's why," nakangiting paliwanag naman ni Bree kaya napangiti na lang din ako.
Magkatabi kasi kami tapos katabi niya si Lei. Nasa gitna nila ako ni Devin.
"By the way, I'm sorry. I hate to be rude. Since you already introduced yourself, let me introduce myself properly, too..."
Nakatingin lang ako sa kaniya at hinihintay siyang ituloy ang sasabihin niya.
"Bree," narinig kong sabi ni Sunny. Nandito na pala siya. Kahit hindi ko siya lingunin, naaaninag ko pa rin na nakatingin siya sa 'min. "Not Rain," she adds.
"What? I haven't said anything yet."
Na-curious ako kasi parang iba 'yung tingin niya. Lumingon ako kay Sunny sandali, nakatitig siya kay Bree.
"What's up?" si Ice habang umaakbay na naman sa 'kin.
Hindi nakaligtas sa paningin ko 'yung pailalim na sulyap ni Sunny nang lumapit si Ice sa 'kin. Whatever that is that I'm seeing in her eyes, I feel hilariously victorious. Halos mawala na sa isip ko 'yung sinasabi ni Bree.
But then...
"I'm Spring Breeze. Devin Mason's first girlfriend."