S I X (2/2)

1739 Words
Bago lumabas ng kwarto, tiningnan ko muna ang ayos ko. Namamaga ang mga mata ko. Maayos naman ang damit ko pero parang nakakahiya pa rin. Syempre dahil gusto ko rin siyang makita, wapakels na lang ako at lumabas na sa kwarto, without acknowledging Devin. Natagpuan ko siyang nakaupo sa long couch habang nanunuod. Sumulyap siya saglit sa 'kin at walang reaksyong ibinalik ang paningin sa TV. Narinig kong pumasok sa kusina si Devin kaya lakas loob akong tumabi kay Sunny. Pero tila walang naramdaman na nanatili ang atensyon niya sa TV. Tinitigan ko lang siya under just the dim light of the screen. Just when I'm about to say something, tumunog ang message alert tone ng phone ko at napataas ako ng kilay nang mabasa ang sender. Stop staring. —Sunny Pa-simple kong sinulyapan ang mga kamay niya. Jeans and poloshirt na naman ang outfit niya ngayon, very typical of Sunny. Habang prenteng naka-de quatro tapos nakapatong ang chin sa kaliwang kamay na nakatukod sa armrest ang siko, sa kanang kamay na nakatago ay hawak niya ang phone niya. She's texting me with one hand. No look. Wow. What happened? —Sunny Hindi ako nag-reply. Instead, lumapit pa ako sa kaniya at sumandal sa balikat niya. Naramdaman ko ang paninigas niya dahil sa ginawa ko. This reaction is just making me think na hindi lang ako ang apektado sa kung anong klaseng physiological effect meron ang closeness namin. "No one understands that side of me. It's my defense mechanism. Dahil ayokong sinasaktan ako, inuunahan ko ang ibang tao by hurting them first before they strike me." Mahinahon lang ang pagsasabi ko niyan pero bigla na namang may tumulong luha. Sa pamilya namin, ako 'yung tinuturing spoiled brat. I get what I want, when I want, and dispose of it the moment it's wasted. It's the same reason why I don't have someone to call friend. Kaya nagpasalamat na rin akong dumating sa buhay ko si Devin because for the first time, someone stayed by my side despite my endless dissatisfactions in life. At sa 'ming dalawa, ako 'yung madalas na sinusuyo dahil mala-Eiffel Tower sa taas din ang pride ko. So pagsama-samahin natin ang lahat ng negative traits na maiisip mo sa isang tao and you can assume that you just came up with Reai Narrine Alonzo's personality. Hindi ko naman inaasahan ang gagawing 'to ni Sunny kaya lalong bumilis ang t***k ng puso ko nang hawakan ng mainit niyang kamay ang kamay ko. Hindi ako tumingin sa kaniya but I feel her hand squeezing mine as a reassurance. Of what, I don't know. But I swear I feel my insides fluttering in relief. Walang sali-salita, just the touch of our hands, and everything seems to be okay around me. Pumikit ako at hinawakan pa nang mas mahigpit ang kamay niya. Nakisama naman ang oras at mga ilang minuto kaming ganoon lang ang pwesto. Kung hindi pa namin narinig ni Sunny ang tunog ng mga hakbang ni kuya Darius pababa sa hagdan ay hindi ko na siguro siya mabibitawan. "Sunny?" Lumingon si Sunny sa likuran namin at ngumiti nang tipid, like always. "Silver," matipid din na pagbati niya. "Balita sa 'yo?" tanong ni kuya Darius as he gives Sunny a quick peck on her cheek. "Napanuod ko si Lei kanina sa news, ah?" "Yeah, well, you know Autumn Leaf. She loves being the Headlines," sagot naman ni Sunny na parang may kung anong halong panunuya. "She is now. Murahin ba naman niya 'yung enforcer na humuli ng lisensiya niya. She was immediately recognized as one of the famous Season Sisters kaya nakuhanan siya ng video and it's all over the Internet. I wonder if your Dad has heard about it," casual na sabi ni kuya Darius at umupo sa kabilang couch. "We usually tell Dad to never watch the news or open his social media accounts. PR na lang ang gumagawa no'n so the news that shouldn't reach him are being filtered. Unless may personal na lalapit sa kaniya para magbalita," sagot ni Sunny sabay shrug. "Babe, are you busy?" Napatingin kaming lahat kay Devin na kakapasok lang mula sa kusina. Masama pa rin ang loob ko sa kaniya but I feel better now so I stand up and walk towards him. "Bakit?" maang na tanong ko pagkalapit sa kaniya. He holds my hand and leads me upstairs, to his room. Ni-lock niya ang pinto at ako naman, umupo lang sa bed, staring at him. "Babe..." Lumuhod siya sa harapan ko bigla as he embraces my shins. "Devin!" nabigla ako sa ginawa niya kaya medyo napalakas pagkakasabi ko sa pangalan niya. Ano ba kasing ginagawa nitong mokong na 'to?! Nakita ko 'yung lungkot sa mga mata niya. He kisses my knees one by one, without leaving eye contact. Pakiramdam ko nga ay nanguryente ang buong katawan ko dahil sa ginawa niyang 'yon. Naka-dress pa naman ako na knee-length kaya direct skin contact. "Babe, I'm sorry for what I said. I didn't mean to hurt you with my words, alam mo 'yan, 'di ba?" Napukaw naman ang damdamin ko. I don't normally use the word 'napukaw' except for the rare moments na gano'n talaga ang nararamdaman ko. Ganiyan kasi si Devin. Mamamatay ka na lang sa amount of sincerity na makikita mo sa mga mata niya at mararamdaman mo sa boses niya kapag may sinasabi siya sa 'yong isang seryosong bagay. "Next time kasi, 'wag mo 'kong pagbibintangan sa kung anu-ano, especially when it involves a fight between me and Ren. You know how much it scars my ego, Devin." "I know, babe. And I'm sorry. It was not my intention to meddle, I just care about you so much so I asked. Sorry na." At kahit pa gaano ako ka-pride na tao, I have my points of giving in, too. And now is the time I give in. "Fine, I forgive you." "Talaga?" paniniguro niya. "Oo nga. Leche 'to, e. Tumayo ka na nga diyan, para kang tanga." And just like that, he lunges himself at me and we fall together on his bed. Ang landi pa nga ng tawa ko and I feel my cheeks burning. "I love you. Always." Hindi ako nakasagot dahil bigla niya akong siniil ng mariin na halik. I kiss him back, closing my eyes. When I feel him starting to move away, I pull him closer and deepen our kiss. Dahan-dahan kong binaba ang mga kamay ko hanggang sa body hem ng shirt niya. "Babe?!" he exclaims, pulling slightly away. "What?" inosenteng tanong ko. "No," pagbabanta niya na may kasamang nakakalokong ngisi habang umiiling. I can't believe him. How can he stay in control of his s****l desires for so long?! Parang siya pa 'yung babae! I pull him back and try to kiss him again. Hindi naman siya pumalag. Not long after, sinubukan ko ulit na hawakan 'yung shirt niya para tanggalin but he stops me. "Babe, we agreed," paalala niya. Nakatukod ang mga kamay niya sa magkabilang side ko as he looks down at me. "Tss," I snort out, rolling my eyes. "Marry me first and we'll get to that part," he says, as if the idea of marriage is just like buying a new set of clothes. Napaikot na naman ang mga mata ko at gusto ko nang mahilo. "I'm not yet ready to—" "I know," pagpuputol niya ng sasabihin ko. Tumayo na siya at inilahad ang kamay para itayo na rin ako. "And until then, we'll stay pure." Sa tuwing nangyayari sa 'min 'yung ganitong scenario, lagi akong nakakaramdam ng disappointment. Ayaw na ayaw ni Devin na iparamdam sa 'kin na parang nire-reject niya ako or what not kaya as much as possible talaga, nilalayo niya ako sa tukso which is him, being on top of me or vice-versa, and we're kissing. Kaya nga naiinis ako dahil siya naman ang unang gumawa ng move. Peste talagang Pre-marital Chastity Oath 'yan. 'Di ko tuloy alam minsan kung tigang ba ako o masyado na akong matanda para manatiling virgin. Pagbaba namin ni Devin, inaayos ko pa 'yung damit kong nagulo dahil sa pambibitin niya. Napansin din siguro ni Sunny 'yung simangot ko kaya para siyang natawa no'ng makita ako. Feeling ko nga, may idea na rin siya kung bakit ako naiinis. Bwiset talaga! Ganoon ulit ang pwesto namin habang kumakain ng dinner. Buti na lang at si kuya Darius ang nagyaya kay Sunny kaya nahiya na itong tumanggi. "Mauna na ako, ah? Baka ma-late ako." Tumango lang kaming lahat nang tumayo na si kuya Darius para pumasok sa trabaho niya. "Umuwi ka na ba sa inyo? Hinahanap ka sa 'kin nila Uncle Hammond," may bahid ng pag-aalalang tanong ni Devin kay Sunny. Napatingin din ako kay Sunny. Kasi kung hindi pa siya umuuwi all this time, saan siya tumutuloy? "Hindi pa. Mamaya dadaan ako sa bahay, I'll get my car and some of my things. Nagsasawa na rin akong mag-commute, e," sagot naman niya. Nakakainis 'tong si Sunny, sa totoo lang. Kapag si Devin ang kausap niya, casual lang. Kapag ako, madalas na pormal siya masyado. "Gusto mo ihatid ka na namin ni babe?" Napalingon sa 'kin si Sunny kaya sinamantala ko 'yon para ngitian siya. But as always, walang reaksyon ang suplada. "Hindi na. Baka pagod pa si Rain, e. I'll take a cab, may terminal naman diyan sa labas." "Best naman. Babe, 'di ba okay lang?" Tumingin pa sa 'kin si Devin na parang nag-mamakaawa. "Oo nga naman, Sunny. Gabi na kaya. Baka mapaano ka pa diyan," sagot ko. "Cargo de consencia ka pa namin," pabulong na dagdag ko pero sinadya ko lang din para hindi naman magtaka ulit si Devin. "Babe!" pag-saway ni Devin. "Biro lang," tumatawang sabi ko kay Devin sabay nakaw ng halik sa cheek. Pasimple akong tumingin kay Sunny at nakita kong nag-pipigil din siya ng ngiti. Mabuti naman at na-gets niya ang ginawa ko. Habang pinaiinit ni Devin ang makina ng kotse niya, may tumawag bigla sa phone niya kaya nakinig lang kami ni Sunny. Si Sunny ang nakaupo sa likod at ako naman sa front passenger seat. "WHAT?! NOW?" Nagulat kaming pareho sa reaksyon niya. Nagkatinginan kami ni Sunny and I shrug kasi hindi ko rin naman alam kung bakit parang biglang kinabahan 'tong si Devin. "Can't it wait? ...Okay, I'll be there in ten," pagtatapos ni Devin sabay apologetic na tumingin sa'kin. Mukhang alam ko na kung ano 'to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD