Ang ending, naiwan kaming dalawa ni Sunny sa bahay nila Devin dahil may nag-away raw sa bar niya at may isang nasaksak. I figured, kung hihintayin namin siyang matapos, baka umagahin na si Sunny.
"I'll text Devin," sabi ko habang nakaupo kaming dalawa at magkatabi sa long couch, kung saan kami nakaupo kanina.
"What will you tell him?"
"Na ihahatid na lang kita kesa mukha tayong ewan dito sa battle of the silence," nonchalant na sabi ko sabay bunot ng phone sa bag.
Pinigilan niya ako. "Wait. Magtataka 'yon."
Sinalubong ko ang natural na mapupungay niyang mga mata at nagtaas ng isang kilay. "Magtataka?"
"Na masyado kang mabait. I know that's not what he knows about you when it comes to me," kampanteng sagot niya.
Rolling my eyes, I keep on my tracks and start typing on my phone. "Kung hihintayin nating dalawa na dumating siya rito, mas magtataka 'yon na natiis kong nandito ka for too long. Alam naman ni Devin na ayaw na ayaw ko sa 'yo that the thought of being with you alone for five minutes is not even happening in his dreams."
"Not happening, huh?" pilyang pag-uulit ng gaga.
"May sinasabi ka ba, Sunshine?"
"I'm just saying. You can just simply let me take a cab. Case closed. Mas kapani-paniwala pa 'yung hinayaan mo 'kong umalis na lang than to give Devin endless list of reasons why you had to give me a ride when you could've ignored me."
I narrow my eyes at her. "Sinasabi mo bang ang sama-sama ko pagdating sa 'yo?"
She shrugs in response.
"Bahala ka nga diyan," I snap. Tumayo na ako para umakyat na lang sa kwarto ni Devin pero pinigilan na naman niya ako. Hinatak niya ako sa braso kaya napaupo ako ulit at this time, mas malapit na ako sa kaniya. As in magkadikit na talaga kami.
UH-OH.
HERE WE GO AGAIN.
'Galingan mo pa ang pang-aakit, Rain,' narinig kong bulong ni Aego.
"Keep running away. It just makes me want to catch you more."
Nanlaki ang mga mata ko. Halos 'di ko na napansin ang pagbabalik ni Aego dahil sa lapit ng mukha ni Sunny sa 'kin at sa hindi ko naintindihang sinabi niya. Ang bilis na naman ng pulso ko, para akong magkakaroon ng cardiac arrest any moment now. Bawat paghinga niya, ramdam na ramdam ko ang init. At amoy na amoy ko 'yung marshmallow sa tamis, parang ang sarap tikman.
'Oh my goodness, Alonzo. Talagang dito pa sa bahay ni Devin,' pangungonsensiya ulit ni Aego.
Napalunok ako. Ganitong hindi na ako mapakali, nakakainis lang kasi parang normal na normal lang kay Sunny ang lahat. Nakatitig lang siya sa mga mata ko. Well, not until her gaze travels down from my eyes to my lips. Unconsciously, binasa ko 'yung mga labi ko kasi parang nanunuyo na naman.
"Uhm... Saan ka nga pala... umuuwi n-ngayon?" I ask to distract us both.
'Good going, honey bunch. 'Wag padaig sa tukso. You should know better sa mga lessons sa 'yo ni Devin,' paalala ni Aego.
Tama. I should take control of everything in me, like how Devin does.
"Sa Shang. Why the sudden interest?"
I swallow hard, adjusting on my seat. Hindi ko kayang makipag-usap nang normal sa kaniya na ganito kami kalapit. "Bakit hindi ka umuuwi sa inyo?"
Sumandal siya palikod. "I just don't want to. Bakit? Aampunin mo 'ko?" nakangising tanong ni loko.
Sinimangutan ko siya ulit. "'Di hamak na mas marami kang pera sa 'kin, ako pa ang mag-aampon sa 'yo?"
"E, 'di ikaw na lang ang aampunin ko," malokong sabi naman niya habang nilalapit na naman ang mukha.
Ewan ko kung may ikukunot pa ang noo ko. Tinulak ko siya sa mukha at saka ako tumayo para lumipat sa kabilang couch at tinawanan naman niya ako.
"You should have seen your face," tumatawang sabi niya. Talagang tuwang-tuwa siya na pinagtitripan ako.
"Umuwi ka na nga. Tutal may terminal naman sa labas sabi mo, 'di ba?" masungit na sabi ko at saka humiga sa couch. Tinakpan ko ng unan ang mukha ko kasi alam kong namumula na naman ako.
"Alright. I'll go then," narinig kong sabi niya at narinig ko ring kumilos siya para tumayo. "I'll text Devin para magmadali siyang umuwi. Wala kang kasama dito, e."
Biglang natahimik ang paligid. Naisip ko, baka seryoso siyang uuwi na siya. Ako naman ang malalagot kay Devin niyan. Pagtanggal ko ng unan, ayan lang siya't nakatitig sa 'kin habang prenteng nakaupo lang na may ngising nakakaloko.
"May nag-aalala," pang-aasar pa niya.
I roll my eyes at her again at tinakpan muli ang mukha ko. Maya maya pa, naramdaman kong dinaganan niya ako at nagsimulang kilitiin ang mga tagiliran ko.
OH MY GOODNESS.
PLEASE.
NOT MY WEAKNESS!
"Ano, mag-susungit ka pa?"
Sinubukan ko siyang itulak nang malakas pero nahuli niya ang mga kamay ko. Para sa isang payat na babae, masyado siyang malakas. Isipin niyong tila bulate na akong nalagyan ng asin sa likot ko dahil malakas ang kiliti ko sa tagiliran, tapos hawak lang niya ng isang kamay ang dalawang kamay ko?
"Sunny! Sun—oh my—hindi na ako makahing—Ahhh!"
Ang gagang 'to! Tinatawanan pa 'ko habang ako naman, halos hindi na makahinga kakatawa. Hindi ako makatakas, 'yung dress ko tumataas na. Ay putragis talagang babae 'to! Nakakainis, hindi ako maka-buwelo, nanghihina na ako. Asar!
'Maglandian lang kayo sa bahay ng loyal na boyfriend mo habang wala siya,' paalala pa ni Aego na akala naman niya, sinasadya kong tumawa-tawa rito!
"Ano, mag-iinarte ka pa ba, Rainbow?" panghahamon ni Sunny habang dalawang kamay na niya ang nakahawak sa mga wrists ko, sa taas ng ulo.
Hinihingal na umiling-iling ako. FINALLY, TINIGIL DIN NIYA.
"I can't hear you," pilyang sabi niya na tila nagbabanta pang kikilitiin ulit ako kapag hindi ako sumagot nang maayos.
"No! Please. Oh my—" I try to catch my breath and swallow hard. "Hindi na. Hindi na ako mag-iinarte," I plead.
"I'm not convinced."
"Sunny, please. May hika ako. Kapag inatake ako rito, bahala ka, kasalanan mo," pagbabanta ko rin.
This is the first time I've seen her being actually playful. Aside from those rare moments when she's giving me playful smirks, ito ang unang beses na naging open siya sa pagiging maharot. You can never expect Sunny to show her true emotions. It makes her mysterious and undeniably sexy. Unlike how others are being predictable and easy to read, Sunny, on the other hand, would always have a way to stay interesting and enigmatic. And it makes her so damn special. Fvcking special.
'I can't believe you used the words UNDENIABLY SEXY to describe another girl,' umiismid na reklamo ni Aego.
"Like, literally, taking your breath away, huh?" seryosong sabi niya habang titig na titig sa mga mata ko.
It doesn't help na parang nagrerespond pa si Sunny sa malisyang iniisip ko sa kaniya at sa mga ginagawa namin. Naiinis ako kasi... KASI, WHY THE HELL DOES SHE HAVE TO TURN OUT AS EVERYTHING I DIDN'T EXPECT HER TO BE?!
Siguro napansin niya na 'yung awkward position namin kaya natahimik din siya bigla, parang ako. Magkalapit na magkalapit lang ang mga mukha namin, ayan na naman ang amoy ng hininga niyang lumalason sa buong pagkatao ko.
'Oh my goodness, Reai Narrine Alonzo,' says Aego.
Those sexy gray eyes and intoxicating marsh mallow breath...
WHAT THE HELL IS WRONG WITH HER?
AND WHAT THE HELL IS WRONG WITH ME?!
Gusto kong itulak na siya palayo. Gusto kong patunayan na wala lang 'tong kung ano mang sh!t na nararamdaman ko kapag ganito kami. Pero nagkatitigan na naman kami na parang mga ewan with just the sound of our breaths and the loud throbs of our chests. Yes, I feel her chest dahil magkadikit na lang kami and, really, it doesn't help. This is so wrong but it feels so right.
And I finally become terribly aware of our physical closeness. Nagkaroon na ako ng chance na itulak siya while she's distracted... pero hindi ko ginawa.
D@mn me.
Instead, I keep my eyes focused on her, our breathing both uneven yet in sync.
She closes her eyes and mumbles, "Sh!t."
Mabilis niya akong binitawan and she stands up, regaining composure. Nakatalikod siya, kitang-kita ko ngayon 'yung exceptional na glow at haba ng buhok niya, but I can also see how she struggles to breathe in deeply. Maybe she's just as confused. Ako naman, parang tangang na-stuck na sa pwesto ko, puro tingin na lang ang nagagawa ko dahil para na naman akong na-hipnotismo sa kaniya.
"I... I gotta go, Rain," paalam niya at mabilis na naglakad palabas sa pinto.
Hindi ko siya pinigilan even if that's what I want to do. Why do I even want to stop her? Ewan ko rin. Basta nang mawala na siya sa paningin ko at narinig ko na ang familiar sound of the metal gates' closing, napapikit ako bigla. At saka lang nag-sink in sa 'kin kung ano ang nangyari.
"Sh!t," I murmur to myself, too. Napasabunot ako sa sarili ko sa sobrang frustration. "Sh!t, sh!t, sh!t."
"Ma'am Rain, nakaalis na po 'yung bisita niyo."
Halos mapatalon ako sa kinahihigaan ko nang marinig ang boses ni Charity. Napaayos ako ng dress at buhok ko na parang wala lang nangyari. Normal lang lahat. Takte naman kasi, nandito nga pala siya! May nakita kaya siya kanina?!
"Anong sabi?" kalmado lang na tanong ko. Galingan mo lang, Rain.
"Nagbilin lang po na 'wag daw akong matulog hangga't wala si Sir Dev. Nasa labas din po kasi ako kanina kaya hindi ko po alam na umalis po pala si Sir," paliwanag ni Charity.
"Sige, okay lang, Cha. May gagawin ka pa ba?"
"May binili lang po saglit, Ma'am, pero wala na rin po akong gagawin. May iuutos po kayo?"
"Wala naman. Go to sleep, take a rest. Ako na lang ang maghihintay kay Dev," nakangiting sabi ko.
Ngumiti din siya. "Thank you, Ma'am. Pasok na po ako sa kwarto."
You can imagine my relief, knowing na walang nakita si Charity na kahit ano. Alam niyo naman ang isip ng mga tao minsan, masyadong marumi, kahit pa sabihin nating wala namang mali sa dalawang magkaibigang babae na naghaharutan, biglang mabibigyan ng malisya. Like kapag naipasa ang kwento sa iba, madadagdagan na ng kissing scene or worse, bed scene. And friends should not act like that.
'Except that you're not even friends with her to their knowledge, you dumbass,' panunumbat ni Aego.
Kinapa ko ang dibdib ko para pakalmahin. Bakit at paano ba nagagawa ni Sunny sa puso ko 'yung ganito? 'Yung parang pilit na kumakawala kapag nandiyan siya o may gagawin siyang nakakabigla? Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. This is one hell of an infinite, frustrating confusion.
Hating-gabi na nang makauwi si Devin. May dumating daw na babae sa bar at inaway ang asawa niyang may kasamang iba tapos nasaksak 'yung kabit. Gusto ko ngang sapakin 'tong si Devin dahil masyadong apektado sa naging eksena sa bar niya, parang naluluha pa na ewan. Ganito kasi si Devin, e. Napakadaling maapektuhan sa mga bagay-bagay. Masyadong thoughtful, in short. I remember one time when he cried because the neighbor's kitten died to a car accident, at buong gabi niyang tinabihan sa pag-tulog 'yung mother no'ng kitten.
Not that I don't have a soft heart for pets, but I don't even have pets to start with dahil hindi naman ako ganiyan ka-compassionate na tao. I'm more like, 'Oh, that's cute,' but it ends at that. Si Devin 'yung tipong maluluha pa kapag niregaluhan mo ng mga ganiyan. Buti na lang at wala dito ngayon 'yung alaga niyang si Toothy, a Shih Tzu, dahil hiniram ng mother niya and it's happily living with his parents in Australia. Kasi kung nandito 'yon, makakalimutan na naman niyang may girlfriend siyang tao at may business siyang dapat din niyang alagaan.
"Don't feel bad, babe," pang-aalo ko sa kaniya habang nakaupo kami sa kama niya. Nakayuko siya at nakabaon ang mukha sa dalawang kamay. "Hindi mo naman kasalanan, e."
"How can I... Oh my God, babe. I feel bad for the legal wife. Bakit ba nagagawa ng mga tao ang manloko? Imagine the wife, she loves the husband so much that she could kill for him. Mabuti na lang at hindi niya napatay." See?
Humilata si Devin sa kama at tinakpan ng braso niya ang mga mata niya. I just stare at him.
"Imagine the pain. Ikaw na 'yung niloko, ikaw pa ang magsa-suffer ng consequences just because of loving too much. It's unfair for the wife," pagmamaktol pa rin niya.
Hindi ko nga alam kung anong pinaglalaban nito ni Devin. Nagpapasalamat na rin akong hindi ako natapat sa lalaking manloloko dahil kung nagkataon, baka siya ang mapatay ko at hindi 'yung kabit niya. Possessive ako, oo. Pero kung hindi ka rin lang mapapa-sa 'kin nang buo, aba, hindi ka rin mapupunta sa iba. Ganiyan ako.
"Babe?"
Tumabi ako sa kaniya at yumakap sa dibdib niya. "Yes, babe?" I sweetly ask.
He removes his arm and looks into my eyes. "Thank you."
Napakunot man ang noo, I trace his pointed nose with my index finger all the way down his jaw. "For what?"
"For not cheating on me."
Napatigil ako sa ginagawa ko. Hindi rin ako makatingin sa kaniya. I suddenly feel sharp pins in my chest and it's a struggle to normalize my breathing.
Bakit ganito?
Hindi ko naman niloloko si Devin but I'm somehow affected. Like I feel guilty of something I'm not sure of yet. And I can't help but rationalize his words and end up thinking about Sunny and the lies I said to Devin to cover up my secret appointments just to have a time with her. Is this guilt I'm feeling seriously because of that?
'No s**t, Captain Obvious,' Aego spits at me.
Napayakap ako ulit kay Devin. Thank goodness he doesn't notice my weird reaction. And it doesn't help when in the middle of a deafening silence, he says with utter sincerity...
"Babe, I love you."