I N T R O

1880 Words
"Rain, si Lonelyn Lagramada nga pala, varsity ng La Salle sa Tennis 'yan," pakilala ng kaibigan niyang si Arlou. "You can call me 'Lola'," sabi ng babaeng naka-longsleeved cotton shirt na kasing kulay ng kaniyang buhok na strawberry blonde. Mala-tinunaw na tsokolate ang kulay ng mga mata nito. Sa itsura pa nito ay tila may lahing Amerikana, at bakas din ito sa pagkakabigkas niya ng kaniyang pangalan (low-luh). "Sit with us," dagdag pa nito. Naiilang man ay naupo na lang si Rain sa tabi ni Lola. Sa kaliwa ni Rain ay may isa pang bakanteng upuan. "Si Joney naman, ang p**n star ng barka—Aray!" Hindi natapos ni Arlou ang pagpapakila sa isa pang babae dahil bigla siyang pinukol ng tansan nito sa mukha. Nagtawanan ang lahat ng nasa table. "Joney; the sexiest in the squad. Please to meet you, Rain," magiliw na pakilala nito sa sarili. Halata nga na ito ang pinaka-sexy magdamit sa kanilang magkakaibigan. Nakasuot ito ng maikling dress na kasing pula rin ng kaniyang lipstick. "Utol ko, si Anjanette," pagpapatuloy ni Arlou at iginiya ang direksyon ng kamay niya sa babaeng nakaupo sa tabi ni Joney. "Hi," pagbati ng babae na sinuklian naman ni Rain ng isang matipid na ngiti. Nagpatuloy lang ang magagandang tugtugin ng banda habang sila ay nagku-kwentuhan tungkol sa mga walang katuturan na bagay. Mabilis na lumipas ang oras. Hindi man gaanong nagsasalita ay nae-enjoy naman ni Rain ang ambiance ng music bar kung saan siya naanyayahan ng isang empleyado sa kanilang kumpanya. Marami na siyang nainom. "OMG, guys! Look!" biglang sabi ni Joney. Napalingon ang lahat sa direksyon na tinatanaw ni Joney. Mula sa entrada ng bar na ito, isang lalaking nakasuot ng gray polo na nakatiklop hanggang siko ang nakatayo at tila may hinahanap. Nakalagay ang parehas niyang kamay sa magkabilang bulsa. "I didn't know he'd be here," bulalas ni Arlou. "Oh, come on. No one expected to see him here after Sunny left," si Joney. "Perhaps, he needed his friends, too. Nasaktan din tayo para sa kaniya. But Sunny isn't the type that cares about what others feel," dagdag pa ng kapatid ni Arlou na si Anjanette. "Guys, mas kailangan niya ang pang-unawa natin ngayon. After all, they're just bestfriends at kaibigan natin silang pareho. Baka nakakalimutan niyo kung nasaan tayo ngayon?" seryosong sabi naman ng hindi mo akalaing nagta-Tagalog pala na si Lola. Muling nilingon ni Rain ang pinag-uusapang lalaki. Nagtama ang kanilang mga paningin at ilang segundong nagtagal iyon. Si Rain ang unang nag-iwas ng tingin dahil tila pinanghihimasukan ng lalaking ito ang kaniyang kaluluwa. Maya-maya pa ay prenteng naglakad ito papunta sa harap. Hindi nila napansin na tinawag pala ang lalaki upang mag-handog ng isang awitin. Umupo ito sa harap ng grand piano, sa pangalawang stage na ngayon ay tinututukan na ng spotlight habang sinadyang padilimin naman ang kabuuan sa paligid nito. Nagpalakpakan ang mga tao habang si Rain naman ay titig na titig lang sa lalaki. "Lady in blue dress. Here's for you." Malamig ang tinig nito. Isang estranghero man sa kaniya ay hindi mawaglit sa isip ni Rain ang posibilidad na siya ang tinutukoy ng lalaking 'to. Nanuod na lamang ang lahat sa pagkamangha. Nag-umpisa nang tumugtog ang lalaki sa harap at nang sabayan na ito ng pagkanta ay halos mahimatay ang mga babaeng nakikinig... *** Looking out Across the nighttime The city winks a sleepless eye Hear her voice Shake my window Sweet seducing sighs. Get me out Into the nighttime Four walls won't hold me tonight If this town Is just an apple Then let me take a bite. If they say, Why, why, tell 'em that it's human nature Why, why, does he do me that way At sumabay na nga ang lahat sa kaniyang pagkanta... If they say, Why, why, tell 'em that it's human nature Why, why does he do me that way. Reaching out To touch a stranger Electric eyes are everywhere See that girl— *** Kasabay ng lyrics na 'to ay lumingon ang lalaki sa direksyon ni Rain at maang na napalingon rin ang karamihan sa kaniya... *** She knows I'm watching She likes the way I stare If they say, Why, why, tell 'em that it's human nature Why, oh why, does he do me that way If they say, Why, why, tell 'em that it's human nature Why, oh why, does he do me that way I like livin' this way I like lovin' this way Oh why Oh why *** Muling ibinaling ng lalaki ang kaniyang atensyon sa pagkanta at pumikit pa ito habang dinadama ang tugtugin. Lalo itong gumwapo sa paningin ng lahat nang ngumiti ito habang umaawit at kitang-kita ang mapuputi at magagandang ngipin. *** Looking out Across the morning Where the city's heart begins to beat Reaching out I touch her shoulder I'm dreaming of the street If they say, Why, why, tell 'em that it's human nature Why, why, does he do me that way If they say, Why, why, tell 'em that it's human nature Why, why does he do me that way I like livin' this way I like lovin' this way *** Nagsitayuan pa ang ilan habang pumapalakpak nang matapos ang pagkanta ng lalaki. Nang tumayo ito ay diretsong nakipaglaban ng tingin kay Rain. Naglakad ito papalapit sa kanila at nag-umpisa na ang mga tugtuging may kabilisan pati ang pagpapalit ng makukulay na ilaw. Nang mailang ay nag-iwas agad ng tingin si Rain. *** "Guys, whatever happens, walang magpapaalala tungkol kay Sunny, okay?" Sumang-ayon naman ang lahat sa sinabi ni Arlou. Hindi na muling lumingon pa si Rain hanggang sa naramdaman na lang niya ang presensiya ng lalaking ito sa bandang kaliwa niya. "Devin, si Rain nga pala. Bagong boss namin ni Jureena 'yan, nayaya ko lang dito," magiliw na pakilala ng kaibigan niya. "Rain, si Devin. Siya 'yong sinasabi ko sa'yong barkada namin na nagpatayo ng mga DMCoffee Club. The owner himself." Inilahad ni Rain ang kamay niya sa lalaking nakaupo sa pagitan nila ni Arlou. "Pleasure," matipid na sabi niya. Ngumiti naman ang lalaking ito nang kay tamis. "Pleasure's mine, Rain." Pagkahawak ng kanilang mga kamay ay hindi agad ito binitawan ni Devin. Nakipagtitigan muna ito kay Rain, hanggang sa makaramdam ng pagkailang ang dalaga at sa ikatlong pagkakataon ay siyang unang nag-iwas ng tingin. Ngunit sa kabila ng pagbaling ni Rain sa ibang direksyon, ramdam niya ang pagkakatitig sa kaniya ni Devin at hindi na niya maiwasan pang makaramdam ng kakaibang tensyon. Pa-simpleng binawi ni Rain ang kaniyang kamay ngunit humigpit pang lalo ang pagkakahawak dito ni Devin kaya muli niyang nilingon ito. "Wanna dance?" magiliw na tanong ni Devin nang may kasamang ngiti. Naramdaman ni Rain ang pag-akyat ng dugo sa kaniyang mukha. Nagtatakang hinagod niya ng tingin ang lahat ng nasa table nila at nakitang napanganga pa ang iba sa pagka-bigla. Ang partikular na reaksyon na natandaan ni Rain ay ang mga mata ni Lola na tila handang sumugat sa talim ng sulyap nito. Ngunit madali itong naglaho. Ipinukol niyang muli ang kaniyang paningin kay Devin at hindi makapaniwalang itinuro ang kaniyang sarili. "A-ako?" nag-aalangang tanong niya. Ininom ni Devin ang alak na nakalagay sa maliit na baso na para sana kay Rain nang hindi inaalis ang tingin sa kaniya. "Yes. You," pinal na sagot ni Devin pagkababa ng baso. Nilingong muli ni Rain ang kanilang mga kasama at hanggang ngayon ay tila nagtatanong pa rin ang mga mata nitong nakalingon kay Devin, isang indikasyon na hindi umaakto ang binata sa kanilang nakasanayan. Napalunok si Rain. "O-okay," kinakabahang sagot niya. Dahil matataas ang upuan sa bar na 'yon ay inalalayan siya ni Devin na tumayo. Mga ilang segundong naghintay ang magkahawak-kamay na bagong magkakilala habang inaayos ni Rain ang suot nitong navy blue dress. Sa kabila ng three inches na taas ng kaniyang heels, umabot lamang ang height ni Rain sa balikat ni Devin. "Enjoy, guys," pilyang pahabol ni Joney habang pinangungunahan ni Devin ang paglalakad papunta sa dance floor. Nang lumingon si Rain sa kaniyang likuran upang tingnan ang iniwang lamesa, nakita niyang nag-umpisa nang magbulungan ang mga ito at alam niyang sila ni Devin ang laman ng usapan. Napailing na lamang siya at hindi napansin ang dalawang-hakbang na pababang hagdan patungo sa dance floor kaya nawalan siya ng balanse at saktong nasalo ni Devin ang kaniyang pagkakalaglag. Pumikit si Rain at hinintay ang masakit na pagbagsak ngunit nang dahan-dahan niyang imulat ang kaniyang mga mata, bumungad sa kaniya ang nag-aalalang mukha ni Devin. "Are you alright?" Ngayon ay malapit lang ang kanilang mga mukha kung kaya't naging mas madali para kay Rain ang titigan ang mga mata nito. Sa kabila ng mga ngiti o ibang emosyon, nakita ni Rain ang matinding lungkot sa kaniyang mga mata. "Rain, are you alright? Can you stand?" pag-aalalang muli ni Devin. Dito na napansin ni Rain na nakabalot pala sa kaniya ang mga braso ni Devin kung kaya't hindi siya sumalampak sa sahig. Nakahawak siya sa dibdib ni Devin at naramdaman ang magandang hubog ng kaniyang katawan. Muling napalunok si Rain at saka dahan-dahang tumango. Mabuti na lamang at malamlam ang mga ilaw, hindi masyadong nahahalata ang pamumula ng kaniyang mukha. "Itatayo kita, okay? Kaya pa ba nating sumayaw?" tanong ni Devin. "Of course," nakangiting sagot ni Rain na pilit itinatago ang hiyang nararamdaman. "Thank you, by the way." Nakita niyang muli ang ngiti ni Devin ngunit ngayon ay malinaw pa rin sa kaniya ang lungkot sa mga mata nito. "Let's go," pag-aya ng binata at hinatak na siya upang magpatuloy sa dance floor. Tumugtog ang isang love song at mabagal na niyakap ni Devin ang mga braso ni Rain sa kaniyang batok. Nagpatianod na lamang si Rain at ipinikit ang mga mata habang pinakikiramdaman ang pagyakap ng mga bisig ni Devin sa kaniyang katawan. Sa kaniyang pagkamangha ay sinabayan pa ni Devin ang pagkanta at tila nagtayuan ang lahat ng kaniyang balahibo sa ganda ng boses nito... 'It's amazing how you knock me off my feet, hmm... Everytime you come around me I get weak, oh yeah... Napangiti si Rain dahil sa gaan ng pakiramdam niya. Maganda talaga ang boses ni Devin at tila kinakanta niya ito para kay Rain. Mas masarap sa pandinig ito dahil magkalapit lamang sila. Ito ang unang beses na may gumawa nito sa kaniya dahil hindi naman niya naranasan ang mga prom kung saan maaari sana niyang pagdaanan ito. Ilang kanta pa ang nagdaan at patuloy lamang sila sa mabagal na pagsayaw. Pagkatapos magsayaw ay nagyaya si Devin na umalis at magpunta sa ibang lugar. 'Di sukat malaman ang pagkabigla na nakita ni Rain sa mga kasama, maliban kay Lola na halos hindi nagpapakita ng nararamdaman. "S-sige, mag-ingat kayo," nag-aalangang sagot ni Joney. Sa hindi malamang dahilan ay napa-oo ni Devin si Rain na sumama sa kaniya kahit hindi naman niya alam kung saan pupunta. Naisip din niya na kung sakali mang may mangyaring hindi maganda ay nalalaman naman nina Arlou kung sino ang kasama niya. "Boss, make good choices," pa-simpleng bulong ni Arlou kay Rain nang humakbang na ito paalis. Kinakabahang ngumiti si Rain habang kumakaway sa kanila para magpaalam. Naglakad sila sa parking area ng bar na 'yon at manghang minasdan ni Rain ang sasakyan na binuksan ni Devin. Parehas sila ng sasakyan ng kaniyang kakambal na lalaki na si Ren. Isang BMW. "May sasakyan akong dala, Devin," pagkaraa'y naalala niyang sabihin. "Walang gagalaw no'n dito. Balikan na lang natin when you're sober," tugon nito at binuksan ang pinto sa harap upang papasukin si Rain. Sa makailang pagkakataon ay pumayag na ang dalaga at hinintay na lamang na makapasok si Devin sa driver's seat. "Ready?" magiliw na tanong ni Devin. Nang mga oras na 'yon ay nalalaman ni Rain na ang lalaking ito ay hindi 'yong tipo na gagawa ng masama. Nakita nito ang pagiging sinsero sa mga mata at saka siya ngumiti upang sabihing, "Yes." Nang makaalis ay nilingong muli ni Rain ang bar habang papalayo. Napamulagat na lang ito nang mabasa ang pangalan ng bar at naalala ang sinabi ni Arlou na nagmamay-ari nito... 'DMCoffee Club'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD