CANE's POV
"This is all your fault, nasaktan ko tuloy si Trent dahil sa 'yo! Bakit naman kasi nakinig ako sa 'yo?! You should be thankful that we're okay now, if not I swear paliliparin kita sa Alaska!"
I hate you. I wish I never met you.
Aish, bakit ba kanina ko pa naririnig sa isip ko 'yan?!
Kasalanan 'to ng babaeng Tagsibol na 'yon.
What is it to me if she really hates me?
The feeling is mutual. I hate her too.
I hate her for being tackless.
I hate her for kicking my bæLls!
I hate her for being weak.
And I hate her 'coz she hates me.
Darn! Nasisiraan ka na ng bait Cane para isipin ang babaeng 'yon!
Napamura naman ako ng bigla na lang pumereno ang kapatid ko. And for the second time, nakalimutan ko na namang magkabit ng seatbelt kaya muntik na naman akong sumubsob sa dashboard kung hindi lang ako nakakapit.
Galit na hinarap ko ang demonyita kong kapatid. "What the füçk Light?! Ano na namang problema mo?!" sigaw ko rito ng mapansing hindi nito kailangan pumereno dahil bukod sa nasa highway kami hindi traffic.
Tumaas ang kilay nito. "You are not listening to me." anito at muling ipinagpatuloy ang pagmamaneho.
Isa pang ikinaiinis ko ay muling nakuha sa akin ng kapatid ko ang susi ng kotse ko. Ika nga nito kasalanan ko kung bakit nasampal nito si Amerikanong hilaw.
Malay ko bang pinsan lang ng boyfriend nito ang Spring na 'yon.
Isinuot ko ang seatbelt, mahirap na at may topak si Light.
Kung may isang tao na may kakayahan na imanipula ako, si Light 'yon dahil isang salita lang nito sa ama namin.
Tiyak na mapapalipad ako papuntang ibang bansa.
Gano'n katiwala ang magulang namin sa kapatid kong pagkahaba-haba din ng sungay katulad ko.
"Dahil paulit-ulit lang ang sinasabi mo. Pwede ba Light? Tigilan mo na ako."
Umismid ito. "Kung 'di ko pa alam may kinalaman ang Spring na 'yon kung bakit lumilipad 'yang isip mo. Do you know her?"
Tumikhim ako. "She's a student at Helios."
"Duh. Of course alam ko. My boyfriend told me almost everything about her. What I mean is kilala mo ba siya personally and don't you dare deny it. Nagtagal ka kaya sa isang kwarto kasama siya."
Nagkibit-balikat ako at hindi ito sinagot.
Sa ikalawang pagkakataon ay muli nitong ipinereno ang kotse mabuti na lang at naka-seatbelt na ako.
"I'm waiting for your answer Cane." anito.
'For you everything is just a game!'
'I am not your toy'
Ngumisi ako. "She's my favorite toy."
"What?!" Napahawak ako sa tenga ng sumigaw ang kapatid ko.
Tinignan ko ito at maarte nitong inayos ang buhok at hinarap ako. Magsasalita na sana ito ng may bumusina sa likod namin.
Naiinis na muli nitong ipinagpatuloy ang pagmamaneho at saglit akong nilingon. "Gosh! I can't believe it. Pati ba naman ang nerd na pinsan ng boyfriend ko pinatos mo?"
Tumawa ko. "You're over reacting Light, she is my favorite toy but not in that se---"
"Huwag mo ng ituloy ang sasabihin mo kung ayaw mong paliparin kita sa kotse na ito Hurricane." Banta nito.
"Tss. Pero teka nga bakit ba pakiramdam ko inis ka sa Tagsibol na 'yon?"
Sumimangot ito. "I don't like her."
"You don't like everyone Light." saad ko.
"Basta I don't like her. Nakita mo ba si Trent kung paano tratuhin ang babaeng 'yon? He even calls her princess! Gano'n niya kamahal ang Spring na 'yon! He cares so much about that girl. And you know me ayoko ng may kaagaw!"
Kulang na lang takpan ko ang tenga ko dahil nakasisigurado kong mag-uumpisa na naman ang walang katapusang pagrereklamo ng kapatid ko.
"Though alam ko naman kung bakit gano'n na lang pahalagahan ni Trent ang Spring na 'yon especially sa nangyari kanina. But still--"
Napahinto ito sa pagsasalita ng magtanong ako. "Why?"
"Anong why?"
"Sabi mo alam mo kung bakit gano'n na lang pahalagahan ng amerikanong hilaw---"
"----may pangalan ang boyfriend ko Hurricane!"
"Aish, sagutin mo na lang ang tinatanong ko, may rason ba---"
"---Why are you curious?"
Bakit nga ba? Bakit nga ba tila interesado ko sa mga impormasyon tungkol sa babaeng 'yon?
Damn. Nababaliw ka na talaga Cane.
"Forget what I said." ani ko.
"Tss. Alam ko namang gusto mong malaman---"
"I said forget it!"
"Whatever. Ikukwento ko pa rin whether you're curious or not."
"Bahala ka." saad ko sabay sandal at pikit ng mga mata.
Pero namalayan ko na lang na pinakikinggan ko ang lahat ng sinasabi nito tungkol kay Spring 'freaking' Cruz.
TORN's POV
"Mahal kita Torn pero hindi ko kayang tanggapin ang mga nakita ko! Paano mong nagawa akong lokohin! P-Papaano mo nagawa s-sa akin 'to!"
"Believe me Storm, I was drunk----"
"No! Once is enough! You broke my trust and you can't have it back again! I'm leaving!"
"Storm no! please don't do this to me. Don't do this to us! I love you."
"You love me? If you love me, let me go!"
"I won't let you go. Never."
"Please Torn...just this once, hayaan mo kong magdesisyon sa relasyon na 'to at pag sinabi kong ayaw ko na. A-ayaw ko na. T-Tapos na tayo."
Unti-unti siyang lumayo sa akin. At hahawakan ko na sana siya ng mawala ito sa harap ko.
"Stormmmmmmm!"
Napabalikwas ako ng bangon ng maramdaman kong may yumuyugyog sa akin.
"What the f7ck man? Are you alright? I heard you screaming---"
Masama kong tinignan ang kakambal ko at pinalis ang kamay nito sa balikat ko.
Tumayo ako at nagsindi ng sigarilyo. "Nakauwi ka na pala? Tapos mo na bang dalawin ang babaeng 'yon?" ani ko.
Hindi ko na inantay pa ang sasabihin nito at dumiretso ko sa veranda ng kwarto ko.
"Tsk. What made you think na dadalawin ko si Tagsibol?"
Saglit ko lang nilingon si Cane at ipinagpatuloy ko ang paninigarilyo.
Kilalang-kilala ko ang kakambal ko at hindi ko nagustuhan ang hitsura nito ng makitang walang malay ang Spring na 'yon kanina sa school.
"Well guess what bro kung saan ako nanggaling ngayon."
Blanko ang matang nilingon ko ito matapos kong itapon ang sigarilyo.
"Wala ko sa mood para makipaglokohan sa 'yo Hurricane."
"Why? Bad dre---"
Itinaas nito ang kamay at tumawa ng sinamaan ko ito ng tingin.
"Chill bro, fine. Hindi ko dinalaw ang nerd na 'yon pero..."
May pakiramdam akong hindi ko gugustuhing marinig ang sasabihin nito.
"Pero nagkita kami."
Sinasabi ko na nga ba.
"But that was a pure coincidence bro. Do you remember Trent?"
Kumunot ang noo ko. "At paano naman napasok sa usapan ang kanong 'yon na boyfriend ni Light?"
Ngumisi ito. "Pinsan lang naman siya ni Tagsibol."
At bago pa nito maituloy ang sasabihin ay tiim-bagang ko na itong inunahan. "Where the hell is Light?"
Nagkibit-balikat ito. "Maybe at her room?"
Ilang sandali lang at nakarating na ako sa kwarto ng kapatid ko. Pagkabukas na pagkabukas ko ay nabungaran ko ang kapatid kong nasa harap ng salamin at may inilalagay sa mukha.
"Siguro naman may dahilan ka Tornado para pumasok ng walang paalam sa kwarto ko?" anito ng lingunin ako.
"Hiwalayan mo ang boyfriend mo." saad ko.
Tumaas ang kilay nito at tila nagulat sa sinabi ko. "Excuse me? Are you drunk?"
Sasagutin ko na sana ito ng maunahan ako ni Cane na sumunod pala sa akin.
"You heard him Light, hiwalayan mo si amerikanong----"
"----Subukan mong ituloy ang sasabihin mo Hurricane and I swear you'll say goodbye to the Philippines."
"Just do it, Light! Break up with that man!"
Bumaling ang paningin sa akin ni Light at kung hindi lang ako nakailag ay tinamaan na ako ng boteng ibinato nito.
Agad umalingawngaw ang tunog ng nabasag na bote. "And who are you to tell me that Tornado Helios?! How dare you---I mean how dare the two of you na pumasok sa kwarto ko at utusan akong hiwalayan ang boyfriend ko?!"
"Just fu---"
"Give me one good reason to break up with Trent!"
"Because he is the cousin of that woman and I don't you to be with someone na may koneksyon sa babaeng 'yon!"
Nawala ang kunot sa noo nito at napalitan ng pagtataka. "Are you referring to Spring?"
"Yes Light. He is referring to no other than Spring Cruz, your boyfriend's cousin."
"What is it with that woman at nagagawa niya ang mga ito sa inyo?"
"Anong nagagawa?"
"Anong nagagawa?"
Nagkatinginan kami ni Cane ng sabay kaming magsalita.
"All of this, sino ba ang babaeng 'yon sa inyo at nagagawa niyang mapalabas sa inyo ang mga emosyong bihira kong makita?"
Sino nga ba ang babaeng 'yon para sa akin?
Siya lang naman ang babaeng isa sa may kasalanan kung bakit nawala sa akin si Storm..
At bukod pa roon.
She's nothing to me.
Pero imbes na sagutin ang tanong ni Light ay tumalikod ako at iniwan sila....
TBC