SPRING's POV
"Are you sure na okay ka na talaga?"
Hindi ko na mabilang kung ilang beses ng tinanong sa akin ni Trent kung okay na ako. Isang araw ang nagdaan at nagpapasalamat naman ako na magaling na ako.
Paano kong hindi gagaling kung magaling ang nag-alaga sa akin?
Walang iba kung hindi ang OA kong pinsan na maya't-maya kung tanungin ako kung okay na ako.
"Seriously Trent. Ilang beses mo pa ba tatanungin sa akin 'yan?"
Ginulo nito ang buhok ko na siyang nagpasimangot sa akin. "Naninigurado lang ako dahil sa susunod na maospital ka. Hindi ko na susundin ang gusto mo kaya kung ako sa 'yo alagaan mo ng mabuti ang sarili mo." anito sabay bukas ng pinto ng kotse sa front seat.
Agad naman akong pumasok at inantay ang mabilis na nakaikot na si Trent papunta sa drivers seat.
Tumikhim ako bago tanungin ang mga bagay na ngayon ko lang matatanong sa kanya dahil sa palagi naman akong tulog sa buong durasyon ng pananatili ko sa condo niya.
"K-kumusta na pala kayo ni Li-- I mean ng girlfriend mo?"
Nakita ko ang pagguhit ng ngiti sa mga labi nito. "We're fine. Sa katunayan, after kitang ihatid pupunta ko sa kanila at kakain kami. Come to think of it, hindi ko pa nga pala siya pormal na napapakilala sa 'yo. How about sunduin muna---"
"---No!" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nito at mabilisan akong humindi sa nais nitong mangyari.
Never kong gugustuhin na pumunta sa devil's lair.
Devil's lair dahil pugad 'yon ng kambal na bad boy. At isa pa malakas ang pakiramdam ko na hindi ako gusto ng girlfriend ni Trent base sa mga pasimple nitong pagtaas ng kilay sa akin.
"May problema ka ba kay Light?" Kunot noo nitong tanong pero nasa unahan ang tingin gawa ng pagmamaneho nito.
Agad naman akong umiling. "W-wala! ano ka ba Trent, k-kailangan ko pa kasing gumawa ng project ko. A-alam mo na... maraming gawain dahil sa huling taon ko na sa HU. Lalo pa at isang araw din akong absent."
Tumango-tango ito. "I know na ang impression mo kay Light ay hindi ganoon kaganda dahil na rin sa nagawa niyang pagsampal sa akin. Pero mabait naman si Light, medyo mataray nga lang. At medyo selosa."
Medyo mataray?
Eh abot hanggang langit nga ang pagtataas nito ng kilay sa akin eh.
Medyo selosa?
Eh bakit pakiramdam ko na kahit alam na nito na pinsan lang ako ni Trent ay nagseselos pa rin ito sa akin.
"Gaano na ba kayo katagal? At bakit ni hindi mo man lang siya nakwento sa akin?" Nagtatampo ko kunwaring saad.
Tumawa ito. "Aww nagtatampo ang Princess ko..." anito sabay abot sa pisngi ko at marahang pinisil. Sinasamantala nito na nakahinto ang kotse.
Pinalis ko ang kamay nito. "Hindi ah!"
"Dapat lang dahil no matter what happens ikaw pa rin ang princess ko."
Napangiti ako. "Alam ko naman 'yon pero sagutin mo na kasi ako. Gaano na kayo katagal? Saan kayo nagkakilala?"
"Two months pa lang kami ni Light. Nagkakilala kami dahil sa isang party. And I was captured by her charms and beauty at siyempre nabighani siya sa kagwapuhan ko."
I faked a cough. "Ahem, yabang alert."
Tumawa naman ito at nagpapasalamat ako na hindi na nito tinanong pa sa akin ang tungkol sa dahilan ng pagkakasakit ko.
Ilang saglit lang at nakadating na kami sa bahay o mas tamang sabihing mansiyon ng pamilya Wheather.
"Basta mag-ingat ka and always call me especially kapag may sakit o problema ka."
"Yes, Tatay." nasabi ko na lang at tumawa ito.
Bababa na sana ako ng mapatigil ako sa biglaan nitong tanong. "Nakalimutan ko nga palang itanong, kilala mo ba si Cane?"
"B-Bakit mo naman naitanong 'yan?"
"Ngayon ko lang kasi naalala na nagtagal siya sa kwarto at kayo lang dalawa doon."
Napalunok ako at alanganing ngumiti kay Trent. "Ah 'yon ba? May kausap siya sa cellphone nung n-nasa kwarto siya pero hindi niya ako kinausap. At s-siyempre kilala ko siya--- sila ng kakambal niya. Sila kasi ang anak ng may-ari ng school na pinapasukan ko."
Seryoso nito akong pinagmasdan at hindi ko maiwasang kabahan. "Talaga?"
"Oo naman! Aside sa anak sila ng may-ari at tinaguriang bad boy ng school. HIndi ko na sila ganoon kilala pa."
Tumango ito. "Ikaw na rin ang nagsabi na kilala sila bilang bad boy ng school so you should never talk to them, Princess. Alam mo namang ayoko sa lahat ang masaktan ka."
Ngumiti ako. "I know, kaya nga nagpapasalamat ako sa 'yo. I'll call you, enjoy sa date niyo ng girlfriend mo. At salamat sa pag-aalaga sa akin at sa pagpapagawa ng kwintas ko." saad ko habang Itinaas ko ang kwintas na suot-suot ko.
"No problem. Basta ikaw..."
♣♣♣♣
"Nandito na pala ang mahal na prinsesa." Pagkapasok na pagkapasok ko sala ay ito ang bumungad sa akin mula sa kapatid kong si Summer.
"Summer..." pananaway dito ng ina nitong si Tita Amethyst kaya naman bubulong-bulong na umalis si Summer.
"Kumain ka na ba Spring?" tanong sa akin ni Tita at lumapit naman ako dito para halikan ito sa pisngi.
Hindi lahat ng napapanood ko sa TV totoo. Iyon ang nalaman ko nung bata ako, dahil hindi katulad ni Tita Amethyst ang mga stepmother na napapanood ko sa TV. Sa katunayan, ay ito pa nga ang nananaway kay Summer sa tuwing inaaway ako. Malambing din ito sa akin at kung ituring ako ay hindi naiiba sa mga anak nila ni Tatay.
"Kumain na po ako, Tita. Nasaan po si Tatay?"
Ngumiti ito. "Nasa study room, ang sabi niya pumunta ka daw doon pagkadating mo."
Nagpaalam na ako dito pero bago ako tuluyang makapanik sa hagdan ay may yumakap sa akin mula sa likod.
"Ate! Namiss kita, I told Daddy na ihatid ako kay Kuya Trent pero ayaw niyang pumayag."
Natatawang hinarap ko ang nakanguso ko ng kapatid na si Rain.
"I miss you too, Rain. Pero mabuti naman at hindi pumayag si Tatay dahil panigurado mangungulit ka lang doon."
Sumimangot ito. "Hindi kaya. Anyway Ate, I have so many things to tell you." anito at umabrisete sa akin habang pumapanik kami.
Apat na taon ang tanda ko kay Rain at isa sa ikipinagsasalamat ko ay hindi ito katulad ni Summer na malaki ang galit sa akin. Close kami ni Rain kahit na nga ba alam nito na anak ako sa ibang babae ng Tatay.
Patuloy pa rin ito sa pagkukuwento ng makasalubong namin ang pupuntahan ko sana.
Si Tatay.
Pero hindi ito nag-iisa, kasama nito si Lola.
"I'm glad that you're back sweetie. Kumusta naman si Trent?" tanong ni Tatay makaraang halikan ko ito sa pisngi.
Lumapit naman ako kay Lola na nakataas na ang kilay sa akin at nagmano rito.
"O-okay lang naman po si Trent, Tay. " saad ko.
Magsasalita pa sana ito ng tumikhim ang lola at hinarap ako. "Hindi gawain ng isang babae ang matulog sa bahay ng ibang tao lalo pa at lalaki ito. Kahit na pinsan mo siya."
"Mama... kinailangan ng tulong ni Spring sa project niya kaya doon na siya nag-stay kay Trent."
"Ah basta, ayoko ng mauulit ito."
Bago pa magsalita si Tatay at pagmulan ng hindi pagkakasunduan ang dalawa ay nagsalita na ako. "Pasensya na po talaga Lola. Hindi na po ito mauulit."
Umismid ito. "Dapat lang. Aba---"
"Lola masyado na namang mainit ang ulo mo. How about i-massage ko kayo?" pagsingit ni Rain at alam kong ginawa nito iyon para mailayo sa akin si Lola.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng makaalis ang ina ng Tatay.
Bata pa lang ako ay alam ko ng hindi ako gusto ng Lola.
Paano niya nga ba naman magugustuhan ang isang katulad ko na bunga ng pagkakamali ng anak niya?
"I'm sorry about your Lola, Spring."
Umiling ako at ngumiti kay Tatay. "Tay naman, sanay na po ako kay Lola kaya wala kayong dapat ihingi ng sorry."
Niyakap ako nito at tinapik ko naman ang likod ng Tatay. "You're wrong anak, marami akong dapat ihingi ng sorry sa 'yo."
Humiwalay ako dito at nakakunot noo ko itong hinarap. "Ano naman ang mga 'yon Tay?"
Nagtaka naman ako ng umiwas si Tatay ng tingin sa akin. "H-huwag mo na lang pansinin ang mga sinasabi ng Tatay. N-naiinom mo ba ang vitamins mo?"
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi nito at tumango na lang. Agad din naman itong nagpaalam at sinabing magkita na lang kami sa hapunan.
Pero ano nga kayang ibig sabihin ng Tatay sa sinabi niya?
Bata pa lang ako, ang salitang sorry ang madalas na bukambibig nito sa tuwing kausap ako. At naiintindihan ko naman kung bakit...
Pero bakit pakiramdam ko iba ang pinahihiwatig ng sorry niya?
TBC