Chapter 8: I wish I never met you.

1019 Words
SPRING's POV Hindi ko maiwasang isipin kung panaginip lang ba ang mga nasaksihan ko kanina. Talaga bang nasa sala si Cane at ang Ate niya kanina kausap si Trent? Eto ang tumatakbo sa isip ko pagkamulat na pagkamulat ng mga mata ko. Nagpapasalamat na lang ako na kahit nakita ni Trent na nahimatay ako hindi pa rin ako nito dinala sa ospital. "Are you sure okay lang siya Doc?" "Don't worry Trent, magiging okay din ang pinsan mo. Kailangan lang niyang magpahinga at uminom ng gamot. Babalik ako bukas to check her up, and don't let her remove the dextrose. She needs it." Dumako ang paningin ko sa kamay ko at napangiwi ako ng makita ang nakatusok dito. I am really not a fan of needles. I hate it. Pero kung may isa pa akong hindi gusto. Iyon ang isang tao na nasa loob ng kwarto at kung makatitig sa akin ay para akong isang mikrobyo. Parang gusto ko namang masuka ng ngumisi pa sa akin si Cane ng dumako ang paningin ko dito. "Princess?" Agad kong binalingan si Trent at hindi ko maiwasang makonsensya ng makitang namumula ang pisngi nito dulot marahil ng diyosa ngunit halatang malditang kapatid ng dalawang bad boy. "I'm fine Trent." ani ko ng makita ang pag-aalala sa mga mata nito. Ito ang isa sa dahilan kung bakit ayokong malaman ng Tatay na may sakit ako. Dahil sa tuwing may sakit ako, dobleng pag-aalala ang nararamdaman nila. At sa katulad ko na palaging laman ng ospital simula pagkabata, naiintindihan ko kung saan nanggagaling ang pag-aalala nila. Mas lalo tuloy kumukulo ang dugo ko sa dalawang bad boy na iyon dahil kasalanan nila kung bakit nagkasakit ako. "Alright, just take a rest. Magluluto muna ako ng soup for you." anito sabay halik sa noo ko at agad naman akong napahawak sa kamay nito ng tumayo ito mula sa kama. Don't tell me iiwanan niya ako kasama ang dalawang 'to? "May problema ba Princess?" Sasagot pa sana ako ng magsalita ang girlfriend ng pinsan ko. "Babe... I-I'm really sorry..." Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Trent at doon ko lang naalalang kailangan nilang mag-usap kaya naman binitawan ko ang kamay ni Trent. "Nothing." ani ko sabay iling. Tumango ito at dumiretso sa pinto, agad naman itong sinundan ng pagkaganda-gandang girlfriend nito. Hindi 'ata uso ang panget sa pamilya ng kambal. "Small world isn't it, Tagsibol?" At mag-uumpisa na po ang pambubwisit sa akin ng bad boy. Dapat ba akong magpasalamat na hindi niya kasama si Torn? Dahil kung dalawa pa sila matutuyuan na talaga ako ng dugo. Bumuntong-hininga ako at pekeng ngumiti sa nakalapit na sa aking si Cane. "You're right, napakaliit nga ng mundo dahil nakita ko na naman ang mukha mo." Tumawa ito. Pero hindi tawa na natutuwa. "May problema ka ba sa mukha ko?" "Oo." bulong ko sabay iwas ng tingin dito. "What did you say?" Umiling ako. "Sabi ko wala." "Please Cane, gusto kong magpahinga kaya please lang umalis ka na." muli kong saad sabay pikit ng mga mata ko. Alam kong nandito pa rin siya sa loob ng kwarto dahil nararamdaman ko pa rin ang mapanuri niyang tingin. "I can't imagine na may kalahi ka palang katulad ng boyfriend ng kapatid ko. Wala kasi sa hitsura mo." Sleep Spring... huwag mo siyang pakinggan... "You're really crazy para sampalin si Torn. Goodluck sa pagpasok mo, Tagsibol." Wala kang naririnig Spring....Wala.... ♫Lalalalalalalala♫ "Ganoon ba kahalaga sa 'yo ang panget na kwintas na 'yon?" That did it. I opened my eyes at masamang pinakatitigan si Cane. "Wala kang karapatan na magsalita ng ganyan sa kwintas ko. Palibhasa kasi ang lahat ng bagay laro lang sa 'yo na pati tao ginagawa mong laruan. Kaya hindi mo alam ang pakiramdam na muntik ng mawala sa 'yo ang bagay na pinaka-iingatan mo. Wala kang alam Cane. For you, everything is just a game." Sumama ang tingin nito sa akin. Nagulat ako ng dahan-dahan nitong inilapit ang mukha papunta sa akin. Gahibla na lang ang pagitan namin at damang-dama ko ang hiningang nagmumula rito. "You don't know me Spring. You think alam mo na ang lahat para magsalita sa akin ng ganyan." Nakahinga naman ako ng maluwag ng lumayo na ito sa akin. "Pero tama ka laro lang ang lahat sa akin." Bumalik ang inis ko rito ng ngisian ako nito. "At kasama ka doon." Kumunot ang noo ko ng maintindihan ang nais nitong iparating. "I am not your toy!" sigaw ko rito. "Really? Well, guess what Spring, the moment you'd met me. You became my toy." Tumalikod na ito bago pa 'ko muling magsalita kaya sa sobrang inis ko ay binato ko ito ng nahagip kong unan pero naiwasan nito iyon at muli akong nilingon. "Good luck sa pagpasok mo Spring, magpagaling ka." Ngumisi ito at napasimangot ako. "Well, I'm pretty sure gagaling ka lalo pa at may napaka-sweet kang pinsan, princess." Matapos nitong magsalita ay dumiretso na ito sa pinto at nagpapasalamat ako ng mawala na ito sa paningin ko. Ipipikit ko na sana ang mata ko at itutulog na lang ang inis na nararamdaman ko ng may marinig na naman akong boses. "Hindi ko inakala na mahina ka pala Tagsibol. By the way napanood mo na di ba ag video na hinatid ka namin ni Torn sa clinic, hindi ka ba magpapasalamat?" Nang maalala ang pinagmulan ng sakit ko sa katawan ay napaupo ako at pinagbabato ng unan si Cane kahit na nga ba naiiwasan nito iyong lahat. Nang makaramdam ako ng muling pagkahilo na nagpapaalala na may lagnat nga pala ako. Seryoso kong pinagmasdan si Cane at sinabi ang mga katagang... "I really hate you Hurricane Helios. I wish I never met you." Walang bahid ng inis. Walang bahid ng galit. Walang emosyon ko itong sinabi at kitang-kita ko kung paano nawala ang ngisi sa labi ni Cane. Tumalikod ito. "The feeling is mutual Spring Cruz." At tuluyan na itong nawala sa paningin ko. I just wish tuluyan na itong mawala sa buhay ko. Siya at ang kakambal niya. 'Cause having them in my life. Brings me nothing but trouble. TBC
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD