Why have all the pieces joined together to create such a cruel fate...
-Anonymous
♣♣♣♣
Kung totoo man ang salitang tadhana. Siya ang pinakauna sa mga salitang hindi ko kailanman nagustuhan. Kasi kung ang lahat ng mga nakikilala nating tao ay kagagawan ng tadhana. Bakit sa bilyon-bilyong tao sa mundo, bakit kinakailangan ko pang makilala ang dalawang bad boy ng Helios?
At ngayon ay malalaman ko na sa dinami-daming pwedeng maging girlfriend ng pinsan ko, ang Ate pa ng kambal na 'yon! May galit ba talaga sa akin ang tadhana?
"Are you okay, Princess?"
Napadilat ako ng marinig ang boses ni Trent. "I'm fine. Malapit na ba tayo?" tanong ko habang pasan-pasan pa rin ako nito.
"We're here." anito sabay hinto sa harap ng pinto. Bumaba ako dito at kung hindi lang ako nito nahawakan ay makikipaghalikan ako sa lapag.
"Hindi ka na dapat bumaba, tignan mo ang nangyari. Muntik ka na naman matumba."
Sumandal ako sa pader at pumikit, pakiramdam ko ay nagdodoble ang paningin ko sa tuwing dinidilat ko ang mga mata ko. "Nahihilo lang ako, hindi ako imbalido."
"Princess... stop being stubborn."
"Alam mong ayoko na tinatrato akong mahina Trent." ani ko. Binalingan ko ito at nakita kong binubuksan na nito ang unit niya.
"I know. Pero sa ngayon ay mahina ka at kailangan mong sumunod sa akin kung ayaw mong bumalik sa ospital." At hindi na ako nakapalag ng buhatin ako nito at ipasok sa loob ng unit.
"Tinawagan mo na ba ang Tatay?" tanong ko makaraang ilapag ako nito sa kama.
"Yes, I told him that you're gonna sleep here tonight dahil tutulungan kita sa projects mo."
Ngumiti ako. "Thanks Trent, ayoko lang talagang mag-alala si Tatay."
Tinanggal nito ang salamin ko at hinalikan ako sa noo. "Just take a rest, gigisingin kita kapag tapos ko ng iluto ang kakainin mo and you have to eat. Kailangan mo ring uminom ng gamot."
"Hindi ba ko pwedeng maglinis muna ng sarili ko?"
Gusto ko mang ipikit na lang ang mata ko at matulog, nanlalagkit pa rin ako dahil na rin sa ginawa kong paglusong sa pond makuha lang ang kwintas---
Nanlaki ang mata ko at napabangon ako ng maalala ang kwintas ng Nanay.
"Anong problema?"
Naluluha akong bumaling kay Trent. "Yung kwintas ko!"
"Don't worry Princess, binigay sa akin ni Nurse Joy yung kwintas mo."
Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi nito. "Nasaan na?"
"Pinaayos ko, bukas ng umaga makukuha ko na din 'yon."
Doon ko lang naalala na huminto kami sa isang shop bago kami pumunta ng condo niya. Bagama't nahihilo ay pinilit kong tumayo.
"You're the best cousin ever Trent." ani ko sabay yakap dito. "I love you!"
Natawa naman ito at ginulo ang buhok ko. "I love you too---"
Hindi naituloy ni Trent ang sasabihin niya ng sabay naming marinig ang tunog ng doorbell.
"Don't take a shower, bawal pa sa'yo. Magpalit ka na lang ng damit---"
"Just open the door Trent . I can manage." ani ko.
Pagkalabas na pagkalabas nito ay pumasok ako sa banyo sa loob ng kwarto nito. Pero hindi ko pa tuluyang nahuhubad ang damit ko, nakarinig ako ng sigaw at tila may nabasag na gamit.
Bagama't nanghihina at nahihilo ko ay lumabas ako ng banyo.
At nanlaki ang mga mata ko pagkalabas ko ng kwarto ng makita ko kung sino ang mga bisita ni Trent.
Pero bago pa ako makabalik sa kwarto ay unti-unti ko na namang naramdaman ang pagkahilo ngunit sa pagkakataon na ito ay muli na naman akong pinanawan ng ulirat.
♣♣♣♣♣
Cane's POV
"Why are you here? Hindi ba sinabi ko sa'yo na sasabay ka kay Tornado at wala ka ng iba pang pupuntahan!"
Nawala ang ngisi sa mga labi ko ng tratuhin na naman akong parang bata na pinarurusahan ni Light. "Stop it Light. I am not a child."
"Oh my gosh! Really? Hindi ka na bata? Bakit hindi ako na-inform baby brother... " Tinapik-tapik nito ang pisngi ko at nilagpasan ako. Sinundan ko naman si Light at bawat lalaking tumingin sa kapatid ko ay sinasamaan ko ng tingin.
"Why are you following me like a puppy, my dear baby brother?" anito habang inaantay ang pagbubukas ng elevator.
Kung merong isang tao na siyang may kakayahan na asarin ako, wala itong iba kung hindi ang maldita kong kapatid. At kung iniisip niyo na pipigilan ko ang demonyita kong kapatid na pumunta sa unit ng boyfriend niya.
Hinding-hindi mangyayari 'yon. Dahil katulad nga ng sinabi ko I love trouble.
Sa naisip ay muling bumalik ang ngisi sa mga labi ko.
"Hindi ko gusto ang ngisi mong 'yan Cane. Kung may pinaplano ka na kalokohan na naman---"
"C'mon Ate, don't be judge mental. How about you give me back my car... and I'll tell you something about your boyfriend?"
Kumunot ang noo nito sa sinabi ko at binalingan ako. "What do you mean?"
Nauna na akong pumasok sa elevator at agad namang sumunod sa akin ang kapatid ko.
"Just give me back my car and I'll tell you."
"You can't fool me, Cane." anito pero alam kong gustong-gusto na nitong malaman kung ano ang ibig kong sabihin sa sinabi ko kanina.
Hindi na ko sumagot sa sinabi nito at sumipol-sipol ako habang pinagmamasdan ko ang kapatid kong alam kong bibigay na.
Gotcha!
"Fine! But I swear kung niloloko mo lang ako Cane. Hindi lang ang kotse ang kukunin ko sa'yo!" banta nito habang inaabot sa akin ang susi ng kotse ko.
"Now tell me."
"I saw your boyfriend a while ago... "
"At?"
"at may pasan pasan siyang babae sa likod."
"What?!"
Kasabay ng pagsigaw ni Light ay ang siyang pagbukas ng elevator. Nagmamartsa namang lumabas ang kapatid ko at iniwan ako.
Ngingisi-ngising sumunod ako dito. Nang makarating kami sa unit ng boyfriend niya ay nanggigigil na pinagpipindot ni Light ang doorbell at hindi na ako magtataka kung masira ito.
Ilang saglit lang ay bumukas ang pinto. Bakas ang pagkagulat sa mukha ng amerikanong hilaw pero agad din itong ngumiti ng makita ang kapatid ko. "Light---"
Pero naglaho ang ngiti nito ng sumalubong sa kanya ang mag-asawang sampal mula sa amazona kong kapatid. "Nasaan ang babae mo?!"
Natawa ako at nabaling sa akin ang paningin ni Trent. "Anong sinabi mo sa Ate mo?"
Nagkibit-balikat ako at sumama naman ang tingin nito sa akin.
"Kung ayaw mo siyang ipakita sa akin. Ako na mismo ang maghahanap sa kanya!" nawala ang tingin nito sa akin ng muling magsalita si Light.
Magsasalita pa sana ito ng dire-diretsong pumasok ang kapatid ko. Agad naman itong sinundan ng boyfriend niya.
At imbes na umuwi ay sumunod ako papasok. Hindi pwedeng hindi ko makita ang mga mangyayari. This will be fun.
Nasabi ko na ba sa inyo kung gaano kabait ang kapatid ko?
"Wait babe! Will you listen to me first?!"
"Listen?! My brother just told me na nakita ka niya kanina na may kasamang babae at pasan mo pa talaga!"
Napangiwi naman ako ng ibato ng kapatid ko ang picture frame at hindi nakaligtas sa mapanuri kong mga mata kung sino ang nasa larawan.
Ganito ba ka-espesyal si Tagsibol sa lalaking 'to para magkaroon pa siya ng litrato ng babae?
"Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung sino 'yung babae?!"
Napatigil sa tangkang pagbato na naman ng gamit si Light sa narinig na sinabi ng boyfriend niya. Pero bago pa ito makapagsalita ay nakarinig kami ng kalabog. Sabay-sabay namin itong nilingon at hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko ng sa pangalawang pagkakataon ay makita ko na naman ang walang malay na si Spring 'freaking nerd' Cruz.
Seriously, ganito ba talaga kahina ang babaeng 'to?
TBC