CHAPTER 6: FATE (PART 2)
Spring's POV
"I told you many times na kaya ko namang maglakad. Ibaba mo na lang ako Trent." saad ko habang pasan-pasan ako sa likod ng pinsan ko.
Naglalakad na kami sa lobby ng bago niyang condo. Trent loves being independent kaya hindi na ako nagtataka kung umalis ito sa bahay nila Tita Snow at Tito Brent.
"Kaya mo? 'e pagbaba pa lang natin sa kotse muntik ka ng matumba kung hindi kita agad nahawakan. Just take a rest, Spring. At ano bang pinag-aalala mo? That your heavy? 'e mas mabigat pa nga sa'yo si Leo." tukoy nito sa labrador nitong alaga kaya naman tumahimik na lang ako.
Ang totoo niyan masama pa rin ang pakiramdam ko.
Pero hindi naman kasi 'yon ang inaalala ko. Naiilang ako sa mga taong tumitingin sa amin mula ng pumasok kami sa building na ito.
There's only two things na alam kong iniisip ng tao kapag nakita akong kasama ng mala-model kong pinsan.
It's either katulong ako ni Trent o girlfriend ako nito.
Wala man lang nag-assume na pinsan ko si Trent. Well, wala naman talagang maghihinala na magpinsan kami kung pagbabasehan ang mga hitsura namin.
At sa tingin ko ang panghuli ang nasa isip ng mga tao kaya naman hindi ko maiwasang hindi maging komportable.
Duh! Ang i****t kaya 'non!
Napatigil lang ako sa pag-iisip at nakahinga ako ng maluwag ng makitang nasa harap na kami ng elevator. Sa wakas ay mawawala na sa paligid---
Kagya't akong napatigil sa iniisip ko ng bumukas ang elevator at nanlaki ang mga mata ko ng makita kung sino ang bumungad sa amin ng pinsan ko.
Standing in front of us is Hurricane Helios.
What the--- Isa siya sa pinakahuling taong gusto kong makita ngayon! Pero tignan mo nga naman ang tadhana...
Hindi nakaligtas sa akin ang nagulat nitong mukha base sa bahagyang panlalaki ng mga mata nito. Pero agad din itong naglaho at napalitan ng masamang tingin.
Pero hindi ko alam kung para sa akin iyon o sa pinsan ko.
Kilala niya ba si Trent?
"Cane? wait--- Torn? Darn you---" hindi na natapos ng pinsan ko ang sinasabi nito ng lagpasan kami ni Cane pero hindi pa rin nakaligtas sa akin ang blanko at tila galit nitong paningin.
"Anong problema 'non?" nagtatakang tanong nito habang hinabol pa ng paningin si Cane.
"K-kilala mo siya T-Trent?" nagugulat kong saad. Alam ko na 'oo' ang isasagot nito pero hindi ko pa rin naihanda ang sarili ko sa sinabi nito.
"He's Light's brother." saad nito sabay pasok sa elevator.
Pumikit ako at huminga ng malalim. "Who is L-Light?" tanong ko.
"My girlfriend."
Darn, hindi na ako magtataka kung anong iniisip ng bad boy na iyon ngayon! Argh!
Hurricane's POV
"So babe... kailan ulit natin gagawin ito?" Napalingon ako sa babaeng hindi man lang nag-abalang takpan ang h***d nitong katawan habang nakahiga pa rin sa kama.
Sinuot ko naman ang damit ko at ngumisi dito. "Never again. I'm done with you."
Napanganga ito sa sagot ko at binato ko ng nahagip na unan na nailagan ko at tumama sa pader. "Asshole!" sigaw nito sa akin.
Bago pa ito muling magsalita ay dumiretso na ako papalabas sa pinto ng kwarto nito. Narinig ko pa ang sigaw nito sa pangalan ko pero anong pakialam ko.
Gustong-gusto din naman nito ang ginawa namin. Mabuti nga at pinatulan ko pa siya.
"Spring!" Napatigil ako sa paglalakad sa narinig ko.
Tagsibol?
Agad akong napalingon sa likod ko at nakita ang isang batang babae na umiiyak habang karga-karga ng marahil ay ina nito.
"Spring naman kasi, I told you not to run. Look what happe---"
Napatigil sa pagsasalita ang babae ng mapansin ako na masama ang tingin sa kanila. "Anong problema?" nakataas-kilay nitong tanong sa akin.
"There's so many fvcking names in the world, why does it have to be Spring?!"
Niyakap nito ng mahigpit ang batang umiiyak pa rin at tinignan ako na para bang nababaliw ako. Bago pa ito muling makapagsalita ay naglakad na ako at pumasok sa kabubukas lang na elevator.
'Ang dami-daming pangalan sa mundo iyon pa ang pinangalan niya sa anak niya!'
"What the fvck--- why am I reacting like this dahil lang sa pangalan na 'yon?!"
Sinamaan ko ng tingin ang lalaking nasa tabi ko ng tignan ako nito. Mabuti naman at nauna itong bumaba kung hindi ay baka nasapak ko na ito sa klase ng tingin na iginagawad nito sa akin.
Muli akong napapikit sa inis ng maalala ang nangyari kanina. Bakit nga ba ganoon na lang ako maka-react ng marinig ko ang pangalan na iyon?
At bakit ba kanina ko pa iniisip ang babaeng 'yon na may pangalan na Spring?
Hindi nga ba't ito rin ang dahilan kung bakit nainis sa akin ang kakambal ko kanina?
At pagkatapos kong makipaglaro sa babaeng 'yon, tuluyan ng nawala sa isip ko ang babaeng apat ang mata na 'yon! Pero sa lahat naman ng pangalan na pwedeng itawag sa batang nadapa kanina. Spring pa talaga!
Tuloy ay bumalik na naman sa isipan ko ang walang malay na hitsura ng babaeng iyon kanina.
May sa mangkukulam talaga ang Tagsibol na iyon!
'Forget that nerd. Forget that four-eyed woman. Forget that b!tch who kicked your ba!!s. Forget that nobody. She is nothing but your toy. She is nothing. So she doesn't---'
Napahinto ako sa iniisip ko ng bumukas na ang elevator.
And now tell me, how can I forget that freaking woman if she is the one I'm seeing right now?
Because standing in front of me, is the one who keeps messing on my mind.
Spring 'freaking' Cruz.
Fvck.
Great. Just fvcking great.
I wasted my time thinking about if she's fine. Just to see her with the man whom I've met a month ago.
How fvcking great, isn't it?
Nakita ko kung gaano manlaki ang mata nito habang nakapasan sa lalaking pinakilala sa akin ng kapatid ko bilang boyfriend niya.
"Cane? wait--- Torn? Darn, you---" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ng lalaking ilang beses ko ng pinatay sa isipan ko at masama ang tingin ko silang nilagpasan.
Hindi ko inaakala na may itinatago pa lang kalandian ang babaeng iyon.
But then, wrong move Spring.
Sa lahat ng lalaking papatulan mo pagmamay-ari pa ng kapatid ko. Light's can be annoying sometimes but I don't want anyone to hurt her. She's my sister and I promise to protect her.
And that Spring and that as$hole. They'll pay for this.
Ni hindi ko man lang kinakitaan ng gulat ang amerikanong hilaw na 'yon. Tignan lang natin kung anong mangyayari sa kanya kapag nalaman ni Light ang kalokohan n'ya.
Because if I am known as a Bad Boy.
Walang pagkakaiba sa akin si Light.
One rule kung gusto mo pang matahimik ang buhay mo: Never mess with my twin and especially our crazy sister.
Napangisi ako sa naisip ko. Pero agad naglaho ito ng lumabas ako at makita ko kung sino ang babaeng kababa lang ng kotse ko sa harap ng building ng condo na kinaroroonan ko.
Introducing Light Ryie Helios.
Saglit lang akong nagulat pero agad itong napalitan ng isang ngiti.
Isang ngiting demonyo...
'Oh..How I love trouble...'
Especially when it involves my precious little toy.
Spring.
TBC