June 2012
Punyemas talaga, ang sakit lang talaga ng tiyan ko. Putspa, first day na first day ko pa naman dito sa Helios University.
Ang dream school ko. Ni hindi ko man lang ma-enjoy ang kagandahan ng school na 'to. Dahil ang tiyan ko nagrerebolusyon. Lintik lang, ano ba naman kasing sumanib sa akin at nagawa kong kumain ng pagkadami-dami.
Ayan tuloy, may gera ang tiyan ko.
"Ms. Cruz.." Ini-angat ko ang ulo ko at naramdaman ko ang pawis na tumatagaktak sa noo ko kahit na nga ba airconditioned naman ang room namin.
"Y-yes Sir?" Kinakabahan kong tanong, naku! Baka naman naibagsak ko 'yung unang long test sa biology na ibinigay niya ngayon. Pag nangyari 'yon isisisi ko 'to sa katakawan ko. Isa pa naman siya sa Major Subject ko dahil BS Biology ang course ko.
"Congrats for having the highest score. Keep up the good work. " Makaraan ay nagpaalam na din ito sa amin. Napangiti naman ako dahil sa nakuha kong score. Thank you Lord!
Pero agad ding naglaho 'yon ng kumulo na lang bigla ang tiyan ko at naglabas ako ng hindi magandang amoy. Mala-ninja kong lumabas ng room habang kanya-kanyang takip naman sa ilong ang mga kaklase ko.
"Damn it, it's so mabaho. Gross, yuck!" Narinig ko pang saad ng conyo kong kaklase.
Mga echuserang 'to nakikiamoy na lang mga nag-iinarte pa.
Nakahawak na 'ko sa tiyan ko at namimilipit na ako. Buti na lang at wala akong estudyanteng nakakasalubong. Pero teka sa laki ba naman ng school na 'to, saang lupalop ang c.r dito?!
Nagningning ang mga mata ko ng makalipas ang ilang minutong paglalakad, nakakita ako ng signage na comfort room. Finally!
Dali-dali akong pumunta dito pero agad akong napahinto dahil sa ungol na naririnig ko mula dito.
"Oh Gahd, Cane, you're so good at this. Ahhhh baby, harder please."
"Shut up w***e, if you don't want me to stop f*#//#^ you!"
Napahawak ako sa bibig, 'di yata't may gumagawa ng milagro sa loob ng banyo. Pero agad din akong napahawak sa tiyan ko ng maramdaman ang muli nitong pagwawala. Papasok na sana ako sa boy's (dahil ako na ang nahihiya sa dalawang taong ginawang motel ang c.r ng H.U) ng may biglang dumating na lalaki at nagdududa akong tinignan.
Feeling si Kuya, kala niya sisilipan ko siya. So I have no other choice.
Huminga ko ng malalim at binuksan ang pinto.
"Holy f*ck!" Napatakip naman ako ng mata sa nabungaran ko, luwa na ang melon ni ate tapos nakataas ang palda niya. Ni hindi ko na nga pinagtuunan ng tingin ang kasama niyang lalaki dahil baka may makita kong 'di dapat makita ng mata ko. If you know what I mean.
"Pasensya na!" Saad ko. Yumuko pa 'ko dahil 'di ko kayang tagalan ang makamundo nilang hitsura.
Wait! Bakit nga ba ako humingi ng pasensya, samantalang sa pagkakaalam ko wala naman akong masamang ginawa. 'Di ko naman kasalanan kung naistorbo ko sila sa pakikipaglaro nila sa isa't-isa.
"Then, what are you still doing here?! Go find another comfort room b***h!" Aba't sumosobra na 'tong babaeng 'to.
Ako pa talaga ang b***h samantalang siya nga 'tong nakikipagkanaan kahit sa c.r. What a w***e.
Magsasalita na sana ko ng biglang...
'Prrrrrrrrttt'
"Oh my gahd! Yuck, gross!" Hindi ko na pinansin ang talandeng babae at nagtatakbo ko papunta sa cubicle.
Sa wakas, mailalabas ko na ang dapat kong ilabas.
######
I was humming habang naglalakad ako pabalik sa banyo ng bigla na lang may humablot sa braso ko. Take note, humablot so siyempre masakit.
"Excuse me?! Sinong-" Napatigil ako sa paglalakad ng mabistahan ko ang mukha ng lalaking humablot sa akin.
One word to describe him.
Dangerous.
Glazing eyes (may eyeliner pa ata?)
May hikaw pa ito sa ilong at napansin ko rin ang kumikinang nitong hikaw na cross.
Siya 'yung tipo ng taong hindi mo gugustuhin makasalubong. In short, bad boy.
Napalunok ako dahil sa masamang tingin na iginagawad nito sa akin. May kasalanan ba 'ko sa kanya?
Isa ba siya sa mga nabasted ko during high school?
'As if may nanligaw sa'yo, ambisyosa ka na naman Spring'
Bulong ng kabilang bahagi ng umeepal kong isip.
Joke lang. As if may manligaw ba naman sa maliit, dalawa ang likod (tukso ng kaklase kong papansin) at matang malabo pa sa ilog pasig (kaya ang salamin ko pang-Lola Basya) at katawan na parang stick.
Wait. Hindi ko naman siguro nilait ang sarili ko hindi ba?
"Are you f*****g listening to me?!" Napapitlag naman ako ng may biglang malagom ang boses na nagsalita.
"Ay anak ka ng kabayo!" Nasabi ko sa gulat ko.
"What? Me? A son of a horse?" Nanggagalaiti nitong tanong sa akin.
"Yes." Ay gaga ba't ako nag-yes? "I-I mean no, s-sa gwapo mong 'yan anak ka ng kabayo?" Sansala ko dahil baka bigla na lang akong sakalin ng lalaking 'to.
"I know that I'm
handsome, no need for you to say that..."
One word. Conceited.
"...but still, I will never forget how you disturbed my breakfast." Madiin nitong saad sa huling linya.
Luh? Inistorbo ko daw siya sa agahan niya?
Who is this man?
What is he talking about?
Where did it happened?
When did it happened?
How did it happened?
Ano raw?
"I assume you don't have any idea, shall I make you remember it?" Binitawan nito ang braso ko at dahan-dahang inilapit ang mukha niya sa akin. Kaya naman napaatras ako, huli na ng mapagtanto kong nasa pader na ako at wala na akong maatrasan pa. Napapikit naman ako ng gahibla na lang ang distansya namin sa isa't-isa.
No! Ang first kiss ko!
"Dream on nerd, I won't kiss you. I just want you to remember what I'm gonna say..." Napadilat naman ako at naisip kong nakakainsulto na 'tong lalaking 'to. "Next time you disturb me again, I will make sure your life will be a living hell in this university."
Makaraan ay lumayo na ito sa akin. "T-teka nga lang Mr. A-ano bang pinagsasasabi mo? I don't get you. Hindi kita kilala at wala kong matandaan na inistorbo kita. Baka nagkakamali ka lang." Nanginginig ang boses kong saad.
"Then, ano sa tingin mo ang ginawa mo kanina, you barged in that comfort
room..." Nanlaki ang mata ko ng tinuro nito ang c.r na pinanggalingan ko "..while I'm busy f*****g--" Hindi na nito natuloy ang sasabihin niya dahil tinakpan ko ang bibig niya gamit ang kanan kong kamay.
"Please lang, huwag mo ng ituloy ang sasabihin. Dahil in the first place, hindi ko naman kasalanan na gawin niyong motel ng girlfriend mo ang c.r." Mabilis kong saad kasabay nito ang mabilis niyang pag-alis sa kamay ko na nasa bibig niya.
"How dare you put your filthy hand in my mouth after you...after you..." Tila hindi nito maituloy ang sasabihin at nandidiring tumingin sa akin.
Napatingin naman ako sa kamay ko "For your information, naghugas ako ng kamay!" Namumula kong saad.
"Whatever, just don't let me see your ugly face again. And that w***e is not my girlfriend. She's just my toy." Saad nito matapos ay mayabang itong naglakad paalis.
Hah! E di siya na, nakikipagkanaan sa babaeng di niya girlfriend. Tapos laruan pa ang tawag niya. Hah! At ang lakas ng loob niyang tawagin na panget ako akala mo naman gwapo!
'Gwapo naman talaga'
Oo na gwapo na siya, pero kahit na mayabang naman at walang galang sa babae kaya anong silbi ng kaguwapuhan niya?
Napatingin ako sa relo ko at nanlaki ang mata ko ng makitang magsisimula na ang next class ko kaya naman nagmamadali akong bumalik ng room namin.
Damn that bad boy!
================
"Class Dismissed." Pagkalabas na pagkalabas ng Professor namin sa English ay nagkanya-kanyang pulasan ang mga kaklase ko.
Napanguso naman ako ng bawat isa sa kanila ay may mga kasamang lumabas. Wala man lang akong naging kaibigan.
Di bale, first day pa lang naman.. baka bukas magkaroon na din ako ng kaibigan..
Pampalubag loob ko na lang sa sarili ko. Napagpasyahan ko na lang na maglibot muna sa HU habang hindi pa ko tinatawagan ng Tatay. Napangiti naman ako sa isiping may date kami ni Tatay.
May maganda pa palang mangyayari sa akin ngayon. Napasimangot ako ng muling maalala ang lalaking 'yon. Gwapo nga pero ang ugali--
I shook my head to erase the thoughts of that man. Buti na lang at may nakita kong muling nakapagpangiti sa akin.
Music & Dance.
That's what written at the signage and I can't help myself to enter the room. Luckily, it's not lock.
Pero nagsisi ako kung bakit ko pa naisipang pumasok dito dahil sa pangalawang beses nakakita na naman ako ng live 'show'.
At kung sa kamalas-malasan ko talaga. Siya na naman, ang lalaking nakikipag-eme. The Bad boy. Darn, I'm doomed.
Dali-daling nag-ayos 'yung babae tila nagulat sa presensya ko. Makaraan ay dali-daling lumabas. Sa sobrang bilis niya nabangga niya pa ako buti na lang hindi ako natumba.
Wait, ano pa bang ginagawa ko dito?!
"Ikaw..." Humakbang siya papunta sa akin kaya naman napaatras ako "na naman!"
The way he looks at me, it's as if he wants me to vanish from this world. And before I knew it, I was running fast to get away from him.
"Stop! you freaking stalker!"
Stalker?
Ang kapal ni kuya. Maka-stalker sa akin. As if ginusto kong makita ang mga makamundo niyang aktibidades.
I silently prayed ng makita ang elevator and luckily, nakabukas ito. Dali-dali akong pumasok dito. Papasara na ito ng makadating ang lalaking tinawag akong 'stalker' at ang certified manwhore na nakilala ko sa buong buhay ko, much to my dismay.
'Next time you disturb me again, I will make sure your life will be a living hell in this university'
Kinilabutan naman ako ng maalala ang sinabi sa akin ng lalaking 'yon. Sa hitsura pa naman niya, pakiramdam ko wala siyang sasantuhin kahit sino.
Wait, malaki naman ang HU. Siguro naman hindi niya ako makikita na hindi ba?
"O to the M to G, Maddie is that Tornado Helios?!"
"I don't know baka naman he is Hurricane? But whoever he is, I'm pretty sure one of the Helios twin is mad. Real
mad."
Helios?
Helios University?
Bakit nila ka-apelyido ang university na 'to?
Twin?
Ibig sabihin dalawa pa ang ganoong lalaki sa school, and base sa mga sinabi ng mga conyo dito sa likod ko. I'm pretty sure, they are an identical twin.
"Who kaya ang reason why he's mad?" Napalunok naman ako ng marinig ang sinabi ng babae sa likod ko. Nakikita ko sila sa repleksyon ng elevator at parehong nakangisi na nakatingin sa akin ang mga babaeng kinulang sa tela ang damit.
Napapitlag ako ng biglang tumunog ang elevator hudyat na nasa ground floor na kami.
"Oh well, goodluck na lang sa kanya. Because I'm pretty sure, her life will be so exciting in this school. So if I were her, I won't come na in HU." Pinagkadiinan pa nito ang salitang exciting. Makaraan ay tumawa ito na parang isang bruha at kontrabida sa isang palabas.
Nagmamadali naman akong lumabas ng elevator at hindi sila tinapunan ng tingin.
The hell I care sa mga pinagsasabi nila at sa pananakot sa akin ng lalaking 'yon. I won't give a damn, because I'm gonna stay in this school for four years no matter what happen. I'm gonna graduate in Helios University and no one can stop me. That's my promise not to myself but to my Nanay.
===============
"Tay.. okay lang po ako. May iba pa naman pong araw eh." Saad ko sa kabilang linya habang nag-aabang ako ng taxi.
"I'm sorry sweetie, I didn't know na may party pa lang pupuntahan si Summer and---"
"Tay, you're being repetitive. I said I understand, maybe sa weekends na lang tayo lumabas. I gotta go Tay, magta-taxi na lang po ako."
"I'll ask Manong to fetch you up--"
"Dadddy hurry up!" Narinig ko naman ang matinis na boses ni Summer (my sister) kaya naman dali-dali na lang akong nagpaalam kay Tatay.
Malungkot naman akong napangiti, may iba pa naman sigurong araw para makapag-bonding kami ni Tatay.
"Manong, Sa Threshold Vines po." Saad ko sa driver ng taxi na huminto sa harap ko. Tumango naman ito.
Sasakay na sana ako ng makarinig ng pagtawag sa likod ko.
"Ms!" Napalingon naman ako kahit hindi ako sigurado kung ako ba ang tinatawag ng babae.
Itinuro ko pa ang sarili ko at dali-dali naman itong tumango. The woman is an angel. Ang ganda niya, yon nga lang umiiyak siya.
"P-pwede bang ako na lang ang sumakay sa taxi?
Please..." Humihikbi nitong saad.
Napalunok naman ako, actually hindi naman ako nagmamadali at mukhang may problema ang babae kaya naman papayag talaga ako.
I was about to talk when I heard someone shout again.
"Don't you f*****g let her in!" Sigaw ng lalaki mula sa malayo at paglingon ko, nagulat ako sa nakita ko.
Bad boy?
Wait, tandang-tanda ko ang damit ng manwhore na 'yon and as I can see it magkaiba sila ng suot. So siya ang kakambal ng bad boy na 'yon?!
"Miss..." Hinawakan ako ng babae sa braso that snap me out from my reverie.
"Manong, siya na lang po isakay niyo. " Ani ko kay Manong na mukhang naiinip na. Agad-agad namang sumakay ang babae at nagpasalamat sa akin.
Pagkaandar na pagkaandar ng taxi ay siya namang pagsulpot ng lalaki sa tabi ko.
"Storm, talk to me! c'mon don't do this." Pilit nitong hinahabol ang taxi but it's too late bumilis ang takbo nito at naiwan ang lalaki na nakasabunot sa buhok at paulit-ulit na nagmumura.
Napalunok naman ako ng bigla itong tumingin sa akin. Kung kanina kinabahan ako sa masamang tingin na iginawad sa akin ng kakambal niya kanina.
Ngayon, pakiramdam ko nagtatayuan lahat ng balahibo sa katawan ko habang lumalapit ito sa akin. Ni hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
Ang lamig ng mga tingin niya.
Blanko. Walang emosyon.
"Why.did.you.fucking.let.her.in?!" Nagtatagis ang bagang na saad nito.
"Answer me! Goddamn it!" Napapitlag naman ako ng sumigaw ito.
"L-Look Mister, don't you dare shout at me. It's not my fault that she run away, I was just trying to be a good citizen na tinulungan ang babaeng umiiyak na sumakay sa taxi na--" Napatigil ako sa pagsasalita ng makita ko kung paano nagsalpukan ang dalawang sasakyan sa intersection.
'Y-yung taxi na dapat sasakyan ko ay sumalpok sa isang truck.
Kung tutuusin malayo na sila sa HU pero dinig na dinig mula dito ang salpukan nila.
The last thing I heard is the man shouting the name 'Storm'. Then everything turns black.
And that's the day my life became miserable. I believed it's not my fault that the accident happened. But I can't stop myself from feeling guilty knowing that it should have been me who is in that taxi instead of a woman named Storm... It should have been me but indeed, life is full of unexpected events.
Itutuloy..