"You b***h! I swear I'm gonna f*****g kill you! $#%*%~^3!"
Lahat na 'ata ng lahat ng mura nasabi na ng kaharap ko na napapapikit at ...
At...
Ehem. N-nakahawak sa harapan niya. Namumula na ito at kitang-kita kong nasaktan talaga ang loko. Buti nga sa kanya! Ang lakas ng loob niya na pumunta dito, kung hindi ko pa alam gusto niya lang makita ang hitsura ko kapag nakita ko na ang nakakahiya kong video.
Kung tatanungin niyo si Raven at si Nurse Joy. Tahimik ang mga ito 'di pa 'ata nag-si-sink in sa kanila ang ginawa ko. Na ang tinagurian na bad boy ng Helios University ay nagawang sipain ni Spring-The certified favorite i-bully ng H.U.
'Hah serves him right!'
Tutal labanan ko man sila o hindi, patuloy pa rin naman nila kong i-bu-bully. Come to think of it, sa loob ng tatlong taon bakit nga ba ngayon ko lang naisipan sipain 'tong isa sa nagpapahirap sa buhay ko.
Nakakapagsisi.
Sana pala noon pa lang binasag ko na ang dapat mabasag sa kanila.
"What is happening here? What the hell Cane! Why are you holding your ~*#7#/^3*^?" Walang ka-filter filter na saad ng bagong dating na si B1 which is Torn.
"Can't you f*****g see, that freak..." Itinuro niya pa ako pero pinagkrus ko lang ang kamay ko at ngumisi "..just f*****g kick my %#/$/^#*!"
Isa lang ang naiisip kong dapat inumin ng dalawang 'to. Holy water. Grabe napakamakasalanan ng mga bibig nila.
"You..." Napatingin naman ako kay Torn at hindi ko maiwasang lamigin sa tingin na iginagawad nito sa akin.
Bakit nga ba madali para sa akin makilala kung sino si Torn o sino si Cane?
It's because of their eyes. That's the answer.
Para sa akin si Torn ang pinakamalamig tumingin sa kanilang dalawa. Walang emosyong mababakas pero manlalamig ka talaga. Si Cane kasi madaling basahin ang mata. Tipong natutuwa o nagagalit. I never saw him na tumingin ng walang kaemo-emosyon, tipong blanko. Tanging si Torn lang ang kinakitaan ko ng ganoong mata.
Atras.
Lapit.
Atras.
Lapit.
Atras.
Lapit.
Atras.
Ganyan kami ngayon ni Torn, aatras ako, lalapit siya. Hindi ko maiwasang kabahan sa tinging iginagawad nito sa akin. Aba baka matagpuan na lang ako ng Tatay ko na lumulutang sa Ilog Pasig, kinabukasan. In short, baka i-murder ako ng lalaking 'to. Sila ng kakambal niya na mukhang naka-recover na sa sakit dahil nakasandal na ito sa pintuan. At tila tuwang-tuwa sa nakikita niyang pananakot sa akin ni Torn.
Fine. I admit, natatakot ako 'no. Kung kanina mala-Gabriela Silang ako, ngayon daig ko pa ang kuting na natatakot.
"That's enough Torn! Babae si Spring, bakit hindi niyo na lang siya tigilan?!" Oh my Raven. You are definitely my knight in shining armor.
"You shut up Raven, baka makalimutan kong pinsan kita at madamay ka sa inis ko sa babaeng 'to."
Tumingin ako kay Raven at nakita kong naiinis na ito. Umiling ako dito senyales na huwag ng makialam. Dahil kilala ko ang kambal na 'to, sigurado akong kahit pinsan nila si Raven hindi nila ito sasantuhin.
Para saan pa ang pagiging bad boy nila hindi ba?
Magpipinsan sila Raven, Torn at Cane. Noong una kong malaman iyon pumasok sa isip ko na paanong magkalahi ang anghel at ang dalawang demonyo. Ang laki talaga ng pagkakaiba nila. Malaki talaga.
"No--"
"One word, at sisiguraduhin kong maghihiwalay kayo ni Sophia." Nakita kong napuno ng galit ang mga mata ni Raven pero tumingin ito sa akin at tila humihingi ng pasensya. Ngumiti ako ng pilit at namalayan ko na lang na umalis na si Raven.
And now I'm Dead.
#####
"Ano ba bitawan mo 'ko! Nasasaktan ako!" Pagkaalis na pagkaalis ni Raven mahigpit na hinawakan ni Torn ang kwelyo ko at isinandal ako sa pader.
"Mr. Helios bitawan niyo po siya, 'yung sugat--" Napatigil sa pagsasalita si Nurse Joy ng matalim siyang titigan ni Torn.
Habang ako ay nakakaramdam na ng sakit sa higpit ng kapit niya sa akin. Onti na lang masasakal na 'ko.
Ano bang kasalanan ko?
Sige, inaamin ko sinaktan ko ang precious jewel ng kakambal niya. Pero sila? Hindi ba nila naisip ang ginagawa nila sa akin? Na sa araw-araw ng buhay ko, pakiramdam ko nasa impyerno ako.
Nangilid ang luha ko at napayuko. Hindi ako iiyak. Tatlong taon. Ganoong katagal ko ng nararanasan 'to. Ano pa bang bago? Kaya hindi ako iiyak.
"Crying eh?" Nilunok ko ang tila bikig sa lalamunan ko. At natatakot man ay taas-noo ko siyang hinarap.
"Iiyak? Ako? Bakit naman ako iiyak para sa katulad niyo?! Sino ba kayo? Ang mga katulad niyong tao ay hindi worth it iyakan rather pag-ukulan ng pansin." Dumilim ang anyo nito at lalong diniinan ang kapit sa akin.
"Who do you think you are Spring? Just who do you f*****g think you are para magsalita ng ganyan sa akin, para magkaroon ng lakas ng loob na saktan si Cane? You're just a nobody Spring Cruz. A nobody. " Matigas na saad nito.
Kumuyom ang mga palad ko pero hindi ako magpapatalo.
"Really Torn? Eh nobody naman pala ako eh, then why does it seems like masyado niyo kong pinag-uukulan ng pansin ng kakambal mo ang nobody na katulad ko?" Tumingin pa ko sa pwesto ni Cane at napansin kong naglaho ang ngisi nito "...sa pagkakaalam ko kasi ang mga taong katulad ko ay hindi na dapat pinapansin dahil nga kagaya ng sabi mo I'm just a nobody. An eyesore and definitely not someone who should be notice." Nagtagis ang mga bagang nito at gigil na gigil na inalog ako. Masakit siyempre. Pero hindi ko pinapakitang nasasaktan ako.
"Trying to be brave huh? Let me tell you this, sisiguraduhin ko na--"
"Na ano na gagawin mong impyerno ang buhay ko dito sa H.U? Sa tingin mo ba sa loob ng tatlong taon na pam-bu-bully niyo sa akin hindi pa ang naging impyerno ang buhay ko?! Eto..." Tinuro ko ang tuktok ng ulo ko "...hindi lang ito ang unang sugat na natamo ko dahil sa inyo! Pero alam mo..." Lumunok ako at saglit na sinulyapan si Cane makaraan ay binalik ko ang tingin ko kay Torn.
"Hindi 'yung sugat yung mga nakasakit sa 'kin! Kung 'di 'yung pakiramdam na halos lahat ng tao sa paaralan na 'to ang tingin sa akin ay basura. Sino ba kayo sa tingin niyo para gawin niyo sa 'kin to?! Sino ba kayo?! Let me tell you this Torn, what happened three years ago is not my fault! Hindi ko 'yon ginusto! Dahil aminin mo man o hindi--"
"Stop. Shut the f**k up b***h! Kung ayaw mong ako mismo ang magpatahimik sa'yo." Napatahimik naman ako sa sinabi nito. The way he said it, it's as if he can kill someone. And that someone is me.
Marahas ako nitong binitawan. Sa sobrang rahas ng pagbitaw niya sa kwelyo ko nadamay pati ang kwintas ko.
It fell upon his feet. And before I knew it he was holding my necklace and looking at it as if may masama siyang balak dito. Kukunin ko na sana ito ng iiwas niya ito sa akin at naglakad paalis.
Natulala ako, tama ba ang nakita ko na kinuha niya ang kwintas ko?!
"T-Torn give me back my n-necklace!" Nanginginig ang boses kong saad.
"Why? Is it important to you?" Hindi tumitingin na saad niya sa akin. Nasa pinto na siya katabi si Cane na tila naguguluhan din kung ano ang plano ni Torn.
Hindi ko na siya sinagot at nagmamadali akong lumapit sa kanya. Tinangka kong abutin ang kwintas pero ano nga bang laban ko sa tangkad niya?
Hinawakan ko ang braso niya na marahas niya namang pinalis "Don't you dare touch me with your filthy hand." Malamig ang boses nitong saad.
"J-just give it back to me Torn, mahalaga sa akin ang kwintas na 'yan. Kaya n-nakikiusap ako, ibigay mo na sa 'kin 'yan." Naluluha kong saad. Napansin kong nagulat sa reaksyon ko ang kambal.
Marahil dahil 'eto ang unang beses na narinig nila akong nakikiusap sa kanila. Pero wala kong pakialam sa pride dahil ang kwintas na hawak-hawak ni Torn ay ang huling bagay na ibinigay sa akin ng Nanay.
Sarkastikong tumawa si Torn "Scaredy cat eh? Nasaan na ang matapang na si Spring?"
"J-just give it back Torn, we're wasting our time here." Nagtaka man ako sa seryosong boses ni Cane pero umaasa ko na makikinig sa kanya si Torn.
Napahinga ko ng maluwag ng ibinaba ni Torn ang kwintas ko. Aabutin ko na sana ito ng biglang...
°Splash°
Lumakas ang kabog ng puso ko at hindi ko maiwasang mapahawak dito.
"A-anong ginawa mo T-Torn?" Kinakapos ng hininga kong saad.
"Didn't you see?... I throw it in the pond.." Napatingin naman ako sa medyo may kalakihan na pond na nasa tapat ng clinic.
"I b-beg you t-to give it back to me! How dare you!" Puno ng galit kong saad dito. Pero blanko lang ang mukha nitong tinitigan ako.
"Now, how does it feel? Ang makita ang isang bagay na mahalaga sa'yo na nawala at itinapon. It's terrifying isn't it?" Hindi ko napigilan ang sarili ko at malakas ko itong sinampal.
Sa sobrang lakas ay narinig ko ang pagsinghap ni Nurse Joy marahil sa gulat.
"You b***h!" Pero bago pa ito makalapit sa akin ay lumakad ako palabas papunta sa pond at lumusong papunta dito.
"Hey Spring! Are you insane?!" Narinig kong sigaw ni Cane pero hindi ko siya pinansin at pilit kong kinakapa ang ilalim ng pond. Naramdaman kong nanlalabo na ang paningin ko na hindi ko alam kung dahil sa pagkalaglag ng salamin ko o dahil sa mga luha kong patuloy sa pagbagsak.
Hindi pwedeng mawala sa akin ang kwintas na 'yon.
Nagkakagulo na nga ang mga isda maging ang mga bibe na nandito sa pond pero wala kong pakialam.
"Don't mind her! What a loser." Sino pa ba ang nagsalita? Malamang si Torn.
Loser.
Mas loser siya dahil pilit niyang pinapaniwala ang sarili niya na kasalanan ko kung bakit nawala sa kanya ang girlfriend niya samantalang alam ko sa sarili ko na wala akong kasalanan. Wala. Walang wala.
Itutuloy...