Chapter 5: Lifeless

1049 Words
"Umalis ka na diyan, Spring. Baka maimpeksyon ang sugat mo! Madumi diyan!" Sigaw sa akin ni Nurse Joy habang nasa pintuan ito ng clinic. Pero hindi ako nakikinig at madumi man ang pond dahil sa lumot at sa dumi ng isda inilubog ko pa rin ang sarili ko at pilit kinakapa ng kamay ko ang malagkit na lapag ng pond. Hindi ko na rin alam kung saan napunta ang salamin ko. Napakalakas talaga ng pagkakabato ng demonyong si Torn dahil hindi naman magkalapit ang clinic at ang pond. Ilang dipa din ang layo pero talagang sinigurado niya na dito mapupunta ang kwintas ko. I hate him. I really do. If only, I never met the Helios Twin three years ago. Things in my college life could have been different. Madaming sana sa utak ko pero anong laban ko sa tadhana. Tears are streaming down my face just by thinking na hindi ko makikita ang kwintas na inalagaan ko sa loob ng matagal na panahon. At pag nangyari 'yon--- Napahinto ako sa pag-iisip ng may makapa ang kamay ko at sigurado ako. Ito ang kwintas ko. Hirap man ay umahon ako at naglakad papunta sa clinic habang mahigpit na kapit ang kwintas ko. Mabuti na lang at nakapa ko din ang salamin ko. "Nurse Joy, nakita ko na ang---" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla na lang nagdilim ang paningin ko. "Sprinnnnnnggg!" Ang sigaw ni Nurse Joy ang huli kong narinig bago tuluyang nawalan ng ulirat. Cane's (B1) POV "Hey, mukhang---" Napahinto ako sa pagsasalita ng masama akong tinignan ng kapatid ko. Shut-the-f**k-up. 'Yon ang sinasabi ng mga mata niya. At dahil wala naman ako sa mood na makipag-away sa kakambal ko nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at sinabayan ang may topak kong kapatid. Sandali lang kaming naglagi sa hide-out namin dito sa HU bago namin napagpasyahan na umuwi na lang ng bahay. I wonder kung nakuha na ni Tagsibol ang kwintas niya. Honestly, nagulat ako sa iniakto ng babaeng 'yon kanina. Dahil hindi siya ang tipo na makikiusap at iiyak sa harap namin ni Torn. Mukhang napakahalaga nga sa kanya ang kwintas na 'yon. At hindi ko rin maiwasang magulat ng sipain nito ang ----! For the past three years, Spring Cruz, you never failed to amuse me. Napabalik ako sa reyalidad ng makarinig ng wang-wang ng isang ambulansya. Ambulansya? Napakunot-noo ko at maging ang kakambal ko ay napahinto sa paglalakad at pinagmasdan din ang humintong sasakyan. "Let's go." Malamig pa sa yelong saad ng kakambal ko. "Wait, I'm just curious kung sino ang naaksidente at kinakailangan pang dalhin sa ospital. It's still our school Torn." Hindi naman ito tumutol at sumandal na lang sa pader. Maya-maya lang ay nakita na namin ang isang babae na nakahiga sa stretcher at tila walang malay. Si Tagsibol ito. The f**k, anong nangyari sa kanya?! Hindi ko napigilan ang sarili ko at lumapit ako. Hindi ko alam kung anong nangyari pero kitang-kita ko kung gaano kaputla si Spring. Dahil ba ito sa naging sugat niya sa ulo? Hanggang sa maisakay siya ay nanatili lang akong nakatayo at tila naestatwa sa kinatatayuan ko. Lumingon ako sa kakambal ko at blanko man ang paningin niya ay nahihinuha kong katulad ko ay nagulat siya. Three years since the day that we've met Spring Cruz but it is the first time that I saw her in that state. Lifeless. Vulnerable. Fragile. Malayo sa babaeng matapang at hindi natatakot sa amin. Kahit na kung tutuusin tama siya. Ang HU ay isang impyerno para sa kanya. Impyerno dahil sa amin ng kakambal ko. "Are you just gonna f*****g stand there like an idiot?" Napalingon ako sa kambal ko at hindi ko mapigilang samaan ng tingin ito. Because he just f*****g called me an idiot. "Go to hell bro." He sneered at me much to my annoyance. "See you there." anito bago tuluyang pumasok sa loob ng kotse. Kung hindi lang kinuha ni Light ang susi ng kotse ko at itinago ang iba pa nilang kotse dahil sa nalaman nito na nakikipag-d**g racing ako. Nunca na sasabay ako sa kakambal kong menopausal. Habang nasa biyahe ay hindi ko pa rin maiwasang isipin si Tagsibol. The hell, marunong ka pa palang ma-guilty Hurricane! Pangungutya ng utak ko. Argh! Maybe kung malalaman kong ayos na siya mawawala na itong pakiramdam na para bang hindi ako mapalagay. 'No! Wala akong pakialam sa Tagsibol na iyon kaya wala rin akong pake kung anuman ang mangyari sa kanya!' Hindi nga ba't isa ko sa buwisit sa babae na iyon na nagsimula ng istorbohin ako nito sa 'pagkain' ko. Hindi lang isa kung hindi dalawa. At palagi man akong inis sa kakambal ko, nakisama ako rito ng sabihin nitong papahirapan nito si Tagsibol hanggang mawala ito sa HU. Alam ko naman ang dahilan, dahil sinisisi nito si Tagsibol sa pagkawala ni Storm. "M&%%^therF&^*^*%!" ani ko ng bigla na lang pumreno ang kakambal ko at dahil sa nakalimutan ko palang maglagay ng seatbelt muntik na akong sumubsob sa dash board kung hindi lang ako nakahawak sa handle ng kotse. Matalim ang mata kong nilingon ang kakambal ko. "The f&ck man! Anong problema mo?!" "Get out." saad nito na siyang nakapagpakunot ng noo ko. Lumingon ako sa labas at napagtantong malayo pa kami sa bahay. "Are you kidding me?!" Blanko ang matang nilingon ako nito. "Kung gusto mong puntahan ang babae na iyon, then get out of my car." "I never said---" "You can't fool me Hurricane." anito na siyang nakapagpatigil sa kanya sa pagsasalita. "You and your f&cking imagination Torn! I swear you'll pay for this!" galit kong saad sabay pabalabag na lumabas ng kotse. At mabilis na umalis ang walang puso kong kakambal. Inis na inis kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan ang isa sa 'laruan' ko. "Babe!" nailayo ko ang cellphone ko sa tenga ko sa sobrang lakas at tinis ng boses na sumagot sa kabilang linya. "The f&&k b*tch will you lower down your f&ck!ng voice?!" "Sorry babe, kinda excited---" "Pick me up at the ***** within 5 minutes." saad ko at hindi na inantay na ituloy ang sasabihin at agad kong ibinaba ang cellphone ko. 'Sinong nagsabi na pupuntahan ko ang babaeng iyon? Hindi ko pa rin nakakalimutan kung paano nito sinipa ang ----- ! ' TBC
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD