SPRING's POV "Dahil sa tapos na tayong kumain, may gusto ako i-announce sa inyong lahat." Napatigil ako sa pag-inom at agad ibinaba ang baso ko ng marinig ang sinabi ni Tatay. "What is it Dad? Ibibigay niyo na ba 'yung bagong car na hinihingi ko?" Nakangiting tanong ni Summer. Isang taon lang ang tanda ko kay Summer at nagpapasalamat ako na hindi kami parehas ng pinapasukan na school dahil hindi ko na kakayanin kung pati kapatid ko i-bully ako sa HU. Umiling si Tatay at agad naman sumimangot si Summer. "Maybe kapag tumigil ka na sa pag-uwi ng late kaka-party mo, magagawa ko ng ibigay ang kotseng hinihingi mo." Nagtaka ako ng tumayo si Tatay at lumapit sa akin pero ang mas ikipinagtaka ko ng iabot nito sa akin ang isang envelope na kanina pa nasa tabi nito. "Open it, Spring." saad ni