FAST-FORWARD (ONE WEEK LATER…) SPRING’s POV “K-kumusta naman si Tita Amethyst?” Matagal bago nakaimik si Rain na kanina ko pa kausap sa cellphone. “S-She’s fine, A-ate.” Huminga ako nang malalim at tumikhim para alisin ang bikig na namumuo sa lalamunan ko. “R-Really?” Muli na namang natahimik si Rain at maya-maya lang ay narinig ko ang paghikbi nito. “Ang totoo niyan, hindi okay si Mommy. Pakiramdam ko hindi lang si Dad ang nasa comatose state kung hindi pati siya. She’s not even talking to me, kailangan pa namin siyang pilitin k-kumain. I r-really miss you Ate, I wish you were here.” “I m-miss you too, Rain.” Nasabi ko na lang dahil hindi ko alam kung paano ito kokonsolahin sa nangyayari kay Tita Amethyst. Muli akong huminga nang malalim dahil ayokong umiyak. Hindi ako nito pwedeng