SPRING's POV "Sis, huwag kang magulo...huwag kang kukurap okay?" saad ni Light habang minu-murder nito ang mukha ko gamit ang mga make-up niya. Parang kanina lang ang tumatakbo sa isip ko ay ang magbasa ng bago kong hiniram na libro sa Library at mag-aral. Pero mahigit isang oras na ang nakakaraan napilit ako ni Light na sumama sa kanila sa bar. Can you believe that? Ako kasi hindi ko pa rin mapaniwalaan. Hindi ko mapaniwalaan na makakatapak ako sa isang bar. It is not my thing. I hate loud music though I love dancing (secretly). At siyempre kapag nasa isang bar ka, may alak at usok ng sigarilyo na hindi ko rin gusto ang mga amoy. At ang mas pinakahindi ko gusto ay ang gawin akong manika ni Light na tuwang-tuwa habang kinukulayan ang mukha kong nag-uumpisa nang mangati. "Papatunayan