SPRING’s POV “Ano?! Makikinig kayo sa kanya? I said get her!” Naalis ang paningin ko kay Cane at napabaling sa sumigaw na si Torn. Muli kong hinanda ang sarili ko nang mag-umpisang lumapit sa amin ang ilang kalalakihan. “And I said touch her and all of you will be dead.” Napatingin ako kay Cane na seryoso pa rin ang boses. “A-ano bang nangyayari sa ‘yo?” saad ko na halos pabulong at duda ko kung narinig niya. “What the--- ano bang nangyayari sa ‘yo huh Hurricane? Kinakalaban mo ba ako?!” Lumapit si Cane kay Torn at inakbayan ang kanyang kakambal pero galit itong ipinalis ni Torn. “I told you that we need to talk but not in this place.” “Shut up!” sigaw ni Torn at hinarap ako. “Hindi ko alam kung anong ginawa mo sa kapatid ko pero nagkakamali ka kung iniisip mong makakaligtas ka sa a