SPRING's POV "Pwede bang bilisan mong kumain?!" Napasimangot ako habang nanakit na ang bagang ko dahil sa wagas kong pagnguya. Dito ko na lang ibinubunton ang inis ko dahil hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses nang sinabi ng damuhong si Cane na bilisan kong kumain. Sino bang nagsabi na gusto kong sumabay sa kanya? Ito nga ang dahilan kung bakit halos umapaw na ang plato ko sa dami ng nilagay kong pagkain dito sa pagbabakasakali na mainip sa akin ang hudyo at iwanan na ako. "Hindi ka ba pinapaka---" "Cane... shut up at sumama ka muna sa akin." Nagtaas ako ng paningin mula sa pagkakayuko at binalingan si Light na seryosong nakatingin sa kapatid niya. Saan naman sila pupunta? "Where?" "In my room. Nakalimutan ko ang susi ng kotse mo. Samahan mo ako." Mariing saad ni Light halat