SPRING's POV "Wow!" puno ng paghanga kong saad sa lugar na pinagdalhan sa akin ni Paupau. Ga-graduate na ako sa HU pero hindi ko pa napuntahan ang parte na ito ng HU kung saan tanaw na tanaw ang malawak na field at ang naglalakihang buildings ng HU. Sariwa pa ang hangin na narito at mangilan-ngilan lang ang tao na ang iba ay nagbabasa at 'yung iba naman ay natutulog. Hindi rin sagabal ang mainit na araw dahil nakaupo kami sa ilalim ng mayabong na puno. "Hindi ka pa ba nakakapunta rito?" tanong sa akin ni Pau sabay abot sa akin ng sandwich at juice na binili daw nito sa labas ng school. Hindi na rin naman ako nagtaka na hindi ito nagpupunta ng cafeteria. Ang isa sa natutunan ko bilang isang certified bullied, huwag na huwag pupunta ng cafeteria tuwing break. Dahil sa lugar na 'yon mas m