SPRING's POV "So are you going to audition or not?" Sumama ang timpla ng mukha ko sa tanong ni Kuya Paeng. "Siyempre Kuya, Hindi!" Natawa ito at muling ipinokus ang sarili sa pagkain. Ganoon din naman ako, mabuti na lang at niyaya ako ni Kuya at Paupau na mag-dinner sa labas para ituloy ang naudlot naming bonding noong sabado na kagagawan ni Cane. Bukod sa masasarap ang putaheng inorder ni Kuya Paeng, stress din ako sa mga kagrupo ko siyempre bukod kay Paupau. Paraan ko na rin ang dinner na 'to para makaiwas sa kambal pauwi. Wala ako sa mood sa pang-aasar ni Cane at sa poker face ni Torn. Bad trip ako sa mga ito. Isa pa kasi ang mga ito sa problema ko. Puno ng pagkadisgusto ang mukha ni Cane nang sabihin kong sila Kuya Paeng na lang ang maghahatid sa akin pauwi. Malamang ay kung ano n