Part 15 - Masarap magluto si Carla?

1281 Words
ALAM ni Carla na nagseselos si Saimon sa kanyang junior assistant kaya gusto niyang isorpresa ito isang hapon. Nag early out siya at namili ng mga supplies sa isang grocery store. Ito na rin ang kaniyang peace offering sa lalaki kahit hindi sila nag-away nito. "Sus, kunwari pang kumang na hindi alam ang salitang selos," bulong niya sa sarili habang namili ng mga gagamitin sa sorpresa.   Parang hinihila ni kupido ang puso niya sa mga sandaling 'yon. Ilang buwan na sila sa tagong relasyon ngunit parang kilala na niya ng konti ang asawa. Noong first weeks, medyo kabado siya kasi hindi niya ma-decipher kung nagbibiro ba 'to o seryoso. But now? 'Di naman matatawag siyang expert pero medyo alam na niyang basahin ang mood nito.   "Ate Loleng, ako na ho ang magluluto." Nilapag niya ang mga gamit sa kusina.   "Sure po, ma'am?" Kahit palangga siya ng babae, parang nakikita sa mukha nito ang pagkabahala.   Nilapitan niya ang matanda at inakbayan. "Gusto ko kasing sorpresahin si Saimon. Alam niyo na para maka ano..."   Malapad ang ngiti ng babae nang tingnan siya. "Ay, okay ma'am. Aalis muna kami ni Danilo para masolo niyo si sir Sai. Para naman makabuo na kayo."   Namilog ang mata niya. "Ho?"   Marahang tinapik ng matanda ang braso niya. "Naiintindihan kita, ma'am. Bata rin akong nag-asawa kaya alam ko ang nararamdaman niyo ngayon. Normal lang 'yan sa bagong mag-asawa."   Parang kinikilig pa si Ate Loleng na nagkuwento sa kabataan nito at sa kaniyang namayapang asawa. Kahit umiinit ang mukha ni Carla, hinayaan niya lang ang matandang magsalita hanggang sa excited na umalis ito. Nag-search siya online para sa mga recipes na ihahanda niya. Dahil nasa mood talaga siya ngayong hapon, naglagay siya ng earphones at pinatugtog ang Honey Bee ni Blake Shelton at pasayaw-sayaw pa siyang nagluluto ng iba't-ibang putahe.   Ginawa pa niyang mikropono ang sandok ng sabaw habang pikit-matang bumirit. "You'll be my honey suckle, I'll be your honey bee....."   Dahil nakapikit pa rin siya kaya hindi niya namalayang tumalsik ang mantika sa kaniyang kamay. Napadilat siya bigla at napasigaw. Dali-dali niyang kinuha ang earbuds at ini-off ang stove. "Why you treat me like this?" pa OA niyang tanong sa kawali.   "Pati kawali sumurender sa pagkasintunado mo, Gugz." Isang walang emosyong boses ang narinig niya.   Lumingon siya at nakitang nakasandal si Saimon sa refrigerator. Lumundag ang puso niya nang makita ang seryosong mukha nito. "Saiii...."   "Playing hooky?" Hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.   Hindi niya alam kung bakit naging parang makopa ang mukha niya sa ginawa ng lalaki. Parang scanner kung makatingin ang loko! Pero in fairness, she felt challenged kapag namimilog ang mga tsinitong mga mata nito lalo na kung natutuwa ito o nasosorpresa sa kaniyang mga ginagawa.   "Hehehe!" lang ang isinagot niya rito.   "Marunong ka na ngayong mang-abuso, Gugz." Parang rebulto talaga ang facial expression nito.   Dali-dali siyang lumapit sa lalaki at niyakap ito. She sniffed his neck. "At least productive ako ngayon, Sai. Pinagluto kita."   "Hmmm..."   Umatras siya at tumingala rito kahit nangangawit ang kaniyang batok. "I'm a good cook."   Napataas ang kilay ng lalaki.   "Magbihis ka muna." Ninakawan niya ito ng halik. Parang nagdi-disco ang puso niya nang makitang namilog ang mga mata nito. At napatawa siya nang makitang namumula ang mukha ng asawa nang umalis.   "May fiesta ba?" manghang tanong nito. "Andami mong niluto."   Inakay niya itong umupo at sininghot pa ang ulo ng lalaki bago sumandok ng sabaw para rito. "Kainin mo 'yan lahat, Sai. Nangangayayat ka na, oh."   Yumuko ang lalaki upang humigop ng sabaw.   "Masarap ano?" masayang tanong niya.   Napatango ito at humigop ng sabaw hanggang sa ma ubos.   "Ayaw mong kumain?" tanong nito. "Nagsabog ba ang Diyos ng himala? Tinitingan mo lang ang pagkain sa mesa, ah."   Napatawa siya. "Ano ka ba! Kinain ko na lahat ng fruit salad habang nagluluto ako, Sai."   "Baka kabagin ka niyan." May konting pag-alala sa boses ng lalaki. "Kumain ka muna."   Umiling siya. "Malakas kaya resistensya ko."   "Ikaw ang bahala." Napatingin ito sa ibang luto niya bago kumuha ng isa at tinikman. Namilog na naman ang mga singkit na mata nito.   "Ang sarap ano?" excited na tanong niya.   Napa-ubo ng malakas ang lalaki.   "Sai..?" Kumuha siya ng tubig at ipina-inom dito.   Nang humupa ang ubo nito, kumuha na naman ito ng iba pang putahe at kinain. Namilog na naman ang mga mata nito at pulang-pula ang mukha habang dali-daling ininom ang natitirang tubig.   Curious na tinikman niya rin ang ginawang kare-kare at napaubo siya sa sobrang alat nito. Kumuha rin siya ng iba't-ibang putahe at hindi niya alam kung bakit tila naliligo sa dagat ang mga ginawa niya. Ang sabaw lang ang masarap.   "Hindi mo binasa ang recipes?" tanong ng asawa at lumagok ulit ito ng tubig.   Napa-pout siya. "Binasa ko naman."   "Binasa mong nakapikit?" tanong nito. "O resulta 'yan sa pikit-mata mong konseryto habang nagtitimpla."   Napakagat-labi siya. "Sai... sorry...."   "Hmmm...." Tumayo ang lalaki at may kinuha sa cupboard bago nagsaing ng tubig sa kaserola.   Nakaupo pa rin si Carla at nakangiting tiningnan ang asawang nagluluto ng instant noodles.   "Sai, damihan mo ha," utos niya rito. "Pancit canton sa 'kin tapos hot and spicy."   "Akala ko ba busog ka." Tiningnan siya nito.   Binigyan niya ito ng isang nakakalokong ngiti. "Ngayon lang ako makakatikim ng luto mo kahit instant noodles lang 'yan."   Namula ang mukha ni Saimon. "Yes, ma'am."   Tahimik na pinanood niya ang asawa na feeling master chef sa pagluluto ng instant noodles. Inilapag nito ang order niya sa mesa. "Hayan na ang order mo, Gugz."   "Wow! Ang sarap ng luto mo Sai," sabi niya sabay subo ng noodles.   Ngumisi lang ito at nagpatuloy sa pagkain.    "Sai..." mahinang bigkas niya sa pangalan ng asawa.    "Hmmm..." Nakayuko ang lalaki habang ipinagpatuloy ang hapunan.   "Sorry ha kasi sabaw lang ang masarap sa naluto ko."   "Bagsak ka sa final product pero pasado ka sa performance mo habang nagluluto," seryosong sabi nito.   "Sai naman...." Pinilit niyang magpacute pero tila hindi epektibo.   "Maghanda ka na pagkatapos nito," ani ng lalaki.   Napatingin siya sa wall clock. "Sai, wala pang alas siete uy!"   Tiningnan siya nito. "Hmmm..?"   "Sabi ko ang aga-aga pa para maglaro tayo sa..." She wiggled her eyebrows. "...you know."  Wala pa ring emosyon ang lalaki habang nagsalita. "Bakit? Sabi ko bang may bed-sports tayo ngayong gabi?"   "Ha...?" Dismayado siya. "Wala talaga?" "May exam ka tonight sa mga librong pinahiram ko sa'yo," sagot ng lalaki. "Nasa study room ang questionnaires."   Napaismid siya ng maalala na hindi pala siya nakapag study. Pinahiram siya nito ng tatlong libro last week at inutusan siyang pag-aralan ang mga ito. Binasa rin naman niya ang mga ito pero hindi niya inaasahang ngayong gabi ito magpapasulit.   "One hundred items ang ginawa ko," pahayag ng lalaki. "Eighty points ang passing grade. Gugz, alam mo ba kung ano ang magiging premyo kung makakapasa ka?"   Medyo dismayado talaga siya sa turn of events. She actually never expected all of this. Gusto niyang matuwa ang lalaki sa sorpresa niya pero parang naghiganti ito dahil hindi masarap ang mga putahe niya.   Nawawalan na siya ng interes kaya nagkibit-balikat siya. "Whatever."   "Are you not interested at all?" Taas kilay na tanong nito.   "Ano?" naiinis na tanong niya.   Tinitigan siya ng lalaki pero hindi ito umimik. Tila ba ini-estima nito ang buong pagkatao niya. Tila ba pinag-aaralan nito kung ipagpapatuloy pa ba ang pagbibigay nito ng pasulit sa kaniya.   "Ano nga?" Naiirita na talaga siya sa asawa. Feeling pa importansya talaga ang lalaking 'to.   "Me or Sybian or both," walang prenong sagot ng lalaki.   Bigla siyang nawalan ng hininga sa sagot nito. Tiningnan niya nang maigi ang lalaki kung nagbibiro ba ito pero tila istatuwa pa rin ang mukha nito.   "Are you s-sure?" dahan-dahan niyang tanong.   "Yes." Tila tumatagos ang mga tingin ng lalaki sa kaniyang mga buto.   Bigla siyang napatayo. "I want to take the exam now!"   "Sure?" Nangingislap ang mga mata nito. "Parang I change my mind."   "Don't you ever dare!" Pinandilatan niya ito.   Napangiti ang asawa. "Akala ko pagkain lang ang makaka-motivate sa'yo, Gugz."   "You're definitely wrong, Sai." Hinaplos niya ang ulo nito. "Aside sa pagkain, I'm really motivated by your dick."   Napaubo ang lalaki.   At natatawa na lang siya habang pumasok sa study room.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD