MAY naramdamang kakaiba si Carla sa relasyon niya kay Saimon magmulang mangyari ang ‘sybian night’. Pero hindi niya kayang i-pinpoint kung anong aspeto ang pagbabago kahit anong gawin niyang analysis.
“Kailan kaya ulit mangyayari ‘yon?” Namumula niyang tanong sa sarili.
Naubos talaga ang bilib niya kay Saimon lalo na’t bumili talaga ito ng apparatus para mapaligaya siya. She never imagined na nag research pa talaga ito kung ano ang makakapagbigay ng saya sa kaniya sa larangang sekswal.
Uminit ang mukha niya nang maisipan kung ano-ano kaya ang mga hinanda ni Saimon para sa kaniya.
‘Hays, ano kaya ang feeling if love mo ang tao tapos ganon ang klaseng s*x ang ma-experience mo?’ Bigla niyang naitanong sa sarili. ‘Parang hindi ko ma-imagine na kayang gawin ‘yon ni Aron.’
Parang kinurot ng libo-libong beses ang puso niya nang maisipan ulit ang ex. Hindi rin naman basta-bastang mawawala ang dalawang taong pagsasama nila. Nagsisisi rin siya kung bakit ibinigay niya ang sarili rito. Siguro kung maibabalik ang nakaraan sa relasyon nila ni Aron, ‘yong pakikipag-s*x ang gusto niyang mabawi.
‘But how will I know if perfect ang s****l life mo ni Saimon kung hindi ka nakaranas ng mediocre s*x?’ Tanong din ng isang parte ng kaniyang isipan.
Inuntog niya ang ulo sa desk at umungol, “Sayang at ‘di na mababalik ang oras.”
"Okay lang kayo, ma'am Car?"tanong ni Paul sa kaniya.
Umupo siya ng matuwid at napa-compose sa sarili. "May nakalimutan akong importante."
Napahilamos siya sa mukha. ‘Hayan kasi pinaghalo mo ang personal at trabaho! Focus, Carla.’
Natauhan siya bigla at nakahanap ng motivation sa pagtatrabaho. Bilib din naman siya kay Paul kasi mabilis itong matuto kahit apat na araw lang ang ginawa niyang training dito. Malimit silang mag-overtime dalawa dahil gusto niyang maituro ang bawat detalye sa lalaki. Minsan sa opisina na sila kumakain ng hapunan, minsan naman sa labas o minsan sa mismong bahay niya. Kilala na nga ito ni nanay Rose dahil hindi talaga mapigilang dalhin ang trabaho nila sa bahay habang naghahapunan sila.
Ilang araw na rin silang hindi nagkikita ni Sai kahit sa iisang building sila nagtatrabaho. Minsan out of town ang lalaki at kapag nakikipag-communicate ‘to sa kaniya, siya naman ang hindi available.
Sai: Pasado alas otso na ng gabi. Nakauwi ka na?
Car: Sayang ang momentum.
Sai: Nasa office ka pa? Nakakain ka na?
Car: Nag take out na kami ni Pau.
Sai: Paul?
Car: Junior assistant ko. Remember that cutie pie na kasama ko sa registration sa convention night? ‘Yon.
Sai: K. Iipapasundo kita kay Danilo mamaya. Text ka lang.
Car: No need. Ihahatid ako ni Paul sa bahay. May sasakyan rin siya tsaka alam na ni Nanay na siya maghahatid sakin.
Sai: K.
Minsan tumawag ang asawa at nasa kalagitna-an sila ng diskusyon ni Paul regarding sa pag-handle ng biometrix sa JRG Mall Calinan. Kahit gusto niyang makipag-chika rito, pinigilan niya ang sarili kasi andami talagang dapat asikasuhin.
"Hello?" bulong niya.
"Asan ka na?" Malumanay ang tinig nito.
"Office pa rin," sagot niya.
"OT pa rin?"
"Oo, eh.” Medyo conscious siya kasi nasa harapan niya ang junior assistant. Ayaw din niyang aksidenteng masambit ang pangalan ng asawa.
"Ihahatid ka rin ni Paul pauwi?" Paismpleng tanong nito.
"Oo."
"At alam na rin ng nanay mo ‘yan?"
"Siempre," Napakagat-labi siya kasi parang alam na niya ang patutunguhan ng kanilang pag-uusap.
"Hmmm... just checking," sabi nito. "Huwag masyadong magpuyat baka iiyak ang baby fats mo."
Namula siya sa pang-aasar nito kahit napaka seryoso ng tinig. "Yeez, ser!"
"Bye.” At ibinaba nito ang phone.
Minsan naman, sa isang restaurant sila nagpatuloy ng kanilang overtime. Dala-dala nila ang mga personal laptopts at tinuruan niya ito kung paano ang formulation at solution ng manpower especially sa recruitment.
"Alam kong hindi na talaga ito ang scope ng work natin pero binigay ‘to ni Ma'am Jane,” aniya. “Pero okay lang kasi at least may alam tayo sa ganito.”
"Baka naman Car, hindi alam ni ma'am Jane ang mga ganito. Nakikita ko kasi na lagi siyang nagdi-disseminate ng trabahong dapat siya mismo ang gumawa,” biro ng lalaki.
Huminto sila pansamantala sa trabaho nang dumating ang mga orders nila. Napag-usapan nila ang hot spots ng Mindanao na napuntahan ni Paul.
"Heto ma'am, maganda talaga mga falls sa Iligan." Pakita nito sa mga photos mula sa phone nito.
Napatingin siya kay Paul at napangiti. Magaling kausap ang lalaki at kampante siya rito. Tatlong taon ang bata nito sa kaniya at parang manghud na rin ang turing niya rito lalo na’t wala siyang ibang kapatid.
Kinuha niya ang phone at namanghang tiningnan ang mga kuha nitong mga talon sa City of Waterfalls. “Wow! Nakapagtrabaho ako before sa CDO pero hindi pa ako nakapunta ng Iligan.”
"Maraming magagandang falls doon, ma'am Car. Pwede kayong mag tour doon," sabi ng lalaki. “Sabihan niyo lang ako kasi may mga kaibigan ako ron.”
"Bitaw noh? Sige, isa ‘yan sa mga bucket lists ko.”
" Oh heto pa, sa Zamboanga del Norte ‘yan at sa Misamis Occidental," sabi nito habang ipinakita sa kaniya ang iba pang mga photos.
Subsob ang atensyon nila sa mga pictures ng lalaki kaya hindi nila namalayang may lumapit sa kanilang dalawa.
"Oh Carla, andito ka rin pala.” Isang tinig na gusto niyang marinig in person.
Muntik na niyang mabitiwan ang phone ni Paul nang makita ang asawa sa harapan nilang dalawa.
“He-hello, sir Sai," bati niya rito. s**t bakit parang nagi-guilty siya kahit wala naman siyang ginagawang masama?
Bumati rin si Paul sa lalaki, "Kain po tayo, sir."
Napatango si Saimon. "Galing ako sa isang dinner meeting. Papauwi na ako. Kayo?"
"Mamaya na po sir, tatapusin lang namin ang homework namin.” Matamis na ngiti ang ibinigay niya sa lalaki.
Napatingin si Sai sa kanilang dalawa at sa laptops sa lamesa. "Huwag kayong masyadong magpuyat."
Nakadikit pa rin ang ngiti niya sa kaniyang mukha nang magpaalam ang lalaki. "Sige po, sir. Bye!"
"Ambait ni sir Sai, no?" Nakatitig si Paul sa pinto kung saan lumabas ang amo. .
"Oo mabait ‘yon." Pinilit niyang huwag magsalita ukol kay Saimon kaya iniba niya ang topic.
Hinatid siya ni Paul pagkatapos ng kanilang trabaho. Gusto na niyang magtumbling sa kama pero sulit naman ang pagod niya ngayong gabi kasi nakita niya ang lalaking gusto niyang makita. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at nagtext sa asawa ng ‘Miss you, Sai…’
Nakatulog siyang nakangiti kahit hindi nagreply ang asawa.
Dahil magaan ang pakiramdam niya sa nakaraang gabi, napagdesisyonan niyang hindi sila mag o-overtime ngayon ni Paul. Gusto niya kasing makasama si Saimon kaya asawa muna bago ang extrang trabaho. Kinontak niya si Marie sa mga plano niya bago siya nagtext kay Saimon. At malapad ang ngiti niya nang makita ang reply nitong “K.”
Lagi siyang napapatingin sa oras at halos mapatalon siyang lumabas ng kumpanya. Nag-text siya kay kuya Danilo na sa isang cake shop na lang siya sunduin kasi bibili siya ng pasalubong para kay Saimon.
“Kamusta si Sai nitong mga nakaraang araw, kuya?” tanong niya sa driver habang nasa biyahe na sila.
"Naku ma'am, parang wala sa mood si sir Sai," sagot naman nito. “Para bang hindi mapakali.”
"Wala naman ho siyang sakit?" Nag-aalala siya bigla.
"Parang wala naman, ma'am. Siguro namiss ka non," pabirong sabi ng kausap.
Nadatnan niya si Saimon na nagbabasa ng isang libro sa sala. Inilapag niya ang kaniyang dala at patakbong niyakap ang asawa. Pero parang rebulto ang lalaki na wala man lang indikasyon na dumating na siya.
Ah, ganon? Nag-effort kaya siyang pumunta sa bahay nito tapos makikita niya lang itong tila bato ang hitsura?
Kinuha niya ang libro at umupo sa kandungan nito. "Anong nangyari sa’yo?"
"Hmmmm.... Wala naman," tipid na sagot ng lalaki at pilit kinukuha ang libro mula sa kamay niya.
Itinapon niya ang libro sa kabilang silya. Pinandilatan siya ng asawa pero hindi niya ito pinansin. Bagkus, kinurot pa niya ang ilong nito."Sai, galit ka ba kasi ngayon lang ako nakapunta?"
"Alam kong busy ka,"seryosong sagot nito.
She squirmed. "Soooo... Sai, nagseselos ka ba kayPaul?"
"Ha?" Nabigla ito sa tanong niya.
She wiggled her butt on his lap until she heard him groan."Nagseselos ka ba, Sai?" tukso parin niya rito.
Hinawakan nito ang bewang niya para patigilin siya sa pagkilos."Bakit ako magseselos? Eh asawa nakita.”
Nahahalata niyang umiiwas ito ng tingin kaya hinawakan niya ang mukha nito at pinilit na ibaling ang paningin nito sa kaniya. “Namumula na ‘yang tainga mo at saka ang ilong mo. Either galit ka or masama ang pakiramdam mo."
"Kabag lang ‘to," tipid na sagot nito.
"Oh?" Dinampian niya ng halik ang ilong nito at hinalikan rin ang noo, ang pisngi, ang gilid ng bibig."Oh, namumula na ang buong mukha mo, Sai."
Pilit nitong kumawala sa hawak niya pero bigla niya itong hinalikan nang mariin sa labi. Nabigla ang lalaki at ilang segundo pa ang lumipas nang tumugon rin ito ng halik.
"You'll pay for this..." He groaned in between kisses.
She laughed. "Para mo na ring sinabing nagseselos ka...."
"I don't know that feeling." Kibit-balikat na sagot ng asawa.
Tumaas ang kilay ni Carla pero hindi na siya sumagot at hinayaan na rin niyang halikan siya ng lalaki. Nalulunod siya sa mga halik at haplos nito kaya nakalimutan na rin niyang ibigay ang pasalubong para rito.
Hours later
Mahimbing ang tulog ni Carla nang tingnan ito ni Saimon. He bent his head and kissed her gently on the forehead. “I always respect whatever decisions you make – kahit hindi ko maintindihan minsan ang mga ‘to. I trust you but I just don't trust your junior assistant..."
Pinatay niya ang ilaw ng lampshade bago siya humiga katabi ng babae. He smirked thinking about what he said. Para na ring sinabi niyang nagseselos siya .