Part 16 - Sexy Nurse

2038 Words
NAGKASAKIT si Saimon kinabukasan. Grabe ang guilt feelings ni Carla kasi akala niya na dahil mga luto niya kaya hindi makabangon ang asawa. Napatawag siya bigla sa kaniyang manager na mag-aabsent siya.   Medyo nag-aalinlangan ang kaniyang manager at muntik na niyang sabihin rito ang, "Nagkasakit si Saimon, Ma'am Jane. Kailangang alagaan ko 'to at baka hindi tayo makakatanggap ng sweldo kung walang pirma niya. Gusto mo 'yon?" Mabuti naman talaga at pumayag ito kalaunan. Gusto niyang pitikin ang bibig niya sa kung ano-anong mga kasinungalingang sinabi upang maging convincing ang alibis niya.   "Sai...." Lumapit siya sa kama. "Magiging okay ka, 'diba? Hindi ka naman siguro na food poison, 'diba? Hindi rin naman siguro tayo nag sobra ng s*x kagabi, 'diba?"   Ungol lang ang tanging sagot ng lalaki. Tinawagan niya rin ang doktor ng lalaki at nabalitaang flu ang dinaramdam ng asawa at hindi galing sa food poison. Nagbilin din siya kay ate Loleng na ipagluto ng sabaw si Saimon at lalabas muna siya. Dumiretso siya ng JRG mall at binili ang reseta ng doktor. Hindi niya kinalimutang bumili ng mga healthy foods para sa asawa nang maalala niya niyang wala pala siyang baong extra undies kaya dumiretso rin siya department store. Namili siya ng mga susuotin nang makita niya ang isang red nurse costume na naka-display sa isang manikin. Parang bombilyang umilaw ang pag-iisip niya at napingiti siya. Nag-request siya ng larger size at naging malapad na talaga ang ngiti niya nang bilhin ito.   Tulog pa rin si Sai nang madatnan niya sa bahay kaya nagka-ideya na naman siyang kuhanan ito ng pictures habang tulog.   "Ang guwapo mo talaga, Saimon," bulong niya rito habang tinitingnan ang mga pictures. "At ambait mong tingnan - kung tulog."   Eksaktong lunch time nagising ang lalaki.   "Gugz?" Nalilito ang lalaki nang makita siya sa tabi nito.   Hinipo niya ang noo nito at binigyan niya ito ng matamis na ngiti. "Sai, nagluto si Ate Loleng ng pakgain. Kain ka muna bago ka uminom ng gamot."   "Up," ungol ng asawa. Pinilit ng lalaking tumayo pero mahina pa rin ito kaya inalalayan niyang umupo ito sa kama.   "Sai, ako ang nagpapunta kay doc Ian kanina rito," aniya. Sumandok siya ng mainit na sabaw at dahan-dahang ibinigay dito ang pagkain.   "Hmmm... akala ko na food poison ako," paos na sabi nito habang kinuha ang kutsara't mangkok mula sa kaniya.   "Nasobrahan ka na sa s*x kaya abstinence ka muna," inis na sagot niya.   Umiling ito at humigop ito ng sabaw habang hinanda niya ang medisina nito. Bumalik siya sa tabi ng lalaki nang biglang napasinghap ang lalaki.   "Mainit ba masyado?" nag-aalalang tanong niya.   "Hot..." bulong nito.   Kinuha niya ang bowl sa kamay nito at tinikman ang sabaw. "Hindi naman ganoon ka init, Sai at hindi rin naman maanghang..."   "I mean...you're hot...costume." Pinipilit nitong magsalita sa kalagitnaan ng ubo.   May sumibol sa puso ni Carla sa mga sandaling 'yon. Kinikilig siya kasi kahit masama ang pakiramdam ni Saimon, na-appreciate pa rin ng lalaki ang damit na binili niya kanina sa mall.   'Shet! Nibukad akong atay!'  isip niya.   "You think I'm very beautiful today?" Nagpose pa siya sa harapan nito.   "Don't overdo it, Gugz." Neutral ang boses at ang mukha ng asawa.   Humiga siya sa harapan nito at sinubukan ang mga sexy poses na nakikita niya sa social media. "Bagay ba sa 'kin ang sexy nurse outfit, Sai? Medyo sumisikip na nga ang dibdib ko, oh."   Napapikit ang lalaki at huminga ng malalim. "Oh God, why are you torturing me like this?"   Umupo siya bigla at naramdaman niyang biglang naputol ang strap ng bra at lumabas bigla ang mga s**o niya. Narinig niyang napalunok si Saimon at nang tingnan, nanginginig ang asawa. Inulan siya ng konsensya sa mga sandaling 'yon kaya pinilit niyang iayos ang suot pero hindi nakikipag-coordinate ang cheap na costume at napunit ito lalo. Sa inis, hinubad niya ang costume."Bweset naman oh! Ang hirap kaya suotin 'to tapos bigla-bigla lang masisira sa ilang galaw?"   Kumuha ng unan si Saimon at itinakip sa mukha nito at yumugyog ang mga balikat ng asawa.   "Sai, hindi ka pa tapos kumain." Kinuha niya ang unan pero pilit pa ring tinatakpan ni Saimon ang mukha nito. "Kumain ka na diyan para maka-inom ka ng tambal."   Hindi kumilos ang lalaki.   "Gusto mo lang talagang pagsilbihan kita." Hinatak niya ang unan at itinapon sa kung saang hindi maaabot ng asawa. "Gusto mong subuan kita gamit ang bibig ko?"   Tiningnan nito ang bibig niya at dali-daling umiling.   "Kumain ka na." Ibinigay niya rito ang kutsara't mangkok na may lamang lugaw.   Napapansin niyang panay ng tingin ng lalaki sa kaniyang dibdib. Nang yumuko siya, doon niya naalala na nakahubo't-hubad pala siya. At naninigas ang mga n*****s niya sa lamig ng aircon sa kwarto. Nilingon niya ang lalaki at namumula itong ibinaling ang atensyon sa pagkain.   "Ngayon ka lang nakakita ng Eba, ano?" tanong niya rito. "Pagpiyestahan mo ang mala-diyosa kong katawan, Sai."   Muntik ng mabilaukan ang lalaki kaya napapatawa na lang siya. Hinablot niya ang kumot at itinapis sa katawan.   "Humanda ka talaga sa'kin, Gugz."   "Ah, ah!" She wiggled her finger at him. "Huwag kang magbanta sa diyosa mo ngayon, Sai. Pag nagalit ako, 'di mo na matitikman ang masarap kong katawan."   He sighed in resignation.   'Ang guwapo mo talaga, Saimon. At ang sarap mong asarin minsan,' gusto niyang sabihin dito. 'Hayaan mo akong mang-asar sa'yo ngayon kasi alam kong mahihirapan akong talunin ka kung magiging okay ka na.' Pagkatapos kumain ng lalaki, pinunasan niya ito at nilagyan ng haplas bago binihisan at pinahiga. Nakatulog din ito pagkatapos ng ilang minuto. Alam niyang kelangang dumistansya sa lalaki upang ‘di mahawa pero tumabi pa rin siya rito at nanood ng palabas sa TV. Minsan nagigising ito upang mag-CR o kaya naman ginigising niya para uminom ng medisina. Hindi kinalauna'y, nakatulog din si Carla sa tabi ni Saimon.   Nagising siya bandang alas otso ng gabi. Lumingon siya at nakitang kumakain si Saimon. Hinipo niya ang noo nito at napangiti. "Sai, uuwi ako ngayong gabi. Okay lang bang iwan kita rito?"   Tumango ang lalaki. "I can take care of myself."   "Ows?"   "Andito rin si ate Loleng at Danilo so you don't have to worry." Malambot ang boses nitong nakikipag-usap sa kaniya.   Umupo siya at sumandal sa balikat nito. "Ayoko sanang umuwi pero baka magtaka si nanay..."   "Ipapahatid kita kay Danilo," tipid na sagot nito. "Thank you..."   Uminit ang mga pisngi ni Carla kaya dali-dali siyang tumayo at nagbihis. Bago siya umalis, nilapitan niya si Saimon at hinalikan sa noo. "Take care of yourself, Sai. I still want to ride you, you know."   Napatiim-bagang ang lalaking tumango.   Natatawa siyang umalis ng bahay ni Saimon kasi kahit parang galit ito sa sinabi niya, halatang nangingislap ang mga tsinitong mga mata nito sa antisipasyon.   Maagang pumasok si Carla kinabukasan kasi plano niyang puntahan si Saimon sa bahay nito pagkatapos ng trabaho. Hindi kasi ito sumasagot sa mga tawag at texts niya kaninang umaga kaya nagdesisyon siyang mag-offset upang kumustahin ang asawa. Medyo nababahala siya baka kasi hindi pa ito magaling at iniwan pa naman niya ito kagabi. Kaya laking gulat niya talaga nang tawagan siya ni Yen, ang sekretarya ni Saimon, na pinapunta siya ng lalaki sa opisina nito sa tanghali.   "Paul, hindi muna ako makakasabay sayo ng lunch ha. Kasi may nalimutan akong ibigay kay sir Sai," pahayag niya sa junior assistant. "May hiningi siyang data sa'kin last week through ma'am Jane."   "Okay lang, ma'am Car," anito. "Leave din si ma'am Jane ngayon kaya ikaw talaga ang dapat pumunta don." "May mga tao talagang mahilig mag-straw." Biglang napatinig si Shelly sa katabi niyang cubicle. "Hindi lang plastic kundi mahilig sumipsip."   Nabigla si Paul sa aksyon ni Shelly. Hindi nito inakalang magagawa ito ng babae kaya hindi alam ni Paul kung nagjo-joke ba ito or hindi.   Nilingon niya ang babae at nginitian. "Oy Shell, I miss your voice these past weeks. Ganda 'yang linya mo ha, original. I like it."   Pinandilatan siya nito bago bumalik sa trabaho.   Dumiretso siya sa opisina ng lalaki pagsapit ng alas dose. Nakita niyang namilog ang mga mata ni Belinda, ang kaibigan ni Shelly na assistant secretary ni Yen.   "Hi Yen, andiyan ba si sir?"   Ngumiti ang babae bago tumango. "Nasa loob."   Nakita niyang nakatulog sa desk nito si Saimon at may cool fever sa noo. Parang hinila ang puso niya pababa nang masilayan ang pagod na hitsura ng lalaki. Dali-dali niya itong nilapitan. "Sai, bakit ka pumasok? Baka mapano ka, ano ka ba? Walang extrang katawang makikita sa supermarket!"   Napamulat ito at tiningnan siya. "Nandito ka na pala. Halika kain na tayo."   Nilapitan niya ang lalaki at sinapo ang noo. "Drama ka naman diyan! Wala ka nang lagnat oy." Bigla niyang kinuha ang white strip sa noo nito sa sobrang inis.   Napa-aray ito bago tumawa.   'Tumawa si Sai...! As in tawa talaga ang rebultong asawa ko!' Dali dali siyang kumuha ng cellphone at kinuhaan ito ng pictures at video. Na mesmerize siya ginawa ng lalaki. Parang inilpad sa alapaap ang puso niya nang marealize na kaya niyang patawanin ng ganito ang asawa.   Biglang sumeryoso si Saimon nang malaman ang kaniyang ginawa. "Don't you ever dare upload that one."   Tumaas ang mga kilay niya. "Ba’t ko ba gagawin 'yan? Baka maraming babaeng magkakandarapa sa'yo kapag pinalabas ko 'to. Para na rin akong kumuha ng bato at pinukpok ko sa ulo." Tiningnan siya ng lalaki ng mataimtim bago inihanda ang pagkain sa mesa. Dali-dali siyang umupo sa harapan nito, nagdasal at kumain.   "Sai, ansharap ng luto ni ate Loleng ngayon ah," sabi niya habang ngumunguya.   "Sure ka kay ate Loleng ‘yan?" Tinignan siya nito.   "Ha? Don't tell me..."   He leaned forward, excited to hear what she's going to say next. Sa katunayan ngumiti pa nga ang asawa - ngiting pang three centimeters lang.   Seryoso siyang napag-isip bago nagsalita, "Magaling magluto si kuya Danilo? Wow!"   Napasandal ito sa upuan at kahit na seryos ang boses ng lalaki, halata pa ring naiinis na binalita, "Ako ang nagluto."   "Ows?"   "Hmmm..."   "Ansharap, Shai..." sabi niya habang kinuha niya ang cellphone mula sa bulsa niya. Nag scroll siya ng picture at nagsend ng message kay Saimon.   Tumunog ang phone ni Sai at dali-dali nitong tiningnan ang mensahe.   "Nagustuhan mo ang gift ko sa ‘yo?" nakakalokong tanong niya. "Gift ko ‘yan sa ‘yo kasi ang sarap ng luto mo."   "Hmmm..." Nakatitig pa rin si Saimon sa phone pero namumula na ang tenga, ilong at pisngi nito.   Bang sapol ka nananaman Sai.   "Bumili ka ulit ng nurse outfit?" Napalunok ang lalaki. "Mas maganda 'tong black sexy outfit kumpara sa red one."   "Dalawa ang binili ko kahapon pero nakalimutan kong isuot 'yan," sagot niya. "Parang mas nagustuhan mo kasi ang hubo't-hubad kong katawan."   He choked on his water.   "Official uniform ko 'yan kapag magpapa-check up ka sa'kin." Kindat niya.   "Don't worry, Gugz, I'll take care of you when you get sick." Nakatuon pa rin ang atensyon nito sa picture niya.   "I know you will take care of me, Sai." Kinikilig na pahayag niya rito.   Tinitigan siya nito. "May built-in instrument din ako na kayang pagalingin ang pagiging horny mo all the time."   Namilog ang mga mata niya. "All the time? The nerve..."   "May mga ugat din ang instrumento ko, Gugz." Seryoso pa rin ang lalaki. "The last time I checked, your eyes rolled in ecstasy. Literal nga na tumulo ang laway mo eh."   "Saimon Lemuel Halcon!" napasinghap siya.   Pero para lang wala sa lalaki ang mga sinasabi nito. "Kung ako ang magiging doktor mo, dahan-dahan kitang huhubaran..."   Uminit ang mukha at buong katawan ni Carla nang marinig ang mga detalye kung ano ang gagawin ni Saimon sa kaniya. Nahihirapan siyang huminga kasi nadadala talaga siya kahit walang tono ang boses nito at walang emosyon ang mukha nito. Napapakapit pa nga siya sa upuan at pinilit ang sariling huwag tumalon at ipilit ang sarili sa lalaki. Konti na lang talaga ang pasensya niya at malapit na talaga siyang bumigay.   "Oops! It's one o'clock already." Napatingin ang lalaki sa wall clock. "Back to work, Gugz."   Nanginginig siyang tumayo. "Walang modo ka talagang lalaki ka."   "How does it feel, Gugz?"   Maliligo talaga siya ng isang baldeng yelo para mawala ang init na nadarama. Pero malayo pa ang alas singko at busy pa siya ngayong hapon. Nilingon niya ang lalaki at inirapan.   "Hellish, right?" tanong nito sa kaniya.   Dahan-dahan siyang lumapit sa pinto at hindi na nilingon ang lalaki.   He smirked. "Always remember, Gugz na ganiyan ang naramdaman ko kahapon nang i-seduce mo ako. I wanted to f**k you badly but I can't. Sinabihan kita kahapon na humanda ka."   Lumabas siya sa opisina nito na hindi man lang sinagot ang lalaki. Although frustrated siya kasi gusto niyang tikman ang asawa ora mismo pero magaan naman ang pakiramdam niya kasi okay na ang kalagayan nito ngayon. Bumalik siya sa upuan na iniisip kung ang ano pa ba ang hihigit sa s****l attraction nilang dalawa.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD