BUSY masyado si Carla in the past few weeks lalo na’t may series of company outing ang JRG sa Paradise Resort, Samal Island. Lahat ng depertmants at branches ng JRG ang may team building kaya hinatak sila sa recruitment para tulungan ang training department.
Para sa upper management naman naka-reserved ang last day of team building ng kumapanya. Dahil rotation ang shift ng human resource personnel sa outing kaya hindi niya alam kung kasali siya sa listahan. Gustong-gusto pa naman niyang pumunta kasi nandon si Saimon.
Nangangati na talaga siyang makita ang asawa. Dalawang beses lang niyang nakita ito for the past month dahil masyado siyang busy at out of the country din si Saimon. Sporadic din ang communication nilang dalawa kaya nauuhaw talaga siya sa presensya ng lalaki.
Si Saimon ang klase ng tao na hindi niya alam kung incognito lang ba ‘to sa social media. Minsan lang kasi ito online kaya tuwang-tuwa siya nang mag private message ito sa kaniya sa f*******:, three weeks ago habang nasa China ito.
Isang picture ang pinadala nito habang nasa hapag-kainan.
Sai: Gugz, I know you'll love this.
Car: Wow, Sai pahingi naman niyan!
Sai: Baka tumaba ka lalo. Ako na lang ang kaakain para sa’yo.
Car: Damihan mo ha. Kakainin nalang kita pagdating mo rito.
Sai: Kung kaya mo!
Dumiretso si Saimon ng Europe at nagpadala naman ito ng photo kasama ang isang aso.
Sai: Gugz, gusto mo nito?
Car: Huwaw ang cute..
Sai: Whiskey ang name ng dog. Ang cute niya, ‘diba?
Car: Ang tao ang cute at hindi ang aso.
Sai: I know, right?
Car: Gusto kong yakapin talaga, very huggable.
Sai: Ako rin gusto kitang yakapin.. Miss you.
Car: Hindi ikaw, ‘yong aso.
Sai: I was thinking na bibigyan kita nito but well I changed my mind.
Car: Uy biro lang ‘yon, ano ka ba? Gusto ko ‘yan.
Car: Sai?
Car: Hello?! Andiyan pa bang asawa ko?
Car: Saimon Lemuel Halcon!
Car: Saimonnn Lemuelllllllll Halconnnnnnnnnnn??????
Sai: Why do I feel that you’re shouting? Final na talaga. I changed my mind.
Car: Fine.
Sai: Miss you.
Car: Miss you more.
May mga gabing hinahanap niya talaga ang presensya nito. Pero hindi pa rin niya kayang mag-masturbate kaya gusto niyang mahawa ito sa pagka-horny. Nagpapadala siya ng mga naughty pics dito every single night hanggang sa hindi ito makatiis at pinagsabihan siya ng, “Huwag kang mag-seduce kung hindi mo kayang ituloy hanggang ending. Alam kong hindi ka magpapadala ng video."
Uminit ang mukha niya nang mabasa ang mensahe ng asawa. Hindi pa talaga niya kayang magpadala ng sexy video rito. Kaya simula noon, happy pictures na lang ang ipinapadala niya. Pictures ng traning, pictures ng pagkain, pictures ng mall, at kung ano-anong ‘safe’ at iwas s*x na topics.
Sexually frustrated siya at alam din niyang ganon din si Saimon. Confident din siya na kahit malaki ang appetite nito sa s*x, hindi ‘to basta-bastang papatol ng babae para mairaos ang sarili. Duda niya, si Saimon ang klase ng tao na kailangan ang isang relasyon para maipalabas nito ang sariling inhibisyon pagdating sa kama. Baka nga, siya ang unang estrangherong nakasiping nito.
“First time natin ang s*x with strangers, Sai.” Napangiti siya nang maalala ang wedding night nilang dalawa.
Ibinuhos niya ang energy at s****l frustration sa pagtatrabaho. At dahil nakatuon ang pansin niya sa company activities, hindi niya na i-welcome ang asawa noong dumating ito ng bansa. Hindi nga niya alam na dumating na ito kaya hanggang langit ang pagsisisi niya.
At ngayon, dismayado siya kasi hindi siya nakasama sa last day ng outing. Naghimutok siya habang nagtatrabaho at nagbabakasakaling may milagrong mangyayari.
Pero wala.
Nawalan ng gana si Carlang umuwi ng bahay. Gusto niyang sumama sa outing pero nahihiya rin siyang tawagan si Saimon. Ayaw din naman niyang magmakaawa sa asawa kasi ayaw niyang isipin nitong ipinaghalo niya ang business at pleasure.
Wala siyang ganang manood ng TV series kaya nanlulumong pinilit niya ang sariling matulog.
Napaungol si Carla nang tumunog ang kaniyang phone. Kumuha pa siya ng unan at tinabunan ang mukha pero ring ng ring pa rin ang phone niya. Kahit naiinis ay sinagot niya ang tawag, “Low?”
“Carla! Nasaan ka na bang babae ka?” galit na tanong ni ma’am Jane.
“Bahay pa po.” Paos pa ang boses niya. “Alas nuebe pa po ang duty ko.”
“Anong alas nuebe?” Naiirita ang tono ng pananalita ng amo. “Hindi mo ba nabasa ang memong ipindala ko?”
"Maaga po akong natulog ma'am. Medyo masakit po pakiramdam ko kagabi," aniya. ‘Kasi hindi po ako kasama sa outing niyo ngayon,’ gusto niyang idagdag.
"Nag-back out si Joyce kagabi so ikaw ang naka fill-in. Ipinidala ko kagabi ang bagong memo. I tried calling you pero ‘di ka sumagot kaya nag text ako sa’yo.” Halata talagang gusto siyang sapakin ng kaniyang manager. “5:30 ang meeting time natin dito sa wharf. Ano na? Gusto mong magpadala ako ng helicopter diyan sa inyo?”
Napadilat ang mga mata niyang nakatingin sa wall clock. “Ma’am, sorry ho talaga. Susunod nalang po ako sa Paradise.”
“Nasa HR ka pa naman naka-assign tapos hindi responsible,” himutok nito. “Huwag kang umabsent. Huwag mo akong ipahiya sa mga boss.”
Halos tumalon si Carla mula sa higaan at pakanta-kanta pang nag-ayos ng sarili. Mahal talaga siya ng Diyos kasi alam nito na gusto niyang sumama sa outing para makita si Saimon. Nagpaalam siya sa nanay niya at hindi na rin siya pumayag nang mag offer ito na ihatid siya sa wharf kung saan sasakay pa ng lantsa patungong Paradise Resort sa Samal Island.
Mga halos dalawang oras din ang kaniyang byahe papunta sa venue. At nakita niyang masyadong busy na ang mga empleyado ng JRG sa mga activities nito. Namumula na siya sa hiya kasi halata talagang matagal siyang dumating. Pasimple siyang pumasok sa isang cottage para mag-ayos at muntik na siyang mapatili nang makasalubong si sir Charles, ang supermarkets director, si sir Fai, ang store manager sa isang branch, at si Saimon, ang CEO – at kaniyang asawa.
“G-good morning po mga sir.” Pilit ang ngiting pinakawalan niya sa mga ito.
"Oh, Carla, buti at nakahabol ka," bati ni sir Fai.
Parang makopa ang mukha niya sa hiya. Tumango siya kahit kinakabahan. “Y-yes, sir. Sa-sayang kasi ang last day ng outing.”
"Hinay-hinay lang. Huwag masyadong excited," pabirong sabi ni sir Charles. “Maganda ang damit mo ngayon. Bagay sa’yo.”
“Salamat po, sir.” Tumango siya at lumakad papalayo rito. Dahil nasa hulihan si Saimon, napadalang ang kaniyang lakad. Pumikit siya at sinamyo ang unique scent nitong isang buwan na niyang hindi naamoy.
‘Ang scent na tanging kay Saimon Lemuel lang!’
Napadilat siya at nakitang naktatitig ito sa kaniya. Dahil nakatalikod na siya sa dalawang managers, confident siyang tumingala kay Saimon at nginitian niya. Nakita niyang nag-stretch ng ilang sentimetro ang mga labi nito. Parang umulan ang langit ng kiliti at nasalo niya lahat dahil sa ginawa ng asawa.
She knew that he was also excited to see her!
Mabilis ang mga pangyayari pero feeling ni Carla huminto ang oras para sa kanilang dalawa ni Saimon. Nakita niyang kumikislap ang mga tsinitong mga mata nito. Kinuha niya ang natitirang lakas sa mga sandaling ‘yon at binigyan si Saimon ng isang malagkit na kindat bago siya lumagpas ditto.
Hindi na siya lumingon pero narinig niya ang tinig ni sir Charles. “Sir Sai? Okay lang po ba kayo? Namumula ho kayo...."
"Hmmm...I'm okay. Medyo mainit lang," tanging tugon ng lalaki.
Pinagalitan ng konti si Carla ni ma’am Jane pero okay lang sa kaniya kasi nakita na niya ang gustong makita. Kahit pa siguro sabunin siya ng husto ng kaniyang amo, maluwag niya itong tatanggapin. Kinumusta nga siya ng ibang mga katrabaho pero masaya pa rin siyang tumulong sa mga ito. Akala niya okay na lahat hanggang makaramdam siya ng pagkahilo bandang alas tres ng hapon.
Oh my! Baka naman nag-manifest sa katawan niya ang ka OA-han niya kahapon kasi akala niya hindi siya makakapunta rito?
Hindi niya masyadong ininda ang pakiramdam kahit ibang-iba na talaga ang paningin niya sa paligid. Ayaw din naman niyang maging pabigat sa mga ito. At ayaw na ayaw niyang maging kill-joy sa last day ng company outing lalo na’t andon si Saimon.
Lumapit ang isang training development staff na si Georgie. “Okay ka lang ba? Namumutla ka, Carla.”
"Okay lang.” Tumikhim siya.
“Hindi ka mukhang okay," sabi nito. “Pahinga ka muna. Upo ka muna diyan at tatawag ako ng nurse.”
Umiling siya. "O-okay lang ak..."
Biglang nagdilim ang paningin niya. Narinig na lang niyang may sumigaw sa kaniyang pangalan.
Hindi niya alam kung ano talaga ang nangyari pero pagising niya nasa isang hospital siya sa Davao City. At nakita niyang naka-upong nakatulog ang nanay niya sa gilid ng kama habang hawak ang kaniyang kamay. Napatingin siya sa bintana at na-estimate niyang nasa alas singko na siguro ng hapon.
"Nay..." Paos ang boses niya.
Napamulat ito bigla. "Anak, mabuti naman at gumising ka na."
Medyo nakonsensya siya kasi ayaw niyang mag-alala ang ina. "Ano ho bang nangyari? Hindi ko matandaan."
"Pinagod mo lang sarili mo, anak. Stressed ka masyado at hindi ka kumakain sa tamang oras," saway nito sa kaniya. "Anong sinabi ko sa’yo before? Alagaan mo ang kalusugan mo."
"Sorry, nay."
"Don't sacrifice your career over love. Pero huwag mo ring isakripisyo ang health mo over your career," advised nito.
Nag-usap sila nang may kumatok sa pinto at pumasok si Saimon na may dalang prutas. Napatingin si Nanay sa kaniya bago ito nagpaalam na pupunta muna ng canteen para kumain.
"Gugz, kamusta na ang pakiramdam mo?" seryosong tanong nito nang silang dalawa nalang naiwan sa kwarto.
"Sino nagdala sa akin dito sa hospital?"
"Ako at si Yen.” Umupo ito sa kama at hinipo ang noo niya. “Sa clinic ka naka-check in pero may go signal ang medical staff don na pwede kang i-transfer dito.”
Binaling niya ang tingin sa orange na dala nito. “Gusto ko niyan.”
Kumuha ang lalaki ng isang dalandan at binalatan bago inabot sa kaniya.
"Nag-effort ka pang pumunta rito pero salamat, Sai," nakangiting sabi niya habang kumakain ng orange fruit.
"Asawa kita kaya responsibildad ko ang alagaan ka," walang atubiling sagot nito.
Pinandilatan niya ang lalaki. "Oy Sai, kasal tayo pero shhh! Baka marinig tayo ni nanay, ano ka ba?"
Napangiti lang itong umupo sa gilid ng kama niya. "Gugz, ingatan mo ang katawan mo. Ano nga ‘yong sinabi mo sa’kin? Walang extrang katawang mabibili sa supermarket."
"My gosh! Don't tell sasabunin mo rin ako ngayon?” exaggerated na pahayag niya.
"Ang sabi ng doctor na sobra ka raw sa stress at kulang sa kain," ani ng lalaki. "Nagda-diet ka?"
Hindi siya sumagot.
"Gugz, sabi rin ni nanay Rose na nagpa-enroll ka sa Zumba three times a week at sa Muay Thai three times a week din," anito.
Namilog ang mata niya. "Kailan ka pa nag nanay Rose kay nanay?"
"Since kahapon," tipid na sagot nito. "Huwag mo ngang ibahin ang topic."
She pouted. "Gusto ko lang namang ibalik sa dati ang katawan ko. I gained fifteen kilos since na-jilted ako, Sai.”
"Pwede namang gradual ang weight loss mo at wala ka namang kalaban," sabi nito.
"Kasi gusto kong magpa sexy para sa ‘yo, ano ka ba?" inis na sagot niya rito.
"Gugz, wala akong reklamo sa katawan mo," sabi ng asawa. "Mas importante sa akin na healthy ka."
Napayuko siya at tiningnan ang kaniyang mga kuko.
"Okay, since magpapagaling ka, lie low muna tayo sa bed-sports ng dalawang buwan.” Yumuko ito at pinisil ang kaniyang pisngi.
Napadilat siya, "Ha? Pero...pero..."
"Health over lust muna tayo ngayon, Gugz," natatawang sabi nito. Pinitik nito ang ilong niya. "Sasabayan din kita sa Muay Thai. Matagal na rin akong hindi nakapag enroll sa martial arts class."
"Talaga?" Na excite siya bigla sa pahayag ng lalaki.
"Hmmm..." Tumango si Saimon.
Kinuha niya ang kamay nito at nilaro-laro ang mga daliri. Pinilit niyang magpa-cute nang sabihin niya rito ang, “Sai, siguro ika-cancel ko na ang plano kong magpa-enroll sa pole dancing. Medyo ‘di na kakayanin ng schedule ko.”
Natahimik ang asawa bigla.
"Sai, mga next month nalang tayo magsimula sa Muay Thai ha..." Hinaplos niya ang biceps nito at pinisil-pisil.
Tumikhim ang lalaki. "Continue your pole dancing plans. I want to see you perform.”
‘Shet! Joke lang ‘yong sinabi ko pero parang mapapasubo ako nito.’
“Ayaw mo na?” He smirked. “Hindi kaya ng bigat mo, ano?”
Inirapan niya ang asawa. “Akala mo lang ‘yan.”
“So?”
Kinuha niya ulit ang kamay ng asawa at hinalikan ito. "Game on Sai...!"