Part 18- Intrigerang Workmates

1879 Words
TATLONG araw nagpahinga si Carla bago bumalik sa trabaho. Hindi rin naman siya nakaligtaang bisitahin ni Saimon sa tatlong araw na pamamahinga. Tumityempo lang talaga ang lalaki kung nasa trabaho na si nanay Rose. Binibiro nga niya ito kung paano na ang kumpanya dahil absent ang asawa. Pero hindi ito nagpakita ng pagkabahala. Hindi talaga ito nagpapakita ng emosyon.   Nababagot na si Carla sa ikatlong araw na pamamahinga. Gusto na niyang umalis pero matigas si Saimon at inutusan talaga siyang matulog. Pero nang magpumilit siyang manood ng TV, binasahan siya ng lalaki ng management books upang makatulog.   Effective ang ginawa ng loko! Kaya binabasahan siya ng mga libro sa tuwing pinapatulog siya ng lalaki.   "Sai, ang gusto kong basahin mo ‘yong fairy tales, " maktol niya. “Piliin mo ‘yong may kiss sa ending.”   “Busy si Prince Charming sa pamamahala ng kaharian nila,” seryosong sagot nito.   "Ows?" Umupo siya, inayos ang unan at humiga ulit.   Tumabi ito sa kaniya sa higaan at sumandal sa headboard. "Mas maganda ang version ko sa fairy tales.” "Pasikatin mo nga ako sa version mo,” challenge niya sa lalaki.   “Isang araw, namasyal si Princess Carla Love sa isang perya. Nakakita siya ng isang gintong garapon sa may kalsada at inutusan ang kaniyang kawal na kunin ito.” Walang emosyong kuwento ni Saimon. “At namilog ang mga mata niya nang buksan niya ito.”   “Bakit?” excited niyang tanong.   “May lamang mga cookies,” sagot nito.   Napasimangot si Carla. Akala pa naman niya na magic o ‘di kaya genie ang laman.   “Kinain ito ng prinsesa at…” Napahinto si Saimon at napatingin sa kisame.   Tinapik niya ito sa balikat. “Ano?”   “Namatay siya.”   Namilog ang kaniyang mga mata. “Asan ang kissing scene don? At gusto ko happy ending, Sai.”   Hinaplos ni Saimon ang kaniyang baba. “Happy ending  para sa mga karibal niya sa prinsipe. Mga uod na rin ang kahalikan niya.”   "Buang ka talaga, Sai." Tinapunan niya ng unan ang lalaki.   Saimon smiled at her discomfort . He leaned down, cupped her face and kissed her soundly on the lips. He lingered for a while and sighed, "Alam kong hinahanap mo ‘yan for the past month."   Namumungay ang mga mata niyang tiningnan ang lalaki. "Nasabi ko na ba sa’yo, Sai, na thankful ako kasi ikaw ang napangasawa ko?" Namula ang ilong at pisngi ni Saimon. "Hindi pa."   She yawned and closed her eyes. "Sa lahat ng kamalasan ko sa buhay, ikaw siguro ang swerte ko..." "Hmmm..."  Lalong sumingkit ang mga mata nito at tinitigan siya ng mataimtim.   Nakatulog si Carla na hindi namalayang lumambot ang hitsura ni Saimon. Hinalikan siya nito sa noo at bumulong ng, “Ako rin.”   Motivated siyang magtrabaho kasi feeling niya refreshed talaga ang isipan at katawan niya. Kahit maraming pending na gawin, nginitian lang niya ang mga ito at itinuon ang atensyon para maagang matapos. Mabuti nalang talaga at magaling na si Paul sa mga gawain kaya kampanteng-kampante siya.   Gusto sana niyang tuloy-tuloy na ang gagawin kaya pinigilan niya ang umihi ngunit hindi na talaga kaya. Nasa cubicle siya ng CR nang marinig niya ang pag-uusap ng dalawang babae. Akala siguro ng mga ito na walang ibang tao roon. Sentro talaga ng tsismisan ang CR at pwedeng magkaroon ng sariling talkshows ang mga toilet bowls kung nakakapagsalita ang mga ito.   "Megs, grabe napaka sluty talaga niya," bungad nang isa. "Imagine mo, pumupunta siya sa office ni sir Sai para doon mag lunch. Ipinagsiksikan niya ang sarili niya sa president."   Parang asong gumalaw ng kusa ang kaniyang mga tenga. ‘Ako bang pinag-uusapan nila? Parang pamilyar ang boses ah.’ "Talaga, megs? Sweet din siya kay Paul,” sagot ng isa. “Baka strategy niya ‘yan para magbulakbol sa trabaho. Ilang days din siyang hindi nakareport.”   ‘Hindi ako nagkamali, si Shelly at Belinda tong nag-uusap.’  Kumunot ang kaniyang noo.   "Feel mo, true ‘yong hospitalization niya megs?" ani Belinda.   "True! Pero hindi natuluyan," sagot ni Shelly. Sabay pang nagtawanan ang dalawa. "Naiirita talaga ako sa kanya," sabi ng katabi niya ng cubicle sa trabaho. "Baguhan pa lang siya sa JRG pero maraming intriga sa kaniya. Pati nga si ma'am Jane ay duda sa capabilities niya."   "Talaga,  megs? Bakit kaya palagi siyang pumupunta sa office ni sir Sai? Hindi kasi ako maka tiempo ng silip sa loob ng office during lunch break," sabi naman ni Belinda.   "Anong sabi ni Yen?"   "Alam mo namang napakaseryoso sa trabaho ng babaeng ‘yon. Hindi nakiki-tsismis," pabirong sabi ni Belinda. “Loyal kay sir Saimon.” "Feel ko inaakit niya si sir Sai para maka move up sa ladder," sarcastic na pagkasabi ni Shelly. "Alam mo na, hindi naman siya kagandahan tapos fat pa siya. Who would want her sa ganyang ayos, ‘diba?" ‘Aba aba! As if nagsalita mga magaganda? Kaloka! Baka mas maganda pa ang bilbil ko kung ikukumpara sa hilatsa ng pagmumukha niyo!’ Gusto niyang sumigaw pero nagtitimpi pa rin siya. "Nakabalik na siya ngayon, megs, baka pupunta doon sa office ni sir Sai. Mag spy ka nga," patawang utos nito sa kaibigan. Gusto sana niyang makinig pa pero wasting company time na siya sa loob ng cubicle halos twenty minutes na. Huminga muna siya ng malalim bago lumabas. Parang nakakita ng multo ang dalawang babae.  Nagtinginan ang mga ito pero hindi umimik. Lumapit siya sa sa mga ito at pasimpleng nag-ayos ng buhok harap ng salamin. "Uy, mga megs!" Kinopya nya ang tono ng pagsasalita ng mga ito. "Huwag kayong mag-alala. Pupunta ako sa office ni sir Sai ngayong lunch time." Kumindat pa siya habang umalis. Narining niya ang mga katagang "igat" at "kiri" na binitawan ng dalawang impaktang colleauges pero tumawa lang siya. Kahit ano pa ang ibinato sa kaniya ng mga ito, dapat hindi siya masyadong maging apektado. Afterall, asawa na niya si Saimon Lemuel Halcon. Okay lang kahit hindi siya maganda sa paningin ng iba. Ang importante, nasasarapan si Saimon sa kaniya. Bumalik siya upang kunin ang baon niya at umakyat sa opisina ng asawa.  Napangisi pa rin siya habang hinila niya ang blouse pababa at pumasok diretso sa kwarto.   Seryoso si Sai habang nagbabasa ng mga papeles. Napatingin ito sa dala-dala niyang baon. "Ano’ yan?"  "Your lunch, kamahalan!" sagot niya.   "Hmmm... dito ka na mag lunch." Bumalik ang atensyon ng lalaki sa mga papeles.   “I know." Hinanda niya ang tanghalian nilang dalawa. Tinawag niya rin ang lalaki para sabay na silang kumain.   Hindi sila nagkibuan habang nananghalian. Isa rin ito sa na-appreciate ni Carla – ang silence nilang dalawa. Naalala niya na sa dalawang taong relasyon niya kay Aron, takot siyang maging tahimik. Feeling niya kasi baka sensyales na nababagot ang dating katipan kapag naging tahimik ang paligid. Kaya kung ano-ano nalang ang pinagsasabi niya, kahit idiotic, para lang to fill the gap. ‘Iba si Saimon, Carla...’   Iba talaga si Saimon Lemuel Halcon. Stoic, cool at composed masyado pero pinapatulan din ang kaniyang pagka-idiota minsan. Mahilig mang-asar ang lalaki at nakakainis talaga kapag tinotopak ito. Pero  kahit ganoon man ang mga katangian ng asawa, very reliable and very supportive ito. Napangisi siya ng wala sa oras. ‘Guwapo, mabait, may kaya, matalino. Sayang hindi na appreciate ni Ruby ang mga katangian ni Saimon. Akalain mo, mas gusto niya si Aron?’ "Gugz, kung saan  na naman pumupunta iyang utak mo.” Pinitik nito ang ilong niya. "Ha...?" Napahinto siya sa pag-iisip.   "Sabi ko masarap ang luto mo ngayon." Nag thumbs up pa ito.   "Ahhh.. si nanay nagluto niyan," aniya. "Thankful siya kasi dinala mo ako sa hospital at bumisita ka pa."   "Kaya pala..."  "Ano?" "Hindi sumakit ang tiyan ko," pormal na sagot nito. "Paki sabi kay nanay Rose na salamat. Bigyan mo siya ng gift mamaya at sabihin mo galing sa akin." Inirapan niya ito at inilahad ang kanang kamay. "Eh, ‘yong gift ko?"   Hindi sumagot ang asawa bagkus napatingin ito sa dibdib niya. Kanina pa niya napapansing parating napapasulyap ito sa chest area niya. Pinandilatan niya ang lalaki. “Ano?”  "Ganyan ang suot mo nang pumasok ka?" seryosong tanong nito. "At nag jeep ka pa?" "Bakit? Okay naman ang ayos ko, ah..." ganti niya.   "Gugz, kita ko na ang kaluluwa mo," anito.   "Hindi ko alam Sai na conservative ka na pala ngayon," inis na sabi niya. "Wala akong sinabing pinakikialaman ko ang pananamit mo, Gugz," seryosong sabi nito. "Ang sa akin lang, pumapasok ka sa office na halos kita na ang kaluluwa mo." "Hmpf!" sabi niya sabay kagat sa apple na dala niya.   "At kung pwede ako lang ang makaka kita ng dibdib mo," tahimik na sabi nito. Napatindig siya bigla at pumunta sa salamin sa may table nito. Napasinghap siya nang makita ang sarili. Hinila niya kasi pababa ang blouse niya bago siya pumasok sa office nito kaya hindi niya napansin nakalabas na ang kalahati sa red-lace bra niya. Namula at uminit ang mga pisngi niya. Inaway pa naman niya ang lalaki. Bumalik siya sa upuan at naging mahinhin ang tinig. “Sai, inayos ko ‘to pero hindi ko inakalang lalabas siya.”   Tiningnan lang siya nito at unti-unting may ngiti na sumilay sa bibig nito. "Siguro na miss mo na ang bedsports nating dalawa, ano?" Kagat-labi siyang tumango.   Gosh! Ito talaga ang gusto niya sa lalaking ‘to. Very frank at hindi na nagpapaligoy-ligoy pagdating sa s*x.   Napabuntong-hininga ito. "Ako rin naman. I really miss f*****g you or slowly making love with you. One month plus na pala..."   "Sai, pwede ako mamaya." Nang-uudyok ang boses niya. Napa buntong hininga ulit ito at umiling. "May meeting ako mamaya with the department store managers. Whole day din ako bukas for strategic planning sa supermarkets.”   "Okay lang Sai, naiintindihan ko. Busy rin naman kami kasi malapit na ang Christmas season," dismayadong sabi niya.   Natahimik sila bigla habang nagkatinginan. Ramdam niya ang tila pag-init ng opisina ni Saimon. Naririnig din niya ang malalim at mabagal na hininga nito. At nakikita niyang medyo lumalaki ang tsinitong mga nitong nakatingin sa kaniya.   Nagugutom si Saimon at alam niyang siya lang ang makakabusog dito.   Napakuyom siya nang makita ang pagkagutom nito sa kaniya. Kasi pareho sila ng nadarama.   Kung pwede pa lang talagang isirado ang pinto at maghubad sa loob ng opisina ng asawa. Kung pwede pa lang talagang lumundag sa lalaki at kainin ito ngayon din. Kung pwede pa lang bumigay sa tawag ng laman at makipag-s*x dito ora mismo.   Namumula si Carla nang maisip ang mga pwedeng maging posisyon nila sa opisina. Napapakagat-labi siyang isipin kung ano kaya ang sasabihin ng mga empleyado kung naririnig siyang sumisigaw.   “Gugz…” Humihingal na talaga si Saimon.   She slowly batted her eyelashes. “Sai…”   "Kamusta na ang training mo sa junior assistant mo, Gugz?" Walang emosyong tanong nito.   She smiled. “He’s already capable.”   "Pwede na siyang iwan?"   "Pwedeng-pwede na," pagmamalaking sagot niya. Napatango ang lalaki. "Gugz, ipa-serve mo na ang fifteen days suspension mo, a day after sa strategic planning namin." Napalunok siya. "Ha?"   Walang emosyong sagot ng lalaki. "Magfield trip tayong dalawa."   Lumapit siya rito but he held up his hand to stop her. Napakunot-noo siyang tinitigan ito.   “Please go…” bulong ng lalaki.   “Sai?”   “I have many things running through my mind what I want to do with you here,” he groaned. “Konti na lang talaga at bibigay na ako, Gugz.”   “Sai,” she whimpered.   “Please go, may meeting pa ako in less than ten minutes.” His facial expression softened. “Importante lang talaga.”   Tumango siya.   Alam niya ang ibig sabihin nito. Business over pleasure. Sanity over lust.   Kahit malaki ang apetite ni Saimon sa s*x, gusto pa rin ng lalaki na nasa lugar ang lahat.   Her heart pounded with the realization.   “I feel the same way, Sai.” Tumalikod siya kasi hindi niya kayang tingnan ang lalaki.   “See you in two days, Gugz,” he whispered. “I’ll text you kung saan ang meeting place natin.”   Hindi na niya ito nilingon. But she smiled all the way to her cubicle, thinking of one thing: magha-honeymoon silang dalawa ni Saimon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD