Part 9 – Gugz

1703 Words
"TINAWAG ka ni ma'am Jane." Tinapik siya ng katabi niyang cubicle, si Shelly.   "Bakit daw?" Biglang nanlamig siyang isipin na baka pagagalitan na naman siya nito. Higit sampung beses ang mga palpak niya sa tatlong buwan niyang pagtatrabaho bilang isang recruitment staff.   "’Diba mali ‘yong manpower input mo sa Calinan branch last time?” Umismid ang babae.   Napakagat labi siyang tumango. Tahimik siyang tumayo mula sa kinauupuan at dali-daling pumunta sa office ng human resource officer.   "Carla, anong ginawa mo?" galit na tanong nito pagkakita sa kaniya. "Paano natin maaayos ‘to?"   "Ang alin po?" Mabuti naman at hindi masyadong halata ang panginginig ng kaniyang boses.   "Mali ang natawagan mong natanggap sa position ng store operations manager ng Panacan branch." Maluha-luha na talaga ang boss niya.   "Mali po ba? Sabi ni Shelly na tawagan ko ‘yong nakapatong na resume sa table niyo,” reasoned out niya.   "Hindi ka nakinig siguro sa akin, Car. I told you na ‘yong papel sa right side table ni ma’am ang tawagan mo,” biglang singit ni Shelly.   Teka, bakit sumunod ito sa kaniya? ‘Diba siya lang ang ipinatawag?   ‘Tsismosang mahadera ka talaga, Shelly! Nakakahalata na ako sa’yo ha,’ gusto niyang isigaw dito. Alam niya at naalala niya ang utos ng babae. "Pero itinuro mo pa nga sa akin ang papel..."   "Huwag na kayong magsisihan," bara ni Ma’am Jane. "Mag-isip tayo ng solusyon para sa problemang ‘to. Bumalik kayo sa cubicles niyo at walang uuwi kung walang makaisip ng kahit katiting na solusyon.”   “Nadamay pa ako sa kapalpakan mo, Carla.” Inirapan siya ni Shelly nang umupo ito.   “Dapat lang.” She smirked. “Ikaw ‘tong confident na tontang mensahera.”   Kahit pa  nahila niya si Shelly sa katarantaduhan nito, malungkot pa rin siyang bumalik sa upuan niya.  Gusto niyang umiyak pero OA na masyado kung magpapadala siya sa emosyon. Marami pa siyang aasikasuhin.   ‘At ayokong bigyan ng satisfaction si Shelly kapag nakita niyang umiyak ako rito.’ Ito ang tanging konswelo de bobo niya sa sarili.   Malaki ang kompanyang pinagtatrabahuan niya kaya wala rin siyang oras para mag emote. Ang Josefa Retails Group ay may two big malls, five big supermarkets at fifteen grocery stores sa iba't-ibang bahagi ng Davao City. May mga branches din ito sa ibang parte ng Pilipinas pero concentrated talaga ito sa Davao region at General Santos.   Naka-assign si Carla sa recruitment processing sa lahat ng departamento sa dalawang malls sa Davao City kaya expected talaga na hindi niya ma perfect lahat-lahat ng gawain.   Medyo naramdaman niya ang pulso sa ulo niya at napapikit nalang para mawala ang sakit. Napasandal siya sa upuan at napatingin sa kisame. Ayaw niyang gawin ang last resort na ‘to pero wala talaga siyang alam na paraan. Bumuntong-hininga siya at kinuha ang cellphone upang i-text ang asawa.   Carla: Sai, nagkamali ako   Alam niyang busy ito kaya hindi siya nag expect sa bilis ng reply nito.   Sai: What?   Carla: May dalawang na final interview kahapon para operations manager sa Panacan: si Roger at si Filmore. Si Filmore ang nakapasa sa interview pero mali ‘yong natawagan kong natanggap sa company. I don’t know what to do huhuhu.   Sai: Bakit ako makikialam niyan? Eh,problema mo ‘yan.   Carla: T_T   Sai: Mag text ka if importante talaga, nasa meeting ako ngayon.   Carla. K. Sorry. Di na mauulit.   Parang binagsakan siya ng mundo sa mga sinabi ni Saimon. Pero totoo naman ‘diba? Problema niya ‘to and it didn’t mean na si Saimon na lang ang sasagot sa lahat ng problema niya kahit may-ari ito ng kumpanya.   ‘Maso-solve ang problemang ito!’ Mantra niya.   Nagpakawala siya ng isang napakalalim na buntong-hininga bago bumalik sa trabaho. Pusupusana ng konsentrasyon niya para i-compensate ang mga pagkakamali niya hanggang sa nalimutan na niyang mag lunch break. Subsob siya sa ginagawa kaya nagulat siya nang tawagin ng boss. Namutla siyang napatayo ng makita itong lumapit sa kaniya.   "Ma'am?" Pilitang ngiti niya. Wala pa siyang solusyon na naisip.   “Hindi ka pa nag-lunch?” Tumingin ito sa mga nagkalat na papeles sa lamesa niya.   Umiling siya.   Umupo ito sa bakanteng upuan ni Shelly. “Tatanggapin ang dalawa, sabi ni sir Charles.”   Napabuntong-hininga siya. "Talaga po?" Director ng buong Supermarkets ng Josefa Retails Group si sir Charles. Nakita na niya ito paminsan-minsan pero hindi niya nakasalamuha ito.   Biglang pumormal ang mukha ng kaniyang amo kaya napatuwid siya ng upo. "The thing is, suspended ka ng fifteen days.”   "Ha?" Hindi lang namilog ang mga mata niya kundi halos lumuwa na ‘to sa balita.   "Kasi na fall under negligence ang ginawa mo. Personally, I think pwede kang mag-exit sa kumpanya sa ginawa mo," anito, “pero nakita rin ng management na bago ka palang at may room for improvement tayong lahat."   "Okay, ma'am," malungkot na sagot niya.   "Ahh, isipin mo nalang na wala lang ang fifteen suspension mo ikumpara sa gastos ng company sa pag-hire ng dalawang Branch Managers,"explained ng HRO.   Namula siya at napayuko. "Naiintindihan ko po ma'am. Sorry po talaga at pagbubutihin ko po sa susunod.”   Tumayo na ang babae at babalik na sana siya sa trabaho niya nang magsalita ito, "Ah, bago ko makalimutan, Carla, ipinatawag ka ni sir Saimon."   "Ma'am?" Napadilat ang mata niya. Nahihiyang ngumiti ang HRO. "Tumawag ako kanina sa upper management para humingi ng solusyon. Nagkataong may meeting ang Director, Supermarkets Area Managers at ang President kaya na open up ang problem mo."   "Bakit po ako ipinapatawag?" Napalunok siya. Anong plano ng kumag niyang asawa ngayon?    "Magbibigay siguro ng pointers. This is not new to us. Very approachable naman si sir Saimon strikto.” Nagkibit-balikat ito. "Use this as an opportunity to learn. And bago ko makalimutan, may junior assistant ka na next week."   "Po? Eh ‘diba suspended po ako?" Nagtatakang tanong niya.   "Ah, hindi pa fixed ang schedule sa suspension mo kasi kailangan ka pa ngayon. Effective ang suspension mo pagkatapos mong ma-train ang assistant mo," pahayag ng boss.   Nag-explain pa si Ma'am Jane sa mga dapat niyang gawin hanggang sa pinapunta na siya nito sa President's Office. Nanginginig siyang umakyat ng hagdanan hanggang sa marating ang floor kung saan ang opisina ni Sai. May dalawang babaeng nakahintay sa kaniya at daling inasikaso siya ng isa. Nakita pa niyang inirapan siya ng isang babae bago siya pumasok sa office ni Sai. Nagtataka siya sa aksyon nito nang maalala na malapit na kaibigan ni Shelly ang babae.   Pumasok siya sa opisina at nakitang nakatuon ang atensyon ni Saimon sa PC nito. Lumapit siya sa lalaki at bumulong, “Sai, sorry na. Sabi kasi sa’kin ni Shelly, kunin ko raw ‘yong papel sa lamesa ni ma’am Jane at tawagan ko. Itinuro pa nga niya sa’kin ang papel eh…”   "Hmmm.." Hindi pa rin siya tiningnan ng asawa.   Minamasahe niya ang balikat at leeg ng lalaki. "Pero on the other side of the coin,at least may mabibigyan ka ng trabaho. May pamilyang magkakaroon ng pag-asa kasi ang padre de pamilya ang nakahanap na pagkaka-kitaan," pabirong sabi niya. “Hindi naman kawalan kung mapipili rin ang second choice, ‘diba?”   "Hmmmm..." Lumingon ito sa kaniya ng saglit at bumalik sa pag type.   "Okay lang na suspended ako Sai,"pahabol pa niya habang pinisil-pisila ng biceps nito.   "Hmmm..."   Biglang kumalam at tumunog ang sikmura niya. Napatingin ito sa kanya."Kumain ka na ba?"   Umiling siyang kumuha ng silya at tumabing umupo sa asawa.   Binuksan ng lalaki ang table drawer nito, may kinuha at inabot sa kanya. “Baka mapano mga alaga mo sa tiyan.”   ‘Imported cookies! Yey!’  Walang kiyeme-kiyemeng kinain niya ang mga iyon hanggang sa mapaubo siya. Tumayo ang lalaki at kinuha-an siya ng tubig mula sa dispenser.   "Eat slowly, wala ka namang kalaban,"anito.   "Meron," sagot niya kahit puno ang bibig niya, "’yong gutom."   "Okay, Love," simpleng sagot nito habang tumitipa sa keyboard.   Muntik na siyang mabila-ukan ulit."Anong sabi mo?"   "Sabi ko okay."   "’Yong tinawag mo sa akin?"   "Love?" pasimpleng sagot nito. “’Diba second name mo ‘yan, Carla Love.”   Namula siya sa hiya. Huwag kasing assuming ‘Day!   "Huwag mo nga akong tawaging Love  kasi nauumay ako.” Inis na kinagat niya ang isang pirasong cookie.   Napataas ang mga kilay ng lalaki. "Anong gusto mong itawag ko sa ‘yo?"   "Carla or Car nalang," sagot niya.   "Anong kaibahan ko sa kanila?"tanong nito.   "Ha..?"   "Asawa kita so dapat iba ang tawag ko sa’yo...Love," pang-aasar nito.   Pero mas lalo siyang naasar kasi poker face pa rin ang lalaki.   "Sagwa kaya ‘yang pakinggan," Pero ang totoo kinikilig siya nang i-pronounce nito ang pangalan niya.Parang nang aakit kumbaga ang "Laahhvv".   "Ayoko rin namang tawagin kang Mahal...” Tumayo ito at may kinuhang mga libro sa shelves. “Hmmm…”   "Uy Sai, kasal tayo pero shhh...." saway niya rito at nilingon ang pintuan, baka kasi may makarinig sa pinagsasabi ng asawa.   Bumalik ito sa lamesa at ipinatong ang mga libro sa harapan niya. "Basahin mo ‘yan at mag review ka. I-exam kita pagbalik ko in three weeks."   Nabigla siya sa sinabi nito. "Ha? Three weeks? Saan ka pupunta? Bakit? Sinong kasama mo?" sunod sunod niyang tanong.   Nakita niyang ngumiti ito. Ngiti ba ang tawag sa pag stretch ng lips nito ng tatlong sentimetro?   "May aasikasuhin ako sa Monte Abante," anito. “Next time ka na lang sumama.”   Nagpatuloy ang lalaki sa pagbibigay ng pointers pero hindi siya nakinig. Kinuha niya ang isang libro ng Operations Management at binuklat-buklat. Dapat mabasa niya ang limang librong ipinahiram nito.   Antagal na pala niyang hindi nakabasa ng libro. And somehow the thought made her sad. Mahilig siyang magbasa noon pero hindi siya nakahawak ng kahit anong libro simula nang iwan siya ni Aron.   Napatingin siya sa asawa at binigyan ito ng matamis na ngiti.   Kasal sila ni Saimon at traditional rin naman siya na naniniwala na 'til death do us part sa relasyon nila. Very intelligent si Saimon at maraming businesses ang na i-manage nito. Bilang asawa, gusto niyang mag-assist dito sa future sa kahit anong paraan na makakaya niya. Marami siyang opportunities to learn kaya susunggab siya sa oportunidad.   At saka for her own growth din naman ang kanyang gagawin. Hindi si Saimon ang gusto niyang maging motivation para mag move on sa buhay. Pero nagpapasalamat na rin siya sa Diyos kasi ang lalaki ang naging instrumento upang unti-unti siyang lumabas sa kweba niya.   Tapos na ako sa estado na ang lalaki ang gagawin kong motivation. Hindi kailangang i-sacrifice ang career!   "Gugz, order ako ng take out. May ipapabili ka?" tanong nito habang hawak ang telepono.   "Ha?" Napanga-nga siyang napatingin sa lalaki.   "Makinig ka nga sabi eh, kung saan saan pumupunta ‘yang utak mo," napangiti ito.   Hayan na naman ang ngiti ng kumag! Ngumingiti lang kung nakapang-asar.   "Ah sige, cookies and cream ice cream, please," bilin niya.   "Oh Yen, dagdagan mo rin ng cookies and cream ice cream. At isali niyo na rin kung ano ang gusto niyong kainin ni Belinda," utos nito bago ibinaba ang phone.   "Gugz?" Napataas ang kilay niya.   "Short for gugma," tanging sagot nito bago ibinaling nito ang atensyon sa trabaho.   Napatawa siya nang ma realize ang isang bagay. Napaka-corny ni Saimon Lemuel Halcon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD