Part 10 - Simply Saimon

1339 Words
"KUYA, nanakaw ang plano ng itatayo nating resort sa Bantayan," galit na pahayag ni Romeo. "Naka-construct na rin ang competitor natin.”   Gusto niyang tanunging ang pinsan kung paano nangyari pero nakita niya ang haggard na hitsura nito kaya sa neutral na boses tinanong niya ang kausap, "Anong plano mo ngayon?"   Umupo ito sa sofa at napapikit. “Sa totoo lang, gumanti kay Winsome ang laman ng utak ko ngayon.”   Si Winsome ang former live-in partner ng kaniyang pinsan. Lumayas ito at hinihinalang ito ang nagnakaw ng kanilang mga plano para sana sa expansion nila sa South Cebu. Pero nangyari na ang hindi dapat mangyari. Masinsinan talaga ang imbestigasyon na gagawin nila para malaman kung sino talaga ang may pakana ng lahat. As of the moment, dapat maka-isip sila ng kahit anong paraan para makapasok sa lugar na ‘yon.   “What if magtayo tayo ng supermarket doon, Rome?" tanong niya sa pinsang tahimik na nanonood ng TV sa kuwarto niya. “If magiging tourist spot ‘yang resort na itatayo nila, maraming potential customers. Why don’t we put a nice supermarket with a mall vibe?"   Pero para siyang nakakipag-usap sa tuod dahil hindi ito nakikinig at nakatunganga lang sa TV. Tinapik niya ito at sinabihang bumalik na sa sariling kuwarto para magpahinga. Tumango si Romeo at walang sabi-sabing umalis.   “Babae na naman ang problema,” buntong-hininga niya.   Napatawag si Mommy La sa kaniya two days ago dahil sa problema sa Hacienda. Kaya ng tiyuhin at ibang paryente ang pamamalakad don kaya alam ni Saimon na iba ang pakay ng abuela sa pagpapapunta sa kaniya sa Monte Abante. At tama siya, si Romeo nga.   “Problema sa Hacienda,” bulong niya, “at problema sa JRG.” Iniisip niya kung kailan matatapos ang lahat ng challenges niya bilang isang simpleng indibidwal at bilang isang amo.   Humiga siya sa kama at napapikit habang naalala ang nangyari kahapon.   Nasa kalagitnaan siya ng meeting with his supermarkets director and managers nang magtext ang asawa para sabihin sa kaniya ang kapalpakan nito. Pero may proseso pa ring dapat sundin kaya ayaw niyang direktang makialam. Pwedeng ma-solve naman ito within human resources pero asawa niya pa rin si Carla at ayaw rin naman niyang makita na maging malungkot ito dahil sa dami ng pagkakamali sa trabaho.   "Dapat sapat ang man power natin." Narinig niyang pahayag ng isang area manager sa gitna ng pakikipag-debate ng mga ito sa ibang kasamahan.   Kung sa normal na mga meetings ‘to, hahayaan niya ang mga empleyado niya ang mag-iisip ng solusyon para sa mga maliliit na mga bagay. Pero parang hinila siya ng salita ng empleyado. Umupo siya ng matuwid at pasimpleng nagtanong, “How's the manpower in each branch? Naka fill in na ba ang mga vacant positions?"   "Ah, sir, regarding manpower, we have a slight problem," panimula ni Charles, ang director ng supermarkets. "One of the HR personnel called the wrong person to join the company."   “Do you think this is a simple problem?” tanong niya.   Umiling ang kausap. “Pangalan ng kumpanya ang nakataya rito, sir.”   “You think so?” He leaned back on his chair.   His voice was so neutral that it sounded deadly to those inside the room. Hindi nakaimik ang kaniyang mga empleyado habang sari-sari ang kulay ng hilatsa ng mga pagmumukha ng mga ito – may tila kamatis at may tila nakalunok ng suka.   "Ipatawag mo ang HRO," simpleng sabi niya. Muli silang nag discuss regarding other concerns habang hinintay nilang dumating ang human resource officer.   "Sir, we're really sorry," halos pahingal na sabi ni Jane. Nakayuko pa ito at tila namumutla na sa kaba. “We will solve this today."   "What happened?" Wala pa ring emosyon ang boses niya.   "Nagkamali ng tawag ang recruitment staff, sir,” sagot nito.   "Have you asked why?" Humigop siya ng tubig. Umiling ito at iniba niya ang paraan para makakuha ng impormasyon. “By the way, tell me about the responsibilities of this newly hired staff. Nagtataka lang kasi ako kung bakit siya ang magbabalita sa mga bagong tanggap na mga managers. I thought sa mga lower personnel lang ang responsibilidad niya."   Napaigik ang kaniyang kausap at tila hihimatayin na sa kaba. Umupo ito ng matuwid at mapaklang ngumiti. "Sir, si Carla ang naka assign as assistant staff sa dalawang malls in Davao City," informed ng HRO. "Sa kanya ang resume screening, testing, initial interview, i-contact ang managers per branch to schedule final interviews, mag schedule ng company orientation, distribution of uniforms, preparation sa biometrix nga mga ito, exit interviews, clearances, 201 files..."   "She's doing all that by herself?" Pinilit niyang huwag tumaas ang boses. Kaya pala wala masyadong oras ang babae dahil masyado itong busy. He actually never expected na ganito karami ang ginagawa ng asawa. “If she does all those things, expected talagang magkakamali siya."   “How much is her salary?” Taas kilay na tanong niya.   Napalunok ang babae. “Minimum wage po.”   Medyo nanlaki ang mga singkit niyang mata. “And you expect her to peform well with overwork with no proper compensation?”   Namula ang Human Resource Officer. "Sir ‘yan rin naman ho ang ginagawa ng mga recruitment staff – I mean, dalawamg malls lang ang naka-assign kay Carla, ang iba nga ho limang supermarkets, limang grocery stores...."   "Jane, if under ni Carla ang Malls, meaning hindi lang supermarkets pero pati department stores, hardwarestores, bookstores, etc. ang ini-handle nito? And don’t tell me, siya pa ang mag-aasikaso sa mga indirect na mga trabahante ng Malls?" Nakita niyang tumango ang HRO. "Kaya naman pala talaga nagkakamali ang tao baka overloaded na sa trabaho. Hindi ako nagtataka kung bakit medyo mataas ang turnover natin sa mga empleyado especially ‘yong mga nasa mababang position. You never talked about that during our meetings.”   "Eh, sir..."   "Jane, ilang taon ka na ba sa JRG?"   "Twenty eight years na po," sagot ng babae.   "Hmmm..." ang tanging na sambit niya. Doon niya na realize na kailangan sigurong i-update ang manpower ng JRG sa Davao City. He trusted that they were capable enough to handle everything but it seemed that he had to double check the HR departments from other branches outside the city. Ang human resource kasi ang puso ng company and if hindi effective ang management nito, mag do-domino effect ito sa ibang departments.   Noong siya na ang naghandle ng kumpanya almost a year ago, gusto niya talagang palitan ang mga heads ng departments pero hiniling ng kaniyang abuela na huwag muna lalo na ‘yong mga may edad na. Sila kasi ang loyal sa kumpanya at ang mga kamag-anak ng mga ito ang pioneers ng JRG. Alam din naman ni Saimon na wala sa edad ang basis ng work productivity ng tao pero sa tingin niya resistant sa pagbabago si Jane. Wala nga lang itong magawa if galing sa kanya mismo ang utos. Dahil kahit ano ang mangyayari, siya pa rin ang CEO ng JRG.   Napansin niyang namumutla ang kausap. "How about maglagay ka ng assistants para sa mga recruitment staff mo?" suhestyon niya. "At least may katuwang sila.”   "Pero, sir..."   "Look, we are humans and we are capable of doing mistakes, alright? Accept the two employees," pinal na sabi niya. “Ilagay mo ang isa sa kung anong bakante.”   "Sir, may vacant na position para sa branch manager sa Agdao supermarket branch natin.” Tumingin si Charles kay Jane. "Suggestion ko lang."   Napatango si Saimon at lumingon kay Jane. "And please decide if hindi na kaya ng department niyo ang pag handle ng direct employees, kasi kukuha tayo ng agency para ma minimize ang load niyo. Don’t worry, I’ll schedule a meeting with all human resource managers.”   Tumango ang HRO at dali-daling tumayo.   "And oh by the way, please tell Carla to come to my office after the meeting," sabi niya.    Kung na sorpresa man ang iba, hindi ito nagpahalata.   "As president of JRG dapat magbigay ako ng mga pointers sa mga new staff paminsan-minsan. Ayoko rin namang mag resign sila if may pagkakamaling nagawa. Better dito rin nila ma-apply ang lessons nila kaysa sa ibang kompanya," pahayag niya.   Napatango ang mga tao sa loob ng boardroom at may narinig siyang bumulong sa katabi nito, "Ang bait talaga ni Sir Saimon. Very wise."   ‘Kaya dapat lumuhod at magpasalamat ka Carla sa akin’, na isip niya.   Bigla siyang napabalikwas sa higaan nang maalala niya na hindi pa pala nagpapasalamat ang asawa niya sa pagsagip niya rito. Kinuha niya ang phone at tinawagan ito.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD