CARLA was a user and she did not regret using Saimon to make her whole again. She interpreted it as they were using each other to mend their broken hearts. Kaya pinipilit niya ang sariling magustuhan ang asawa kahit isang buwan pa silang kasal.
Pero paano niya todong magugustuhan ang lalaki kung limang beses pa lang silang nagkita simula ng maikasala sila?
Ikalawang pagkikita nila sa hotel para mag s*x, one week after ng wedding night. Ikatlong pagkikita sa party naman at nagpretend silang dalawa na hindi sila magkakilala. Ika-apat, sa isang seminar na sinalihan niya regarding work opportunities. At pagkatapos lihim silang umalis para mag check-in na naman sa hotel. At ika-lima during sa orientation sa kompanya nito.
Hindi niya alam kung anong meron sa asawa para magkaroon siya ng inspirasyong tumayo muli sa sariling mga paa. Nagising siya isang araw at sumigaw sa ina, “Nay, maghahanap ako ng trabaho. Ayokong laging nakalugmok dito sa bahay."
Malapad ang ngiti ng ina niya sa balita. “May extra ka pa diyan para sa mga requirements mo? Anong mga damit ang mo isusuot during interviews?"
"Meron pa ho akong natitira sa emergency savings ko," sagot niya rito. Nakakahiya naman kung ang nanay niya pa ang magbibigay ng pera.
I'll give you money para pambili mo sa mga gagamitin mo. Gift ko na ‘yan sa ‘yo anak.” Lumapit ang ina sa kaniya at sinuklay nito ang buhok niya. "I’m happy kasi you realize that there's more to life than heartbreaks. Advice ko lang sa’yo, sa susunod huwag mong i-sacrifice ang career mo."
Her mother was a career woman, marunong itong mag manage ng time between motherhood at trabaho nito. Pero hindi ito umabsent sa mga school presentations niya. Kaya her mother was definitely right. Hindi niya kailangang isakripisyo ang career niya kaya maghahanap na talaga siya ng trabaho. At saka hindi siya kampante na si Saimon lang ang busy at wala siyang inaatupag kung hindi ang kumain at magmukmok.
Pagkatapos mag-ayos, dumiretso siya ng malls para mamili ng damit para interviews at iba pang supplies na gagamitin niya sa job hunting. Hindi naman siya nababahala sa paghahanap ng matatrabahuan, may experiences siya sa Human Resource sa isang malaking company sa Cagayan de Oro bago siya umuwi ng Davao City, dalawang buwan bago siya ikasal.
‘Binigay at na-surrender ko lahat para sa iyo Aron pero hindi pa rin sapat!’ Hindi niya mapigilang maisip habang naglalakad siya at naghahanap ng mga damit.
Hindi siya nagtagal sa mall at bumalik sa bahay para simulant ang job searching sa internet. May mga nakita siyang job vacancies ng Human Resource personnel sa iba't-ibang kompanya within Davao City alone.
“Kaya mo ‘to, Carla!” Pumalakpak siya bago itinuon ang pansin sa paghahanap ng trabaho.
There's more to life than heartbreak and men! although masakit pa rin if naiisip ko si Aron.
Erase! Erase! Focus, Carla...
Hindi rin naman nasayang ang efforts niya sa job hunting kasi maraming nag reply sa kaniya. In less than one week, may schedule na siya for exams and interviews. Sa totoo lang gusto niyang makapasok sa mga malalaking company kasi maganda ang mga benefits. Pero okay na rin siguro if sa small time business para lang maaliw siya.
Feeling niya lumutang siya sa ere nang tumawag ang Josefa Retails Group para sabihing natanggap siya as human resource recruitment staff. Sinabihan din siyang pumunta sa orientation the next day.
“Josefa Retails Group,” bulong niya sa sarili, “at least malaking company din.”
Basics lang ang alam niya tungkol sa kumpanyang napasukan. Nalimutan na rin niya ang ibang detalye sa dinami-dami niyang ni-research sa bawat kumpanyang inapplyan. Gusto niyang hanapin at basahin ang iba pang mga impormasyon ukol dito pero tinatamad siya.
‘Eh, tutal may company orientation naman bukas’ Pa konswelo niya sa sarili habang namimili ng movie sa Netflix.
The next day was exciting for her and for her mother. Feeling niya mas excited pa ang nanay niya kasi hinatid pa siya nito sa JRG headquarters.
“Magaan ang aura ng company,” bulong niya sa sarili nang pumasok siya sa loob. Friendly at very accoodating masyado ang mga trabahante.
Pero kung gaano ka-refreshing ang aura ng kumpanya, siya rin ka-boring ang presentation sa orientation. Gusto na niyang humiga sa sahig at matulog lalo na’t matindi ang ginaw ng aircon. Inaantok na talaga siya at hindi epektibo ang mga libreng kapeng handa ng mga organizers. Nang ‘di na niya talaga kaya ang antok, tumayo siya at pumunta ng banyo. Pagbalik niya, nakita niyang nag refill ang mga staff ng cookies sa buffet area.
‘Mabuti na lang at sosy ‘tong kumpanyang ‘to. May pa buffet style pa sa new employees.’ Isip niya habang kumuha ng isang platong cookies at dinala pabalik sa kaniyang upuan.
Narinig niyang napahagikhik ang katabing lalaki.
Ngumiti siya rito at inalok ang lalaki. “Gutom talaga ako.”
Tumango ang lalaki at kumuha ng isang cookie. “Ako rin. Salamat.”
Akala niya okay na siya pero gusto inaantok pa rin siya. Pinipigilan niya talagang humikab pero parang hindi talaga kaya. Aalis sana siya papuntang banyo ulit nang magsitayuan ang mga tao sa loob.
Anong meron?
Nalilito siyang tumayo rin hanggang sa marinig niya ang announcement ng organizer na dumating ang CEO ng kumpanya.
Wala naman talaga siyang pakialam pero narinig niyang nagbulungan ang dalawang HR personnel na naka puwesto sa gilid niya. “Bakit andito si sir? Ngayon lang ata siya nag-attend ng company orientation sa mga new employees.
"Ewan ko, baka i-check niya ang process natin," sagot ng isa pa. “Strikto pa naman masyado si sir Saimon.”
‘Saimon? Don’t tell me si Saimon Lemuel Halcon?’ Nanlaki ang mga mata niya at para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang makita ang asawang nakatayo sa may pintuan at pinapanood sila.
Shet! Company ni Saimon ‘tong napasukan niya?
Umupo siya bigla at kinuha ang leaflet sa katabing at binuklat-buklat. Wala namang indikasyon na si Saimon ang CEO or something. Hinalungkat niya ang memorya kung narinig ba niya ang achievements ng asawa nang mag guest ito sa reunion.
Bakit wala siyang maalala? Bakit wala siyang alam?
‘Pagkain at ka-OA-han lang kasi ang laman ng utak mo, Carla!’ sigaw niya sa isipan.
"May organizational chart ka ba?” Siniko niya ang katabi.
Umiiling ito. "Pero nag present sila kanina. I think ‘yong time na lumabas ka."
"Sino ulit ang president ng company?" Kinulit pa rin niya ang lalaki. “’Di ko kasi narinig nang mag-announce si ma’am.”
"Si Saimon Lemuel Halcon, ‘yang lalaking naka puting polo na nakatayo sa gilid." bulong ng lalaki at pasimple nitong ibinalik ang paningin sa nag speech sa harapan.
Parang nahulugan ng langit si Carla nang mapagtanto ang reyalidad na nakapasok siya sa kumpanya ng asawa. Uminit ang mukha niya nang pasimpleng lumingon siya sa lalaki pero nakatuon ang atensyon nito sa cellphone nito.
Hay salamat!
Naramdaman niyang nag vibrate ang phone niya sa bag. Dahan-dahan niyang kinuha at pasimpleng binasa ito.
Sai: 'Kita tayo sa bahay mamaya. Sunduin ka ni Danilo.'
Ito lang ang text ni Saimon pero nangininig siya. Lecheng lalaking ‘to. Hindi ako makapag concentrate.
Lumingon ulit siya rito at napasinghap nang tumingin ito sa kaniya.
May kung anong lumundag sa kaibuturan ng kaniyang puso nang makita ang munti nitong ngiti. At alam niya kung bakit napangiti ito.
Ma e-exercise na naman siya ngayong gabi!
Sinundo siya ni Kuya Danilo, ang driver ni Saimon. Sa pagkakaalam niya, ito at si Ate Loleng, ang kasambahay ng lalaki, lang siguro ang nakakaalam na mag-asawa na sila ni Saimon. Sa limang beses na pagkikita nilang dalawa simula ng maikasal, dalawang beses pa lang siyang nakapunta sa bahay nito.
"Nasa bahay na ba si Sai, kuya?" tanong niya.
"Yes, ma'am," sagot nito. “Kanina pa mga alas singko.”
Dumiretso siya sa hapag-kainan pagdating niya sa bahay. Naabutan niya si Ate Loleng naghahanda ng pagkain. Walang kiyemeng kumuha siya ng isang saging at sinimulang kainin. “Gutom talaga ako."
Ngumiti ang matanda at naglabas pa ito ng fruit salad. “Pinagawa ni sir kanina.”
Sumandok siya ng isang kutsara at tinikman. Napapikit siya sarap."Huwaaww! Ito na yata ang pinakaborito kong buko salad.”
"Salamat, ma'am," natatawang sabi nito. “Magre-reserba ako nito para mabaon mo bukas.”
Niyakap niya ang matanda. “The best ka talaga Ate Loleng.”
Pumasok si Saimon at tiningnan siya. "Hindi ka makapaghintay.”
"Gutom talaga ako, Sai," aniya. Umupo siya sa at tumango sa lalaki. “Halika, kain na tayo, please.”
"Nagugutom ka pa niyan? Naubos mo na ang mga cookies doon sa lamesa kanina. Tapos nagdala ka pa sa upuan mo," ani nito.
“Pano naman, napaka boring ng orientation niyo,” hirit niya. “Mabuti naman at bumawi kayo sa snacks.”
“Anong natutunan mo sa orientation?” tanong nito bago sumubo ng pagkain.
Uminit ang pisngi ni Carla. Sa totoo lang, hindi siya nakinig kanina.
"Walang laman ‘yang utak mo no?” Walang tonong tanong nito.
Ngumuya lang siya at kumindat bilang sagot. “Ibahin niyo nga ang orientation, Sai. Too boring. Short lang ang attention span ko, my goodness. If not, sabihan niyo ang mga new employees na magdala na sila ng banig at kumot para handa na sila sa snooze fest.”
Napailing na lang si Saimon. “I’ll talk with the training department about your feedback. Thank you.”
"Ay, oo nga pala bago ko makalimutan!" napatili siya bigla.
Kumunot ang noo ng asawa pero hindi ito nagpakita ng indikasyon na nagulat sa ginawa niya. Dali-dali siyang tumayo at kinuha ang bag na itinapon niya sa salas kanina. May kinuha siya sa bag at patakbong bumalik sa hapag-kainan. Isang long brown envelope ang inabot niya sa asawa.
"Ano 'to?" taas kilay na tanong nito sabay tanggap sa papel.
Umupo siya at bumalik siya sa pagkain. "Resume ko."
"Natanggap ka na sa company, ‘diba?"sabi nito.
"Siyempre, matinik din 'tong misis mo,” aniya. “Ayoko namang walang ginagawa, Sai. Pero promise, ‘di ko talga alam na kumpanya mo ang napasukan ko.”
Nakataas ang dalawng kilay ng lalaki. “Really?”
Inilahad niya ang kaniyang kamay at nag Girl Scout sign. “Shocked talaga ako kanina. But do you think it’s destiny na napunta ako sa kumpanya mo?”
He snorted. “I think ako ang minalas.”
Namilog ang mga mata niya sa turan ng lalaki. “Well, let’s see in time…”
"Hmmm...Para san ‘to?" Tiningnan nito ang hawak na brown envelope.
"Andiyan lahat ng credentials ko pati hobbies, likes and dislikes. Ginawa ko ‘yang wifely resume exclusively for you," proud na sabi niya.
"Hmmm...anong sweldo ang gusto mo?" seryosong tanong nito na hindi man lang binuksan ang envelope.
"Above minimum, pwede?" excited niyang tanong.
"Hindi ka nga full time house wife tapos gusto mo ng above minimum? Part time wife ka nga lang eh," sagot ng lalaki nang walang ka emo-emosyon.
Ataya uy!
Nag pout siya. "Sige fine! Babawiin ko na ‘yan."
Akma niyang hahablutin ang papeles pero nilipat ng lalaki sa kabilang side para hindi niya makuha. "Bakit mo babawiin? Eh, pinasa mo na."
"Akin na sabi eh.” Tumayo na siya at pumunta sa lokasyon ng papel. Tumayo rin ang lalaki at madaling itinaas ang kamay na hawak-hawak ang kaniyang resume.
"Uminom ka muna ng Cherifer.
Hindi talaga kaya ng 5'3 height niya ang 6'4 frame ng asawa kaya hinampas niya ng kamay ang dibdib nito. Nagulat ang lalaki at muntikang mabitawan ang papel kaya napatawa siya. Pero biglang naging mas seryoso ang mukha nito.
Nalakasan ko ba? Bumilis ang pintig ng puso niya.
Nakakatakot ang mukha nitong hindi ngumingiti how much more na galit ata ito ngayon? Nanlamig siya at feeling niya tumuyo ang kaniyang lalamunan at bibig.
Yumuko ang lalaki at napaatras siya. Umabante ito at nanginginig siyang umatras hanggang sa maramdaman niya ang pader sa kaniyang likod.
“Carla.”
Muntik na siyang napapikit sa mababang tono ng boses nito. Hindi niya kayang tingnan ang mga tsinitong mata ng lalaki.
“Carla…” tawag ulit sa kaniya ni Saimon.
Huminga siya ng malalim at tumingala sa lalaki. Hinanda niya ang sarili na pagalitan nito.
Pero mabilis itong yumuko at hinalikan siya sa labi. Kung gaano ka bilis itong humalik ay ganoon din kabilis itong umatras at pasipol-sipol pang umalis na dala -dala ang resume niya.
Shet ang puso koooo! Tanging naisip niya habang napahawak sa bandang dibdib.