"SAI, masaya ako na bumisita ka rito," bungad ni Mommy La. "Kailan ka dumating?"
"Kagabi lang po." Yumuko siya at nagmano. "Na miss kita, La."
"Owsss..." Nakita ng matanda ang kuwentas ng apo na lumabas mula sa polo shirt. "Ano ‘yang suot mo, Sai? Maganda ang pendant."
Tumikhim siya at ibinalik sa loob ng shirt ang kuwentas. "Wala po ‘to, La."
"Mukhang wedding ring ‘yan, ah." Naiintriga pa rin ang matanda.
"Purity ring po ‘to.” Pormal na sagot niya. “I will reserve my virginity sa asawa na pakakasalan ko.”
Napahalakhak ang matanda kasi hindi ito naniniwala sa pinagsasabi ng apo lalo na ang virginity state nito.
Wala pa ring reaksyon si Saimon kahit na mangisay na ang matanda sa katatawa.
"Sai, tumawag si Carlota sa’kin kaninang madaling araw." Pinandilatan siya nito."Madaling araw, naka emphasize ‘yan tandaan mo."
Tumango siya.
"May dala ka rawng magandang babae.” Umupo ito at tinapik ang espasyo sa tabi nito.
Umupo si Saimon sa tabi ng matanda at kumuha ng prutas na nakadisplay sa lamisita. Nilingon niya ang sala area ng matanda. “La, bago ‘tong TV mo, ah.”
"Oo, bigay ni Romeo nung andito mag stay ang ugok ng ilang araw." Natatawang umiiling ito.
"Hmmm..?" Focused siya sa pagbabalat ng saging.
"Hay naku Sai, pagsabihan mo ‘yang pinsan mo at kung anu-ano na namang katarantaduhan ang pinagagawa sa buhay." Sumimangot ang matanda.
"Bakit? Anong ginawa niya?" Sumubo siya ng prutas.
"Hay naku, mamaya na. Naiinis ako pag na-iisip ko ang batang yon," inis na sabi ng matanda. "Tsaka huwag mong ibahin ang topic."
"Hmmm..?" Nguya niya.
"Sino ang dala mong babae, Sai? Girlfriend?" Kinuha nito ang balat ng saging mula sa kamay niya at inilagay sa mesa.
"Dadalhin ko si Gugz dito mamay, La. Pupuntahan ko muna si Romeo ngayong hapon,” pormal na sagot niya. “Ayokong mabagot si Gugz.”
"So, I’m going to baby sit....Gugz?" natatawang tanong ng matanda.
"Si Carla, La.” Para siyang robot na sa pagsagot.
Napataas ang kilay ng matanda pero hindi na niya sinagot ang matanda. Nag-usap sila tungkol sa problema ni Romeo at kung paano masosolusyunan ito bago umalis si Sai.
Habang nagmamaneho, iniisip niya kung saan niya dadalhin ang asawa. Maraming tourist spots ang Zamboanga del Sur at sisiguraduhin niyang best experience ang maibibigay niya rito.
Best experience...
Biglang uminit ang loob ng sasakyan kaya nilipat niya sa full blast ang aircon. Mainit pa rin masyado kaya napatingin siya sa labas. Hindi niya na check ang weather forecast ngayong araw.
‘Horny ka lang siguro,’ biglang nasagi sa isip niya.
Muntik na niyang nasagasaan ang manok na dumaan kung hindi siya nakapagpreno. s**t! Dahil sa five little letters na ‘yan kaya biglang pumasok sa isip niya ang mga kung anu-anong bagay.
Biglang nag flash-back sa kaniya nung last time na nag s*x silang mag-asawa.
Sybian...
Ramdam na ramdam niya ang pagtulo ng pawis sa likuran niya. Mahigit isang buwan na silang walang intimate relationship ni Gugz. Sa totoo lang, gusto niyang maangkin ito sa Cagayan de Oro tour nila ngunit wala sa mood ang babae. She was really vulnerable.
Ayaw niyang ipilit ang sarili rito kasi mas maganda talaga ang experience kung nasasabik din ‘to sa kaniya. She’s more than a tumble in bed. She's a beautiful person with a hint of innocence. She's sunshine and rainbow in his mundane existence. She's Carla Love, his Gugz.
Shit! Pwede na ba siyang maging makata nito?
Sybian...
Bakit ba palaging pumapasok ang katagang ‘yan sa isipan niya? No matter how hard he tried to resist pero wala pa ring epek. Nakikita niya ang hitsura ng asawa while in ecstasy riding the Sybian.
“f**k!” Napamura siya ng malakas nang makarating sa hacienda. Confirmed talagang sexually frustrated siya at hindi siya makahanap ng tiempo kung andito sila sa hacienda magtatagal.
"Sai...?"
Tumindig ang balahibo niya sa batok. Gusto sana niyang mapag-isa para ma compose ang sarili pero andito ang babae sa isipan niya. Nilingon niya at hinagod ang tingin sa kabuoan nito.
"Sai, okay ka lang ba? Namumutla ka..." Nag-aalala ang tono ni Gugz.
"Hmmm..." Napatiim-bagang siya.
She tiptoed and stretched her hand to touch his forehead. "Okay naman ang temperature mo."
"Anong nangyari sa’yo, Gugz?" Pinilit niya ang sariling maging composed.
"Ha?"
"Bakit balot na balot ka? Pwede ka na talagan ihilyera sa mga budbod, pintos, at iba pang kakanin diyan," pormal na sabi niya.
Napatawa ng malakas ang babae. Hinampas siya nito. "Dapat conservative ako kasi first time kong ma-meet ang family mo."
Muntik na siyang mabilaukan sa sagot sinabi ng babae.
"Kasi gusto ko naman na good ang first impression nila sa akin kahit na hindi pa nila alam na kasal na tayo," bulong nito. "Ayokong paghiwalayin nila tayo."
Napangiti rin siyang umiling. Kinuha niya ang kaniyang phone mula sa bulsa at pinicturan ito. Isa sa mga nagustuhan niya sa asawa ang mabasa nito ang moods niya. Feeling niya, nag i-enjoy ito sa mga sarcasms niya. Hindi rin ito natatakot na asarin siya.
His facial expressions softened at the thought that this little chubby girl in front of him had the guts to diss him whenever and wherever she liked.
“Uy, happy kang makita ako, no?” Tumingkayad ito at binigyan siya ng halik sa pisngi.
Tumango siya.
“Namumula ‘yang mukha mo.” Hinipo nito ang noo niya. “Halika sa loob. Pinagpapawisan ka masyado, oh.”
“Gugz?”
Nilingon siya nito. “Hmmm?”
“Have I ever thank you for being you?” tanong niya rito.
Nakita niyang namilog at nangingislap ang kulay tsokalateng mga mata nito. “Let me guess, thankful ka kasi ako ang naging asawa mo, ano?”
He smirked but said nothing.
Hinawakan nito ang kaniyang mga kamay at pinisil. “Alam ko namang hindi mo pinagsisihang pakasalan ako eh. I feel the same way.”
Napangiti siya sa asawa at lihim na nagpasalamat sa Maykapal sa impulsive decision niyang sagutin ang marriage proposal nito noon.
*_*_*_*_*
HABANG nagpapasalamat si Saimon sa Diyos,nagdarasal naman si Carla na sana maka tiempo sila ng asawa na sila lang dalawa. Miss na miss na talaga niya ‘to.
‘Ang OA mo, ‘Day. Kaninang umaga lang kayo last nagkita.’
Oo, kaninang umaga nga pero magka hiwalay ang mga kwarto nila. At nahihiya siyang itanong sa pamilya nito kung saan mahahanap ang bedroom ni Saimon. Ang pagkakaalam ng mga ito ay isa siyang "friend" ng lalaki. Pinanindigan niya talaga ang desisyong hindi ito ang tamang panahon na sabihin na kasal sila.
Masaya siya kasi nakilala niya si Lia, ang asawa ng pinsan ni Saimon. What a small world talaga kasi taga Davao City din ito at best friend pala ito ng kaibigang si Marie. Nag-desisyon si Lia na sa Monte Abante na mamalagi since may itatayong mall ang mga Halcon sa lugar at ito ang naatasang mag-manage sa Hardware stores nito.
"Hindi ba masyadong stressful ipagsabay ang work at motherhood?" tanong niya kay Lia.
"Hindi naman. Andiyan naman ang asawa kong si Henry na mag-aassist sa akin," confident na sabi nito.
Naisip niya kung paano siya napalaki ng ina na walang ibang katuwang sa buhay. Hindi kasi original na taga Davao City si nanay Rose at ang ama niya. Nagpunta ang mga ito sa Davao City para makatrabaho at nang mabuntis ay iniwan ng kaniyang ama. Kaya nagdesisyon ang ina na mamalagi sa Davao City kasi nahihiya itong umuwi sa kaniyang lugar.
‘Grabe ang paghihirap niyo nay pero salamat talaga at hindi kayo sumuko.’ Nakokonsensya siya tuloy dahil ilang beses siyang nagsinungaling dito lalo na’t tungkol kay Saimon.
"Carla, pupunta ka raw kay Mommy La ngayong hapon," biglang nasabi ni Carlota, pinsan ni Saimon. "Tumawag siya sa akin at may ipapadala siyang box sa inyo ni kuya Sai."
“Huwag kang matakot.” Hinawakan ni Lia ang kaniyang balikat. “Mabait si Mommy La.”
Hindi pa rin maiwasan ang pagkabahala niya. Ito ang matriarch ng mga Halcon kaya hindi maipagkakaila na strikta ang matanda.
Hinatid siya ni Saimon sa hospital at dumiretso sila sa kwarto ni Mommy La. Napaatras siya ng konti pagkakita sa matanda. Akala niya masakitin ang matanda kasi sa hospital sila pumunta. She never expected na ang floor na ‘to ang tahanan ng matriarch ng mga Halcon.
‘What a very beautiful woman!’ Ito ang tanging naisip niya nang pumasok sila sa kwarto.
"Ito ba si Gugz?" Tiningnan siya mula ulo hanggang paa.
Napalingon siya kay Sai, Gugz? Ngunit nagkibit-balikat lang si Saimon.
"Oh Sai, iwan mo ‘yang box sa sofa at umalis ka na," utos ng matanda.
"La...." Mahinahong sabi ng lalaki pero sinunod pa rin nito ang abuela.
"Puntahan mo na si Romeo kasi baka magpapasagasa sa mga itik sa ka-OA-han niya.” Taboy nito nito sa apo.
Curious siya kung sino si Romeo kasi naririnig din niya ang pag-uusap nina Carlota at Lia. Pero hindi pa siya close sa mga ito kaya hindi na siyanagtanong kung ano ba ang problemang sinusuong ng pinsan nila.
“Babalikan kita rito mamaya, ha.” Tinapik ng asawa ang buhok niya. “Enjoy your time with Mommy La.”
Tumingin si Sai sa kaniya na nangugusap ang mga mata. ‘Gusto rin kitang yakapin at halikan Sai pero tiis muna tayo.’
Nang umalis si Saimon, tahimik na nakatingin si Lola Paula sa kaniya. Naalinlangan siya sa ginawa ng matanda pero kumuha siya ng lakas para makipagtitigan din dito.
"Ikaw ba ang bagong girlfriend ni Sai?" biglang tanong nito.
Hindi niya alam kung ano ang isasagot rito pero playing safe pa rin siya. "Hindi po." ‘Asawa niya po ako,’ gusto niyang idagdag.
Napangiti ito at kinuha ang braso niya at pinaupo siya sa sofa. "Halika iha, ipapakita ko sa’yo ang mga albums ni Saimon noong bata pa siya."
Tumabi sa kaniya ang matanda at binuksan ang box na dala-dala nila. Hindi siguro alam ni Sai na gamit nito ang loob ng box. Napangiti siya kasi tuso pala si Lola Paula.
Destined talagang maging grand-daughter-in-law siya ni Paula Halcon. Ilang minuto lang at naging kampante na sila sa isa’t-isa. Kay Lola Paula niya nalaman na naging presidente pala si Saimon sa hospital na pagmamay-ari ng mga Halcon sa Monte Abante, kung saan din nakatira si Lola Paula.
"Si Paulo, ‘yong bunso kong anak, ipinagpahinga muna ng mga doctor. Forced sick leave kumbaga kaya si Saimon ang naatasang mag-manage ng hospital," paliwanag ng matanda. "Diyan ako bilib sa apong ‘yan kasi hindi natatakot na mag venture sa unknown territory."
Proud si Carla sa achievements ng asawa. Pero curious pa rin siya sa kung sino si Saimon. “Sino pong nag-manage sa JRG sa Davao noon, La?"
"Si Romeo, ang pinaka OA kong apo," natatawang sabi nito.
Ayan na naman ang pangalang binanggit. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin kaya napatingin siya sa albums. “Ang guwapo po pala talaga ni Saimon kahit noong bata pa siya.”
"Alam mo, huwag mong sasabihin to sa iba. Si Saimon ang pinaka-guwapo sa lahat ng mga lalaki kong apo." Napangiti rin ito.
Patingin-tingin siya sa mga pictures at may haplos sa kaniyang puso nang ma-imagine kung magiging kamukha ng asawa ang mga anak nila.
Anak nila ni Saimon....
Parang tama sa pandinig niya at tama sa damdamin niya. Pero baka hindi muna ngayon.
May napansin siyang nahulog na picture sa sahig at kinuha niya ito. Tinignan niya ito at napasinghap. “Ang ganda niya. La, sino po ‘to?"
Tinignan ng matanda at napangiwi ito. "Si Ruby."
"Ito si Ruby? Ang ganda talaga niya..." mahinang sabi niya. Ito pala ang babaeng nang-iwan kay Saimon. Ito ang babaeng nagpatino sa pagiging player ni Aron. Ito ang babaeng iniibig ng ex. Ito ang rason kung bakit hindi natuloy ang kasal niya kay Aron.
"Iha, ang ganda ng kuwintas mo." Change topic ng matanda. "Wedding ring ba ‘yan?"
Nagitla talaga siya sa pahayag ng matanda. Uminit ang mga pisngi niy at napalunok. "Purity ring po.”
Naging malapad pa sa national highway ang ngiti ng matanda. "Akala ko sa mga teenagers lang ang purity ring."
Hindi siya makasagot.
Lola Paula grabbed her hand and looked at her. "Carla, I like you. May hihilingin ako sa ‘yo."
"A-ano po ‘yon?"
"Agawin mo si Sai mula sa past niya,” seryosong sabi nito. “Agawin mo siya mula kay Ruby."
Parang nahulog ang puso niya sa sahig sa pahayag ng matanda. Nasaktan talaga ito para sa apo. Sino ba naman ang hindi masasaktan kung iiwan mismo sa araw ng kasal? She and Lola Paula knew in their hearts that Saimon deserved to be happy because he’s such a kindhearted man.
"La, hindi ko maipapangako ‘yan..." mahinang sagot niya. Kahit gustuhin niyang magmahalan silang dalawa ng lalaki ora mismo, nasa healing process pa silang dalawa at hindi magiging madali ang lahat.
'Sa totoo lang po, gusto ko ring agawin niya ako sa past ko', gusto rin niyang sabihin ang totoo kay Lola Paula pero nagtimpi siya.
Bumuntong-hininga ang matanda at tiningnan siya. “Pasensya ka na, iha.”
Tumango siya.
Tumayo si Lola Paula at may kinuha sa bookshelves. “Thirty five years old na ang batang ‘yan sa makalawa. Kaya ayokong maging malungkot at ma-trauma siya sa sinapit niya this year.”
Hindi siya nagpahalata na muntik na niyang makalimutan na birthday pala ni Saimon.
Inabot nito ang libro sa kaniya. “Gamitin mo ‘yan as a guide, iha."
"La...?" nalilito niyang tanong at tiningnan ang black covered na libro.
"Gift ko sa inyong dalawa ang pagpunta niyo sa Lakewood," sabi nito. “May magandang resort doon.”
"Pero La, wala po kaming relasyon ni Saimon," sabi niya na hindi binuksan ang libro. Huwag sana siyang tamaan ng kidlat sa pagsisinungaling niya. “I’m not s-sure if this is going to be alright.”
"Tulis!" seryosong sabi nito.
"Tulis? Sino po? Ano po?" nag-aalalang tanong niya.
"Tulis lonely people in the world and it's gonna be fine." Pakanta-kanta pa ito habang natatawa.
"Lola naman...." Napatawa rin siya. Dito pala nagmana si Sai sa pagka-corny. "Salamat po sa libro. Bible po ba ‘to?"
Maluha-luhang napatawa ang matanda sa sinabi niya. As if nagbitaw siya ng joke of the century. Nalilito pa rin siya sa asta ng matanda at nag desisyon siyang buksan ang libro.
Namula siya kasi Kama Sutra pala ang ibinigay ni Lola Paula.