Part 19 - Field Trip ni Gugz at Sai

1960 Words
"HERE I come, Sai!" excited na bulong niya. Bitbit niya ang kaniyang maletang papasok sa airport. Kumabog ang dibdib niya sa antisipasyon nang maisipang magfi-field trip silang dalawa.   Pumasok siya sa isang coffee shop habang hinintay ang asawa. Although excited siyang makasama 'to, medyo nakokonsensya rin naman siya dahil nagsinungaling siya sa ina. Solo trip ang paalam niya rito. Tinitigan lang siya nito bago tumango.   Kinuha niya ang planner mula sa bag at nag-isip kung sino-sino ang bibigyan niya ng pasalubong pag-uwi nila. Napakunot-noo siya kasi si Marie lang pala ang maituturing niyang kaibigan.   Nanlumo siya bigla sa realisasyon. Wala pala siyang kaibigan maliban sa isa? Close din naman siya sa iba pero hinalungkat niya ang damdamin at napabuntong-hininga nang amining acquaintances lang ang turing niya sa mga ito. Kaya siguro apat na buwan siyang lugmok dahil wala siyang mga kaibigan na nakikiramay sa kaniya.   At marahil ito na rin ang dahilan kung bakit madaling nakapasok si Aron sa buhay niya, kasi ito ang unang lalaking itinuring niyang kahati niya sa lahat.   Inilapag niya ang planner, kinuha ang kape at uminom. 'Well, babaguhin ko ang takbo ng aking kapalaran. In the years to come, I will have friends and I will become a great friend too.' Na-obserbahan din niyang medyo lumalabas na siya sa shell niya in terms of connecting with people nang napangasawa niya si Saimon. Siguro, unconsciously gusto niyang tumulad dito. Malamang requirement talaga sa isang successful businessman ang relationship with people.   "Siguro makakapag-isip ako sa biyaheng 'to kung sino ang pwede kung maging kaibigan," bulong niya sa sarili.   "Carla Love Junsay?" Isang boses ng lalaki ang pumukaw sa kaniyang atensyon. Napaupo siya nang matuwid at hinagod ng tingin ang lalaki. "Yes...?" "Ikaw ba talaga ‘yan?" Kunot-noong tanong nito. "Yes?" Nakataas ang kilay niya. "Have we met before?"   Kinuha ng lalaki ang suot nitong shades at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. "Maybe I'm mistaken."   Nakakunot pa rin ang noo niya. "Ako si Carla Love Junsay."   "Ah." Isinunot ulit nito ang shades. "Akala ko, nagsasalitang suman ang kausap ko ngayon." Napakapit siya sa dibdib niya at exaggerated na napasinghap. "Ano ka ba, Sai! Hindi dapat ganiyan ang approach mo sa mga hot ladies na katulad ko!"   He snorted. "Ano ba 'yang suot mo. Sure ka bang nakakahinga ka pa niyan?"   Namula siya. Sa sobrang excitement niya, masikip na black dress ang isinuot niya. Medyo nahihirapan nga siyang huminga pero kailangang magsakripisyo para sa fashion. "May oxygen tank akong dala," she breathed.   "Siguraduhin mo lang nakakahinga ka ha." Kinuha nito ang maleta niya. "Ayokong mabuyido ng wala sa oras."   Nagpatuloy ang asaran nilang dalawa hanggang sa makasakay sila ng eroplano. Napapailing na lang si Carla kasi ang hirap maka-resbak sa asawa lalo na't nasa mood talaga itong mang-asar. Kahit nakalapag na sila at nakasakay sa taxi patungong Cagayan de Oro, patuloy pa rin ang lalaki sa panunukso. Hinayaan niya na lang kasi isa lang ang ibig sabihin nito.   "If I know Sai, miss na miss mo na ako." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito at siniil ng halik ang mga labi ng asawa. "Kaya asarin mo ako ng asarin ngayong araw na 'to if that will make you happy."   Bumalik ang tatlong sentimetrong ngiti nito. "I'm happy because you're here."   Parang jelly ace si Carla nang pumasok sila sa hotel room nila. Wala na talaga, konting-konti na lang talaga at bibigay na siya rito. Hindi nga niya alam kung saan siya kumuha ng lakas at pagkatapos makapagpahinga sa hotel, hinatak niya ang lalaki upang mamasyal sila sa labas. Since nakapagtrabaho siya noon sa Cagayan de Oro, siya na ang nagmistulang tour guide nito.   Napatingin siya sa lalaki at binigyan niya ito ng isang matamis na ngiti. Mabait na tao si Saimon at magaan itong kasama kahit wala itong emosyon sa halos lahat ng oras. Parang inilipad si Carla ng mga sandaling kapiling niya ang lalaki. Andito sila, nakaupo sa parke at kumakain ng street foods. Simple lang ang ayos ni Saimon at hindi halatang galing sa isang mayamang angkan. Kahit masyado itong maarte kung sa unang tingin, simple rin lang naman ang hilig nito kung nakakasalamuha na talaga ang lalaki.   'Ganito siguro ang feeling ng honeymoon especially if compatible talaga ang couple.' Hindi niya alam kung saan nanggaling ang ideyang 'yon.   May napatunayan din siya habang tinitingnang kumakain si Saimon ng kwek-kwek. Pwede pa lang mag-enjoy ang isang babae sa piling ng lalaki kahit hindi niya ito mahal. Pwede pa lang magpakalunod ang isang tao sa aura ng isang pekeng pag-ibig para matabunan ang sakit na dulot din ng pag-ibig. Muntik siyang mapalunok nang mapaisip. 'Pero ‘Day, ano ba talaga ang feelings mo para kay Saimon?   Para siyang nahulugan ng langit at tila inipit ang kaniyang damdamin ng dalawang nag-uumpugang bato. Ba't ang hirap huminga? "Gugz, are you okay?" tanong ni Saimon sa kaniya.   Napatingin siya sa asawa. "Hindi ko alam."   Inakbayan siya nito. "Maybe you're already tired. Balik na tayo sa hotel?"   "Hindi ko alam..." tanging bulong niya.   Too naman talagang hindi niya alam ang sagot sa sariling tanong. Ano nga ba ang nararamdaman niya para kay Saimon?   Nahalata ni Saimon na naging tahimik siya kaya hindi na siya nito inasar. Hinayaan lang siya nitong manatili sa sariling mundo. Napalitan ng tensyon mula sa magaang aura ang pagsasama nila hanggang sa makabalik sila sa hotel.   "Do you want to talk about it?" mahinang tanong nito nang maghapunan silang dalawa.   Umiling siya.   Saimon did not deserve this kind of treatment from her pero hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ganito ang nadarama niya sa mga sandaling 'to. Ewan nga ba kung bakit hindi niya mapigilan ang sarili na kumilos ng ganito.   Tiningnan niya ang asawa at gusto niyang itanong dito ang, "Pwede ka bang mahalin gaya ng pagmamahal ko kay Aron?"   Pero naumid ang dila niya.   "Okay ka lang ba talaga, Gugz?" tanong nito nang mag prepare na sila para matulog. "I'm worried baka kung napano ka." Tahimik siyang napatango. Niyakap siya bigla ng asawa at walang tinig na hinalkan siya sa noo. "Wala munang bedsports ngayong gabi," pahayag ng lalaki. Tahimik pa rin siyang tumango. God, what's happening with her? Tumalikod siya rito kasi hindi niya kayang harapin ito ngayon. Parang sasabog ang dibdib niya sa sakit. Sinubukan niyang maging rasyonal at konti lang ang dahilan ang maisip niya. Baka biglang na-overwhelmed siya ngayong araw na 'to. Ito ang unang pagkakatong nakabalik siya sa Cagayan de Oro pagkatapos ng break up nila ni Aron. Sa lugar na 'to inibig niya ang lalaki, nabuo ang relasyon nila, at naibigay ang kaniyang virginity. At paano niya makakalimutang dito rin nagpropose si Aron? Baka nga mali ang desisyon niyang pumayag na mamasyal sa lugar na 'to.   Dahan-dahan siyang umupo at sumandal sa headboard. Parang tinusok ang puso niya nang makita ang himbing na himbing na asawa. Hinaplos niya ang ulo nito bago siya yumuko at nilagyan ng halik ang noo nito.   "Sai," bulong niya rito, "sana ikaw na lang ang tanging minahal ko. Sana ikaw na lang ang una at huli ko..." Naging malabo ang kaniyang paningin. Isa-isang pumatak ang luha niya na pilit niyang pinigilan kanina. Hinalikan niya ang pisngi nito. "Ipinagdarasal kong sana ikaw ang mamahalin ko sa future. Sana makapaghintay ka." 'Lord, pleaseeeee.....' Gusto niyang isigaw ang mga katagang 'to sa Panginoon. Kung pwede lang magbuhos ng milagro ang Diyos sa mga sandaling 'yon. 'Yong klaseng pagising niya kinabukasan, may realisasyon siyang mahal na niya ang lalaki. Kasi karapat-dapat talaga itong mahalin.   Kagat-labi siyang tumayo at dahan-dahang pumunta ng banyo. Umupo siya sa toilet bowl at tinakpan ang mukha ng kaniyang mga kamay. Hindi na siya nakapagtimpi at hinayaan ang sarili na malunod sa mga luhang tahimik na dumaloy kanina.   Ito ang unang pagkakataong umiyak siya nang ganito matapos ang determinasyong kalimutan niya si Aron. Akala niya wala nang panghahawakan ang ex sa kaniya pagkatapos nitong iwan siya.   Nagkamali siya!   Unconsciously, affected siya sa ginawa nito. Para itong multo na nakatago sa kaibuturan ng kaniyang buhay. Bakit ito pa rin ang dahilan upang ma-spoil ang samahan nila ni Saimon? Bakit ito pa ang naging hadlang upang lubusan siyang maging maligaya sa piling ng iba?   Humagulgol siya.   Iniyakan niya ang kaniyang lost innocence, poor choices at regrets sa buhay. Higit sa lahat, iniyakan niya ang relasyon nila ni Saimon – ang present at future nilang dalawa. Dahil nakatuon si Carla sa sarili niyang mundo sa loob ng banyo, hindi niya alam na napamulat si Saimon. Umupo ang lalaki at tiningan ang lampshade sa gilid ng kama. Napatiim-bagang ang lalaki habang hinaplos nito ang basang parte ng pisngi. Nabasa dahil sa mga luha ng asawa.       *_*_*_*_*_*   HEALING din siguro ang pag-iyak niya sa nakaraang gabi kasi magaan ang pakiramdam ni Carla kinabukasan.   "Good morning, Sai!" masiglang bati niya rito.   "Okay ka na?" Kalalabas lang nito ng banyo at nagpupunas ng basang buhok.   "I'm awake, alert, alive, and enthusiastic!" Ngisi niya.   Lumapit ang lalaki sa kaniya. "Maligo ka na. Amoy laway ka na oh."   "Ganon ha." Tumayo siya, niyakap ang lalaki at siniil ng halik. "Mandiri ka ngayon."   Tinulak siya ng asawa at napapahid sa bibig nito. "Magsipilyo ka nga."   Kinuha niya ang nakatapis na tuwalya kay Saimon at napasinghap nang makita ang hubad nitong katawan. Hinawakan niya ang junior nito. "Good morning!"   Tinapik ni Saimon ang kamay niya. "Maligo ka na."   Tumalikod siya at pumasok ng banyo. Napangiti siya nang marinig ang lalaki. "I'm glad you're back."   "Me too..." bulong niya.   Pumunta sila ng Dahilayan Adventure Park sa Bukidnon at sinubukan ang iba't-ibang facilities na ini-offer ng lugar. Hinayaan niyang maging masaya sa piling ng asawa. Medyo mellow ang pang-aasar nito at palagi itong naka smile sa kaniya kahit wala naman siyang joke na binibitawan. May mga instances na kinukuha ang kamay niya ng asawa at pinipisil ito habang naglalakad sila. Mga simpleng gestures ni Sai na hindi niya masyadong pinansin noon. Nang makarating sila sa isang parte ng park, hindi maiwasang makita ang lungkot sa kaniyang mukha.   "Malungkot ka na naman, Gugz," sabing lalaki. Kinuha nito ang suot na shades at inilagay sa mga mata ni Carla. "I don't want to see you sad."   "May naalala lang ako." She snorted. Tiningnan siya nito. "Ex mo?"   Kagat-labing tumango siya. Itinuro niya ang isang bahagi ng park. "Diyan ko unang nakita ang gagong 'yon."    "Hmmm..."   "Nadapa ako banda riyan at siya ang estrangherong tumulong sa'kin. Na-excite kaming dalawa nang malamang taga Davao City kami. Nagsimula lahat sa text at tawag. Hindi ko naman talaga inasahang pursigido siyang manligaw. Mabait naman siya kaya sinagot ko hanggang sa inibig ko siya. Hanggang sa masaktan...." Pinisil ni Saimon ang kaniyang kamay as a sign of comfort and reassurance na andito lang ito kahit anong mangyari. Napa buntong hininga siya at hinarap ang lalaki. "Sai, sorry ha kasi trip nating dalawa ito." Saimon gently smiled. "I understand Gugz. Hindi mawawala ng basta-basta ang dalawang taong pinagsamahan niyo. Expected na nasasaktan ka pa lalo na't siya agn first love, first kiss, first everything mo."   Bigla niyang niyakap ng napakahigpit ang lalaki. Pinagtitinginan sila ng mga tao at napapalakpak pa ang iba. Akala siguro ng mga ito na nag-propose si Saimon.   "She said yes." Tango ni Saimon sa mga nanonood.   Ngumiti siya sa mga ito at hinila ang asawa sa ibang bahagi ng parke. Umupo sila sa isang bench at tiningnan ang paligid. Dito sila unang nagkita ni Aron at willing siyang palitan ang mga alaala rito na kasama si Saimon.   "Sai, alam kong nasa healing process ka rin ngayon. Pasensya na at hindi ako naging supportive sa'yo ha. Minsan nabubulag ako sa sarili kong heart break," mahinang sabi niya. "Hmmm..." Inakbayan siya nito. Tumingala siya rito at kinuha ang mukhang lalaki. "Sai, I promise na magiging loyal ako sa'yo." Yumuko ang lalaki at hinalikan ang dulo ng kaniyang ilong. "I give you my loyalty too."   Nanlambot na naman ang puso niya sa mga binitiwang salita ng asawa. Her future is good with this man and she'll make sure na magiging okay ang relasyon nilang dalawa. Makikipagdigma siya sa sarili at sa mga alaalang hatid ng mga ex-fiances nilang dalawa. Hanggang sa matiwasay na ang daan para sa kanilang dalawa.   Hanggang sa ibigin nila ang isa't-isa.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD