Part 21 - Lovers in Lakewood

1297 Words
MAAGANG umalis sina Carla at Saimon papuntang Lakewood, Zamboanga del Sur. Nakangiti halos ang angkan ng Halcon nang makita silang papasakay sa sasakyan. Nag thumbs up pa si Carlota at kumindat naman si Lia. Tumawag din si Lola Paula upang kamustahin kung nabasa ba niya ang libro. Namula siyang sumagot, "Opo pero i-search ko pa sa internet ang iba kasi hindi ko maintindihan."   Panay talaga ang surfing niya sa kama sutra habang nagmamaneho si Saimon. Siguro masyado siyang absorbed sa ginawa kaya nanibago si Saimon sa katahimikan niya.   "Busy ka diyan, ah..." anito. "Tingin lang ako ng hot spots sa Zamboanga del Norte at saka sa Visayas." Nakatuon pa rin ang mga mata niya sa phone screen.   Nagulat siya nang akmang manilip ito sa phone niya. “Ano nga sabi ‘yan?”   “Eyes on the road, Saimon Lemuel Halcon!” Saway niya rito. “Ako na nga lang ang magmamaneho.”   Tumaas ang kilay nito. “Hindi ka marunong magmaneho. Papatayin mo ba ako?”   “Shut up ka na lang diyan.” Gusto niya talagang sigawan ‘to. “Distorbo masyado, ha.”   “Sure kang tourist spots ‘yang tinitingnan mo?”   “Yup.”   “Ba’t nakahubad ang mga litrato?”   “Ahhh…” Uminit bigla ang mukha niya. “History ng lugar ‘to, ano ka ba? Mag drive ka nga diyan."   Napatawa na lang si Saimon at ibinaling ang atensyon sa pagmamaneho. Nang makarating silang dalawa sa isang resort, nagdesisyon silang kumuha agad ng package para sa lake tour. Mabuti naman at may mga ilang minuto pa sila upang mag-ayos bago ang tour. Dali-daling nag freshen up si Carla sa silid habang lumabas si Saimon at tinitingnan kung ano pa ang mga pwede nilang gawin sa resort.   "Ano ‘yang suot mo, Gugz?" Tiningnan siya ng lalaki nang makalabas siya sa room nila.   "Ha?” Yumuko siya at tiningnan ang sariling damit. “Long sleeves at long skirt plus high heels.” Napatakip ng mukha si Saimon gamit ang sariling kamay. "Pwede namang mag shorts ka or anything comfortable ka. Para kang magsisimba niyan." Nag pout siya. "Hmpf! Akala mo kasi hindi ako marunong mag-conservative ng damit." "Pero lake resort ‘to.” Napakunot-noo na talaga ang lalaki pagkakita sa kaniyang red stilettos. “High heels?” "So....?" "Ambot sa imo, Gugz!" Nagkibit-balikat ang lalaki. “Bahala ka diyan.”   Ngumiti ang tour guide pagkakita sa kanilang dalawa na sumakay sa bangka. “May darating pang iba so antay-antay lang po tayo ng konti ha. Okay na tayo within ten minutes.”   Tumango silang dalawa. “No problem. Take your time.” "Sai, ang dilim ng tubig nakakatakot.” Nanginginig na sabi niya. "Mas nakakatakot ang attire mo ngayon," pormal na sagot nito. “High heels. Gagamitin mo ba ‘yan sa pangingisda?” Buwisit! Hindi pa rin siya tinantanan ng lalaki sa pananamit niya. Gusto niyang hampasin ito pero may mga ibang dumating kaya nakapagpigil siya. Lumipat sila ng upuan sa may dulo at nagpatuloy ng harutan.   "Oy Sai, nakaligo ka na ba rito?" tanong niya. "First time ko pa sa lugar na ‘to," prangkang sagot nito. "Talaga? First time nating dalawa ‘to?” Kinikilig siya sa ideya.   “Marami naman tayo non ,” pormal na sagot nito.   “Ang ano?” Taas kilay niyang tanong.   "Hmmm.." Yumuko ito at inilapit ang bibig sa kaniyang taynga. “First time experiences. Remember sybian?”   Magkasing-kulay na ang pisngi niya sa red lipstick na ginamit ngayon. Bakit kasi long sleeves ang isinuot niya? Biglang uminit tuloy ang kaniyang pakiramdam.   Kinurot niya ang lalaki sa tagiliran. “Mamaya ka lang, Sai.”   Napaatras ang lalaki at magsasalita sana ito ngunit ninakawan niya ito ng halik at pinitik ang matangos na ilong nito. Nakangiting kinuha nito ang kamay niya at hindi niya alam kung anong plano nito kasi biglang nagsalita ang tour guide, "Okay andito na ang last couple na sasakay." Parang mga batang biglang naging pormal silang dalawa. At parang nakainom sila ng suka nang makita ang dalawang taong sumakay sa bangka.   Ruby at Aron. Dahan-dahan niyang ibinaling ang tingin kay Saimon pero nakabalik na ito sa pagiging poker face. Pasalamat na rin siya kasi nasa gilid siya, malapit sa lawa at hindi sa aisle ng bangka, kaya pwede niyang hindi tingnan ang couple na papasok. Dahil wala nang space kaya dumiretso sa likuran ang dalawa at umupo sa opposite sits nila. "Sai..." Nagulat si Ruby. Tumango si Saimon. "Ruby..." Namutla si Aron pagkakita sa kaniya. Pinilit niyang huwag tumingin sa lalaki kaya ibinaling niya sa lawa ang atensyon. Naramdaman niya ang pagpisil ng kamay ni Saimon sa kanya. Tila nagpapadala ito ng mensahe na magiging okay ang lahat. Sinuklian din niya ang ginawa nito.   Napangiti siya kasi nasa estado na sila ng relasyon na hindi na kailangang i-verbalize pa ang salitang “Andito lang ako.”   Umandar na ang bangka at nagsalita ang tour guide. Pinilit niyang i-deny ang existence ng dalawa kaya panay picture sa paligid ang ginawa niya. Hinatak niya si Saimon at pinilit na magselfie silang dalawa.   “Ngumiti ka naman.” Naiiritang bulong niya rito.   Saimon only snorted.   "Sai, kunan mo ako ng pictures..." malambing na utos niya rito. Iniba niya ang tactics para bumalik sa pagiging maasarin ang lalaki. Mabuti na lang talaga at game naman itong kuhanan siya habang nagpo-pose siya. "Hayan Gugz, para kang balyena sa tabing lawa.” May narinig siyang napasinghap pero hindi niya alam kung either kay Ruby ba o kay Aron. Tiningnan niya ang mala-rebultong pagmumukha ng asawa at walang sabi-sabing pinisil niya ang ilong nito.   “Gusto mo bang tanggalin ko mga ngipin mo gamit ang aking red stilletos?” Natatawa siya nang pilit nitong umatras palayo sa kaniya.   Dahil direct nakaharap siya sa asawa kaya nakikita niya ang dalawang exes nila. Nagtitimpi si Aron at lihim na nakangiti si Ruby.   ‘Eat your hearts out’ gusto niyang isigaw sa mga ito. Pero kinalma niya ang sarili sapagkat kung hindi sila iniwan ng mga ito, malamang hindi sila magkakilala ni Saimon ngayon.   Inakay siya ni Saimon pababa sa bangka. “Sa room na lang tayo, Gugz?”   “Okay.” Tango niya.   Walang imikan silang dalawa nang palakad-lakad sila sa dalampasigan patungong kwarto. Nang makarating sila sa loob, walang pasabing niyakap siya ni Saimon at hinalikan ng mariin.   “Teka…” Itinulak niya ang lalaki. “Dahan-dahan la – ”   Hindi niya naituloy ang sasabihin kasi kinuyumos na naman siya nito ng halik. Napapa-aray siya ng konti nang bumangga ang likod niya sa pader. Umatras si Saimon, tiningnan siya ng maigi bago siya kinarga nito papuntang kama.   “Bigat mo, Gugz…” Hingal nito habang karga-karga siya.   Inangkla niya ang dalawang kamay sa leeg nito. “Wow, ang lakas mo, Sai…”   "Exercise kasi alam kong mapapasabak ako sa'yo." Inilapag siya nito sa kama.   Namilog ang mga mata niya dahil dali-daling hinubad nito ang polo shirt. Napapatulo ang laway niya nang masilayan ang kinis ng dibdib nito. Napapaungol din siya nang makitang parang small bullets ang n*****s ng lalaki.   “Sai…” she gasped.   Binalikan siya nito at binigyan ng isang mariing halik.   Hot and Wild!   Mga salitang nasaisip niya habang ninamnam ang bawat labi nito.   “Naiinitan ako, Sai…” bulong niya rito.   Umatras ang lalaki at tiningnan siya ng mataimtim. Kumikislap ang mga nito at pinunit ng walang sabi ang kaniyang damit.   “Saimon!” sigaw niya.   “Mainit pa ba, Gugz?” tanong sa kaniya ng lalaki.   Tumango siya.   Hinubad nito ang bra niya at dinilaan ang n*****s niya. “Mainit pa ba?”   “Sai…” Lalong nanigas ang mga n*****s niya dahil sa lamig ng aircon at sa ginawa ng asawa.   “Anong gusto mo, Gugz?” Mababa ang boses nito.   Sinabunutan niya ang lalaki. “Hurry and fu – ”   Naputol ang sasabihin niya nang biglang tumunog ang doorbell.   “f**k!” ungol ni si Saimon.   Napaungol din siya at dali-daling nagtago sa ilalim ng kumot nang binuksan ni Saimon ang pinto. Sumilip siya ng konti at nakita niyang kinuha nito mula sa kausap ang dalawang tray. ‘Food delivery pala.’   “Anong gusto mo, Gugz?” Inilapag nito ang dalawang tray sa mesa. Bumalik ito at isinara ang pinto. “Bedsports o kakain muna tayo?”   Biglang kumulo ang tiyan niya pagkakita sa pagkaing inorder ng lalaki.   “Gutom ka na masyado, ah.” Bumalik ito sa kama at hinatak siya patayo. Kinuha nito ang poloshirt na itinapon nito sa sahig kanina at binihisan si Carla.   Magkatabi silang umupo sa hapag-kainan. Nginitian niya ang asawa. “Sai, mamaya nalang natin ituloy ang bedsports ha? Food over lust muna tayo."   Ngumisi lang si Saimon kasi kabisado na talaga nito si Carla.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD