“COME again?” Tumayo ang lalaki at nakapamulsa ito nang wala sa oras.
Tumayo rin siya at feeling niya nagka-stiff neck siya sa sobrang tangkad ng kaharap. Ang dating nobyo niya ay five ten at itong inaya niya ng kasal na wala sa oras ay malamang nasa higit six foot. “Will you marry me, Mr. Halcon?”
Umatras ang lalaki papalayo sa kaniya at sumandal sa may railings.
‘Ano ba ‘tong ginagawa mo, Carla? Nababaliw ka na ba?’ sumisigaw ang isipan niya pero hindi niya alam kung saan niya naitapon ang katinuan.
Tiningnan lang siya ng lalaki pero wala itong imik.
“Please marry me but let’s keep it a secret.” Lumapit uli siya rito at halos ibinulong ang pagmamakaawa. “Just please marry me…”
Bumuntong-hininga si Saimon. “Mas matanda siguro ako sa’yo ng halos isang dekada.”
Napalunok siya. “Wala naman sa edad iyan Sir. Ka-edad ko ang ex ko pero iniwan niya pa rin ako.”
Hinagod siya nito mula ulo hanggang paa. “Hindi ko type ang beauty mo."
Aray! Naramdaman niyang uminit ang mga pisngi niya sa turan ng lalaki. Alam naman niyang hindi siya masyadong kagandahan pero medyo may tumutusok na mga karayom sa kaniyang puso nang marinig niya ang prangkang salita ng kaharap.
"Pang Renaissance period ang katawan mo.” Neutral pa rin ang pananalita ng lalaki.
Gi-atay! Ibig sabihin mataba ako? Napasapo si Carla sa kaniyang mga pisngi at mapaklang ngumiti.
"Wala kang trabaho, I presume?" He rubbed his fingers on his chin. “Anong contribution mo sa relasyon natin kung sakaling magpakasal tayo?
“Ahmm…” Bakit wala siyang maisip? Nasaan na ang tapang niya kani-kanina lang?
“Wala kang maisip?” wala pa ring tonong tanong nito. “So, bakit ko itatali ang sarili ko sa isang taong hindi ko mahal? Ni hindi nga ako attracted sa’yo? Anong makukuha natin sa isa’t-isa? Don’t you think your suggestion is from sheer stupidity?”
Hindi lang gi-atay pero pisti na rin! Pakyu!
Parang nabuhusan si Carla ng malamig na tubig sa mga turan ni Saimon. Taman naman ang lalaki, anong nakain niya at nag propose siya rito? Wala nga siyang alam kung anong meron sa taong ‘to maliban sa pangalan na narinig niya lang kanina.
Pero kahit tama ang lalaki in an objective’s point of view, masakit pa rin ang mga salitang nabitawan nito dahil vulnerable ang buong estado ng pagkatao niya ngayon. Feeling niya hindi niya deserved ang ganitong klaseng katotohanan.
‘At nakaka kunsumisyon ang poker face niya!’ Humirit pa ang isipan niya.
Nagkibit-balikat siya at sinabayan ng buntong-hininga. Sana makuha niya ulit ang pride na tila nagkalat sa paligid. Iniwan na siya ni Aron at rejected din siya ng kaharap. Siguro ito na talaga ang panahon na kailangan niyang mapag-isa.
Tiningnan niya ang lalaki at hinangaan ang kaguwapuhan nito. Ang tsinitong mga mata na tila hinahalungkat ang kaluluwa niya, ang matangos na ilong na ang sarap pitikin at ang mga labing mapupula na siguro maraming mga babaeng nagkakandarapang matikman ito. Matangkad din si Saimon at normal lang ang katawan – not too beefy and not too thin.
‘At least ganitong kalibre ng lalaki ang nag reject sa’yo, Carla.’ Konswelo de bobo niya sa sarili.
Nanginginig pa rin medyo ang mga labi niya nang pinilit niyang ngumiti rito. “Ah, okay. Sorry po sa abala. Ahmm…isasauli ko nalang po ‘tong panyo niyo po.” Hinanap niya sa bag ang panyo at inabot sa lalaki.
"Hmmm..." Tiningnan lang ng lalaki ang panyo sa kanyang kamay ngunit walang indikasyon na kukunin ito.
"Ah, nalabhan ko na rin yan kanina. Naglagay din ako ng fabric conditioner," sabi niya, “Wala na pong bahid ng mantsa at saka hindi na rin amoy laway.”
Hindi pa rin kinuha ng lalaki. Tahimik lang siyang tiningnan nito at mga ilang segundong ganito ang ayos nilang dalawa. Medyo nangangalay na siya at hindi niya alam kung paano babawi sa sitwasyon.
"Kumpleto na ang papers mo, ‘diba?" biglang nagsalita ito.
Napataas ang dalawang kilay niya. Anong koneksyon ng papeles sa panyo?
"Ibigay mo sa akin bukas para ma process ko." Kumuha ito ng card mula sa bulsa nito at inabot sa kaniya.
"Ha?" nalilitong sabi niya nang kunin niya ang calling card. “Para saan ho ‘to? Pwedeng kunin niyo na lang ho ang panyo para matapos na tayo? I’m sure we’re not going to see each other again ho.”
"Civil wedding lang," tipid na sagot nito.
"Ha!?" Napanga-nga siya.
"Pumapayag na ako sa gusto mo," ani ng lalaki.
Napaatras siya sa bigla. Tanggap na niyang rejected siya kanina kaya hindi siya nakapaghanda kung anong gagawin ngayong pumayag ang lalaki sa proposal niya.
"Anong pangalan mo, Miss?" walang tonong tanong nito.
"C-Carla L-Love.” Napalunok siya.
"Ah, mabuti nalang at hindi Carla Rose," seryosong sabi nito.
"Ha? Bakit?" Tumaas ang kilay niya.
“Ayokong tawagin kita sa intials mo if ever Carla Rose.” He playfully tapped his fingers on his chin while looking at her. "C.R."
Napanga-nga ulit siya sa sinabi nito. Nag jo-joke ba ito?
Nang makita siyang hindi pa rin nakaimik, tinapik siya nito sa balikat. “Akin na ang number mo.”
“B-bakit?” Para siyang tangang wala sa sarili sa mga sandaling ‘yon.
“To call you,” anito. “I’m not sure if you’re going to contact me again kahit na naibigay ko ang calling card ko sa’yo. Para ka ngang lutang ngayon.”
Nanginginig ang boses niyang sinabi ang contact number.
Pagkatapos ma i-save ng lalaki ang phone number niya, marahang pinitik nito ang noo niya. “Wake up, Carla. Kita tayo bukas. Ihanda mo na rin ang mga papeles mo.”
Tumalikod ito at bumalik sa loob.
Napaupo si Carla sa pinakamalapit na silya at sinapo ang pisngi. “What did I just do?”