ALAS kuwatro bente nuebe nang mag announce ang judge ng, "You may now kiss the bride”. Nagpalakpakan ang apat na taong hinablot mula sa opisina ng judge ang nagsilbing testigo.
Hindi niya kilala si Saimon Lemuel Halcon pero naging asawa na niya ngayon. At nang maglapat ang kanilang mga labi, ang tanging naisip niya ay, ‘Ang bango ng hininga niya.’
Alas singko trenta y uno nang pumasok silang dalawa sa isang magarang hotel para i-celebrate ang kanilang pagpapakasal. Medyo nanginginig ang mga tuhod ni Carla nang pumasok sila sa suite, hindi kasi umiimik ang bagong asawa.
‘Am I going to have s*x with a stranger?’ Hindi maiwasang maisip ng babae ang mga susunod na pwedeng mangyari lalo na’t sila lang dalawa ang nasa silid.
Maraming mga eksena ang pumasok sa kaniyang isipan. Napakabilis ng mga pangyayari at kinakabahan siya kung padalos-dalos lang ba ang desisyon nilang dalawa. In less than a month niya nakilala si Saimon at kasal na sila ngayon at malamang malalasap niya ang lalaking ito sa ilang mga minuto.
‘Hindi ako tatanggi sa s*x!’ sigaw ng kaniyang isipan.
Hinipo niya ang kaniyang dibdib upang patahanin ang parang tambol na t***k ng puso. Hindi rin naman siya virgin kaya hindi siya ignorante sa sekswal na bagay. Dalawang beses na ibinigay niya kay Aron ang katawan dahil mahal niya ang lalaki at nangako itong sila talaga ang magkakatuluyan.
Pero iniwan din siya ‘di kalaunan.
At ngayon, ibibigay na naman niya ang sarili kay Saimon dahil asawa niya ito. Kahit na hindi niya mahal ang lalaki.
Napag-isipan niya tuloy kung bakit patago ang kasalan at relasyon nila ni Saimon - kung matatawag ba itong relasyon. Baka kasi magbago ang isipan ni Saimon, katulad nang ginawa ni Aron, at ayaw niyang may madamay pang iba. Mas mainam na sila munang dalawa ang nakakaalam sa padalos-dalos nilang desisyon na pagpapakasal.
“Wow!” Namilog ang kaniyang mga mata nang makita ang nakahandang iba’t-ibang uri ng pagkain sa mesa.
"Baka mamayat ka," sabi ng lalaki, "kaya umorder ako ng marami."
Inirapan niya ito at dumiresto sa hapag-kainan at tinikman ang iba't ibang putahe. Nakakabuweset ‘tong napangasawa niya. Wala ng mas nakakainis pa sa taong wala na ngang reaksyon sa pagmumukha at insulatdor pa.
“Ansharap!” She licked her lips and fingers with gusto. “Ikaw?”
“Mas kailangan mo ‘yan.” Umiling ang lalaki bago pumasok ng banyo.
She shrugged, turned on the TV and flicked on to different channels until she found what she liked. Classic movies, ‘yong tipong Black & White screen talaga. Nasa mood siyang tikman ang mga pagkain nang maalala niya ang kaniyang ina. Dali-dali siyang tumawag sa bahay at binalitaan ang ina na kay Marie siya matutulog. Kinontak niya rin si Marie just in case na tumawag ang ina niya rito.
Napatili siya sa gulat nang makitang lumabas si Saimon at nakatapis lang ng tuwalya ang bewang. Basa ang buhok nito at kitang-kita ang mga butil ng tubig na tumutulo sa makinis na katawan nito. Alam niyang not too beefy nor too thin ang katawan ng asawa pero iba pala ang hitsura nito kapag nakahubad.
Uminit ang pakiramdam ni Carla at may kung anong emosyon ang sumibol sa kaibuturan ng kaniyang damdamin – at ng kaniyang p********e.
Saimon Lemuel Halcon was freakingly hot!
Sa katunayan mas maganda ang physical assets nito kung ikumpara kay Aron.
‘Pwede ba Carla, huwag mong ikumpara silang dalawa?Wala na si Aron! Umalis na siya’t ‘di na babalik. Si Saimon na ang asawa mo ngayon,' galit na sabi niya sa sarili.
"Okay ka lang, Car? Para kang isda diyang bumubuka ang bibig tapos walang sinasabi.” Nagpupunas ang lalaki sa basang buhok nito.
Napalunok siya nang makita ang buhok nito sa kilikili. Shet! She never expected in her entire life to drool over a man’s armpit hair!
“Carla?” tawag nito sa kaniya.
“Ah…oo, o-okay lang a-ako,” nauutal na sagot niya habang naka-focus pa rin sa kilikili ng lalaki.
“Talaga ha?” He smirked.
Natauhan siya at dali-daling tumayo at kinuha ang towel at bag niya at papasok na sana sa CR nang marinig niyang nagsalita ito, “Tapos ka ng kumain? Baka naman nag diet ka at umiyak na yang baby fats mo."
Pakyu talaga ng dalawang beses!
Dahil sa hiya, dumiretso muna siya sa mesa at kumuha ng isang platong pagkain.
“Dadalhin mo ‘yan sa loob?” nagtatakang tanong nito habang tinutuyo pa rin ang buhok.
“May problema ba?” balik na tanong niya.
Nagkibit-bikit balikat lang ang lalaki at hindi sumagot.
Pumasok siya sa banyo at napatingin sa salamin. “Gosh Carla, anong klaseng lalaki ang napangasawa mo?”
Nag-enjoy sa siya bathtub habang pakain-kain ng cookies hanggang sa nangulubot na ang katawan niya. Gusto pa naman sana niyang magbabad pero nangangatog na siya sa ginaw kaya nagdesisyon siyang tapusin na ang ginagawa.
“This is it! Kaya mo 'to, Carla. What is s*x, aber?” bulong niya sa sarili. “Kasal ka na ngayon. May singsing ka na.”
Hinipo niya ang kwintas at napangiti. Kasi sikreto ang relasyon nila kaya naging pendant ang wedding ring nilang dalawa. Alam niya ang rason niya kung bakit nagpakasal siya rito. Ano kaya ang rason ni Saimon at pumayag itong magpatali sa kaniya? Prangka nga nito na hindi siya type ni Saimon.
‘Malalaman ko rin ang sikreto mo, Saimon.’
Dahan-dahan siyang lumabas ng kwarto at nagulat nang makitang medyo madilim na ang paligid. Masyado siguro siyang natagalan sa banyo kaya gabi nang makalabas siya. Napansin niyang nakahiga si Saimon sa kama at nanonood ng news sa TV. Napasapo siya sa dibdib nang akalang hubo’t-hubad ang lalaki at napabuntong-hininga nang napagtantong naka-boxers pala ito.
Pumunta siya kung saan banda ang aparador para may kunin nang magsalita ang lalaki, "Car, nakaharang ang malaki mong katawan sa view ko."
Napasinghap siya. “Paki-ulit ng sinabi mo, Saimon.”
Bumuntong-hininga ang lalaki. “Nakaharang ang malaki mong katawan sa view ko."
Ang rude talaga ng taong ‘to.
“Malaki pala ha,” inis na sabi niya bago siya tumalon sa higaan at dinaganan ang asawa.
Napasigaw si Saimon sa gulat at gusto niyang matawa sa reaksyon nito.
“Anong sabi mo ulit?” She smirked.
“Ang bigat mo…” ungol ng lalaki at pilit na itulak siya papalayo.
She pushed him down and straddled his hips. She slowly put her face closely to his and whispered, "Oh sige mag inarte ka pa riyan."
Natigilan silang dalawa nang magtagpo ang kanilang mga paningin. ‘Yong tipong ini-estimate ng bawat isa kung sino ang mananalo sa labanang Saimon versus Carla sa staring contest.
Napaigtad siya ng maramdaman ang kanang kamay nito sa kaniyang balakang at ang isang kamay nito ay nasa tiyan niya. Akala niya kukurutin o kikilitiin siya ng lalaki but his hands gently caressed her. And she could not help herself from closing her eyes.
Talo si Carla sa staring contest!
He slowly placed his hands inside the towel. Dahil sa ginawa ng lalaki, natanggal ang tapis niya sa katawan. She was naked as the day as she was born. She shivered a little bit when she his eyes glazed while looking at her breasts. Parang na hypnotized ito...
"Sai, makinig ka..." bulong niya rito pero ang nasa dibdib niya ang atensyon ng lalaki. “Saimon…”
"Hmmm..?" Nilalaro-laro nito ang wedding ring na sumasayaw mula sa kuwintas na kaniyang suot
Hinawakan niya ang mukha ng asawa. “Sai, I'm sorry for using you this time. I still love Aron at alam kong may feelings ka pa rin kay Ruby. Pero kasal na tayo at hindi na magbabago iyan. Ang hihingin ko lang sa ‘yo ay honesty, loyalty and please do not cheat on me. I am your wife in all ways at sa tingin ko dapat i-consummate natin ang marriage natin ngayon. Baka maging awkward kung patatagalin natin..."
Tiningnan siya nito pero walang salitang lumabas mula sa bibig nito.
“Sai…” Dahan-dahan niyang inilipat ang kaniyang mukha sa mukha ng asawa at tinitigan ang tsinitong mga mata nito. ‘Shet, ang taas ng pilantik ng gagong ‘to,’ naisip niya.
Aatras sana siya nang hawakan ni Saimon ang kaniyang mga balikat. Huminga ito ng malalim bago nagsalita, "Sa totoo lang gusto kong matulog ngayong gabi. I've been tired for a couple of weeks and I thought I could rest a bit."
Nanlamig si Carla sa narinig. Shet! Napahiya siya.