“SIGE na, kiss mo na ‘yan!” sigaw niya sa unan habang nanonood siya ng drama. Para siyang kiti-kiti na ‘di mapakali sa mga eksena. “Huwag niyo akong bitinin.”
Napatalon siya sa mula kama nang marinig ang ringtone niya. Kahit nag-aalburuto ang damdamin, kinuha niya ang phone at tiningnan kung sino ang tumawag.
“Kainis naman, oh.” Padabog niyang sabi nang makita ang pangalan ng asawa. “Low?”
“Galit kang tumawag ako sa’yo?” Seryoso ang tinig ng lalaki.
Napairap siya sa tanong ng lalaki. “Hindi naman, nagulat lang.”
"Hmmmm..."
"Napatawag ka yata?" Malumanay niyang tanong kahit na gusto niyang sigawan ang kausap.
"Nakgpasalamat you ka na ba sa akin?" Hindi nagpadaloy-daloy pang tanong ni Saimon.
"Thank you saan?" Nakatutok pa rin ang mga mata niya sa laptop.
"Sa kahapon..."
‘Kahapon? Ano bang nangyari kahapon? Mag-isip ka Carla.’ Tumikhim siya. "Sa pag take out mo ng food sa office?"
"Ah, huwag na lang," inis na sagot nito. “You don’t remember what I did for you anyway.”
Napakagat-labi siya bago bumulong, “Sa three rounds ng s*x sa hotel?” Nag-overtime siya kahapon at nagulat siyang hinintay pala siya ni Saimon. Dumiretso sila sa isang love hotel at doon na nag dinner at private despedida para sa asawa.
Na feel niya na nag smile ito sa kabilang linya pero knowing Saimon, ang ngiti nito ay nasa three centimeters lang siguro.
"Hmmm..." Parang hindi na ito naiinis pero seryoso pa rin ang tono ng boses. "Nagustuhan mo ‘yong ginawa ko?"
Uminit ang mukha niya at napasapo siya sa pisngi. Sinubukan nilang dalawa ang jungle-themed room at totoo nga ang sinabi ng lalaki noon na malaki ang appetite nito when it came to s*x. Stoic ang lalaki pero very expressive ito pagdating sa intimacy nilang dalawa. Naghalo ang dasal at mura sa isang sentence sa mga pinagagawa nito sa kaniya.
“I loved it,” walang kiyemeng sagot niya.
Why would she lie about enjoying s*x with her husband? Her experience with Aron was special kasi ito ang nakauna sa kaniya pero non-climactic. Takot ang majority ng feelings niya sa tuwing magsisiping sila ng ex. Takot na baka mabuntis siya at malaman ng kaniyang ina.
“Tell me what you loved about it.” Mababa ang boses ng lalaki na tila nang-aakit.
Napahipo siya sa kaniyang leeg at napalunok. “When you tied me to that four poster bed.”
Biglang uminit ang kaniyang katawan nang maalala ang mala-Tarzan at Jane na eksena kagabi.
She swore she could see him smirk when he said, “Sa susunod i-try natin yung outer space na theme.”
Napaungol siya at napakagat-labi. “Fantasy ko ‘yang ma-abuct ng alien.”
"Talaga?" gulat na tanong nito. "Don't tell me that you’re also fantasizing tentacles…”
Napatingin siya sa screen at namilog ang mga mata nang makita ang actor na ngumiti nang malapad. Tumili siya sa kilig at muntik nang mabitawan ang cellphone.
“Gugz?” Nag-aalala ang boses ng lalaki.
“Ang guwapo ni Yang Yang, Sai.” She paused what she was watching and focused her attention on the actor’s face.
"Sinong Yang Yang? Bakit? Nasaan ka ba?" Seryoso ang boses ng asawa.
"Nanonood ako ng TV series,” explain niya rito.
"Ah, okay,” ani ng lalaki. “Maganda ba ‘yan?"
"Romance ito at hindi action..." tipid niyang sagot.
"Ang tanong ko if maganda ba ‘yan..."
"Kamuhkha mo si Yang Yang actually..." Hindi pa rin niya sinasagot ang tanong ng lalaki. “Pero mas maganda ang ngiti ng lalaking ‘to kung ikukumpara sa’yo, Sai.”
"Hmmm... guwapo ba talaga ‘yan?"
"Makalaglag-panty ang kaguwapuhan niya." Nakingiting sagot niya habang nakatutok pa rin sa screen.
"Salamat," anito.
Napakunot-noo siya."Ba't ka nagpapasalamat?"
"Kasi natatanggal ang panty mo sa kaguwapuhan ko," walang emosyong sagot ng asawa.
Napatili siya sa tawa. "Corny mo talaga, Saimon! Alam mo bang gagawin ko sa’yo..?"
“Ano?” He dared her to spill whatever she had in mind.
“Una, tatanggalin ko ‘yang pantalon mo at - ” Naputol ang sasabihin niya nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang Nanay Rose niya. Napalunok siya at tila nabuhusan siya ng malamig na tubig pagkakita niya rito. Narinig ba ng ina niya ang pinagsasabi niya?
"Carla, ‘di ka pa ba tulog? Sino ang kausap mo at inabutan ka ng ala-una ng umaga. ‘Diba may office ka pa mamaya?" sunod sunod na tanong ng ina.
"Ah, co-worker ko po. M-may c-corrections kasi sa report na nagawa ko na dapat i-submit m-mamaya.” Halos masisira ang puso niya sa lakas ng t***k nito.
Napalingon ito sa laptop niya. "Ba’t nanonood ka pa ng Chinese drama diyan? Gawin mo ‘yang trabaho mo.”
"O-Opo nay," mabilisang sagot niya. “Night po.”
Dali-dali niyang niyakap at hinalikan ang ina at sinabayan pa itong lumabas sa kuwarto niya.
Hinalikan siya sa noo ng ina. “Alam kong excited ka sa bago mong trabaho pero isipin mo rin ang katawan mo.”
Nang makaalis na ang ina, dali-dali siyang pumasok sa kuwarto at ini-lock ang pinto. Napatingin siya sa phone screen at napakagat-labi. She hadn’t ended the call with her husband yet.
"Hello?” bulong niya. “Sorry…”
"Yes, miss co-worker?" Parang naiinis ang pananalita nito.
Umupo siya sa kama at pinilit na lambingin ang asawa. "Huwag ka ngang magtampo diyan. ‘Di bagay sa’yo.”
"Sinong may sabing nagtatampo ako? Pero humanda ka pagbalik ko diyan,” seryosong sabi nito. “Ililipad kita ng outer space.”
Pulang-pula siya habang nagpaalam sa lalaki. Alam niya ang ibig sabihin nito, gaganti ang asawa sa bedsports nila. Nagiging addict na yata siya sa intimate relationship nilang mag-asawa. Alam niyang may kirot pa rin pag naalala niya minsan ang ex at alam niyang si Aron pa rin ang mahal niya. Pero si Saimon ang tinatawag ng katawan.
Totoo pala ang sabi nila na magkaiba ang s*x at love.
“I love Aron pero mediocre ang s*x,” bulong niya sa sarili habang nakatingin sa kisame. “I don’t love Saimon pero masarap makipag-s*x sa kaniya. And I want to have more s*x with him.”
Bumalikwas siya at kinuha ang kaniyang planner. “Haynaku, Sai, iba talaga ang stamina mo. I think I need to do some cardio exercises para paghandaan ang bed sports natin.”
Pasipol-sipol pa siyang nagsulat. Talagang excited talaga siya sa muling pagkikita nila ni Saimon in three weeks’ time.
*****
NAPANGIWI si Saimon sa kabilang dako ng Pilipinas.
Shit!
Inuntog niya ang ulo niya sa phone nang ma-realize na defeated ang purpose niyang tawagan ang asawa. Dapat ang asawa ang magpasalamat sa heroic deeds niya kahapon. Pero sa kalaunan, siya pa ang nagpasalamat kay Carla.
Kasi may tuwa sa puso niya ng masabihang gwapo ng asawa.
Bumalik siya sa kama at may tinipa sa laptop. Nang makita niya ang social media account nito, dali-dali siyang nagpadala ng friend request. Napangiti siya nang tanggapin nito in less than three minutes ang pinadala niya.
He scrolled over her profile and couldn’t help himself from smiling. Carla Love was definitely stunning! Medyo uminit ang mga pisngi niya nang makita ang mga old photos nito.
Morena si Carla at maganda ang korte ng mukha. Malalaki ang mga mata nito na may mataas na pilantik ng mga pilik-mata. He groaned when he remembered the way her eyes rolled during their lovemaking. Very expressive talaga ang kulay tsokolateng mga mata nito. Matangos din ang ilong ng asawa at chubby cheeks din na masarap kurutin. And when he thought about her kissable lips, Saimon couldn’t help himself from touching his own lips.
He clicked on some photos and he smirked. “Slim ka pa rito, Gugz.”
To be honest, he was more into slim girls before. When he met Carla, he couldn’t really imagine hooking up with her. Totoo talaga ang sinabi niya na hindi niya type ang mga chubby girls. In fact, kahit tanungin siya ngayon, hindi pa rin niya type ang babae. He couldn’t really understand himself why he said yes sa proposal nito. Maybe they’re both drunk with sadness and pain kaya impulsive ang desisyon nilang magpakasal.
Then he had s*x with her. And everything changed.
Tumayo siya at uminom ng isang basong tubig dahil naiinitan siya nang maalala ang mga maiinit na tagpo nilang dalawa.
‘She’s not my ideal type but I don’t know why I’m so into her when it comes to s*x!’
Bumalik siya sa kama at tiningnan ulit ang profile ng babae. Napapangiti siya sa mga quirky antics nito. Naalala niya tuloy ang mga pinagagawa nitong kapalpakan, ka-cornyhan at ka-OAhan. He didn’t like those characteristics sa isang girlfriend before and he definitely wouldn’t want it sa isang asawa. And now? Hindi niya alam kung bakit ang sarap kutyain at inisin ito.
He clicked another photo and stopped.
“Ah, so this is Aron.” He zoomed the photo and looked at both Carla and the man’s faces.
So, ito pala ang lalaking umiwan kay Carla. At ito rin pala ang lalaking sumama sa ex-fiance niya.
“Guwapo ka talagang, gago ka.” Hindi niya mapigilang mainis kaya isinara niya ang laptop at napasandal sa headboard. Kinapa niya ang damdamin at napangiwi kasi may kirot pa rin nang maalala ang kahihiyang nadama niya.
Ruby chose to leave him and Aron chose to leave Carla. Paano kung isang araw, magdesisyon si Carla na iwan din siya? Paano rin kung siya naman ang iiwan dito?
Napatiim-bagang siya. “We don’t love each other but I’m confident na hindi natin kayang saktan ang bawat isa. I don’t love you, Carla but I promise to cherish you in this lifetime.”