Part 12 - Hindi Ko Siya Type!

1046 Words
ISANG paraan ng pabibigay-pugay ng Josefa Retails Group para sa local at national suppliers ang Suppliers’ Convention. Three-day activity ito kaya masyadong busy ang mga empleyado ng JRG sa set-up, open house activities at ang closing night ceremony sa isang hotel na may Filipiniana theme.   Kaya hinihingal si Carla sa hapit na hapit na suot na mestiza dress. “Pwede kasing barong tagalog ang isuot mo, eh nag insist kang ganyan," bulong niya sa sarili. "At saka pwede namang hindi ka dumalo. Gusto mo lang talagang makita si Sai.”   Actually, mga supervisors, managers at upper management lang ang-nag aatend sa closing ceremony. . Nagtaka siya kung bakit binigyan siya ni ma'am Jane ng invitation. Naka schedule pa naman ang movie marathon niya ngayong gabi.   "Open ito sa human resource department. Siguradong pupunta si Shelly at ibang staff. At since this is your first big company event kaya welcome ka rito para ma expose ka sa different activities ng company," anito.   Ang pangit naman kasing mag-absent siya at baka sabihin na wala siyang pakialam.   Gusto mo lang makita ang asawa mo after three weeks! Babaying igat jud ka.   "Ang ganda mo anak,"papuri ng Nanay niya nang matapos nitong ayusin ang buhok niya.   “Hindi ba masagwa?” Tukoy niya sa kitang cleavage.   “Hindi naman.” Hinagod nito ang kaniyang hitsura. “Modern twist ng Maria Clara.”   Kahit strikta ang ina niya, suportado naman siya nito sa halos lahat ng bagay. Kagaya ngayon, ito pa ang naghatid sa kaniya sa hotel.   "Mag book ka na rin diyan ng isang room para hindi ka na umuwi tonight. Ayoko namang uuwi ka pa ng dis-oras, mas practical kung matulog ka diyan,” suhestyon ng ina.   Nag text siya kay Sai if mag check-in ba siya tonight or sasama rito. Ambilis maka reply ng lalaki ng 'Naka book na ako pero hindi rito. Sunduin ka mamaya ni Danilo para ihatid ka.'   "Wow ang ganda mo, ma’am Car," Namilog ang mga mata ni Paul, ang kanyang bagong junior assistant.   "Salamat Paul, ikaw lang ba ang nakatoka sa registration tonight?"   Umiling ito. "Si Shelly at ako, pero sabi niya kaya ko na raw. Madami rawng isda sa paligid at gusto niyang mag-explore.”   "Sige, tutulungan kita." Umupo sa tabi ng lalaki. “Hayaan mo na ang babaeng ‘yon.”   Nagkuwentuhan sila ng kung anu-anong bagay habang nag-manage sa registration. Magandang kausap si Paul kasi outspoken pero gentlemanly ito, intelligent, and very charming. Marami-rami sigurong mag-aaply na mga babae kung ito ang ibabala niya sa mga job fairs.   "Good evening, sir.” Tumayo bigla si Paul at yumuko sa bagong dating.   Napalingon siya bigla at muntikan na talagang malunok niya ang puso niya. Ang guwapo ni Sai sa suot na barong tagalog.   "Good evening, sir," pasimpleng bati niya. Sa totoo lang, kinikilig siyang tingnan ito. Weakness talaga niya ang lalaking naka barong tagalog lalo na’t bagay dito ang suot.   Tiningnan silang dalawa at tumango bago ito pumasok sa loob. The usual poker face na naman ito kaya nagkibit-balikat siya. Nothing’s new sa ginawa ng asawa. Babalewala-in sana niya ang nangyari nang tumunog ang cellphone niya. Tiningnan niya at si Sai ang nagtext.   'Marunong ka palang magsuot ng damit.'   Kaloko talaga ‘tong napangasawa niya. Feeling niya, nagagandahan si Saimon sa kaniya ngayong gabi kasi napansin nito ang suot niya. Napakagat-labi siyang nag reply dito. Car: Oo naman ano ka ba, babae rin ako.   Sai: Ohh.. akala ko ghost..   Car: Bakit?   Sai: Kasi kita ko na talaga ang kaluluwa mo Napa 'shet' si Carla bigla at tiningnan ang bandang dibdib niya. Okay naman ah, may konting cleavage pero hindi naman masagwa. Kaya hindi siya nag atubiling replayan ulit ang lalaki ng "Hmpf!"   Nang hindi ito nag reply ay nag text ulit siya.   Car: May sasabihin sana ako sayo   Sai: What?   Car: Ngayon ko lang nakitang nakabarong ka at malakas siguro ang aircon   Sai: Sooo....???   Car: Nakikita ko ang n*****s mo..   Sai: (matagal naka reply) Pumunta ako ng CR, hindi kita   Car: Joke lang!   Sai: Humanda ka sa’kin mamaya!   Mga isang oras din sila sa registration bago siya sinabihan ni Paul na pumasok na sa loob kasi nagsisimula na ang event. Dahil gutom na talaga siya kaya iniwan niya ang lalaki na mag monitor sa darating pang mga guests.   Pumunta agad siya sa buffet area, kumuha ng pagkain at umupo sa table na malapit sa food station. Engrossed siya sa pagkain kaya hindi niya namalayang lumapit si Shelly.   "You eat like a pig.” Nangungutya ang boses nito.   Kinindatan niya ito at pa-senswal na kinain ang brownies. Namilog ang mata ng babae at dali-daling umalis ng hindi man lang nagsalita kaya napatawa siya ng mahina at nag-concentrate sa pagkain. Alam niyang medyo naparami talaga ang kain niya ngayong gabi pero confident siyang mawawala ang fats kasi nakapag-enrol siya Zumba at Kick Boxing.   Pabalik sana siya sa registration area nang mahagilap siya ni Marie. Muntik na niyang makalimutan na isa sa mga suppliers si Marie sa supermarkets. Nagkukuwentuhan sila at hindi ito nagpaligoy-ligoy sa obserbasyon. “Uy ‘Day, single ‘yang presidente mo. Pwede sigurong siya ang tirahin mo."   Ngumisi siya ng nakakaloko. "Si sir Saimon? Ano ka ba, ‘Day, hindi ko siya type. He’s too tall and too fair for my taste. Feeling ko mas maganda pa siya sa akin, eh."   Nakita niyang namilog ang mga mata nito kaya nagpatuloy siya sa pagbibiro. "Kaya i-reto mo ako sa mga kakilala mo diyan. Mga macho, may patik, long-haired at moreno. Yummy!"   Sumenyas ang mga mata nito na may tao sa likuran niya at nang lumingon siya, nakita niyang papuntang buffet area si Saimon. Namutla siya bigla at muntikang sumigaw ng, “Joke lang, Sai!” nang maalala niya kung nasaan sila sa mga oras na ‘yon.  Kaya pinilit niyang patahanin ang mabilis na t***k ng puso at ngumiti ng mapakla. “G-good evening, sir.”   "Hmmm..." tanging sagot nito bago lumayo.   "Buang ka ‘Day!" saway niya sa kaibigan.   "‘Day, ano ba talaga kayo ni Saimon?” Siniko siya nito.   "Ha? Boss ko siya..." Dahan-dahan niyang sagot.   "Nakita ko kayo minsan na pumasok sa hotel," bulong nito. "’Yon din ‘yong time na tumawag ka sa ‘kin na sabihan ko si nanay Rose na nag-oovernight sa bahay ko.”   Parang nabuhusan siya ng malamig na tubig.   "At napapadalas na ang alleged overnight mo sa bahay ko.” Kumindat pa ang kaibigan.   Wala siyang ibang choice kundi sabihin kay Marie ang totoo. Pero bilib siya sa babae kasi hindi man lang natinag sa balita niya. Tanging sabi nito ang, "Na feel ko ang chemistry ninyo since sa reunion natin months ago – kahit na hindi ko nakitang nagkausap kayo."   “Hindi ka galit?” Maluha-luha niyang tanong.   “Ba’t ako magagalit?” Inakbayan siya nito. “Iba-iba ang paglalakbay natin para makuha ang happiness lalo na sa pag-ibig. Who am I to judge you, ‘diba?”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD