ZATURNINO
“Boss, ang sakit talaga. Tinutoo mo e,” ang daing ni Lucio. Hawak ang puting tela na kinababalutan ng dinurog na yelo.
Idinadampi-dampi sa pasang tinamo nito mula sa mga suntok ko.
Humagikhik si Samuel.
“Ikaw naman kase, alam mo nang nakakadurog ng buto ang mga suntok ni Boss nagpresinta ka pa! Tibayan mo lang ang loob mo Lucio, saktong burado na 'yang mukha mo, makapagpatayo ka na rin ng mansyon n’un. “ Ang pang-aasar ni Samuel na sinudan pa ng halakhak.
Plinano ko talagang takutin ng husto si Tasha, para mapasunod ko siya sa gusto ko.
Nangingiti akong inipit ang sigarilyo sa bandang sulok ng labi ko.
Napahithit ng malalim.
Inipon ko ang usok nu'n sa loob ng isa kong pisngi at paatas na ibinuga ang makapal na usok!
“Pero Boss, tama ‘yong plano mo e! Effective nga! Napakapit at napayakap si Miss Beautiful sa’yo!”ang napakagat labi nitong ini-aksyon pa ang pagyakap sa akin ni Tasha.
Hindi ko mapigilan ang pagkawala ng ngiting tagumpay mula sa labi ko.
She’s so young and fragile. And so… Beautiful. She’s for me…
Walang ibang nararapat na lalake para sa kan’ya kun'di ako lang.
This is a promise, Tasha. Akin ka at Age 18!
Sigaw ng isip ko.
“Pero Boss, napansin mo ba? Sumasagot na siya ng pabalang sa’yo.” Ang puna ni Lucio. Panay ang dampi pa rin nito ng puting tela na may yelo sa kanyang mukha.
Napakunot ang noo ko nang maalala ang madalas na nitong pagsagot-sagot sa akin.
Napadutdot ako ng sigarilyo ko sa ash tray.
“Baka akala niya lalambot ka sa kan’ya Boss. Kaya lumalaban na rin!” ang dagdag ni Samuel.
I barked a soft laugh. Napailing-iling.
“She wish. Ako ang masusunod sa aming dalawa! Siya ang susunod sa akin. Kung inaakala niyang ako ang mapapasunod niya, malabong mangyari ‘yan.’’ Ang nakangisi kong sabi at napailing-iling..
‘’Oo nga Boss lalo na’t mas higit kang nakakatanda sa kan’ya. Ang laki ng agwat ng edad n’yo para maging sunod-sunuran ka sa kan’ya.’’ Ang ani Lucio. Napatingin ako ng masama sa kan’ya. Pero sa ibang dereksyon siya nakatingin.
Natigilan ako at napatiim ang bagang ko nang maalala ko, kung gaano kalaki ang agwat ng edad namin dalawa.
Nakita ko ang pagbatok sa kan’ya ni Samuel. Agad itong napareklamo sa ginawang iyon ni Samuel.
‘’Tang*na Samuel ang sakit n’un!” salubong ang kilay na anito. Ininguso naman ako ni Samuel sa kan’ya.
Madilim ang mukha kong nakatingin pa rin rito. Napalunok siya.
“Pinaalala mo na naman ‘yang edad e, gusto mo 'atang madagdagan ang pasa mo ng walang bayad!” ang pagpapaalala ni Samuel rito.
“Sa tingin n’yo ba alangan talaga ako para sa kan’ya?” ang tanong ko sa pagitan ng nangangalit kong mga bagang. Agad na umiling ang dalawa.
“Naku Boss, aba e, bagay na bagay talaga kayong dalawa ni Tasha! Nakikita na nga namin sa imahinasyon namin ang magiging bunga ng pagmamahal n’yo! Aba e, sigurodong ampopogi’t ang gagandang mga bata n’yan, Boss.” Ang pagpapakalma sa akin ni Samuel. Marahan akong napatango.
Tinalikuran ko na sila.
‘’Tang*na ka Lucio, 'pag ako talaga nasuntok ni Boss nang dahil d’yan sa bunganga mo, e sasalo ka rin sa akin ng suntok at tadyak. For free !’’ ang narinig ko pang banta ni Samuel kay Lucio. Napangisi ako.
Si Samuel at Lucio ang maituturing kong tapat kong mga tauhan. Bigay sila ng aking Ama bilang taga bantay ko. Ngunit nakuha ko ang katapatan nila para sa akin.
***
May pagmamadali ang mga hakbang kong pumasok ng mansyon.
Gusto ko ng makaligo.
Saka ko hahanapin si Tasha sa paligid ng mansyon kapag presentable na ako.
Baka may maamoy siyang usok ng sigarilyo, mahirap na!
Gusto kong maging presentable at mabango lagi. Bago ako humarap sa kan’ya para hindi naman niya masabing mabaho ako or, marumi.
Napapa-putang*na talaga ako sa isip sa tuwing maaalala ko ang mga sinabi niya kay Zyron noon sa library.
Kahit kailan ay hindi ako naging mabaho. Lagi kong sinisigurong malanis ako lagi sa katawan.
I’ll do proper hygiene. Pero mas lalo akong naging conscious sa sarili nang dahil kay Tasha.
Daig ko na ang nagdadalagang may natitipuhang guwapo ang putang*na!
Para na akong tanga talaga dahil sa babaeng ‘yon !
Pero ayaw ko nang may masabi pa siyang negatibo tungkol sa akin.
Napakunot ang noo ko nang marinig ko ang boses ni Joyce.
Kilala ko ang nakakarinding boses nito.
Na madalas kong marinig sa ibabaw ng kama ko, noon.
Malakas itong makaungol at makasigaw sa mga bayo ko.
Tinalunton ko ang pasilyo hanggang naging mas malinaw ang boses nito.
Nagmumula iyon sa malawak na washing room ng masyon.
“Ang galing mo rin talaga ano? Pagkatapos mong akitin si Zyron, ngayon naman si Zat. Kay bata-bata mo pa napakalandi mo na ! ‘’ ang nanggagalaiti nitong boses na kahihimigan nang pang-aakusa.
Napasilip ako at napatiim bagang ako nang makitang nakasalampak sa sahig si Tasha habang magulo ang buhok.
Nakasabog sa kan'ya ang maruming damit na sa hula koy itinapon sa kan'ya ni Joyce.
“Ate Joyce, ipagpaumanhin mo ha, gusto kong malaman mong wala akong inaakit! Malapit ako kay Senyorito Zyron at Zackie, oo. Pero hindi ibig sabihin na may namamagitan at may landiang nangyayari sa pagitan naming tatlo. Trabaho ang sinadya ko rito sa mansyon, ng mga Villamar! At kung ang pinuputok ng butsi mo ay tungkol kay Beast,” tumigil ito saglit at umismid kay Joyce.
“Sayong-sayo na siya dahil hindi ako interesado. Sabi mo nga may relasyon kayo 'di ba? 'Di talian muna siya na parang aso. Para hindi na sunod ng sunod sa akin!” halos lumuwa ang mata ko at talagang nagpanting ang mga tainga ko sa sinabi niyang iyon.
Tang*na! Aso pala ang tingin niya sa akin?
Kasabay noon ay parang may tumarak sa dibdib ko. Naging mabigat ang sumunod na paghinga ko.
“Hindi ka ba nag-iisip? Sa tingin mo magugustuhan ko ‘yon, e ang tanda-tanda na! Zaturnino pa ang pangalan! Sator, tunog Satanas! Parehong-pareho kayong dalawa! Wala na kayong ginawa kun'di pagtripan ako at pahirapan! Tigilan mo na ang pagtataray at pagpapahirap sa akin, dahil wala kang mapapala. Kung hindi ko nga lang kailangan na kailangan ang trabahong ito ay baka matagal na akong umalis!” Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa mga narinig ko. Biglang sumakit ang lalamunan ko. Hindi ko malunok ang tila batong bumara roon.
Is she hates me that much? Pakiramdam ko lalo pang tumindi ang galit niya. Bigla akong natauhan sa pagkakatulala nang makita kong lapitan ito ni Joyce at sinampal ng malakas.
Napaiyak si Tasha. Doon ay dali-dali akong pumasok sa loob at lumapit.
Agad na nanlisik ang aking mga mata nang makita ko ang namumulang pisngi ni Tasha.
At ang mga mata niyang hilam sa luha.
“Irog ko… “ ang wala sa sariling bulong ko. Niyuko ko siya.
Nagtangka akong haplusin ang pisngi nito ngunit tinabig niya ang kamay ko!
Marahas kong binalingan si Joyce. Sa isang iglap ay nadakma na ng kamay ko ang leeg niya at sinalya siya sa pader. Agad siyang napasigaw at napaiyak.
“Sino ang nagbigay ng karapatan sa'yo para dapuan ng kamay mo ang akin?” ang tanong ko sa pagitan ng nangangalit kong mga ngipin.
Napahawak siya sa kamay kong nakasakal sa kanyang leeg. Pinipilit iyon na tanggalin. Habang nakaguhit ang matinding takot sa kan’yang mukha.
‘’Wala kang karapatan hawakan at saktan ang pag-aari ko. Ayaw na ayaw ko ng makita ang pagmumukha mo rito. “ Madiin kong sabi.
“Si G-governor l-lang ang m-makakapagpa-alis sa akin Zat. I-isusumbong kita kay Gob. “ Ang hirap nitong sabi. Ang pagbabanta nito ay lalong nagpatindi ng galit ko sa kan’ya!
Diniinan ko pa lalo ang kamay ko sa kanyang leeg.
Hanggang sa magkaubo-ubo na siya.
Tinignan nito si Tasha tila nanghihingi ng tulong ang mga mata.
Maya-maya pay may mga braso nang yumakap sa akin mula sa akin likuran. Napapikit ako.
Humihikbi rin ito.
“Ayan ka na naman tinatakot mo na naman ako. Hindi talaga magtatagal mamatay na ako sa takot dito sa mansyon ni Gob. Gusto ko nang umuwi…‘’ Ang sabi nito sa pagitan ng pag-iyak. Lalo akong natauhan at tila ang sinabi nitong gusto ng umuwi ay siyang lalong nagpagising sa akin.
Agad kong nabitawan ang leeg ni Joyce. Napaubo itong muli, maluhaluha.
Hawak ang nasaktang leeg.
At nang tuluyang makawala ito sa akin ay marahas na napasinghap ito ng hangin.
Agad ko naman hinarap at niyuko si Tasha.
Masuyong sinampo ng mga palad ko ang mukha niya.
“Huwag ka nang umiyak. Husssh… tahan na. Hindi na mauulit…” ang pagtatahan ko sa kan’ya.
Humikbi muli siya kaya kinabig ko siya payakap sa akin.
Ngayon ko napagtanto ang takot na dinudulot ko sa kan’ya. Na tinitiis lamang niya dahil sa pagmamahal nito sa kan’yang pamilya.
‘’ I-i will try to control my anger. I promise…Huwag ka nang umiyak, Irog ko…” Ang patuloy na pagpapatahan ko. Panaka-naka rin dumadampi ang labi ko sa kanyang buhok.
Napapikit ako nang mariin nang maramdaman kong pumalibot ang mga braso nito sa aking baywang at humigpit iyon sa pagkakayakap.
Kinarga ko siya sa dalawa kong braso. Like my bride… How I wish…
She encircled her arms in my neck.
Konting tiis na lang Irog ko. Hindi na ako makapag-hintay na maging akin ka na nang tuluyan.
At pinapangako kong walang makakapanakit sa’yo. Hanggat nandito ako.
Mananagot sa akin ang mananakit sa’yo, Irog ko.
Nakita pa kami ni Nanay Gloria at Manang Sol na nanlalaki ang mga matang nakatingin sa amin.
Ihahakbang ko na lamang ang isang paa ko sa unang baytang paakyat ng hagdanan, nang marinig ko ang nahihintakutang pigil sa akin ni Nanay Gloria.
‘’Nakung bata ka, saan mo dadalhin ‘yang si Tasha, minor pa 'yan Zat! Malalagot ka na naman kay Zover ! ‘’ ang nanghihintakutang paalala nito sa akin.
Napapikit ako at napamura! Bakit nga pala sa silid ko ang tungo ko ? Dapat pala sa silid niya. Kaya bumalik ako sa pasilyong pinagmulan namin at tinalunton ang dulo kung saan ang silid nito!