CHAPTER-1
Tasha
Unang araw ng trabaho ko sa mansyon ng mga Villamar, bilang isa sa kanilang taga silbi.
Kaka-graduate ko pa lamang ng high school noong nakaraang taon, at sa edad na dese seite anyos, punong-puno pa ako ng pangarap. Marami pa akong gustong marating at maabot sa buhay.
Unang-una na roon, ang makapagtapos sa kolehiyo. Pero mukhang sa ngayon, ay malabo pa iyong mangyari.
Sa estado kasi ng aming pamumuhay, ay parang malabo pa talagang matupad ko ang pangarap kong iyon.
Ako ang panganay sa aming apat na magkakapatid. Si Nanay ay tumatanggap lang ng paglalabada.
At si tatay naman sa ngayon, ay may sakit na sa kakasaka sa maliit naming lupa.
Mahal ang mga gamot ni Tatay na kailangan n'yang inumin ng tuloy-tuloy.
Nang mabalitaan kong naghahanap ng karagdagang kasambahay ang butihin namin Governor, ay nakipagsapalaran akong mamasukan at nagbakasakali akong matanggap.
Nag-aalangan man akong mamasukan noong una, dahil bukod sa napakabata ko pa ay bali- balita ang pagiging manyakis ng panganay na anak ni Governor.
Naireklamo na nga raw ito noon dahil nagawa nitong pakialamanan ang isa sa kanilang mga katulong.
Ang bali- balita pa, ay kinausap ni Governor ang mga magulang ng biktima at inareglo na lang ang mga ito.
Binayaran daw ng malaking halaga ang kawawang biktima.
Hindi lamang daw ito ang unang beses na nasangkot ang binatang Villamar sa panggagahasa.
Maraming beses na rin daw itong nasangkot sa mga gulo.
Bali-balita rin ang pagkakaroon nito ng garapal na pag-uugali at ang matinding pagkakailag ng lahat sa kan'ya. Lalo na ang kanilang mga tauhan.
Pero wala akong maaring mapagpilian para kahit paano ay makatulong kila Nanay sa mga gastusin.
Napaka-importente rin sa akin ang pagpapagamot ni Tatay at mabili ang mga gamot na kailangan nitong e-take sa araw-araw.
Kaya kong magsakripisyo para sa aking pamilya. Kaya kong isakripisyo kahit pa ang aking mga pangarap para makatulong lamang kila Nanay at Tatay.
Dala-dala ang konting tapang at lakas ng loob ay namasukan nga ako bilang isa sa mga kasambahay ng mga Villamar.
Nakatoka sa akin ang paglilinis ng mga kuwarto ng magkakapatid na Villamar. Pati ang pagdidilig ng mga halaman at pagtulong sa kusina.
Tatlo silang magkakapatid na puro lalake. At kumpara sa panganay na puro bad record ang naririnig ko'y, kabaliktaran naman ang patungkol sa dalawang nakababatang Villamar.
Ang mga ito'y pawang mababait at may respeto sa kanilang kapwa. Marunong makisama raw ang mga ito, kahit pa sa mga ordinaryong mamayan.
Ang balita nga ay nakakahawig ng pangalawang binatang Villamar ang pag-uugali ng ama nito.
Kaya may haka-haka ang mga tao na marahil ay ito ang susunod sa yapak ng kan'yang ama sa larangan ng politika.
Natapos ang unang araw ko sa mansyon na mapayapa at makabuluhan. Napag-alaman kong wala ang panganay na Villamar ngayon sa mansyon. Nakahinga ako ng maluwag dahil do'n.
Nasa Maynila raw ito ngayon, at dinalaw ang isang pinsan.
Nakilala ko ang dalawa pang magkapatid na Villamar at tunay nga ang mga naririnig ko patungkol sa mga ito.
Pawang mababait at marunong makisama ang mga ito, sa mga tao.
Sa unang araw nga lang ng pagtatrabaho ko sa mga ito ay naging malapit na ako sa bunsong Villamar.
Marahil ang dahilan, ay ang pagkakalapit lang din ng mga edad namin. Halos magkasing-edad lamang kasi kami!
Labing walong taon gulang pa lamang ito, at panganay lamang ito sa akin ng isang taon.
Palakaibigan at higit sa lahat ay napakaguwapo!
Ito pa lang yata ang pinakaguwapong nilalang na nakilala ko sa tanang buhay ko.
Bukod s'yempre sa ilang paborito kong artista at mga modelo na nakikita ko lamang sa tv!
Napakaguwapo rin naman ng pangalawang Villamar, pero para sa akin ay mas nakakahigit ang bunso.
Siguro dahil mas malapit ito sa akin at mas nakakasalamuha ko ng madalas. Gan'on nga siguro. Syempre pa medyo ka-close mo, manok mo!
Mabait naman ang pangalawang Villamar, ngunit may pagkaseryoso. Idadag pang, laging sa pag-aaral at sa politika ang tanging interes at bukam-bibig nito.
***
Lumipas ang isang linggo kong pamamalagi at pagtatrabaho sa mga Villamar na magaan lang naman ang pakiramdam.
Kayang-kaya ko naman ang mga naka-atang na gawain para sa akin.
Medyo malaki-laki naman ang sinasahod ko. Kaya naman naisip kong, mas mabuti na itabi ko ang iba.
Gusto kong pag-ipunan ang lupang naisangla ni Tatay kay Don. Manulo. Isa sa mayamang haciendero dito sa probensya namin.
Nang magkasakit si Tatay noon, ay napilitang isangla ng mga magulang ko ang lupang minana pa ni Tatay sa yumao nitong mga magulang.
Alam ko kung gaano kahalaga para kay Tatay ang lupang iyon. Alam ko at nararamdaman ko ang lungkot ni Tatay nang isangla nila ang lupang iyon para lamang pangbayad sa ospital.
Nangingiti ako habang hawak ang hose ng tubig at dinidiligan ang mga halaman sa likurang bahay.
Nangangarap na naman kasi ako, na matatapos rin ang pagsubok na ito sa buhay namin at balang araw ay makakaahon rin kami sa hirap. Matutupad ko rin ang aking mga pangarap!
Makakapagtapos rin ako sa kolehiyo!
Nasa ganoon akong pagmumuni-muni, nang maramdaman ko ang wisik at lamig ng tubig sa may batok ko.
At dahil sa gulat, at sa lamig ng tubig na dumantay sa balat ko ay talagang napatili ako.
Mahaba ang buhok ko at hinati ko iyon sa gitna at tinali gamit ang goma. Med'yo fan kasi ako ni Dong Shancai ng Meteor Garden kaya, laging nakatali ang buhok ko ng gano'n.
Pakiramdam ko kasi, tumatapang din ako tulad ng kaniyang character.
Awtomatikong napasimangot ako nang paglingon ko ay mabungaran ko ang tawang-tawang mukha ni Zackie, ang bunso sa magkakapatid na anak ni Governor.
"Ang sama mo! Alam mong ang lamig-lamig eh!" ang nakasimangot kong reklamo.
Nakita ko ang hawak nitong baso ng tubig na nagpapawis pa sa lamig.
"Parang ka kasing ewan d'yan! Kanina pa kita tinatawag pero hindi ka nakikinig. Nangingiti ka pa d'yan na parang tanga!" ang natatawa muli nitong sabi na lalong kinahaba ng nguso ko.
"Tanga ganon?" ang naka ngisi ko ring tanong. Habang marahang inihaharap sa kaniyang dereksyon, ang water hose kong hawak na ginagamit ko sa pagdidilig.
Nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya at ang pagiging alerto. Mabilis itong tumakbo palayo sa'kin ngunit dahil pinihit ko ang bukana ng hose para maging mas malakas ang buga ng tubig ay inabot pa rin nito si Zackie.
Bahagyang nabasa ang damit nito ngunit hindi naman ito nagalit bagkus, ay panay ang halakhak nito.
"Hoy tama na! Ikaw naman oh, hindi ka na mabiro!" ang natatawa pa rin nitong sabi.
May pilya ngiti akong inaamba kunwari ang hose muli sa dereksyon n'ya para basahin siya pero hindi ko naman tinutuloy.
Nasa ganoon tagpo kami ng may biglang--
"Zackie!" isang dumadagundong na boses ang pumukaw sa amin.
Sabay pa kaming napalingon. Malaki ang boses nito at malalim.
Hindi ko kilala ang nagmamay-ari ng boses na iyon pero aaminin kong, sa boses pa lamang nito ay nakaramdam na agad ako ng matinding pinaghalong takot at nerbyos!
Matinding kaba ang biglang gumapang sa aking dibdib.
Napalunok ako nang paglingon namin ay makita ko ang isang lalake na nakasandal sa hamba ng pintuang papasok sa sala.
Nakakrus ang dalawang braso sa ibabaw ng dibdib nito.
Nakakunot ang noo nitong nakatingin sa amin.
Tinanggal nito ang mga kamay sa pagkakahalukipkip at marahan ang lakad na lumapit ito sa aming kinaroroonan.
Mas lalong binalot ng takot at nerbyos ang dibdib ko nang mapagmasdan ang kabuan ng napakatangkad na lalake iyon.
Lalo na nang makalapit ito sa'min ay ramdam na ramdam ko ang panliliit sa sarili.
Sa pakiwari ko ay lampas anim na talampakan ang taas nito.
Malapad at malaki ang pangangatawan nito na mamasel-masel.
Kitang-kita ko iyon sa suot n'yang puting t-shirt na hapit sa kaniyang katawan. Naka-short lamang ito.
Kapansin-pansin ang dami ng tattoo nito sa kaniyang mga braso at binti, mayroon nga rin ito sa may leeg.
Katulad ng dalawang nakababatang Villamar ay guwapo rin ito kung ang pagbabasihan ay itsura.
Despite his tattoos, na ayaw na ayaw ko sa isang lalake dahil narurumihan ako ay hindi ko maitatangging ang nakatatandang Villamar ay umaapaw rin sa kakisigan.
Kahit pa medyo nalalayo ang itsura nito sa dalawang nakababatang Villamar.
Ang panganay ay mas nahahawig kay Governor, samantalang ang dalawang nakababatang Villamar ay mas malaki ang pagkakahawig sa kanilang ina.
Ngunit aaminin kong mas gusto ko ang awra ng dalawang nakababatang Villamar.
Ang panganay na Villamar ay may taglay na kakaibang awra na siyang kinaiilagan ng lahat.
At ngayon nakaharap ko ito sa unang pagkakataon, ay napatunayan ko ngayon kung bakit iniilagan at kinakatakutan nga ito.
"Sino ka?" ang walang kaemo-emosyon nitong tanong. Sa akin siya nakatingin.
Bahagyang nakakunot pa rin ang noo sa akin.
Grabe ang kabang biglang sumalakay sa aking dibdib.
Ibubukas ko na lamang ang aking bibig nang sansalahin ni Zackie ang pagsagot.
"Ah Kuya, s'ya nga pala si --"
"Hindi ikaw ang kinakausap ko! Pasok sa loob! Puro harutan! Nagsasayang ng tubig!" Kahit hindi nito sabihin sa akin ng deretso, alam ko at ramdam kong ako ang mas pinatutungkulan nito. Agad kong pinatay ang tubig mula sa hose.
Magkakasunod ang paglunok ko. He sounds annoyed and mad. Nakakahiwa rin ang pinukol nitong tingin sa kapatid.
Nagkakamot sa batok na pumasok sa loob ng mansyon si Zackie at naiwan akong nanginginig na ang katawan dahil sa nerbyos.
Maya't-maya ang pagsirko ng puso ko. Paano ko pakikitunguhan ang isang tulad nito?
Ngayon ko na-realize na tapos na ang masaya at tahimik na mga araw ko sa mansyon!
The Beast is here...
The Beast is back!
Lalo akong inatake ng kaba at takot nang tuluyan nang makapasok si Zackie sa loob at hindi ko na matanaw.
Naiwan akong mag-isa. Naiwan akong mag-isa na parang pain sa isang malaking sawa!
Parang gusto kong umiyak nang mga sandaling iyon.
Ang maiwang mag-isa kasama ang isang lalaking tinaguriang rapist ay talagang nagbibigay sa akin ng matinding kilabot.
Nakita ko ang malawak n'yang ngisi na lalong nagbigay ng kilabot sa dibdib ko.
Nag-umpisang manginig ang magkabilang tuhod ko ng marahang humakbang ito palapit sa akin.
Nahihirapan akong huminga sa sobrang kaba.
Pero bago pa ako mawalan ng ulirat sa sobrang takot ay narinig ko ang boses ni Senyorito Zyron, ang pangalawa sa tatlong magkakapatid.
"Andyan ka lang pala, Tasha. Kanina ka pa hinahanap ni Nanay Gloria, magpapatulong yata sa kusina." Agad kong binitawan ang water hose at nagmamadali ang mga paang humakbang sa dereksyon papasok.
Ni hindi ko tinapunan ng tingin ang panganay na Villamar at nilampasan ito. Pero bahagya akong napahinto sa tapat ni Senyorito Zyron.
"Senyorito, mamaya ko na lang po aayusin 'yong water hose na ginamit ko," ang kimi at mahina kong sabi. Marahan lamang itong tumango sa'kin habang may tipid na ngiti sa labi. Nakayukong naglakad na ako ng mabilis papasok sa loob ng mansion.
AN: Readers do me a favor, you could help this book a better exposure in the app by just giving moon ticket. So, please support this book, thank you so much everyone. I love you all ❤️❤️❤️???